You are on page 1of 7

“Mahal kong Elizabeth”

SI ELIZABETH VILLAREAL ay isa sa mga pinakamagaling na accountant sa


kompanya ng Anderson&Johnson. Matagal na siyang nagtatrabaho doon, simula pa
noong bago palang siya nag-graduate. Ngayon, limang taon na siya sa kompanya
at wala pa rin itong planong iwan ito at pumunta sa ibang kompanya sa labas
ng bansa. Kung tanungin nga ay palaging sinasagot na masaya na siya doon,
dahil mababait ang mga kasama sa trabaho pati na rin ang kanyang boss. Pero
sa palagay naman ng iba niyang kasama, hindi niya iniiwan ang kompanya dahil
sa isang tao lamang. Siya ay si Jonathan Anderson, anak ng may-ari ng
kompanya. Malapit na sa isang taon na magkasama ang dalawa at makikita
talaga na sobra ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

ISANG ARAW, napakarami ng ginagawa ni Liz kung kaya ay hindi niya agad
napansin na nasa harapan na pala ng desk niya si John. Nagulat lang siya ng
biglang binagsak ni John ang isang pumpon ng rosas sa harapan niya.
"Surprise!" wika ng lalaki. Ngumiti lamang si Liz at agad na ikinuha ang mga
rosas. "Gusto mo bang magpasyal mamaya?" tanong ni John. "Oo naman!" tumango
si Liz. "Sige, Lizzy. 6 pm ha, pagtapos kaagad ng trabaho mo. Maghihintay
lang ako sa parking lot." sagot naman ni John.

Mag-usap pa sana ang dalawa ngunit sa panahong rin iyon ay lumabas sa


kanyang opisina si Mr. Anderson at hinanap ang anak. "Jonathan!" sigaw nito.
"Dad! Dito pa ako!" sagot ng anak na hindi umaalis sa katabi ni Liz. "Hay
nako, kanina pa kita hinahanap. Ano ba naman ito, palagi kang nawawala."
Lumakad patungo sa kanila ang mayaman na may-ari ng kompanya. Tumahimik ang
ibang empleyado at tumingin lamang kay Mr. Anderson na para itong isang
artista na hindi pwedeng lapitan. Tumingin ito kay Elizabeth, at nakita ang
mga rosas na hawak nito. Ang tingin naman ay bumalik sa anak kung saan
nakita niya na parang ang saya-saya nito. "Harrumph!" Tiningnan nito ulit
ang babae at nang nalaman na wala namang mali itong ginawa, kinuha nalang
ang kamay ng anak at sinabihang, "Halika ka na Jonathan. We have a lunch
meeting with Mr. Wesson. Naalala mo pa ba si Jessica? Sasama siya ngayon sa
atin." "Opo, Daddy. Sandali lang po, may sasabihin lang ako kay Liz dito."
"Sinong Liz? Aah. Si Ms. Villareal. Bilisan mo. In 5 minutes, ha. Ayaw ng
mga Wesson na maghintay. Siguro makakahintay naman yung sasabihin mo kay Liz
na iyan." sabi ng ama. "Dad! Susunod na ako, okay?" Hindi na hinintay ni
John ang sagot ng ama dahil pabalik na ito kay Liz.

"Lizzy!"
"John? Bakit ka bumalik? Naghihintay na ang ama mo."
"Hindi pa kasi natapos ang usapan natin."
"Naiintindahan ko, John. Hmm. Teka, sino pala si Jessica?"

"Anak ng kaibigan ng ama ko, Lizzy. Ano ba iyang nararamdaman ko, ha?
Nagseselos ka ata!" patawa na sabi ni John. "Hindi kaya!" sagot ni Liz sabay
sampal sa paa ni John. "Nagtataka lang kasi ako." dugang nito. "Nako,
Elizabeth Villareal. Huwag ka nang mag-alala. Isa lang naman ang mahal ko
ah." ngiti sa kanya ni John. "Ikaw ang corny mo talaga! Sige nga! Umalis
kana!" tumawa lamang ang babae. "Mamaya ha. Hihintayin kita." At umalis na
ito. Hindi na sumagot si Liz pero makikitang namumula na ang mukha nito.
"Bahala na!" sabi niya sa sarili. "Kahit hindi ako gusto ng mga magulang
niya, alam kong gustung-gusto ako ni John." Ilang minuto pa ang lumipas bago
bumalik sa pagtatrabaho si Liz dahil muli nitong pinaglalaro sa isipan ang
naging usapan nila ni John.

