You are on page 1of 1

PAG-IBIG PALA

Ngalan mong sa isipay tinig


Maging puso ikaw ang himig
Tanging ikaw ang pinipintig
Ano bang gustong iparinig?

Ang aruga moy ibang-iba


Nagdudulot sakin ng kaba
Tingin moy nakakapang-aba
Ang mga itoy normal nga ba?

Kalangitang puno ng bitwing


Tila ngiti mong nagniningning
Sa panaginip ala sining
Ano namanng nais iparating?

Kaugalian mong akibat


Pinakita kita sakin ng tapat
Wariy walang ikadatapawat
Ano bang nais isiwalat?

Hiwagang galing kay bathala


Di na kailangan pang manghula
Sakin naway ipinagpala
Sapagkat itoy PAG-IBIG pala.
~MacyAnneDiscar

You might also like