You are on page 1of 1

HEADSET

By: Mark Anthony M. Artis

Maiingay.
Oo, sadyang napakaingay.
Paligid ng pinaghalu-halong tunog,
May kabuluhan at mga sinadyang ingay.
Oo, sadyang napakaingay.
Maingay.
Makasarili.
Oo, sadyang napakasarili.
Sa kabila ng napakaingay na mundo,
May tainngang namimili ng gusting tunog.
Namimili kang anong gusting pakinggan.
Oo, makasarili.
Makasarili.
Sariling tunog na dumaloy mula sa eloktronikong batya
Ng komunikaasyon, pagpapakilala at pantsya.
Sariling tunog na lumabas na umapaaw sa espasyo
Ng mga taingang lumalasap sa bawat ritmo at musiko.
Naging makasarili yaong tainga,
Walang ibang pinakinggan kundi ang sarili niya.
Pinagtabuyan ang mga kumakausap sa tuwina
Natutong kumurap at pumintig sa sariling pulso
Natutong bumahagi sa sariling mundo
At namuhay sa pananagutan ng saling gusto
Sa napakaraming pinagpipiliang musiko.
Ito ba?
Ito ba ang kasagutan sa ingay sa kapaligiran?
Ito ba?
Ito ba ang nagbibigay kulay sa mundong akala mo ay matamlay?
Ito ba?
Ganito ba?
Ganito ba ang mundong nais mo?
Ganito ba?
Maingay.
Makasarili.

You might also like