MASAYANG bumalik sa apartment si Liz pagkatapos ng pasyal nila ni


John. Hindi niya makakalimutan ang mga ginawa ng lalaki sa kanya. Napaka-
gentleman talaga ito, may dala pa ngang picnic basket dahil gusto raw nito
na doon sila sa ilalim ng buwan kumain. Isang masintahin na gabi ang kanyang
naranasan, at ayaw pa niya sanang umuwi, ngunit nagsabi si John na maaga pa
raw siya aalis sa susunod na araw kasama ang pamilya para sa isang business
trip. Nalungkot si Liz dahil hindi niya makikita si John sa susunod na araw
ngunit nangako rin naman ito na tatawagan siya. Habang inaayos ang mga
kagamitan sa bahay ay hindi huminto sa pagngiti si Liz. Ngayon na siguro
kung saan siya naging pinakasaya sa buong buhay niya.

SUMUNOD NA ARAW, pumasok si Liz sa trabaho. Pagdating ng hapon, wala


pa rin siyang natanggap na tawag mula kay John. Sinabi niya na baka walang
signal kung saan man sila pumunta. Hindi ito nagtaka, dahil alam niyang
hindi nagsisira ng pangako si John. Ngunit pagdating ng gabi, at wala pa rin
siyang nakuhang tawag, nagsimula na siyang mag-abala tungkol sa mahal niya.
"Naku, naku." wika nito sa sarili habang pabalik-balik na lumalakad sa
apartment. Sinubukan niyang tawagan si John, pero pareho lamang ang
maririnig niya sa bawat tangka, "...is unattended. Please try your call
later." Parang iiyak na si Liz. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin.
Iba't ibang imahe ang kanyang naisip. Aksidente, kidnapping, heart attack,
ambush. Bigla nalang itong lumuha at tumakbo patungo sa kanyang higaan.
Umiyak lang ito nang umiyak hanggang nakatulog.

ISANG LINGGO NA ANG NAKALIPAS. Ni tawag o sulat o text message na mula


kay John ay wala siyang natanggap. Nawalan na ng pag-asa si Liz. Hindi na
ito nagtangkang magtanong sa mga katrabaho nito. Kung may masamang nangyari
ay sana nalaman na nila kaagad. Pero wala naman. Buong linggo ay mala-robot
ang kilos ni Liz. Hindi ito makakatulog sa gabi sa pag-alala. Ang kanyang
pag-alala ay may pinaghalo nang galit, dahil parang walang sikap naman si
John na makausap siya. Kung pumunta rin nga sila sa ibang lugar, at kung
nag-alala rin ito para sa kanya, di sana matagal na niyang pinaalam sa kanya
kung saan nga sila. Napuno na lamang ng masasamang saloobin ang isipan ni
Liz, pati na rin ang kanyang puso.

Ngunit, hindi niya inakala na babalik pa si John. Nang dumaan siya sa


opisina ni Mr. Anderson, may narinig siyang mga taong nag-uusap. Karaniwan,
hindi niya pinapansin ito pero may narinig siyang pamilyar na boses. Huminto
siya sa paglalakad at narinig niya ang mga boses ni Mr. Anderson at isang
babae na nag-uusap. Pero ang nagpahinto sa kanya ay nang narinig niya ang
napakamilyar na tawa ng lalaking matagal na niyang hinanap sa nakalipas na
linggo.

Hindi na nakagalaw si Liz. Bumukas ang pintuan, at lumabas ang mga tao
sa silid ng opisina. Una niyang nakita si Mr. Anderson na napakalaki ang
ngiti. Sunod naman dito ay isang babaeng na kung tingnan ay parang lumabas
galing sa Vogue magazine. Hawak nito ang kamay ng lalaki at paglabas nito,
nakita ni Liz ang mukha ng kasamang lalaki ng mala-model na babae. "John."
bulong niya sa sarili. Hindi pa rin ito gumalaw. Hindi na niya mapigilan ang
sarili na tumingin lamang sa tatlo. Bumalik lang ang kamalayan nito nang
nakita rin siya ni John, at biglang nahinto ang tawa nito. Nagtinginan lang
sila at upang hindi mapahiya, ipinilit nalang ni Liz na galawin ang paa at
biglang umalis, mga luha napupuno sa kanyang mga mata.

Nakarating siya sa balkonahe ng building ng kompanya. Dito siya


palaging pumupunta kapag siya ay nalulungkot. Walang gumagamit ng balkonahe
na ito dahil palaging wala namang oras ang mga empleyado na magpahinga dahil
sa dami ng mga gawain. Pero, kahit na marami pa siyang dapat gawin, pinili
ni Liz na dito nalang muna sa balkonahe manatili. Hindi niya mapigilan ang
pag-iyak. Ilang minuto ang naglipas, at may taong lumapit sa kanya.

"Elizabeth."

Nabigla si Liz at nang tumingin sa likod, ay nakita niya si John. Hindi niya
ito pinansin, at patuloy lang itong umiyak.

