You are on page 1of 9

Published

2666 Words

NOTEBOOK
May nakakilala na ba kayong genius?
Siguro naman meron, sa mga nag-aaral, marahil yung top one nyo.
Pero yung genius na kilala ko top one rin, *dreamy eyes* top one ng puso ko.
I want you to meet Harold Celestine, my ultimate enemy (which also happens to be my secret
crush).
He is so handsome and I am so troublesome.
He's the smartest and I'm simply brainless(according to him, well I can't blame him 'cause I'm
fond of ruining his day)
He's kind to everybody but me.
One thing we have in common.
We say, Our Math Notebook sucks!
Well, I hate math.
But, him? the mathematician hottie?
I wonder what makes him say so!
"Eue Madrid?!" at iwinagayway nya pa ang answersheet sa tapat ng mukha ko. Hihi.
Nakatunganga lang naman ako sa kanya pero in fairness nakikinig naman ako. Ang ganda kaya
ng boses nya.
"Ang sabi ko kung alam mo ba ito? Tss. I can't believe that I need to teach you, dolt!"
pabulong nya pang sambit. (a/n:dolt=stupid)
"Napakawalang kwenta mo namang teacher, paulit-ulit sa isang topic? Cartesian
coordinate plane nga yan diba?" I answered. Oh, asked pala. Teka, should I answer a question
with another question? Ah basta, ang gwapo nya! I just heard him chuckle. Sheet. Why so cute?
"See? You didn't even glanced before letting an answer?" ay? Required bang binabasa ang
tanong? fine!

"Ang dami mong arte, heto na..."


Tingnan ko nga------WHAAAAAAAAAAAAT!?
"WAAAAAHHH! EEEIIIII! I-IPIIIIIIISSS!" Napatalon-talon ako sa sobrang pandidiri pero
inihagis nya pa iyon sa akin "AHHHHHH! MAAAAA! MAAAAAM!" leche! Wala bang
sasaklolo sa'kin?! "JUAN! PEDRO! SEBASTIAN! JUDAAAAAAASS!" Out of helplessness
napayakap na lang ako ng mahigpit sa pinakamalapit na tao. Itinaas ko ang dalawa kong
magagandang paa para hindi ako maabot at magapangan nung ewwww-pis!
"*lingon'lingon* whoah! Wala na eww-pis! *sighed*pikit* Thanks God!" Bulong ko sa
taong yakap este buhat ako. Well magaan naman ako dahil I'm sexy and I know it!
Buti na lang nandito si Dad!
Naramdaman ko na lang na naglalakad kami este sya na buhat ako. Grabe, namiss kong mabuhat
ni Dad in years! Ansaya! Maya-maya pa ihiniga nya na ako sa kama ko. Wow! Anlambot talaga
ng MEMORY MATTRESS! *blush*
"Daddy, pa-hug naman po, I miss you" then I hugged him hard. Ang sarap ng may Daddy, ang
tagal kong pinangarap ito. Ang tagal kong pinangarap magka-DA-----, MAGKAD-DAD?? TTeka?! Memory Recall---Ako si Eue Madrid, 18, Maganda, Sexy, may Ipisphobia, Anak ni Eunice Madrid na SingleMom,
wala akong kwarto, wala akong memory mattress, wala akong daddy?! Wahhhh!! Sino ito?!
Nasan ako?
Sheeeeeeet! Nasa bahay nga pala ako ni secret crush at nagrereview para sa darating na
EVALUATION EXAMS!
Nakaramdam ako ng mainit na hangin sa aking mukha. Dahan-Dahan kong iminulat ang
magaganda kong mata. Only to find out--------- hindi ako makagalaw at napapikit na lang ulit
ako.
I slowly felt his lips on mine. Napamulat ulit ako ng mata.
Woah! It was just a smack but i feel i'm panting when we parted. eiiiiiiiii!
Yung genius ba na kilala mo kinainisan mo o hinangaan o minahal? Ako kasi AOTA!

After the kiss, awkwardness followed kaya tinapos na lang namin ang last review naming iyon at
umuwi na ako sa two storey na bahay ko. Hindi na rin ako nagpahatid pa sa kanya kahit medyo
gabi na. Hihi, magkatapat lang naman ang bahay namin, tawid kalye lang. Oh, did I said bahay
ko? Hehe, I mean rented kwarto pala namin ni Mama. Actually, katapat nga ng kwarto namin ang

