You are on page 1of 9

Pagsusuri ng

Nobela
(Panunuring
Pampanitikan)

Papagayo, Henry M.
3SEDF-2

Ang Kwento ng Haring Tulala ni Gonzalo Torrente Ballester

Gonzalo Torrente Ballester

Tanyag na Kwentista at professor si Gonzalo Torrente Ballester na kabilang sa


grupo ng mga Kastilang manunulat na kung tawagiy Genracion del 36. Nahirang siyang
kasapi ng Real Academia Espaola noong 1975 at pormal na naupo noong 1977.
Bilang pagkilala sa kanyang angking husay, ginawaran siya ng Premio Nacional de
Literatura noong 1981, ng Premio Principe de Asrutias noong 1982 at Premio Cervantes
noong 1985.
Isinilang si GTB noong 13 Hunyo 1910 sa Serantes sa bayan ng Ferrol, A
Corua, sa may hilagang-kanluran ng Espanya. Lumaki siyang mulat sa pagbabasa at
busog sa mga tradisyon ng Galacia.
Ninais niyang sumali sa Hukbong Dagat, gaya ng kanyang ama, subalit nabigo
siyang makapasok dahil sa taglay na myopia. Matapos makapag-aral ng kasaysayan at
batas, nagtrabaho siya bilang professor at peryodista. Naging kilala ring kritiko,
patnugot at awtort ng di-mabilang na akdang pampanitikan. Taong 1966 nang
magtungo siya sa Amerika bilang distinguished professor ng panitikang Kastila sa State
University of New York.
Nagbalik siya sa Espanya noong 1970 at nagpatuloy sa pagtuturo at pagsusulat.
Nalathala noong 1972 ang pinkamahalaga niyang aklat, La saga/fuga de J.B., na isa sa
mga pinakamainamn na halimbawa ng narrative sa wiakng Kastila, samantalang ang
Cronica del rey pasmado ay nalathala naman noong 1989 at isinapelikula noong 1991.
Naninirahansi GTB sa lungsod ng Salamanca, Espanya hanggang sa siyay
pumanaw noong 27 Enero 1999.

Tauhan:
Don Secundino siya ang naatasang maghatid ng mga balita tungkol sa mga
pangyayaring nagaganap sa kaharian. Ang balita tungkol sa mga naglipanang kampon
ng kasamaan na naglipana sa kanilang lugar. Inuutos ito ng Excelencia upang
makapangalap na rin ng mga impormasyon pang-estadistika.
Punong Inquisidor ang pinuno ng mga prayle sa kaharian ng Alcazar. Mahilig ito sa
mga magaganda at hindi pangkaraniwang kasangkapan. Ang iba sa mga ito ay mula sa
Roma at regalo ng kanyang mga kaibigan ang iba naman ay minana niya mula sa
dating Inquisidor. May pagkatamad siya at hinahayaan niya lamang na mangyari ang
lahat batay sa kagustuhan ng bawat isa. Hindi niya sineseryoso ang mga suliranin na
kinahaharap ng kanilang kaharian
Diego ang matakaw at ganid na alalay ng Excelencia. Walang pagkwestyon niyang
sinsasakatuparan ang mga kagustuhan ng Inquisidor. Bagamat siya may kabastusan at
kagulangan.
Fray Eugenio de Rivadesella ang kurang may kakayahang kausapin ang diyablo.
Natatangi ang kanyang kakayahang kaya isinisekreto niya ito sa kanyang kapwa pari na
sa tingin niya ay may hinala na rin.
Konde ng Pea Andrada - isang makisig at mapitagang Konde. Hindi siya kilala sa
kaharian. Nakilala siya ng hari at agad siyang nagustuhan nito. Binalak siyang hulihin
dahil sa salang pambubugaw sa Kamahalan. Hindi nagtagumpay ang mga sundalo.
Tumakas siya kasama si Padre Almeida, Lucrecia at Marfisa.
Lucrecia isang madaldal at mayabang na alalay ni Marfisa. Dahil sa di- matatawarang
tabil ng kanyang bibig ay agad na kumalat ang mga paratang sa hari.
Marfisa ang pinakamagadat pinakamahal na puta sa buong kaharian. Halos sampung
ducado ang bayad sa kanya. Dahil sa kumalat na bali-balita na siya ang dahilan kung
bakit tulala ang hari ay ipinahuli siya ng kaharian. Agad niya itong nabalitaan sa tulong
ng Excelencia at nagpanggap na isang mongha sa isang minesteryong pinamumunuan
ng Abadesa. Nang matapos ang lahat mga kaguluhan ay tumakas kasama si Lucrecia
tungo sa kawalan.
Haring Felipe II isang batang hari. Sunod-sunuran sa lahat ng iutos at kagustuhan ng
mga taong nasa paligid niya. Matapos makasiping si Marfisa ay naiwang tulala at
balisa. Hiniling niyang Makita ang katawan ng reyna, naganap ito sa loob ng simbahan
at kinagalit ng mga prayle lalo na si Padre Villaescusa.
Cosme hingian ng hari ng kalahating ducado upang ipangbayad sa putang is Marfisa.

