You are on page 1of 2

Kawawa o Pinagpala?

Sa mundo, may mga bagay na higit nating binibigyang pansin. Mga bagay na
nakapagbibigay kasiyahan at siyang nagpapagaan ng ating damdamin. Ika nga ng iba
ito ang dahilan ng kanilang pagkakasilang at dahilan din ng kanilang kamatayan. Ngunit
minsan di maiiwasan ang pagkakamali, ang pagkakaligaw ng landas na ating tinatahak
na siyang nagbubukas ng panibagong pintuan ng ating buhay. Ang mga bagong
kaalaman na mula sa isang libro sa silid-aklatan ay ang nakapagbibigay sa atin ng higit
na malawak na pananaw sa mundong ginagalawan. Nakikita ang mali sa lipunan,
korapsyon, digmaan , kamatayan at kahirapan na siyang gumigising sa damdaming
makabayan. Ngunit naisip ba natin ang ng mga taong walang kakayang malaman ang
mga bagay- bagay na nangyayari sa ating paligid. Mga taong pinagkaitan ng kapalaran
na siya ngayong naka-salampak sa kalsadang minsay dinuduraan habang nakalahad
ang munting palad na tila humihiling ng kaunting barya mula sa ating bulsa. Ismid o dikayay simangot ang ekspresyon kasunod ng katagang pulubi ang tawag sa kanila.
Sa pagbaksak ng ekonomiya, kaguluhang dulot ng mga rebelde, pag-aagawan
ng teritoryo at iba pang mga suliranin ng ating bansa. Oo ngat alam at napapanood
natin sa dekahong makinilya ang kasalukuyang nangyayari ngunit may nagagawa ba
tayo? Sila. Sila na siyang hindi nakakaalam, sila na ang tangging iniisip ay ang maliit na
piraso ng tinapay na ma-ipanglalaman sa kumakalam na sikmura, sila na inaalala na
bukas makalawa hinihiling na sana, sana pagising ay matapos na ang bangungot na
nagsilbing tanikala ng kanilang buhay. Mapapalad dahil hindi na kailangan isipin kung
ano ang halaga ni x at y sa pang-araw-araw na buhay, mapapalad dahil hindi na
kailangan pagpuyatan ang pagrereview upang makakuha ng mataas na marka para sa
trabahong inaasam ngunit sa bandang huli ay hindi naman pala .Hindi bat tila wala
tayong pinagkaiba sa kanila? Hindi bat dapat na tayong nakakaalam, tayong may
pinag-aralan at tayong mas nakakaalam at nagisisilbing kanilang kinatawan ay ang
siyang kumikilos. Tumutulong sa kahit na maliit at hindi kapansin-pansin na paraan
magkaroon ng silbi sa inang bayan. Matapos arugain at palakihin sa ibat ibang paraan
ay makapagbigay ganti sa kanyang ina. Ang mga mga anak ng bayan.

Ayon sa isang kasabihan, wag mong husgahan ang iba sa panlabas na


kaanyuan lamang. Higit nating pahalagahan ang damdamin ng bawat isa na siyang susi
sa pagkakaisa. Mahirap, mayaman o di-kayay isang pulubi ay may pananagutan sa
bayan tungo sa pag-unlad. Sino ba tayo upang humusga? Sino ba ang dapat
humusga?

You might also like