You are on page 1of 6

Relasyon ng Muslim at Amerikano sa Pilipinas

(1899-1920)
Panahon ng Pagkakasakop ng Hukbong Amerikano

Nangyayari ang pananakop ng militar sa Moroland dahil gusto ng mga Amerikano na


makikita ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu na ang United States na ang kataas-taasang
kapangyarihan sa Pilipinas. Ninais ng mga Amerikano na walang kinikilingan ang mga Muslim
sa mga labanan na nangyayari sa mga lalawigan sa hilagang bahagi ng Mindanao.
Nakipag-ayos ang mga Amerikano sa Sulu Sultanate sa kasunduang Bates Agreement.
Merong mga magkatulad na kasunduan na natutupad ng mga sultan sa ibat-ibang bahagi ng
Mindanao at Basilan. Sinasabi sa Bates agreement na dapat kilalanin ng mga Muslim ang kataastaasang kapangyarihan ng mga Amerikano at puwede silang isakdal ng mga krimen nila laban sa
mga non-Muslim Filipinos. Sa paningin ng mga Amerikano ay nagbigay ito ng kapayapaan para
sa mga Muslim. Ngunit magkaiba ang paningin nito ng mga Muslim Filipino. Naniniwala ang
mga Muslim na inihihiwalay ang mga Amerikano sa kanilang mga gawain at garantiya na
mananatili pa rin ang kanilang pamumuhay.
Ang pagtrato ng mga Amerikano sa Muslim ay kagaya ng pakikitungo nila sa mga North
American Indians. Ang trabaho lamang ng hukbong amerikano ay ipananatili na mapayapa ang
pamumuhay ng mga Muslim. Hindi nila puwedeng pinsalain ang mga pangyayari ng mga
Muslim.
Ang pagsasagawa ng kautusan ng mga Amerikano ay hindi naparating ng maayos. Hindi
nalagyan ng mabuting pagsisikap ang pagtuturo sa mga Muslim dahil sa noninterference policy.
Nayayamot ang mga military authorities nito dahil ayaw nila ang ibang pamaraan ng mga
Muslim at gusto nila tong babaguhin. Kagaya ng pang-aalipin ng mga sultan sa kanilang mga
tagasunod. Sa paningin ng mga Amerikano na ito ay hindi mga sibilisado na pagsasagawa. Dahil
sa non-interference policy, hindi na-achieve ng militar ang pagsasagawa ng mga mandates.
1

Pinag-aralan ng mga opisyal ng pamahalaan ang kondisyon ng mga Moro at sila ay


bumalangkas ng mga patakaran para sa kinabukasang pamamahala ng Mindanao at Sulu.
Nagtatayo sila ng mga ospital at kilinika ang mga Amerikano. Gumawa sila ng mga daan para sa
kabutihan ang mga Muslim. Ang kadalasan sa mga daan ng Mindanao ay ginagawa para abutan
ang mga Muslim at puwede rin itong tignan na isang simbolo ng kaugnayan ng mga Amerikano
sa kanila.
Marahil hindi lahat ng ginagawa ng mga Amerikano para sa mga Muslim ay tinanggap
ng maayos. Mga halimbawa nito ay ang tax, land surveys at census. Iniisip ng mga Muslim na
ang mga gawaing ito ay nagmukhang tinangkang pinsalain ang kanilang relihiyon at ang
kanilang pamumuhay. Ipinagtanggol ng mga Muslim ang kanilang buhay, pamayanan, at pag-iral
kung may mag-tangka na mananakop at pang-aapi.
Dahil nito, may mga labanan na nangyayari para ipagtanggol ang kanilang pamumuhay.
Ang nagiging reaksyon ng United States nito ay isa itong act of defiance sa kanilang kataastaasang kapangyarihan. Ang lumalaking populasyon ng mga Amerikano na pumunta sa
Moroland ay nagdagdag sa hindi mabuting samahan ng dalawang kultura na kadalasan ay hindi
magkasundo. Nagdesisyon ang United States na sila na ang magkontrol ng mga Muslim sa huli.
Nang isinagawa ito sa Moroland, ay nagiging lalong masama ang labanan.

