You are on page 1of 11

Researcher: Natry nyo nap o bang itigil manigarilyo?

Participant: Oo. Dati.


Researcher: Kailan po yung dati na yun?
Participant: Mga 1 year na siguro.
Researcher:Nung sinubok niyo pong itigil ano po ang nangyari noon
Participant: Okay naman. Magaan naman yung katawan ko. Gumaan naman yung
katawan ko.
Researcher:Bakit niyo po tinigil?
Participant: Ano kasi yun eh nagkatrangkaso ako nun tapos tinigil ko mga isang
lingo eh laso nung nakakita ako ng mga naninigarilyo ano ulit parang tinutukso ka
kasi nila pagka ano eh.parang masarap manigarilyo ayun nagdirediretso na naman
Researcher:Ano pong feeling nyo nun noong wala po kayong sigarilyo ng isang
linggo?
Participant: Maano. Magaan yung katawan ko nun saka malakas.
Researcher:Ano po ba satingin nyo mahirap po bang tumigil o madali lang itigil ag
bisyo na ito?
Participant: Kaya naman depende din sa naninigarilyo kung gusting tumigil
Researcher:Ano po bang strategy yung ginamit nyo para tumigil kayo maiwasan
yung buisyo
Participant: De kasi nun ano eh candy tsaka yun pinipilit ko nanga ano wag
manigarilyo para dahil nga nagkasakit ako nun yung panlasa ko nagiba.
Researcher: Ano po bang sakit yun?
Participant: Trangkaso po.
Researcher:Ano naman po ang maipapayo ninyo sa mga naninigarilyo
Participant: Ano ah try din nila kung tumigil kung kakayanin kung gugustuhin nila
nasa sakanila naman yun eh.
Researcher:Nakakailang stick po ba kayo sa isang araw?
Participant: Lima sampu ganyan.
Researcher:Ilang taon po kayo nung una kayong nanigarilyo?
Participant: 17.
Researcher:Eh ilang taon po kayo noong tumigil kayo?
Participant: Nasa 25 ako nun
Researcher: Sige po sir marami pong saamat at pasensya nap o sa abala.

67Gano katagal nap o kayo naninigarilyo sir?


Matagal na mga 30 years.
Hindi ninyo po ba tnry itigil ung paninigarilyo?
Tnry ko.
Kailang po yun
Hindi ko na matandaan.
Ano po ang ginawa ninyo noon noong kayo ay tumigil sa paninigarilyo?
Kumain ng candy.
Gaan katagal po ninyo naitigil yon?
Mga isang buwan.
Ano po ang nangyari at bumalik po kayo sa paninigarilyo?
Ay hindi ko mapigil.
Bakit po?
Masarap kasi manigarilyo. Hinahanap hanap.
Ano po ang nangyrari sa katawan po ninyo nung tumigil po kayo?
Parang nakaluwag sa paghinga ko.
Wala pa namn po kayong karamdaman?
Wala wala pa.
Ano po sa tingin ninyo sir yung nagpahirap para itigil talaga yung paninigarilyo?
Parang nga naadik na ako sa kwan sa paninigarilyo.
Ngayon po nakakailang stick nap o kayo?
Ako kaunti nalang. Mga labing limang stick maghapon.
Ilang taon po kayo noong una po kayong nanigarilyo?
Hayskul pa lang ako ay tumitikim tikim na ako.
Sige po marami pong salamat sa oras.

Pwede po ba kayo mainterview para poi to sa thesis. Tungkol lang po sa


paninigarilyo?
Sige okay lang.
Tanung ko lang po gaano kadalas po ba kayo manigarilyo?
Dati nakakaisang kahaa ako sa isang araw ngayon mga anim na stick nalang.
Hindi ninyo po ba tnry itigil yung paninigarilyo?
Gusto ko ng itigil kaya lang mahirap biglain eh.
Para sainyo po ba mahirap po ba yung pagbabago?
Hindi naman, nasa tao naman yun eh. Kung talagang gugustuhin mo kaya nga
pinipilit ko na maano kasi ano gastos din.
Ano pong strategy yung ginagamit ninyo ngayon para mabawas bawasan yung
paninigarilyo.
Dinadaan ko nalang sa pamamasada. Saka candy din tapos kain ng kain para
maano yung yosi. Yun lang.
Kalian po kayo nagumpisa manigarilyo?
Nung 17 years old ako eh 36 na ako ngayon.
Nakakailang stick po kayo ngayon kumapara sa dati po?
Ngayon 6 na stick dati mga 20.