kwarto niya kaya madalas ako magsight seeing ng napakagwapong view! Lalo tuloy lumalalim
ang feelings ko for him!
****
"Eue!"
"Darlene!"
At nagtatalon kami habang magkayakap.
"Hoy, ano ba kayo jan? Bibili ba kayo o hahara lang jan?!" nakapamewangan pa talaga?
"bibili po" sagot ni darlene
"hindi na po, nagbago na isip namin, dun na lang kami sa kabilang fishball stand bibili!
Pft!" pagtataray ko. Simula talaga nung nakipag-away ako rito ng minsang mapagkamalan kong
10pesos yung pisong binayad ko (hehe. at ipinagpilitan ko pa talaga yun that time) e nagkainitan
na kami nitong babaeng 'to.
"Go! Hindi ka kawalan! Tingnan natin kung pagbilhan ka ng pisong fishball dun!"
"Fine! Tara na Darlene! Magburger na lang tayo!"
"walang tag pisong burger miss!" ay! Kaimbyerna ha! Makaalis na nga baka makapatay pa
ako ng di oras.
I was about to leave when I heard a famillar voice.
"Isang order nga po." yeah right, si Harold! eiii! My first kiss! Sabi na hindi nya mareresist
ang charm ko e!
"oh, I see, pagkakataon nga naman, kamusta ka na kiss stealer? LTNS ah." pang-aasar ko.
Several weeks din kasi kaming di nagkita dahil magkaiba kami ng course. 2nd year college na
pala kami. I'm a BSTourism Student sya naman BSCHEM. Sya na matalino! Kaya nga naging
one-on-one math tuitor ko yan e. Requirement nila sa isang math related subject. Hihi.
"Ayos naman, Ms. Katsaridaphobia. About the kiss, wag kang masyadong pahalata na
gustong-gusto mo.-------- heto po bayad. Salamat po." at nginitian nya yung feelingerang
fishball vendor. Kinilig naman. Ggss? Landi pa more!
"Grabe friend ang gwapo nya talaga! P-pero nagkiss ba talag--- Eue? Uy ba't ka
umiiyak?"
"Darlene, *snif* masakit pala-huhu!"

****
That night..
Kasalukuyan akong nakatanaw kay Harold mula dito sa bintana ng kwarto namin ni mama.
Hindi ko pa rin makalma ang sarili.
Bakit ba patuloy pa rin ang pagbagsak ng luha ko!? He's a jerk! He don't deserve these precious
tears of mine!
Matapos nya akong halikan, dadaan-daanan nya lang ako na parang hangin! Parang walang
nangyari!? Ano ba ako sa tingin nya!? Naiinis ako!? Ayaw ko na sa kanya!? Promise kakalimutan
na ko na sya!
"WAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHH!"
*something broke*
Naramdaman ko naman mabilis na pumanhik si mama.
"Eue anak! Anong nangyar----ano 'to?! Anak, ano 'to!" hesterikal nyang tanong.
"Ma, hik-- hindi ka na -hik--man po bulag di po ba!? -hik---" nakita nang basag na bote ng
alak, magtatanong pa kung ano!? Tss. Waitress sya kaya alam kong nakakita na sya ng alak 'no!
"Tingnan mo 'yan! Kailan ka pa natututong sumagot ng pabalang? Tsaka, bakit ka
naglasing?! Kailan ka pa natutong uminom?!"
"Ngayon lang po ma! Masakit po kasi ito! *point sa heart* pagod na kasi ako! Pagod na
akong magmahal! Pagod na akong masaktan!"
Naramdaman ko na lang ang mahigpit at mainit na yakap ni mama. Huhu. Bakit ba kasi si
Harold pa ang minahal ko?! Ano bang mali sa akin at bakit hindi nya ako magustuhan?! Dahil ba
lagi ko syang inaaway simula nung grade one kami hangang ngayon?! 'yun lang naman ang
naisip kong paraan para mas mapalapit ako sa kanya! Para malaman nyang nag-eexxist ako! Para
araw-araw nya akong isipin! Kung naging sweet ba ako sa kanya tulad ng iba?! Minahal nya
kaya ako?! Waaaaaaaaaahhhhhh! Suko na ako! Ayaw ko na sa kanya!
****
Mabilis na dumaan ang 2 buwan pero hindi naging madali. Iniwasan kong magkita kami both
intentional and by chance. Pero dahil di ko maiwasang mamiss sya, gabi-gabi pa rin akong
nakatanaw kay Harold mula sa bintana ng kwarto ko kung saan madalas ko syang nakikitang
nakatungo sa study table nya. Mula bata kami ganun na sya. Mahilig mag-isa. Malihim. Pero