Padre German de Villaescusa isang maliit ngunit masungit na paring Capuchino.


Kilala sa mga ideyang kagitla-gitla tulad ng auto de fe o ang pagsunog sa mga Indio na
siyang dahilan ng mabahong amoy na kumakalat sa kahirian. Naniniwala siyang ang
kanyang mga desisiyon at mga hangarin ay kaloob ng Diyos at dapat itong
maisakatuparan para sa ikabubuti ng kaharian.
Punong Arkibista - siya ang namamahala sa mga impormasyon sa loob at labas ng
kaharian. Siya ang nakatuklas ng kahahraping suliranin ng Alcazar. Ang pagnanakaw
ng mga Flota mula sa Indias ng kanilang mga kargamento at ang digmaan sa Holanda.
Kapwa malaki ang epekto nito sa pamayanan at kaharian.
Padre Perez de Valdivielso ang kumpensor ng hari. Lubos na pinagkakatiwalaan
noong pa man ng kanyang amang hari. Nagsimula bilang isang mandirigma. Siyay
nabigyan ng pagkakataong magsisi at magbago bilang isang prayle. Kahit na siya ay
isang Hudyo ay nagpabinyag pa rin upang maging isang Kristiyano.
Seorita de la Cerda ang mabait at masunuring pinuno ng mga mongha . Pumayag
ito na ganapin sa kanyang monastery ang patagong pagtatagpo ng Hari at Reyna.
Don Luis isang sikat na makatang prayle. Sumusulat siya ng mga tula tungkol sa
mga bagay na nangyayari sa kanilang bansa.
Padre Almeida isang Portuges at batang Heswita. Kilala bilang isang magaling na
teologo at ang siyang nagpabaliktad ng sikmura ng Padre Villaescusa sa pagkwestyon
sa mga bagay na gusto nitong mangyari. Kaibigan niya ang Konde. Dahil sa masidhing
galit ng Padre ay hiniling nito hulihin ang pari ngunit tulad ng iba ito ay nakatakas.
Mademoiselle Collete - ang tapat na dama ng Reyna. Siya ang nag-arauga rito mula ng
itoy bata pa. Dahil sa kanyang pagmamahal at katapatan sa Kamahalan ay pumayag
ito sa pagbabalak ng patagong pagtatagpo ng hari at reyna.
Duquesa Viuda ng Maetrazgo - ang pinuno ng mga dama sa kaharian ng Alcazar.
Pinsa ng Valido. Isang biyuda at may tatlong uhuging anak.
Valido - ang siyang namamahala ng mga usapin at desisyon sa loob at labas ng
kaharian. Hindi sila mabiyaan ng anak kayat sinamantala ito ng Capuchinong pari
upang mapasunod sa kayang mga kagustuhan.
Doa Barbara - ang mabait at mapag-imbot na asawa ng Valido. Bagamat baog ay
patuloy parin ang pananampalataya na sila ay bibiyayaan ng anak.
Reyna Francesca - . Sinunod niya ang hiling ng Kamahalan na makita ang kayang
katawan ngunit ito ay hinahadlangan ng mga tao may kapangyarihan. Pumayag siya sa
isang patagong pagtatagpo sa isang selda ng Monasteryo.