Binalak po ba ninyo itigil ang paninigarilyo?


Kaya naman itigil eh.
Natry nyo nap o?
Oo nitong kwan lang 2015.
Ano po ang nagging dahilan para itigil po ninyo iyon?
Kasi gusto ko din ma kwan, pag ka kasi naninigarilyo ako medyo sumisikip din ang
dibdib ko. Pero gust

Dati po naninigarilyo kayo sir?


Oo
Kailan po?
Nung highschool hanggang nung nakapag asawa ako.
Kalian ninyo po sya tinigil sir?
Nung nagkaanak na ako mga 2007
Bakit ninyo po sya tinigil?
Eh kasi yung anak ko pagka ano inuubo pagkanagsisigarilyo ako eh pinapacheckup
ako syempre pag ka nilalagnat ipapacheck up mo yung anak mo unang tinatanong
kasi ng mga nars o mga doktora dun sa ano may naninigarilyo p ba sainyo? Sabi ko
ako po. Ay kasi po yung bata po maselan po yung ano nalalanghap niya po yung
usok. Baka kung pwede ika unti unti itigil ninyo hanggang sa inunti unti ko nga hindi
naman yung biglaang hinto hanggang sa kunwari sa isang araw nakakatatlo ako o
lima hanggang sa naitigil ko naman. Eh ngayon na lumaki na yung anak ko kahit
papano naman hindi pa dn naitigil yung bisyo. Kahit paisa isa pag nagiinom.
Nakaktikim pa rin ako.
Ano po sa tingin ninyo yung strategy na ginamit ninyo para maitigil talaga yung
bisyo na iyan?
Eeh sa kin yun lang naman parang inano ko sa bata para wag na syang magkasakit.
Ano pong maipapayo nyo sir sa mga naniningarilyo po ngayon?
Kaya naman iwasan dahil hawak mo rin namna yung desisyon eh.

16

Researcher: Gano katagal nap o kayo nainigarilyo sir?


Participant: Ah mula nung hayskul pa.
Researcher:Hindi ninyo po ba tnry tumigil sa paninigarilyo?
Tnry ko.
Researcher: Kelan ninyo po tnry?
Nung last year lang.
Researcher:Bakit ninyo po tnry?
Iniwasan ko lang kasi may nararamdaman ako eh.
Researcher: Ano pong nararamdaman ninyo nay un?
Ah kwan hingal.
Researcher: Hindi po ba kayo nagpatingin?
Nagpatingin ayun ang sabi ng doctor itigil ko raw. Itinigil ko.
Researcher: Paano po niyo tinigil.
Inunti unti ko lang hindi ko naman totallyng binigla. Nagcacandy ako.
Researcher: Pero nag yoyosi parin po kayo kahit pakonti konti?
oo.
mga ilang stick po.
Researcher: Nung time nay un nakakaanim sa maghapon dati isang pack ako.
Researcher: So ano po sa tingin ninyo sir yung nagpahirap dun sa pagtigil sa bisyo
nay an?
Syempre yung nararamdaman ko na medyo iba yung dating. Hingal mo paninikip ng
dibdib.
Researcher: Para sainyo po sir mahirap po ba o madali tumigil sa paninigarilyo?
Hindi namn kasi lahat pare pareho ng ano yan e. nasa oagkatao narin naming yan
eh. Kung tutuuisin talaga mahirap alisin dahil nga isa pa talagang iyan ang hobby
namin, mahirap para sa akin pero kung talagang tutuusin mahirap bakit hnd diba.
Researcher: Ano po bang strategy yung ginamit ninyo nung tumigil po kayo?
Candy lang. pagka may time kasi na hindi naman sa sinasabi ko na lahat dumi ay
mabango yun kapag nag ccr ako ayoko na ng sigarilyo kasi ayoko din maamoy yung