bakit? Bakit ilang araw ko na syang hindi nakikitang natutulog sa kwarto nya. Masama ang
kutob ko. Nasaan ka ba Harold? Sana okay ka lang.
Dzzzzzzzt. Dzzzt. Dzzzt. [phone vibrates]
"Sino ka bang abala sa pagmuni-muni ko?" sabay kinuha ko ang cp sa bulsa ko.
|Babe, let's have our lunch together?|
|Greg, it's already 9pm|
|Babe, napakamot batok naman ako sa reply mo. Syempre hindi ngayon. Bukas|
|pwede naman kasi diba na ang first text "Babe, let's have our lunch together tomorrow?" e di
wala nang mahabang usapan!|
|... |
| Fine, I'm sorry Greg, masama lang pakiramdam ko :( |
|I know. See you tom I need to confess something important. I LOVE YOU SO MUCH|
|k. Thanks|
|I LOVE YOU EUE MADRID! Sweetdreams Babe. Goodnyt. |
Eue Madrid is typing... |same. Good-------|
Hindi ko na tinuloy pa ang balak kong ireply sana sa kanya. I closed my facebook chatbox.
Syanga pala hindi ko nasabi ang tungkol kay Greg. Kababata namin sya ni H-harold. Haaay!
Masugid ko syang maliligaw. Simula elementary pa lang yata sinabi nya nang gusto nya ako
kaya hayun I gave him a chance. I gave myself a chance too. Kahit papano deserve ko naman
sigurong makaramdam na mahalin and maybe later on, to love him in return. After all, He's far
better than H-harold. He never hurt me. He never left me. He is very considerate and
understanding. Paano ko naman sya hindi matututunang mahalin? Kailangan ko lang ng oras.
****
Afterclass, sinundo ako ni Greg at lumabas kami ng campus. Hindi ko talaga alam kung saan nya
ako balak dalhin.
"happy second monsary babe!" then tinanggal nya ang blindfold ko.
Hindi ako agad nakakilos sa bumungad sa akin.

"Na-surprise ka ba babe? Payakap nga sa pinakamamahal kong babae sa buong mundo!"


I was still unmoved even after he hugged me. Eue ano ba?! Say something! Naghihintay sila ng
response mo! Pero ano bang dapat kong maramdaman?! I was surpised! I never expected to see
him in that situation!
"I'm sorry, I never told you." mahinang sabi nang lalaki sa harapan ko. Nakahospital gown sya
at halatang mahinang-mahina.
My tears fell.
"I'm sorry babe, I really need to do this. Dahil nga sa sobrang mahal kita, masakit man ay
alam kong hindi ako ang mahal mo, tanggap ko na, kaya dapat siguro na ako na ang
gumawa ng paraan para mapag-usapan nyong dalawa ang tungkol sa mga damdamin nyo.
I love you so much. Be strong. Thank you for the chance." he hugged me tighter. Lalong
bumuhos ang luha ko.
"Hehe." he fake a smile matapos kumalas sa yakap. Pinahid nya ang luha sa kanyang mga mata
"Paano? Break na tayo ha? For closure purposes. Bye Eue." then he went his way palabas ng
hospital room. Hindi ako nakatugon sa lahat ng sinabi nya. Hindi man lang ako
nakapagpasalamat.
I started to walk towards Harold. Ang dami kong tanong! Why is he sick? How is his condition?
Is his illness curable?! Why didn't he told me? But I feel like I ost all my energy. I can't speak.
I'm afraid.
"You know what?" basag nya sa nakamamatay na katahimikan.
"..." I'm still lost at words.
"I asked God for a sign," turan nya at napansin ko ang mga luhang bumukal sa kanyang mga
mata. He's in extreme pain.
"pwede ba? W-wag ka nang magsalita." at napayakap ako sa kanya. Tuloy-tuloy na naman
ang pagluha ko. How I love this man!
"He gave me you. Just what I ever dreamed to see before I go." lalo akong napahagulgol sa
mga sinabi nya. Kahit alam kong hindi nya ako natutunang mahalin, kahit masakit, Lord, I want
to ask you his life! Please! Please don't take him! Please!
Natigilan ako ng may maramdaman akong bagay na nasa ibabaw ng kumot nya.
A-ano 'to? His math notebook! His notebook that sucks! His notebook that I've never had a
chance to peak at! To know what its inside!
Napansin ko na napangiti sya ng damputin ko ito. The usual Harold would have already scolded
me because I touched his math notebook. But now he smiled, he smiled bitterly.

I heared a sad tune followed as his smile faded...


