You are on page 1of 2

Segundo

Tila sang hangin ang bumihag sa akin,


Tahimik, tulala pusoy naninimdim,
At dagling nagulat nang akoy magising,
Hinang sumalampak sa balong malalim.

Kumilos, bumangon hangad kong umahon,


Subalit, lubid ay hindi naroroon,
Nilibot ang matang sa dilim ay gumon,
Katiting na ilaw ang tangi nitong tuon.

Ramdam ko sa pisngi ang hikbi ng langit,


Pilit na ngumiti, santabi ang ngitngit,
Hiniling na sanay ibalik nang muli,
Sa lugar kung saan walang pasubali.

Sa ilang segundo nabago ang lahat,


Sa ilang segundo nilimot nawasak.
Parang sang munting buhangin sa dagat,
Di, inasahang pupuwing sa talukap.

You might also like