You are on page 1of 2

Gumuhong Gusali

Kasabay ng pag-ikot ng mundo ang pag-ikot ng paligid. Pilit kong binuksan ang
mga matang nakikipaglaban sa sinag ng paandap-andap na ilaw ng poste. Mahina,
hinigingal, at wariy napako na sa kalsadang kinasasadlakan. Sa tindi ng sakit na
nararamdaman ng aking katawan na nagmistulang gulay sa bawat suntok at tadyak ng
mga usaserot usasera ay napapikit ako. Narinig ko ang mga mura at kutya ng mga
dilang tila mga berdugo na siyang dumudurog at kumikitil ng aking puso. Nalalasahan
ko sa aking dila ang pait ng pagtanggap ng lipunan sa mga taong tulad ko.
Naramdaman ko ang bawat dampi ng malamig na tubig sa aking pisngi. Ang
mainit na pakiramdam sa aking likuran, ang gumising sa isipang nahihimlay. Dahandahan inimulat ang matang tila ube na sa suntok at tadyak ng nagdaang gabi. Kasabay
ng nakasisilaw na sinag ng araw ay ang ngiting nangungusap at mistulang nagsasabi
ng sa wakas gising ka na. Inabot niya ang asul na piraso ng tela sa isang basong
plastik na may lamang tubig. Sa pagpikit ng aking mata ay muli, naramdaman ko ang
malamig na dampi sa aking pisngi at ang katahimikan ng paligid.
Narinig ko ang mahihinang yabag ng mga sigawan, tawanan at ang malakas na
ingay ng busina ng trak ng basura na gumising sa akin. Pilit na ibinangon ang katawan
ng waring isang lamog na saging sa tindi ng mga pasat sugat. Sa tulong ng isang
sirang la mesa mula sa inabandonang gusali ay naibangon ko ang sarili. Nang
makatayo ako at nahulog mula sa aking ulunan ang isang asul na tela. Sa kulay nitong
asul ay agad kong nagunita ang malalangit na ngiting bumungad at ang malamig na
dampi sa aking pisngi. Hindi malinaw ang imaheng nabuo ngunit tanging ang kanyang
asul na damit ang aking natatandaan. Muling sumakit at nanghina ang aking katawan
mauupo sana ako nang madinig ang hikbi ng mga dragon sa aking tiyan. Kayat
marahan akong bumangon at lumabas para mamasyal
Bitbit ko sa kanat kaliwang kamay ang ilang piraso ng mansanas at sintonis
mula sa aking pamamasyal. Ilang piraso ng kendi sa kanang bulsa at malaking tipak ng
tinapay sa kaliwa. Nanaig sa aking puso na makilala ng personal ang taong tumulong
sa akin. Naisip kong bumalik sa gusali upang makita siya at makapagpasalamat.
Nang matunton ko ang gusali ay agad kong nakita ang isang dalaga. May maikli
at unat na buhok, kayumanggi at mamaMAGANDA. Hawak ang isang brotsa at
banayad na gumuguhit sa dingding. Lumapit ako at iniabot ang mga pagkain mula sa
pamamasyal at saka nagpasalamat. Ngumiti siya at agad na kumagat sa dala kong
mansanas ng walang pag-aalinlangan. Natulala at napatitig ako sa kanya ng mga
sandaling iyon. Dahil sa maliliit na siwang sa taas ng dingding at ang mala anghel
niyang ngipin ay nagliwanag ang paligid. Kasabay ng kanyang ngiti ay kuminang ang

buong paligid sa pamamagitan ng makukulay at naglalakihang mga larawan sa oleo sa


dingding. Nang magtagpo ang aming mga mata ay agad kong inilihis ang aking tingin.
Hinawakan niya ang aking braso at ngumiti. Sa sandaling iyon ay nagkaroon ako ng
lakas ng loob at tinanong ko ang kanyang pangalan. Binitawan niya ang aking braso,
umiling at muli ay ngumiti. Tila may kirot sa aking dibdib ng matuklasan ang kanyang
kalagayan. Ibinigay niya ang brotsa. Nagulat ako sa kumpas ng kanyang kamay na
wariy sumisenyas na akoy magsulat. Gamit ang brotsa at ang isang pintura ay iginuhit
ko ang mga letrang B.O.Y, ang aking pangalan. Nakita ko ang kakaibang galaw ng
kanyang balikat. Inabot ko sa kanya ang brotsa. Sinulat ang mga letrang G.I.R.L sa
dingding at tinuro ang sarili. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang kagalakan.Dahil
sa kawalan ng kaalaman sa pagbasa ay hindi ko mawari ang mga letrang nakasulat sa
dingding. Pinilit kong basahin ang kanyang sinulat. Noong una ay hindi ko mabigkas
ang titik ngunit ng kalaunan at lumabas sa aking bibig ang salitang GEL. Iniunat niya
ang kanyang kanang kamay, itinikom ang kamao at itinaas ang hinlalaki. Gumaan ang
aking pakiramdam at nagliwanag ang aking isip, ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa
aking buong katawan ay siyang nagwaksi ng aking poot at galit. Ang araw na iyon ay
nagsilbing ilaw sa kadiliman ng aking gabi, ang tunay na kapayapaan.
Isang umaga sa aking paggising, nasilayan ko mula sa labas ang mga
naglalakihang trak sa labas ng abandonadong gusali. Ang mga taong nakasuot ng puti
at kahel na salakot ay itinuturo ang buong paligid. Mahimbing ang tulog ni Gel. Bakas
sa kanyang mukha ay kapanatagan. Muli kong naramdaman ang pagkikinulo ng mga
dragon sa aking tiyan. Agad akong naghanda at lumabas muli para mamasyal.
Sa malayo pa lamang ay natatanaw ko na ang mala-ulap na usok ng buhangin.
Sa sobrang pagmamadali ay nalaglag na sa kadlsada ang mga nakalap kong pagkain
mula sa pamamasyal. Ang halos sira-sirang sapatos na napulot ko sa basurahan ay
kumalas na sa aking mga paa. Hindi ko alintana ang kirot ng aking katawan dahil sa
mga pasa noong akoy nahuli ng mga tanod sa pag-umit ng mga paninda ni Aling Tasi.
Ang bawat butil ng tangis mula sa aking mata ay nagsilbing lakas ng aking mga bisig.
Halos mawala ako sa aking sarili ng makita ang nagkalat na tipak ng larawan sa buong
paligid. Inikot ko ang aking mata, nasaan? nasaan? nasaan?. Narinig ko ang matinis na
boses sa isang bahagi ng guho ng gusali. Napuno ng luha ang aking mukha. Sinundan
ko at nagmamadaling tinungo ang pinagmulan ng tunog. Hindi ko alintana ang mga
nagsisigwang puting tao sa paligid. Ang bawat tunog na aking naririnig ay nawala.
Pakiramdam ko ay nabingi ako sa mga sandaling iyon. Tila tumigil ang buong paligid.
Ang malakristal na kislap at ang pagsabog, at ang sigawat mura ng mga tao ay ang
muling nagkulong sa akin.Sa kadiliman.

You might also like