Professional Documents
Culture Documents
----------000000000------------000000000--------0000000
Nagpapatuloy ngayong araw ang ginagawang Tuli Festival ng City
Governemnt ng Koronadal.
Sinabi ni Dr. Jean Genevive Aturdido, na bukas ang pagpapatuli sa
lahat basta ito lamang ay naka lista sa kanilang Barangay.
Nabatid na ngayong araw, tumatangap ang City Health Office ng mga
gusting magpatuli mula sa Barangays Assumption, Cacub,
Topland,Magsaysay, San Roque, Conception, New Pangasinan, Saravia
at Paraiso.
Una umanong tatapusin ang mga malalayong barangay ng lungsod bago
ang mga malalapit.
Isinagawa naman ngayon ang tuli festival para maisabay umano ito
sa pagtatapos ng Summer Training Festival ng Lungsod. Paliwanag
ni Aturdido na aabutin lamang ng halong isang lingo ang healing
period ng sugat matapos na matuli.
-------0000000000---------000000000000-------------0000000
Nagpapagaling pa sa South Cotabato Provincial Hospital ang isang
BPAT matapos nitong aksidenteng mabaril ang kanyang sarili dakong
alas 10 ng gabi habang nagpapatrolya.
Kinilala ang BPAT member na si Julio Arostique, 48 anyos at
residente ng Colongolo, Surallah, South Cotabato.
Sa report, nagtamo ng sugat sa kanyang kaliwang hita si Arostique
ng aksidenteng makalabit ang kanyang .45 caliber na armas.
Lumalabas sa imbestigasyon, na inilagay ni Arostique ang armas sa
kanyang tagiliran habang ito ay nagpapatrol. Dahil umano sa
lubak-lubak na daan ay kanyang kinuha ang baril at pinulupot sa
tela. Aksidente namang nakalabit nito ang baril.
-----0000000---------00000000000-------0000000000-------
National News
K-12 program ng department of education ay hindi ganun kadali
upang basta na lamang na balewalain at ibasura.
Ito ang sinabi ni Maria Linda Ventinilla, Chief School Governance
and Operations Division, nakapaloob sa isang batas ang K-12
Program kayat hindi ito madaling buwagin.
Ayon sa DepEd, hindi basta matatanggal ang implementasyon ng K-12
Program ng ahensya sa kabila ng pahayag ni presumptive President
Rodrigo Duterte na nais nitong alisin ang naturang programa.
Nabatid na unang sinabi ni Duterte na ibabasura nito ang programa
hanggang maliwanagan at makausap ang ilang opisyal ng DepEd.
---------000000000000000---------00000000000000000-----Sisimulan na ngayong haponangpag-canvass sa boto ng mga
presidentialatvicepresidential candidates.
Itoangnakasaad saHouseConcurrent Resolution No. 015 na
magkakaroon ng joint public session ang kongreso para maiproklama
ang mga nanalong president at bise president noong nakaraang
eleksyon.
Base sa nasabing resolusyon,sisimulanang canvassing alas 2
ngayonghaponsaSession Hall ng Batasan Complex napamumunuan
nina Senate President Franklin Drilon at House Speaker Feliciano
Belmonte Jr.
Baserinsaadvisory ng liderato ng Kamara, ang mga ballot box
na naglalaman ng Certificate of Canvass (COC) at Election Returns
(ERs) na nasa pangangalaga ng Senado ay ililipat sa kamara
kaninang alas-5 ng umaga.
Tinatayang 43 milyon ang botong ika-canvass ngSenadoatKamara
na uupo bilang National BoardofCanvasser (NBOC) kung saan naging runaway winner si Davao City Mayor Rodrigo Duterte bilang
Pangulo at si Camarines sur representative Leni Robredo na
-------000000000000000000------------0000000000000000
Muling nagpasaring si Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III sa
nakaraang administrasyong Arroyo kahit pa patapos na ang kanyang
termino.
INTERNATIONAL NEWS
Ikinagulat ng mga otoridad sa California ang kalagayan ng isang
aso matapos na nagpositibo sa shabu at heroin.
Ayon kay Tustin Police Lt. Robert Wright, ang asong pinangalanang
Bubba ay natagpuan sa isang hotel room matapos isilbi ang arrest
warrant kay Joshua West, 40 anyos sa Orange County.
Nahalata umano ng mga pulis na nanghihina ang aso kayat agad nila
itong inobserbahan.
Isinailalim sa test ang ihi ng aso at lumabas sa resulta na
positibo ito sa shabu at heroin.
Bagamat hindi alam ng mga pulis kung paano nakain ng aso ang
naturang droga ay naniniwala silang si West ang may kagagawan
nito.
----------000000000000-----------------000000000000000--Inako ng teroristang ISIS ang serye ng sunod-sunod na
pagpapasabog sa Tartous at Jaba sa Syria na ikinamatay ng 78
katao.
Ayon sa ulat, Tatlong pagsabog ang sumiklab sa isang bus station
sa Tartous at apat naman sa residential areas ng Jabla.
Ang Tartous ay isa sa mga lugar na madalas puntahan ng mga Syrian
soldiers na naka-leave at isa rin itong malawak na lugar ng
military garrison.
Lumalabas naman sa report ng London-based Syrian Observatory for
Human Rights na umakyat na sa 101 ang namatay sa insidente.
--------0000000000000------------000000000000------Inanunsyo ni U.S. President Barack Obama ang pagbawi ng arms
embargo sa Vietnam na magbibigay daan sa pagbenta ng Amerika ng
armas sa Hanoi.
Ito ay kasabay ng pagdalaw ni Obama sa Vietnam.
Ayon kay Obama, matatag na ang tiwala ng dating magkalabang mga
bansa kabilang ang armed forces ng U.S. at Vietnam kaya tinanggal
ang arms embargo.
SHOWBIZ NEWS
SPORTS NEWS
HEALTH NEWS