Probinsya ng Moro 1903-1913


Ang Philippine Bill of 1902 ay pormal na nakatuon sa Estados Unidos upang tulungan na
makamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan lalo na sa katimugang bahagi ng Mindanao. Ito ay
isang batas na nagbigay ng pansamantalang pangangasiwa ng bansang Amerika sa isla ng
Pilipinas. Ang sibil at militar na awtoridad ng Amerikano ay nagsimulang nagpatupad ng mga
patakaran sa mga lupaing sakop ng mga Moro. Sila ay nagpasya na buwagin ang patakaran ng
di-panghihimasok upang isanay sa direktang pamamahala ang mga Moro tungo sa paghahangad
na sila ay isama sa katawang pulitiko ng Pilipinas. Ang desisyon upang isanay sa direktang

pamamahala ang mga Muslim ay nagresulta sa pagpapawalang-bisa ng Kasunduang Bates noong


1903 at dito rin umusbong ang pagpapatupad ng militar na pamahalaan ng mga Amerikano.
Ginawang batayan ng mga Amerikano ang politico military district na sistema ng
mga Espanyol upang maitatag ang probinsya ng Moro. Ang balangkas sa pamamahala ng
probinsya ay angkop para sa tuwirang pagpapatupad sa pamamahala sa mga Muslim. Ang mga
opisyales ng pamahalaan ay maingat na pinili ng mga Amerikano. Halos lahat ng mga opisyales
na naitalaga sa mas mataas na posisyon ay mga sundalo. Ilan nman sa mga Amerikanong sibilyan
ay naitalaga bilang tagahukom at tagapangasiwa ng eskwelahan. Sa loob ng sampung taon, ang
gobyerno ng probinsya ay hindi nagpatupad ng patakarang pampulitikal dahil ito nasa ilalim ng
direktang pangangasiwa ng Gobernador-Heneral ng Maynila at Komisyon ng Pilipinas na
pinangungunahan ng mga Amerikano hanggang 1913.
Ang sunud-sunod na mga tagapamahala ng probinsya ng Moro na sina Heneral Leonard
Wood, Tasker Bliss at John J. Pershing ay mga taong may pambihirang kakayahan. Sila ay
binigyan ng malaking papel na pangasiwaan ang kalagayan ng mga probinsya ng Moro.
Binigyan din sila nang kapangyarihan mula sa pangasiwaan ng Manila bilang isang kinatawan
maging responsible sa mga kinalabasan.
Ang probinsya ng Moro ay nagbigay ng karagdagang pagkakataon na ipatupad ang mga
nais ng Amerikano. Sa ilalim ng mga Amerikanong pangangasiwa, ang mga napiling pinuno na
Moro ay binigyan ng limitadong kapangyarihan sa pulitika. Ang pang-aalipin ay ginawang hindi
makatarungan. Ang mga tao dito ay protektado ng mga lider ng tribo mula sa paniniil. Ang
programa ukol sa mga pampublikong gawain ay pinalawak at nadagdagan, ang mga paaralan at
mga ospital ay itinayo. Higit sa lahat ang pagsasaka at pangangalakal ay hinimuk. Bilang bahagi
ng programa sa "sibilisado", ang mga Kristiyano Pilipino mula sa hilagang lalawigan ay
hinihikayat na manirahan sa lupain ng Moro. Naniniwala din ang mga opisyales ng Amerikano
na mahalaga na masanay ang mga Muslim na Pilipino sa pagbabayad ng buwis bilang suporta sa
pamahalaang panlalawigan. Alinsunod dito, ang cedula (head-tax), property tax at ang road tax.
Pinagtibay din dito ang patakaran ng pagalang sa Islam na relihiyon ng mga Pilipinong Muslim
sa kondisyon na hindi sila sasalungat sa batas ng Amerika.
Ang Amerikanong militar na pamahalaan ng Moro Province mula 1903 hanggang 1913
ay nananatiling isang mapait na bahagi ng kasaysayan ng U.S military. Malinaw na ang mga
diskarte na ito ay sa pagpapatupad sa ilang mga paraan kung hindi matugunan ang mga layunin
3

ng pamahalaan militar. Isang pagsusuri ng mga diskarte na nagpapaliwanag kung bakit ito
kinuha, kaya mataas ang pagpapatupad upang matugunan ang mga layunin ng gobyerno. Ang
aktwal na mga diskarteng gobyernong militar ng Amerika ay upang tumutok lalo na sa unang
pagtatayo ng sistema ng pamamahala na sinusundan sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng
ekonomiya suportado ang edukasyon upang bilang isang paraan ng pagkontrol ng mga Moro.
Gayunpaman, banta sa seguridad at marahas na oposisyon patuloy na hinahadlangan na diskarte
sa gayon na ang nais na huling estado ng pasipikasyon at pagpapahayag sa pamahalaang
Amerikano ay maaaring hindi itinatag. Datapwat, bilang pagsisikap sa isang mas malawak na
buong diskarte ng gobyerno, sa katapusang operasyon ng militar ay naging ang pangwakas na
paraan para sa pagtatapos at lumaban ang moro sa awtoridad ng amerikano. Naging kasangkapan
man ang Sultan ng Sulu sa mga Amerikano, may mga datu at indibidwal na hindi naniwala sa
ipinakitang kabutihan ng mga banyaga sa lugar. General Leonard Wood (Unang goberndor
militar noong 1903-1906) nag aklas ng malaki na responsibilidad para sa pagtatag ng unang
diskarte ng gobyernong militar. Diskarte ni Wood ay upang tumuon sa pagtaguyod ng isang
sistema ng pamamahala para sa lalawigan ng Sulu. Siya ay naniniwala na ang mga Moro ay
maluwag na lumipat mula sa kanilang mga kaugalian at tradisyonal na paraan ng bagong sistema
sa Amerikano na pinapakita nila ang mga benepisyo ng mabuting pamamahala.

