You are on page 1of 4

Author: Maika Loise Dingal

Contact Number: 09052243176


E-mail: mddingal1@up.edu.ph
Address: 1604-L.M. Guerrero St., Malate, Manila

Ang Buwan
BONG! BONNGG! malakas ang tunog ng tambol ni Isko Basyong, ang mensahero ng buong
probinsiya.
Bilog na naman ang buwan. Mabilis ang pagtibok ng puso ng mga batang lalakeng kalahok
ng buwanang paligsahan.
Dumungaw sa bintana si Maganda upang tunghayan ang kakatwang paligsahan. Ang mga
kalahok na tila mumunting anino ay nagsisipunta sa kanilang mga pwesto.
ISA! Lahat ay tumitig ng maigi sa madilim na kagubatang kanilang tatahakin.
DALAWA! Sabay-sabay silang huminga ng malalim.
TATLO! Kumaripas ng takbo ang lahat ng manlalaro, na tila ba may humahabol sa
kanilang ulol na aso.
Pumalakpak si Maganda sa kanyang namasdan. Tumili naman ang kanyang mga kapatid na
sina Mayumi at Mahinhin. Pumasok ang kanilang ina sa silid.
Mga anak, bakit hindi pa kayo naghahandang matulog?
Nay, maaari po ba akong sumali sa buwanang paligsahan? tanong ni Maganda.
Alam mong ang buwanang paligsahan ay para lamang sa mga batang lalaki, sagot naman
ng nanay.
Bakit naman po? tanong ng bunsong si Mahinhin na boses ay kaytamis.
Dahil mahirap ang paligsahan na iyon, anak, sabi ng ina na sabay kiliti sa bunso.
Kailangan mong tumawid sa sapa, tumakbo paakyat ng bundok, umakyat ng puno at
magbuhat ng mabibigat na bagay.
Talaga? nanlaki ang mga bilog na mata ni Mayumi. Gusto ko ring tumawid sa sapa,
tumakbo paakyat ng bundok, umakyat ng puno at magbuhat ng mabibigat na bagay! sabi
niya habang kukurap-kurap ang mahahaba niyang pilikmata.
Hindi maaari para sa ating mga babae yan. Masusugatan lamang ang ating makikinis na
balat. Madudumihan ang ating magagandang mukha. Babaho ang mahalimuyak nating
buhok. Higit sa lahat, hindi kasinglakas ng lalake ang babae, tugon ng ina habang
sinusuklay ang makintab na buhok ni Maganda.

1 Ang Buwan

Nagtaka si Maganda kung bakit hindi maaaring sumali ang mga babae sa paligsahan
Araw-araw naman silang tumatawid sa sapa upang maglaba
Lagi naman silang umaakyat ng bundok upang magtanim ng kamote
Tuwing Sabado naman ay umaakyat sila ng puno upang pumitas ng mga prutas
At higit sa lahat ay linggo-linggo silang bumababa sa lalawigan dala ang mabibigat na buslo
kung saan nakalagay ang mga pinitas na prutas na kanilang ititinda.
Ano po ang napapanalunan sa buwanang paligsahan? tanong ni Maganda.
Napailing ang Nanay. Buong buhay niya ay hindi niya nalaman kung ano nga ba ang
gantimpala ng nagwawaging manlalaro. Nagtanim na lamang siya ng halik sa mga noo ng
tatlo niyang Maria.
Nang patayin ng nanay ang ilaw ay nanatiling dilat ang mga mata ni Maganda. Napaisip siya
tungkol sa gantimpalang naghihintay sa dulo ng paligsahan.
Baka naman maaaring mamasyal sa buwan ang kalahok na mananalo?
Tumitig si Maganda sa bilog na buwan. Hanggang sa muli, sabi niya dito.
At nanaginip si Maganda na siyay sumakay ng kabayo patungo sa buwan ng gabing yaon.

Binilang ni Maganda ang mga araw hanggang sa susunod na kabilugan ng buwan. Sa bawat
araw na lumilipas, nilalagyan niya ng ekis ang nakatalagang petsa sa kalendaryo.
Isang araw
Isang linggo
Dalawang linggo
At sa wakas ay natapos rin ang pagkainip ni Maganda. Nang sumapit ang gabi ay bilog na
naman ang buwan.

