You are on page 1of 1

Ang batas militar ay kakaibang kapangyarihan ng estado na karaniwang ipinatutupad nang

panandalian ng isang pamahalaan kapag hindi na nito maayos magampananan ang pamamahala
gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan (e.g. pagpapanatili ng kaayusan at katiwasayan, o
magbigay ng mga pangunahing serbisyo). Sa isang ganap na batas militar, ang pinakamataas na
opisyal ng militar ang namumuno, o naitatalaga bilang tagapamahala o puno ng pamahalaan,
kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat ng kapangyarihan ng mga sangay ng pamahalaan
mula tagapagpaganap, tagapagbatas, hanggang panghukuman.[1]
Maaaring ipatupad ng pamahalaan ang batas militar upang manaig ang kanilang kapangyarihan sa
sambayanan.

You might also like