You are on page 1of 9

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan

1. PAYAK
Ito ay ipinalalagay na ang simuno.
Halimbawa:
Lubos na mahirapan ang mga walang tiyaga mag-aral.
2. PALIPAT
Ito ay may simuno at tuwirang layon.
Halimbawa:
Naglinis ng hardin si Nena.
3. KATAWANIN
Ito ay may simuno ngunit walang layong tumatanggap.
Halimbawa:
Ang matiyaga ay nagwawagi.

Aspekto ng Pandiwa
1. Pangnagdaan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing natapos na.
Halimbawa:

Nabatid mo ba ang tungkulin at pananagutan mo sa ating


bansa?
2. Pangkasalukuyan.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing nasimulan na ngunit
ipinagpapatuloy pa rin.
Halimbawa:
Kailangang gisingin an gating kamalayan sa nagaganap sa
ating paligid.
3. Panghinaharap.
Nagsasaad ito ng kilos o gawaing isasagawa o magaganap pa
lamang.
Halimbawa:
Madarama mo ang wagas na pakikipag-isa sa layunin ng
makabuluhang pamumuhay kung maging tapat ka sa iyong
sarili.

Pokus ng Pandiwa
Pokus ang tumutukoy sa kaugnayang pambalarila na
matatagpuan sa pandiwa at sa isang kaganapang pandiwang
karaniwan nang pinangungunahan ng panandang pampokus
na ang.
1. Pokus sa actor o tagaganap.

Ang gumaganap ng kilos ang simuno.


Halimbawa:
Humihitit ka na naman.
2. Pokus sa layon o goal.
Tuwirang layon ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Tinatakpan nito ang lahat ng daanang hangin n gating
katawan.
3. Pokus sa benepaktibo o pinaglalaanan.
Ang kaganapang pinaglalaanan ng kilos ang simuno.
Halimbawa:
Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga kabataang nalulong
sa paninigarilyo.
4. Pokus sa ganapan o lokatib na pokus.
Ang ganapan o ang pinangyarihan ng kilos ang simuno ng
pangungusap.

Halimbawa:
Ang tindahang binibilihan mo ng sigarilyo ay nagsara.
5. Instrumental o pananangkapan na pokus.
Ang instrumento ang simuno sa pangungusap.
Halimbawa:
Ipinang-alis niya ng bisyong paninigarilyo ang pagsipsip ng
kendi o pagkain ng tsokolate.
6. Kawsatibong pokus.
Ang dahilan o sanhi ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Ikinamatay ng tatay mo ang kanser sa baga.
7. Pokus resiprokal.
Ang resiprokal ang simuno ng pangungusap.
Halimbawa:
Pinakiusapan siya ng nanay mo na makipagtulungan sa
proyekto ng Kagawaran ng Kalusugan, ang Yosi, kadiri.

Kaganapan ng pandiwa
Kaganapan ng pandiwa. Ito ay ang kaugnayan ng pariralang
pangngalan sa pandiwa bilang tagaganap ng kilos, tagatanggap,
ganapan, kalaanan, pangganap, kadahilanan, at resiprokal.
1. Kaganapang tagaganap (actor complement).
Ito ang gumaganap ng kilos o gawaing isinasaad ng
pandiwa. Dalawang uri ng tagaganap:
a. Ang tagaganap ng tahasang kilos na pinangungunahan
ng ang / ang mga o si / sina at siya ring simuno ng
pangungusap.
*Inutusan si Raz ni Nanay na pumunta sa palengke.
b. Tagaganap ng pandiwang balintiyak na kilos na
pinangungunahan ng ni / nina o ng / ng mga.
*Pinagkarera ni Mang Andoy ang mga alimango
2. Kaganapang tagatanggap (goal complement).
Kung ang pangngalan ang tumatanggap ng kilos o gawaing
isinasaad ng pandiwa at itoy karaniwang pinangungunahan ng
panandang ng, ito ang tuwirang layon (direct object).
Bumili ako ng dalawang malalaking alimango.
3. Kaganapang ganapan (locative complement).
Ang tao o lunang pinangyayarihan ng gawaing isinasaad ng
pandiwa. Ito ay pinangungunahan ng sa o kay.
Dumalo ang mga tao sa palatuntunan.
4. Kaganapang kalaanan (benefactive complement). Dituwirang layon ang pangngalang nakikinabang sa gawaing

isinasaad ng pandiwa at ito ay pinangungunahan ng


pariralang para sa o para kay.
Wala na siyang nagawa kundi iluto ang mga ito para sa
aming magkakapatid.
5. Kaganapang pangganap (instrumental complement).
Kasangkapan ang tawag sa kaganapang nagsasaad ng bagay
na ginagamit sa gawain o kilos na isinasaad ng
pandiwa. Ginagamitan ito ng panandangsa pamamagitan
ng / ni, gaya ng.
Kapag nakikita ng tao ang kanyang kapwa na
nagtatagumpay at umaasenso, pipilitin niya itong ibaba sa
pamamagitan ng paninirang puri.
6. Kaganapang kadahilanan (causative complement). Ang
pangngalang nagsasaad ng sanhi o dahilan ng kilos na
isinasaad ng pandiwa ay ang kadahilanan at ang pananda
ay dahil sa.
Walang manalu-nalo sa kanila dahil magaling silang
manghila pababa.
7. Kaganapang resiprokal (reciprocal complement). May
ilang pandiwang nagsasaad ng tuwangan o gantihang kilos at
ang mga ito ay may kaganapang tinatawag na katuwang. Ito
ay maaaring tao o hayop at pinangungunahan ng sa o kay.
Nakipagkita at nakipag-usap si Nanay kay Mang Isko upang
ikwento ang aking tagumpay.

Mga Uri ng Pandiwang Di-Karaniwan


1. Maykaltas
Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa salita.
Kunin (kuhanin), damhin (damahin), bathin (bati-hin)
2. Maylipat
Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.
Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)
3. Maypalit
Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.
Hagkan (halikan), datnan (datingan),
tawanan (tawahan)
4. Metatesis
(pagkakaltas + paglipat)
Halimbawa:
mangtahi = mananahi
mambato = mamato

Mga Gamit ng Pangngalang Pandiwa


Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at
salitang ugat.
pag + sukat = pagsukat
pag + tulong = pagtulong

1. Bilang Simuno ng Pangungusap


Halimbawa:
Ang paggalang sa matanda ay isang mabuting asal.
2. Tuwirang Layon sa Pandiwa
Halimbawa:
Si Karl ay mahilig maglaro ng computer.
3. Bilang Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:

Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.


4. Bilang Di-tuwirang Layon
Halimbawa:
Si Patrick ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng
Ingles.

You might also like