You are on page 1of 1

Traffic enforcer at 5 iba pa, patay sa sunod-sunod na aksidente sa daan sa South

Cotabato
KORONADAL CITY- Umabot na sa halos 6 ang patay sa sunod-sunod na aksidente sa
daan sa South Cotabato.
Huling binawian ng buhay kaninang madaling araw sa isang Hospital sa Davao si
Clarence Federiso isang Traffic Enforcer ng Koronadal City matapos mabundol ang
kanyang minamanehoang motorsiklo ng isang unit ng Yellow Bus Line, Inc. noong
nakaraang Mayo 12, ng madaling araw.
Kinilala din ang backrider nito na si Christine Joy Pagdato, 21 anyos, at resident ng
Prk. Kaunlaran, Brgy. Sto Nio, Koronadal City.
Ayon sa imbestigasyon, lasing si Federiso ng ihatid ang kanyang kasama na si
Pagdato. Habang binabaybay ang kahabaan ng Gensan Drive papunta sa bahay ng
kanyang kasama.
Mayo 11, patay din sa aksidente si Elmo Padernal ,39 anyos, at residente ng Tboli,
SoCot matapos bumangga sa kaparehong motor sa Brgy Improgo, Banga. Kalaunan
ay namatay din sa aksidente si Lester Jordan.
Mayo 13, Matatandaang patay din sa aksidente ang dalawang OJT ng The Farm @
Carpenter Hill pagkatapos mabundol ito ng isang unit ng Yellow Bus Line, Inc. noong
10:40 ng gabi araw ng biyernes.
Kinilala ang mga estudyanteng nasawi na sina Gladys Ann Paraaque,19 anyos, 2nd
year HRM student at si Jolo Miranda, 19 anyos, 3rd year student na parehong nagaaral sa STI Tacurong.
Mayo 14, patay ding isinugod sa South Cotabato provincial hospital si Carl John
Leonida, 18 anyos, at residente ng Poblacion, Sto Nino matapos mabangga ang
sinasakyang motor nito dakong 1:30 ng madaling araw.
Mayo 15, Nasawi din kagabi alas 8:25, ang isang Danny Camarias, 36 anyos, at
residente ng Brgy. Sto Nio, Koronadal City matapos bumangga ang kanyang motor
sa sumusunod na sasakyan.

You might also like