Professional Documents
Culture Documents
ng liwanag sa gabi kapag akoy nag-aaral na. Ganito po kami kahirap kaya sabi ko
sa sarili ko baling araw ay maiaahon ko sila sa hkahirapan kaya magsusumikap ako
sa aking pag-aaral.
Yung tsinelas ko poy hindi pa magkatulad ang malubha pa po ay hindi na rin
siya buo dahil naputol na po sa gitna dahil sa tagal ko na pong sinusuot. Minsan nga
po masiyadong masakit ang talampakan ko kapag nakakaapak ako ng matalas na
bato. Minsan nangangalakal ako ng plastic at bote para may pang-gastos ako kapag
mayroong project na ipinapagawa ang aming titser. Tapos ang baon ko ay binabalot
pa sa dahon ng saging. Sa kabila ng kahorapan na aking naranasan sa elementarya
di ito naging dahilan para akoy sumuko at mawalan ng pag-asa.
At nang malapit na ang graduation namin, nakapag-desisyon ako na pumasok
sa Sisters Of Mary School. Napagalaman ko kasi na libre lahat doon at wala kang
babayran kahit piso Ate Charo. Pero sa kasamaang palad poy di po ako nakasali sa
mga nakapasa. Sobrang lungkot ko po talaga noong mga panahon na iyon. Umiiyak
ako buong araw. Parang nawalan nap o ako ng pag-asa para makatapos sa highschool. Dahil sa sobrang lungkot ko, hinahampas ko na lang po yung kambing
namin hanggang sa maputol ang sungay niya. Hindi ko inaakala na makakwala ang
kambing sa kaniyang pagkakatali; hinabol po ako nito at nang ako poy nadapa
nabutas ang aking damit dahil sa natusok ito sa dalawang sungay niya. Laking
pasasalamat ko sa Panginoon dahil hindi tumama sa aking katawan ang mga
sungay nito kung hindi ay baka iyon na ang naging katapusan ko.
Dumatin din sa panahon na sa tuwing akoy gumigising ay lagi kong sinisisi
ang Panginoon. Ang linyang hinding-hindi ko makakalimutan: Lord, bakit hinayaang
niyo pong hindi ako makapasa sa exam? Alam niyo naman na mahirap lang kami.
Minumura ko po talaga ang Panginoon noon. Kahit ano-ano ang pinagsasasabi ko sa
kaniya. Maapit na ang graduation namin sa elementarya; ang lahat ng aing mga
kaklase ay masiglang nag-eensayo maliban sa akin dahil hindi po ako sumasali.
Nawalan na kasi ako ng gana.
Pagkalipas ng isang lingo, may isang madre ang pumunta sa aming paaralan
at hinahanap ako, Ate Charo. Sinabi niya sa akin, Roque, dapat kang
magpasalamat sa Panginoon na ikaw ang napili sa libo-libong hindi nakapasa sa
buong PIlipinas. Ikaw ang napiling replacement sa isang nag back-out. Natulala
talaga ako at hindi nakapagsalita tapos bigla na lang tumulo ang luha ko Ate Charo.
Sa kabila ng pagmumura ko sa kaniya, tinulungan niya pa rin ako. Simula noon ay
nagsisimba na ako at humingi ng tawad sa kaniya. Lubos din akong nagpasalamat
sa kaniya. Lagi na po akong sumasali sa pag-eensayo sa graduation namin.
Nang dumating na ang pinakahihintay kong araw ng graduation namin, ang
lahat ay masaya maliban sa akin dahil hindi ko po kasi katabi ang aking mga
magulang. Wala pa rin sila nang malapit nang tawagin ang pangalan ko upang
tanggapin ang aking diploma. Lumingon-lingon ako para tignan kung nariyan na ba
sila. Nadismaya ako dahil hindi ko sila makita. Nakiusap na lamang ako sa kung
sino-sino na samahan ako sa entablado sa pagkuha ko ng aking diploma. Umiyak po
ako dahil wala po ang parents ko. Dito ko lang din naranasan sa araw na ito na
makapagsuot ng kumpletong uniporme mula sa ulo hanggang sa sapatos. At nang
malapit nang matapos ang graduation namin, dumating na sila mama at papa
kasama ang mga kapatid ko Ate Charo. Mas lalo pa akong napaiyak nang inabot ng
parents ko ang munting regalo nila sa akin na naging dahilan ng pagkahuli nila
gawa ng binabalot pa pala nila ito. Grabe talaga sila mama at papa sa kabila ng
kahirapan nakapagbigay pa sila ng regalo sa akin.