sarili kong dumi. Para bang naglalaway ako. Pagka kasi parang hindi ako
nakakatikim ng yosi parang ayun oo.
Researcher: Ano naman po yung maipapayo ninyo sa mga nainigarilyO?
Eh kahit naman siguro sabihan ko na ganun itigil nila eh nasa sakanila na rin yun.
Kahit na sabihin mong masama sa kalusugan yan ey nasa sakanila yun.
Researcher: Pero sir bakit po bumalik kayo sa paninigarilyo?
Eh ayun nga dahil hindi ko matiis.
Researcher: Nakakailang stick po kayo sa isang araw.
Ay sa ngayon bumalik ako sa lakas nakaka kalahating kaha.
Researcher: Ilang taon nap o ba kayo?
Ah up to now 50.

Naninigarilyo po ba kayo?
Ay oo
Hanggang ngayon po?
Syempre. Di ko naman kinakaila eh.
Tatanung ko lang po, tnry ninyo po bang tumigil sa paninigarilyo sir?
Tnry ko pero nahirapan ako.
Kelan ninyo po tinigil?
Tagal na siguro mga bente dos anyos palang ako eh ngayon 46 na ako eh.
Bakit ninyo po tnry itigil?
Eh para bang gusto ko lang kung mapipigilan ko eh hindi ko napigil din pala.
Gaano katagal ninyo po naitigil?
Wala ano lang isang buwan lang eh. Ala rin.
Ano po ang nagtulak sainyo para itigil?
Ala lang para bang gusto ko lang kasi naglalaro pa ako ng sports nun eh. Eh nung
matigil ako sa sports bumalik nanaman ako dun sa paninigarilyo mas napalakas pa.
Bakit po bumalik kayo sa paninigarilyo ulit sir?
Eh ala eh libangan nalang kumbaga sa ano hindi naman malakas kaya lang parang
paano ano lang.
Ano pong strategy ang ginamit ninyo para maitigil niyo ng isang buwan ang
pagsisigarilyo?
Candy. Saka tubig yan.
Kalian po ba kayo madalas manigarilyo sir?
Pag nasa bahay pag nanonood ng t.v. libangan lang hindi naman talaga bisyo
halimbawa pag nasa bahay ka ganyan. Pag katas kumain pag nasa cr. O pag
nagiisip ka lang pag nagiinom. Pero atleast nababawasan naman hindi naman
madalas sa sigarilyo.
Ano naman po ang maipapayo ninyo sa mga naninigarilyo?
Eh ganun lang din pare parehas lang kami. Kumbaga sa ano kung kayang
magbawas mag bwas. Wag sagad saka mag vivitamins lang.
Nakakailang stick po ba kayo sa isang araw?
Siguro mga 10 pcs.
Ilang taon po kayo noong una kayong nanigarilyo?

Trese anyos.
Dahil po saan paano po kayo natuto?
Kabataan. Barkada. Mapusok di maiiwasan saka sa kapaligiran na din paglumaki
kasi sa lugar na medyo hndi naman magulo alam mo na crowded. Matututo ka
talaga.
Sir para sainyo po ba mahirap po bang tumigil sa bisyo nay an?
Hindi naman din siguro. Kung gugustuhin mo naman .
Nung kayo po nung tumigil po kayo nahirapan po ba kayo?
Sa umpisa mahirap pero pagkayari nun masasanay ka nalang din talaga na mawala.
Kaya lang sa kapaligiran na magulo hindi mo rin na maiiwasan.
Kalian po kayo tumigil sir ng paninigarilyo?
Siguro mga bente anyos ako. Isang buwan dalawang buwan lang wala na bumalik
ulit dahil wala na akong hilig sa basketball natigil sa sports

Sige po sir marami pong salamat.p

You might also like