Sa aspeto ng opinyon ni manong drayber sa pagtaas ng buwis sa mga
manggagawa, hindi lubos ang pag sang-ayon ko rito. Ayon sa National Internal Revenue Code of 1997, ang isang manggagawa na kumikita ng P500,000 pataas ay binubuwisan ng 32%, gayun din ang buwis ng isang CEO ng malaking kumpanya kung kumikita rin ito ng P500,000 pataas. Sa madaling salita, ang buwis ng isang ordinaryong empleyado at isang CEO na kumikita ng P500,000 pataas ay parehong 32%. Kung ikumpara ito sa buwis tulad sa bansang Singapore, ang isang empleyado ng kumikita ng P500,000 pataas ay nabubuwisan lamang 15%. Ang Singapore ay isa sa pinaka mauunlad na bansa sa buong mundo sa kabila ng maliit na populasyon, ito ay isa sa mga first world country na maituturing. Sa lahat ng miyembro ng ASEAN nations, Pilipinas ang may pinakamataas na pamamaraan ng pagbuwis. Ito ay sa kabila ng pagiging third world country ng ating bansa o underdeveloped country. Hindi solusyon ang pagtaas ng buwis sa mga ordinayong manggagawa at pagtanggal sa buwis ng mga malalaking kumpanya. Nararapat pa nga na ibaba ang buwis ng mga ordinaryong manggagawa, dahil ang take home ng isang empleyado ay maaaring i-shift sa spendings na babalik din naman sa gobyerno sa pamamagitan ng ating Value Added-Tax (VAT). Ang pagtanggal sa buwis ng mga malalaking kumpanya ay maituturing natin na hindi makatarungan kung itataas naman ang buwis ng ordinaryong manggagawa. Bakit? Dahil ayon sa ating National Internal Revenue Code of 1997, ang isang korporasyon ay isa sa mga institusyon na may prebelihiyo na makaclaim ng napakaraming uri allowabale deductions. Kung tutuusin, kung walang Minimum Corporate Income Tac (MCIT) na nire-require ang ating batas para sa mga korporasyon upang masiguro at maiwasan ang 0% tax rate, halos wala nang mga babayaran na buwis ang mga malalaking korporasyon. Ngayon kung hahayaan natin na tanggalin ang buwis ng malalaking kumpanya para lamang maitaas ng mga kumpanya na ito ang sahod ng kanilang empleyado, may problema pa rin tayo na hindi na-solusyunan. Parang pag nasugatan ka, tinakpan mo ng gasa ang sugat nang hindi nililinisan, mauuwi lamang sa isa pang problema, ang impeksyon. Sa ganoong paraan, mas pinalala pa ang problema, imbes na nalunasan na habang maliit pa.
Ang pag-triple sa buwis ng mga ordinaryong manggagawa at mahihirap ay
pagbibigay lalo ng daan upang hindi sila makaangat sa ating lipunan. Sa ganitong sistema, paliliitin lamang natin ang butas ng progreso sa kanila, imbes na progresibong paraan dapat. Dahil ang pagtanggal sa buwis ng malalaking kumpanya ay makakaapekto sa ating tinatawag na Lifeblood Theory, kung saan nakasalalay ang revenue raising ng ating gobyerno upang makatugon sa mga pangangailangan ng ating lipunan. Kung mababawasan ang buwis na makokolekta ng ating gobyerno, ito ay labag sa kinikilala ng Korte Suprema ng Lifeblood Theory. Sa kalagayan ngayon ng ating bansa, hindi kaila sa lahat na marami pang kailangan pagbabago na mangyari upang makamit natin ang pag-unlad na nararapat para sa bawat Pilipino. Ang opinyon ng isang jeepney driver ay napakahalaga para sa pabuo ng sistema na makakatulong upang tumaas ang antas ng ating pamumuhay, sapagkat sila ang isa sa mga nasa laylayan ng ating lipunan na nakakaranas mismo paano ba mamuhay ang isang ordinaryong Pilipino.