2 Ang Buwan

Habang mahimbing na humihilik ang kanyang mga kapatid, dahan-dahang umalis si


Maganda sa kama. Sa kadiliman ng silid, maingat niyang kinapa ang gunting sa mesa.
CHOKCHOK..CHOK isa-isang nahulog ang mga hibla ng makintab niyang buhok.
CHOK..CHOKCHOKCHOK Ang dating mahabang buhok ay kasing-ikli na ng buhok ng
lalake.

BONG! BONNGG! malakas na ugong ng tambol ni Isko Basyong.


Lumundag si Maganda mula sa bintana ng kanilang kubo. Tumakbo siya sa pinaroroonan
ng mga manlalaro. O kay sarap ng halik ng hanging tumatama sa kanyang pisngi! Tila
kumakaway ang mga punong saksi sa kalayaang ngayon lamang natamasa.
Ang mga kalahok na tila mumunting anino ay nagsipunta sa kanilang puwesto. Nang nakita
ni Maganda ang kanyang anino, ay tila ibang tao ang kanyang namasdan. Tila ito ay mas
matapang at mas malakas. Dahil kaya ito sa gupit ng kanyang buhok?
ISA! Si Maganda ay tumitig ng maigi sa madilim na kagubatang kanyang tatahakin.
DALAWA! Siya ay huminga ng malalim.
TATLO! Kumaripas siya ng takbo na tila ba hinahabol ng ulol na aso.
Nakarating si Maganda sa sapa. Tila musika ang tunog ng agos nito. Napapikit siya saglit.
SPLOK! natalsikan siya ng tubig sa mukha nang nagsitakbuhan sa sapa ang ibang
manlalaro.
Mabilis siyang humabol sa mga naunang katunggali. Binilisan niya ang pagtakbo, di bale na
kung sumusundot sa kanyang hubad na mga paa ang mga batong nakakubli sa ilalim ng
tubig.
Matapos lumampas sa sapa ay paunahan naman sa pag-akyat ang paligsahan. Tiningala
niya ang napakatayog na punong nararapat niyang akyatin.
Kumapit siya ng mahigpit sa pinakamalapit na sangang kanyang maaabot, matapos ay
buong pwersa na iniangat ang katawan hanggang sa di na mabilang ang dami ng sangang
kanyang nahawakan. Pagkarating niya sa dulo ay pinitas niya ang bunga ng puno. Kaytamis
ng kanyang tagumpay!

3 Ang Buwan

Ang natitira na lamang balakid ay ang bundok kung saan nakadungaw ang buwan.
Nararapat niya itong akyatin habang dala ang mabigat na buslo! Sa pagkakataong ito ay
iilan na lamang silang natitira na nagtutunggali para sa huling gantimpala.
Isinablay ni Maganda ang mabigat na buslo sa balikat. Tumakbo siya hanggang sa kumirot
ang kanyang paa, bumigat ang pakiramdam ng kanyang hita, at halos maubusan na siya ng
hininga.
Ngayon ay dalawa na lamang sila. Napakahigpit ng labanan! Papalapit na siya sa tuktok
nang siya ay matisod ng bato! Nadapa siya at nabaon ang mukha sa lupa.
Agad iniahon ni Maganda ang sarili sa lupang kinasubsuban. Huminga siya ng napakalalim
at tumakbo ng napakabilis-ang pinakamabilis na takbo sa buong buhay niya.
Di naglaon, naunahan niya ang kanyang katunggali at narating ang tuktok ng bundok.
Namangha siya sa kanyang namasdan. Napakalapit niya sa buwan! Ito ay napakalaki,
napakabilog at napakaganda!
Hinalikan ni Maganda ang buwan. Dahil sa buwan, natuklasan niya ang kanyang lakas.
Ngayon, alam niyang hindi niya kailangang maging lalake upang magtagumpay sa
paligsahan ng buhay.
Tumitig siya sa bilog na buwan. Hanggang sa muli, sabi niya dito.
At nanaginip si Maganda na siya ay namasyal sa buwan ng gabing yaon.

4 Ang Buwan

You might also like