Lumipas ang mga araw at aalis na ako sa bahay namin para mag high-school
sa Sisters of Mary School Boystown at doon na rin ako maninirahan. Pero ayaw po
ng parents ko na papasok ako doon. Infact, my mother cried in front of me para lang
di ako tumuloy pero nakapag-decide na kasi ako. Sabay kami ni mama at ang isa
kong panganay na kapatid na si Arvin. Hindi nakasama si papa dahil walang
pamasahe, infact hiniram pa po namin yung pamasahe namin. Nang pumasok na
ako sa school at tuluyan na kaming nagkahiwalay ni mama, niyakap niya ako ng
mahigpit at umiyak ng husto dahil matagal pa na panahon na magkakasama kami
ulit. Tinitingnan ko si mama at gusto ko pa talagang umiyak noon pero pinigilan ko
na lang ang sarili ko dahil ayaw ko na baka isipin ni mama na hindi ako masaya sa
desisyon ko, Ate Charo. Umalis na sila mama pauwi sa amin at naiwan ako sa loob
ng school. Dito na po ako umiyak ng umiyak dahil hindi ko na makakapiling ang
mama ko, di ko na rin siya maaalagaan at matutulungan.
Hindi naging madali ang buhay ko sa loob ng Sisters of Mary. Kailangan kong
tiisin ang homesickness. Mag-aral ng mabuti para matupad ang pangarap ko na
makapag patayo ng bahay na malaki at di na kami magkaroon ng problema sa
kakainin namin. Gusto ko rin na hindi na magwork ang parents ko para maranasan
naman nila ang buhay na matagal na nilang inaasam.
Lumipas ang mga buwan at araw na wala akong balita sa aking pamilya.
Bawal kasi ang cellphone sa loob. Lagi ko na lang silang pinagdadasal sa loob ng
school. Everytime na kumakain ako ng masasarap ng pagkain sa loob, hindi ko
talaga maiwasan na maisip ang aking pamilya at tinatanong ko sa sarili ko kung
kumusta na kaya sila at kung may kinakain pa ba sila? Tapos bigla na po akong
maluluha, Ate Charo.
Masaya po ako sa loob ng school dahil napakabait kasi ng mga sisters. Ang
pinakamasayang araw ko sa loob ay ang pagsapit ng birthday ko. Napakaraming
cake. Nagkataon kasi na sa birthday ko ginaganap lahat ng birthday ng mga
estudyante sa loob. Sa dami ng regalo na natanggap ko na galing sa mga sisters,
naaalala ko pa rin ang pamilya ko. Sa birthday ko kasi, Ate Charo, ay fiesta rin sa
aing barangay in honor of Snr. San Roque kung saan nakuha ang pangalan ko.
Noong nasa bahay pa ako naghahanda talaga ang parents ko dahil fiesta. Sa lahat
ng kapatid ko, ang birthday ko lang ang hindi nakakalimutan ng parents ko,
espesyal kasi.
Dumating na ang isang araw na visiting day sa school. Every year it happen
on the first day of September. Salamat naman at nakita ko kaagad ang parents ko
after our Mass dahil napakaraming tao; libo-libo kasi ang mga estudyante. Tumakbo
agad ako patungo kay nanay at niyakap ko siya ng mahigpit dahil sa sobrang miss
ko na siya. Di na lang po ako umiyak dahil umiiyak na kasi si nanay. Pag umiyak pa
ako baka isipin nila na di ako masaya sa loob. Ayaw ko po kasi na mag-isip sila sa
akin at madagdagan pa ang mga problema nila. Mas lalo pa po akong nasaktan, Ate
Charo, ng matapos na ang visiting day at nang maihatid ko sila sa gate. Grabe ang
pag-iyak ni mama at umiyak din si papa dahil matagal pa ang susunod na araw na
magkikita-kita ulit kami. I even told them na wag nang mag-alala sa akin dahil okay
lang ako sa loob. I smiled pa nung sinabi koi yon sa kanila pero pagtalikod koy
bumuhos ang aking luha, malayo pa kasi ang sunod na araw na makikita ko silang
mulit mayayakap ng mahigpit. Pinabuti ko po ang pag-aaral ko sa loob hanggang sa
dumating ang two weeks vacation para makapiling namin ang aming pamilya.
Ecited po talaga akong umuwi sa amin. Pagdating sa bahay, they welcomed me.
Kinantahan ako ng bunso kong kapatid at ng mga pamangkin ko.
Two weeks is very fast. Hindi ko namalayan na babalik na rin po ako sa Sisters
of Mary School. Nang matuog na ako, ginising ako ng parents ko at kinausap nila
ako ng masinsinan. Nagmamakaawa sila na wag na po akong bumalik sa school
dahil ayaw nila na malayo ako. Iniiyakan pa nila ako para lang di ako bumalik. Hindi
ako nagpatalo sa nararamdaman nila, Ate Charo. Kaya kinabukasan ay bumalik
talaga ako sa school para na rin matupad ang pangarap ko. Hanggang sa maabot ko
ang 3rd year. Papalapit na rin ang birthday ko at lahat ng estudyante sa loob ay
busy sa cheerdance practice. Excited na rin po ako sa kaarawan ko. August 11,
2008 pinatawag ako ng Mother Sister namin during study call. May kutob ako na
may hindi magandang balita dahil malungkot si Sister. Binalita niya sa akin na ang
mama ko ay isinugod sa hospital at malala na ang karamdaman niya. Stage 4 na
ang liver cancer niya. Di po ako nakapagsalita sa narinig kong balita, Ate Charo.