Departamento ng Sulu at Mindanao


Nakuha ng Estados Unidos ang Pilipinas mula sa mga Espanyol noong taong 1898,
ngunit walang mahalagang bagay na nangyari hanggang sa taong 1904, sa pagsisikap na
maiangat ang kalagayan ng mga katutubong mamamayan ng Moro Province sa ilalim ng
kapangyarihan ng Amerika.
Nagtapos din ang pagsisikap na ito ng Estados Unidos na itatag ang kanilang
kapangyarihan sa Mindanao. Noong taong 1914, nabuwag ang lalawigan ng moro at pinalitan ng
bago na tinatawag na departamento ng Mindanao at sulu bilang isang bagong ahensya ng mga
amerikano para sa mga muslim sa ilalim ng kanilang kapangyarihan at administrasyon. Bago pa
nabuwag ang lalawigan ng moro, si frank W. carpenter ang naging unang sibilyang gobernador
sa lalawigan. Umiiral sa pamahalaan ng pilipinas ang departamento ng sulu at Mindanao dahil sa
panahong iyon wala pang pambatas na pagkilala sa mga kostumbre at mga institusyon ng mga
4

muslim sa pilipinas. Sa pananaw ng mga pilipinong moro isang panganib para sa kanilang
katayuan sa pulitika ang mabisang pilipinisasyon ng serbisyong sibil at ang pagkakaroon ng
sasapit na kalayaan ng pilipinas, dahil sa ang pamahalaan ng isang malayang pilipinas ay
mapapangingibabawan ng mga kristiyano.
Sa ilalim ng pamumuno ni Frank W. Carpenter sa deparatamento, lumaki ang
responsiblidad ng mga kristiyano sa pamahalaang moroland nahati ang departamento sa pitong
lalawigan kabilang dito ang Cotabato, davao, sulu zamboanga , bukidnon at agusan. Sa kanyang
pamumuno ay umunlad ang pamahalaan ng pitong lalawigan at lumawak ang sentralisadong
administrasyon at umunlad rin ang pamahala sa pampublikong serbisyo sa mga lalawigan.
Maraming eskwelahan ang naipatayo at ang mga Muslim pensionados (Government
scholarship awardees) ay ipinadala sa maynila at amerika upang magkarron ng mas mataas at
kalidad na edukasyon. Napaunlad rin ang mga Ospital at mga kalsada at ang mga muslim ay
binigyan ng malaking partisipasyon sa pamahalaang lokal at panlalawigan.Lahat ng pag-unlad na
naganap sa ilalim ng departamento ay walang pagbabanta sa tradisyunal at kultura ng mga
muslim. Noong taong 1920 ang departamento ay tuluyang nabuwag.
Sa unang dekada pa lamang ng pagtakbo ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas, ang
mga lalawigan ng mga Muslim sa Mindanao ay naging kapantay na ng anumang lalawigan sa
Pilipinas. Nagkaroon din ng maraming paglabag ang pamahalaan laban sa mga tradisyunal na
karapatan ng mga mamamayang Muslim at sa mga grupo ng mga minoridad na mga tribo sa
Mindanao, lalo na sa kanilang mga yamang lupa, kung saan ang mga kalupaan sa Mindanao ay
binuksan para sa mga dayuhang Kristyano na mula sa Visayas at Luzon.

Pagtatapos
Si Gobernador Pershing ay nagbigay ng kabuuang pananaw tungkol sa kanyang
panghuling termino niya bilang isang gobernador. Ayon sa kanya Up to the present we have
gone no further than to suppress crime, prevent injustice, establish peaceful conditions, and
maintain supervisory control.

Sanggunian:
MANDATE IN MOROLAND: THE AMERICAN GOVERNMENT OF MUSLIM
FILIPINOS 1899- 1920. By Peter Gordon Cowing. Quezon City: Philippine Center for
Advanced Studies, 1977.
Kunting, A. (2013). KALINISAN, LAKAS, AT TIBAY NG LOOB SA PRAKTIS NG
SABIL SA SULU NOONG DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO.

You might also like