Buod :
Nang matuklasan ng buong kaharian ang nagawang pagsiping ng hari sa isang
puta ay agad na nagkagulo ang lahat. Nadagdagan o di- kayay nabawasan ang mga
pahayag ng mga tao na nagbunga sa pagiging tulala ng Kamahalan. Nagutla ang lahat
ng marinig sa isang simbahan ang salitang sinambit ng kamahalan. Nais niyang
makitang nakahubad ang reyna. Ang mga pari ay nagkaisa at hiniling na pagbayarin
ang hari sa pamamagitan ng pagsasakripisyo ng mga taumbayan.
Agad na nagpatawag ng isang pagpupulong ang mga pari ng Punong Inquisidor.
Idiniin nila na ang pangyayaring ito ay may hindi magandang dulot sa kinabukasan ng
pamahalaan. Na ang kasalanan ng hari ay ang siyang magiging sanhi ng pagbagsak ng
kaharian dagdag pa ang mga naglipanang kampon ng kadiliman sa paligid.
Hindi naging maganda ang mga sumunod na pangyayari para sa Hari. Kasama
ang Konde, Padre Almeida, Lucrecia at Marfisa ay nagplano silang pagtagpuin ang
dalawa sa isang selda sa monasteryo. Naging matugumpay na nagsama ang dalawa.
Dumating ang ulat mula sa mga sundalo. Ang mga suliranin ay nalutas. Naniniwala ang
mga prayle na dahil hindi natuloy ng hari ang kanyang binabalak at ang
pagpipinetensya ng bayan ang naging susi ng kanilang tagumpay.
Dahil sa mga kasalan sa simbahan at pamahalaan ay inusig ang Konde, ang
Padre, si Lurecia at Marfisa. Humiwalay ang Konde at ang Padre ng makatulog ang
dalawa sa karwahe. At patuloy na pinabagtas ang daan sa kawalan.

Pagsusuri :
Istrukrura :
Maganda at mahiwaga ang paraan ng pagkakasulat ng nobela. Nagsimula sa
marahang paglalahad ng bawat pangyayari ang kwento. Unti-unti ipinapahayag ang
kanilang pagkakakilanlan sa pagbabasa ng bawat pahina. Ang katauhan ng Konde at
ng Padre Almeida ay nag-iiwan ng kwestyon sa isipan ng mambabasa. Ang tula na
isinulat ni Don Luis ay lalong nag bigay ng masidhing adhikaing basahing muli ang
nobela sa ikalawang pagkakataon. Narito ang tula :

Nasa digmaan si Marfisa.


Walang armas kang dumating
Kahit kalasag niyay biyak na,

Ang espada moy walang galling.


Nakapagtatakang tirik nay
Hayat nakalupaypay pa rin,
Bat di nakuha ng hiya mong
Apat na luhay luhain
Nang sa gayoy ang kalasag
Ay tuluyan nang kalawangin?
Teoryang Pampanitikan

Realismo
Mababanaag ang teoryang realismo sa katauhang ginampanan ng mga tauhan
sa kwento. Ang pagiging ganid sa kapangyarihan, ang katakawan, kapalaluhan,
pagkainggit, kahalayan at katamaran. Lahat ng pitong kasalanang mortal ay
sumasalamin sa mga tauhan sa kwento. Higit binibigyang pansin dito ang katotohan sa
parte ng buhay ng tao. Ang kasalanan ay neutral sa sistema ng tao. Maging pari, hari o
isang normal na mamamayan.

Supertunalismo
Mula sa mga kwento tungkol sa hindi maipaliwanag na pakikipag-usap ni Padre
Rivadesella sa diyablo. Ang kakayahan nitong makapagbagong anyo bilang tao o
hayop. Ang hiling ng hari na makitang hubad ang kayang reyna at sambitin ito sa
publiko, sa mismong loob ng simbahan. Ang pakiki-alam ng simbahan sa usaping
personal (sekswal) ng hari.