Akoy napaluha at hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang dami ko pong pangarap
para sa kanya. Dahil matagalan ang proseso ng aking pag-labas, pinapunta muna
ako ni Sister sa chapel para magdasal. Ang lagi at paulit-ulit kong hiling sa kanya
ang mabigyan pa siya ng mahabang buhay.
Sinundo ako ng kapatid ko tapos sinabi niya sa kin na ayaw saw nila sanang
ipaalam sa akin ang nangyari kay nanay dahil baka hindi na ako makapag-aral ng
mabuti. Nakarating na ako sa bahay namin, at nakita ko ang mama ko na nakahiga.
Pinapakain siya ng kapatid ko na babae. Walang tigil ang pag-iyak ko, Ate Charo.
Sinabihan ako ni tatay na wag daw akong umiyak sa harap ni nanay para di daw
siya masaktan. Inaabot ni papa ang pakain ni mama, tiniawag ni mama ang
pangalan ko pero di na siya nakapag-salita ng maayos. Nasubuan ko si nanay ng
dalawang bese at binalik ko na kay papa ang pagkain. Di ko kasi mapigilan ang pag-
daloy ng aking mga luha. Lumakad ako papalayo sa amin at doon ako umiyak ng
umiyak para hindi makita ni nanay. Kinabukasan ay kailangan ko nang bumalik sa
school dahil isang araw lang ang binigay sa akin nila sister para di ako maiwan sa
klase. Gusto ko po talagang makapiling ang nana ko noon, Ate Charo, kaso
kailangan ko nang bumalik sa school. Umalis ako nang walang kamalay-malay ang
nanay ko dahil sabi ni papa wag na daw akong magpaalam para di siya masktan.
Inihatid ako ng aking kapatid pabalik sa Sisters of Mary School. Pagdating ko sa
school, lumapit ako agad kay Mother Sister para makahingi pa ng additional day
para makapiling ko pa ang nanay ko. Di ako mapalagay kaya sa gabiy lumapit
akong muli kay sister. Umiyak akot nagmakaawa na pauwiin niya ako sa amin.
Pinapili niya ako kung mag-aaral pa ba ako para sa kinabukasan ko o umuwi na
lang. Pero pinili ko na manatili sa loob at mag-aral. Every night umiiyak ako dahil
wala man lang akong magawa para kay nanay. Papalapit na ang birthday namin,
masaya ang lahat maliban sa akin. Napansin ko rin sa aming barangay na marami
na ang banderitas. Di na ako sumali sa practice ng cheerdance namin at lagi na
akong wala sa sarili. Lagi ko na lang dinadasal sa Panginoon na gagaling si nanay at
sanay bigyan pa siya ng mahabang buhay.
August 14, 2008 nang matanggap ko ang balita na malubha na po talaga ang
karamdaman ni nanay at malapit na poi tong bawian ng hininga at gusto niya akong
makita sa huling pagkakataon. Pagkatapos sabihin ito ng mother sister ko agad
akong pumunta sa chapel. Umiiyak ako na nagmamakaawa sa kaniya na wag muna
niya kunin ang nanay dahil marami pa akong pangarap para sa kaniya. Isa na doon
ang Golden wedding anniversary nila ni Papa. Sa gabiy kinausap ako ng mother
superior namin sa office niya. Pinaliwanag niya sa akin na ang lahat ng tao sa
mundo ay may hangganan. Hindi pa rin ito nakabawas sa lungkot na aking
nararamdaman, Ate Charo. Matagal po akong nakalabas sa school namin, almost
11PM na po at wala nang bus na papunta sa probinsya namin kaya doon na lang
ako natulog sa bahay ng kapatid ko sa siudad. Di po talaga ako nakatulog, Ate
Charo, sa gabing iyon. Palagi ko po kasi iniisip ang nanay ko n asana magkita pa
kami at makita niya ako sa huling hininga niya. Ako lang po kasi ang nahiwalay sa
lahat ng magkakapatid. Early in the morning, tumawag ang kapatid kong babae sa
kuya ko. Nagtanong siya kung nasaan na daw kami dahil labis na daw ang
paghihirap ni nanay para lang makita ako. Lahat na sila sa bahay ay umiiyak na rin.
Nakasakay na kami ng bus ngunit mabagal lang po talaga ang takbo ng nasakyan
namin.
August 15, 2008, around 8AM ang oras ng kapanganakan ko. Mismo sa araw
ng kaarawan ko at fiesta sa aming barangay ay pumanaw ang nanay ko. Sad to say,
Ate Charo, hindi ko po naabutan ang nanay ko na buhay. Dumating po kasi ako sa
amin 8:30AM na. Ako na lang po ang nakakita sa kaniya samantalang hindi na niya
talaga ako nakita. Labis ang aking pag-iyak dahil hindi ko man lang siya naabutan
para makausap siya at makahingi ng tawad sa lahat ng kasalanan na nagawa ko sa
kaniya at para na rin makapagpasalamat sa lahat ng ginawa niya para sa amin.
Lubos na
gumagalang,
Roque.