Tooooooooooooooooooooooooooooooooot...
Nagsulputan ang mga nurse kung saan-saan.. Tumawag rin sila ng doctor..
In my perspective, everything went slow motion.
( one.. two.. three.. Charge! )
Wala akong nagawa kundi titigan itong notebook nya habang inakay ako ng isang nurse palabas
ng kwarto. Hindi ko alam kung paano ilalarawan ang sakit na nararamdaman ko. Mawawala na
ba talaga si Harold?!
Hindi ko pa man nabubuksan ang notebook ay basang-basa na ito ng luha ko.
---Hi notebook,
Unang-una sa lahat, pasensya na kung ikaw ang napili ko. Mathematics kasi ang hatest subject
nya kaya sigurado akong makita ka pa lang nya, mawawalan na sya ng interes na buklatin ka.
---Simula pa nung elem kami, madalas na kaming magtalo tulad kanina. Nung una hindi ko
maunawaan kung anong nagtutulak sa akin na patulan sya samantalang hindi ko naman forte
ang pakikipagaway. Pero simula last year, nung makapartner ko sya sa freshmen acquintance
night, naunawaan ko na ang lahat. Hihi. Crush ko kasi sya. Sikreto lang natin ha? Baka kasi
layuan nya ako pag nalaman nya.
---JS prom na next week. Wala pa rin akong date. Si Eue lang naman ang gusto kong makapartner
e. Kaya lang, sa ganda nya, panigurado may nag-aya na sa kanya.
---Ang saya ko kasi sabi ni Eue wala pa pala syang ka-date! Nakipagpustahan sya sa akin na
makaka-perfect sya sa assignment sa math, kung ako mananalo magiging date ko sya sa prom!
Lord ngayon ko lang po hihingiin ito, sana po 'wag sya maka-perfect.
---Yes I won! Nakalimutan nya ang assignment nya sa kanila! Promise, I'll be the best escort she
could ever have. Goodbye nerd Harold! Hello new and better me!
--Lord thank you po! Akala ko after the graduation magkakalayo na kami ng lubusan ni Eue my
love. Yes po, mahal ko na sya! Mahal na mahal! Buti naman at pumayag si mama na h'wag na
akong tumuloy pa sa Harvard!

--Magkaiba kami ng course. :( Nakakalungkot sana hindi na lang ako naging genius.
---Yes! Pumayag si Conrad na makipagpalit ng itututor! Magtatapat na ako kay Eue! Bahala na
kung anong mangyari!
--Hindi ko maipaliwang ang nararamdaman ko! Parang gusto kong sumuka sa sobrang tuwa! We
kissed! Yes we kissed! Ang lambot ng labi nya!
--I was rushed to the hospital. Nahilo lang naman ako at sumakit ang ulo now, I'm confined?!
Naasar ako kay Mom, she's acting weird. She won't tell me anything about my condition. Hindi
pa kami nagkikita ni Eue. Baka iniisip nyang balewala lang sa 'kin yung kiss. Ahaha.
Nagmumula pa rin ako pag naaalala ko yun.
--I was discharged this morning. I went to school and as fast as I could I rushed to find Eue! I
want to confess that I love her nung nakita ko sya sa canteen. She even teased me about the kiss I
stole. Pero naisip ko, anong sense? May taning naman na ang buhay ko.
--I reached the end. Anytime I'm willing to leave this cruel world. I just want to ask one thing dear
notebook. Please tell God I need a sign. If I could see her for the last time, I can go peacefully.
Please God!
P.S. thanks notebook. I know I told her that you sucks but I really think you're cool. Please tell
her I Love Her To Infinity and Beyond.
Wala na akong makitang malinaw dahil sa walang kaubusang pagbuhos ng luha ko.
( one... two... three... Charge!)
Wala na akong maramdaman na tuwa.. tuwa naman talaga dapat diba? dahil nalaman kong mahal
nya rin ako... our feelings are mutual... pero... hindi nya man lang nalaman...
( one... two... three... Charge!)
Love sometimes comes like a dream and leaves like a nightmare...
tooooooooooooooooooooooooooooooooooooot....
****
5 years later (Cemetery)

"Hi, kamusta ka naman dyan? Akala mo siguro nakalimutan na kita ano?" I greeted a grave
labeled "Harold Celestine". Yes, After almost five years in States, sya ang una kong naisip
dalawin ngayong nakauwi ako ng Pilipinas. Ang lalaking pinakamamahal ko, mula noon
hanggang ngayon, ay tahimik nang nahihimlay kasama ng mga anghel. Tanging ang Math
Notebook nya na lang ang nagtatago ng damdamin nya para ipaalala sa akin na nangyayari rin
ang Fairytale. Hindi nga lang lahat happy ending.
****
All in all, 2,615 words were used. This story is composed to serve as my entry for a OSS Writing
Contest initiated by PASAWAY18. This is dedicated to all who read it.
Vomment please!
Please also support my other one shot stories.. visit my works and look for
"DREAMERS TALES: A COMPILATION OF ONE SHOT STORIES WRITTEN BY
Sanguine_Alile"
Thank you so much readers! Mwahhuggs!
Copyrights May 19, 2015 by Sanguine_Alile
ALL RIGHTS RESERVED
Plagiarism is a Sin.

You might also like