Markismo
Tungkol din ito sa ugnayan ng simbahan at pamahalaan. Kung ano ba ang dapat
manaig tungo sa ikauunlad ng kaharian. Ang pagbibigay galang sa saloobin ng mga
prayle ay inaasahan ngunit hindi upang pakinggan ang lahat ng kanilang mungkahi. Ang
bawat panig ay may hanggangan ang nasasaklaw na kapangyarihan. Ang nakitang
solusyon na pagpipinetensya ng mga tao upang masupil ang kanilang mga suliranin ay

NAKAKATAWA. Ang pagtutulad ng kasalanan ng hari sa kahihinatnan ng kanilang


bansa ay hindi kapani-paniwala.
Feminismo
Nakikita ang mga kababaihan bilang isang pinakamababang uri ng nilalang sa
lipunan. Ang tangi nilang silbi ay ang pagbibigay kasiyahan sa kama na siyang hilig ng
mga tauhan sa kwento. Ang kanilang pagsang-ayon sa hangarin ng mga kalalakihan
upang masunod ang kanilang kalayawan.

Simbolismo
Ang mga tauhan ay sumisimbolo sa pitong kasalanang mortal ng mga tao una:
- Ang pagiging ganid, inggit at galit ay makikita sa katauhan ni Padre Villaescusa
- Ang kahalayan ay masasalamin sa lahat ng kalalakihan sa kwento maliban sa ilang
pari.
- Katakawan sa alalay ng Punong Inquisidor na Si Diego, na sa halip na ipamahagi ang
mga tiring pagkain ng Excelencia ay agad nitong nilalamon lahat hanggang sa wala ni
mumo ang matira.
- Katamaran , ito ay umukilkil sa katauhan ng Inquisidor. Ang kanyang pagsang-ayon sa
lahat ng sinasabi ng bawat panig at pagsasawalang bahala ng mga nangyayari.
- Kapalaluhan naman sa katauhan ni Lucrecia. Ang kanyang kayabangan at kadaldalan
ang nagging mitsa uapng kumalat ang mga usapin tungkol sa hari.
Diyablo
Ang kanyang pagpapalit ng anyo ay sumisimbolo sa atin ng pagiging handa.
Hindi inaasahan ang mga bagay na mangyayari at ang plano nito.
Tayutay
-

Isang Trausgu ang aking kausap.


Malakas ang dagungong na narinig sa pasilto.
Tila isang kulog ang aking narinig.
Umalingawngaw ang sa buong kaharian ang balita.
Isang babaing bayaran ang kasama ng hari kagabi.

Mga Bisa

Bisa sa isip nagbibigay ang kwento ng isang katanungan sa isip ng mambabasa. Kung
ang batas ng langit o ang batas ng tao ang dapat manaig, Ang panig sa kahit isa man
sa nabanggit ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa isa. Dapat maging patas ang
paggamit upang maging balanse ang mga desisyon na ating gawin. Hindi sapat ang
pananampalataya lamang higit na kinakailangan ang kilos upang patuloy na mabuhay
ang isang tao.
Bisa sa damdamin Ang pagiging maunawain lalo na sa kababaihan. Lubos nating
igalang ang kanilang mga hinaing tungo sa pagkakaisa.
Bisa sa kaasalan Ang pananampalataya sa Diyos ay makakatulong upang maging
panatag at kalugodlugod an gating mga desisyon. Ang Kanyang mga salita at mga turo
ay magsisilbing ating gabay sa ating- pangaraw-araw na buhay.
Konklusyon
Reaksyon Ang kwento may temang satiriko. Sa aking palagay ang ganitong mga
paksa ay mahirap isulat lalo nat itoy tungkol sa kabaluktutan ng mga taong
namamahala ng gobyerno at ng simbahan. Ang mga pahayag ng diyablo ay nag-iiwan
ng kwestyon sa aking isipan. Kung totoo nga ba ito o hindi. Ang ugnayan ni Padre
Almeida at Konde ng Pea Andrada ay nanatiling lihim. Ang ugnayan nila sa labas at sa
loob ng kaharian. Kung sila ba ay iisa lamang, ang kinatawan ng diyablo.
Rekomendasyon - sa mga taong babasa ng kwento inererekomenda ko na basahin at
maingat na intendihin ang bawat pahayag ng mga tauhan. Ang pagbabasang muli ang
pinaka solusyon upang lubos na maunawaan ang kwento.

You might also like