You are on page 1of 3

Kabanata 23

Ang Pangingisda

Ipinasa ni : Janelle Nacis


Ipinasa kay : Mrs. Maria Cecilia Bartolome
Ipinasa Noong : Pebrero 9 , 2016

Kabanata 23 :Ang Pangingisda


Tauhan :
Maria Clara Piloto Humuli ng buwaya
Ibarra
Sinang
Tiya Isabel

Iday
Victorina
Albino
Neneng

Tagpuan : ilog
Simula :
Madaling araw pa lamang ay masigla ng nagsisigayakan ang mga
kababaihan at kabinataan para sa kasiyahan sa araw na iyon.
Magkakasamang naglalakad ang mga kababaihan, hiwalay sa kalalakihan.
Kasama rin sa piknik na iyon ang mga kawaksi at matatandang babae.
Sasakay sila sa dalawang bangka habang mangingisda sa ilog.
Magkakasama ang matatalik na magkaibigan na sina Maria Clara, Iday,
Victorina, Neneng at Sinang sa isang bangka. Hindi mapigilan ang kanilang
mga tawanan at kwentuhan, bagay na nag-uudyok kay Tiya Isabel upang sila
ay sawayin.
Gitna :
Makalipas ang ilang sandali ay nagkaroon ng butas ang bangkang
sinasakyan ng mga kalalakihan kung kaya't sila ay napalipat sa bangka ng
mga dalaga. Nagkaroon naman ng katahimikan sa panig ng mga dalaga
sapagkat sila ay inatake ng hiya. Si Elias naman ay patuloy lamang sa
pagsagwan sa bangka. Upang hindi mainip at maaliw ang lahat, umawit si
Maria ng Kundiman at ang lahat ay parang idinuyan sa awitin. Malapit ng
maluto ang agahan, kung kaya't gumayak na ang mga kalalakihan upang
mangisda.

Wakas :
Sa kasamaang palad, ni isang isda ay wala silang nahuli sapagkat may
buwayang naroroon. Nabahala ang mga kababaihan sa paglitaw ng buwaya
at lalo na ng nilundag ito ni Elias. Naglaban ang dalawa sa ilog, ngunit higit
na malakas ang buwaya. Kagyat namang lumundag si Ibarra sa tubig upang
tulungan si Elias. Napatigagal naman si Maria sa ginawang iyon ni Ibarra, at
tila ba tumigil na rin ang kanyang paghinga. Natalo naman ng dalawa ang
buwaya at nagpatuloy sila sa pangigisda hanggang sa sila ay makahuli ng
sariwang isda. Masayang nananghali ang mga magkakaibigan sa ilalim ng
mga puno malapit sa batisan.

Talasalitaan :
Napagtigagal napatigil
Nilundag
Idinuyan
Kawaksi - kasambahay , katulong

You might also like