"Elizabeth, bakit ka umiiyak? Halika dito, mahal ko. Ilang araw tayong
napaghiwalay, at namimiss na kita."

Pagalit na tumayo si Liz at hinarap ang lalaki. "Sinungaling!" sigaw nito.


Sinubukang ni John lumapit ngunit lumayo rin naman si Liz sa kanya. Makiusap
na ang kanyang mukha ngunit hindi pa rin ito pinansin ni Liz.

"Hayaan mong magpaliwanag ako, Lizzy. Hindi ko namang sinadyang masaktan


ka."

Hindi na maitatago pa ni Liz ang mga naramdaman niya. Umiiyak siya nang
sinigaw kay John ang lahat ng poot na itinago niya noon.

"Do you know how much I went through all these days that you were gone?!
Akala ko kung ano na ang nangyari sayo! I was sick of worry! Hindi na nga
ako makatulog sa gabi! Tapos hindi mo pa sinubukang magpaalam na nagbakasyon
ka lang pala! At kasama pa ang babaeng iyon!"
"LIZ! Wala naman kasi akong magawa eh. Akala ko, pupunta lang kami ng
Tagaytay. Eh anong gulat ko nang sinabi ni Dad na magbabakasyon pala kami sa
Singapore. Hindi lang naman ikaw yung nahirapan eh! Ako namimiss rin kita!
Kahit na nandoon ako isang araw pa lang gusto na kitang balikan dito. Sorry
na, alam ko kasalanan ko pero sinubukan ko talagang magpaalam. Ayaw kasi ni
Dad na may nakaalam. Private daw yun eh, ayaw niyang may sumunod."

"Pero girlfriend mo ako, John! Girlfriend! Akala ko walang sikreto sa


pagitan nating dalawa?"

"Wala nga, mahal ko. Hindi na ito mauulit. Kailangan ko lang talagang sundin
ang ama ko. Alam mo naman si Daddy... At ginawa niya ito para kanina
Jessica..."

"JESSICA? Jessica? Yung gusto ng ama mo na pakasalan mo?! Isang linggong


magkasama kayo at hindi ko alam? ANO BA JOHN? Si Jessica ba kung bakit hindi
mo sinabi sa akin na pupunta kayo doon? "

"Hindi! Si Daddy yung nag-arrange ng trip, Liz. Hindi ako. Kailangan ko lang
kasing sumama. Tapos, gusto ni Daddy mag better acquainted daw kami ni
Jessica..."

"Bakit? Hindi mo na ba ako gusto? Nag-iba na ba ang isip mo? Si Jessica


nalang ang pakakasalan mo? Ganun na ba, John? Iwan mo nalang ako sa ere?
Akala ko mahal mo ako."

"Mahal nga, Liz. Mahal na mahal. Hindi ko naman sinabi na iwan nalang kita
ah."

"Pero iyon naman ang ipinapakita mo ata ah!"

Hindi na nakasagot si John. Tumingin lang ito kay Liz at malulungkot ang mga
mata. Ngunit hindi pa tapos ang galit ni Liz.
"Iniwan mo na nga ako eh! Sige! Doon ka nalang kay Jessica mo! Gusto pa
naman siya ng mga magulang mo! Kung ako kasi, ordinaryong tao, walang may
ipagmamalaki! Eh si Jessica, maganda, matalino, mayaman, English speaking
pa!"

"Lizzy, bigyan mo ako ng pagkakataon na magpaliwanag..."

"Ano pa ba ang ipapaliwanag mo, John? Wala na. Alam ko na. Sige na. Umalis
ka nalang."

Ngunit hindi umalis sa pwesto si John. Tingin lang talaga kay Liz ang
magagawa niya. Nasasaktan na ang puso niya dahil sa mga sinabi ng
kasintahan. Ngunit parang wala naman siyang magawa. Alam niya na iyon ay
kasalan niya. Sobrang hirap ang napadaanan ni Liz dahil lamang sa kanya.
Humintay si Liz at nang hindi pa rin umalis si John, "Ayaw mo? Eh di ako
aalis. At John, okay lang. Hindi na kita mahal. Alam ko iyon ang hinihintay
mo upang maka move on ka rin. Goodbye, John." At umalis na ito. Hindi
gumalaw ang lalaki. Tumingin lang ito sa pader, hawak ang isang bulaklak na
ibig niya sanang ibigay kay Liz bilang peace offering. Hinayaan niya itong
mahulog sa salig at umalis na rin sa balkonahe.

PAGLIPAS NG DALAWANG TAON...

Galing trabaho si Elizabeth at pagdating ng apartment ay iritang-irita


ito dahil marami namang sobreng nakapatong sa mesa. "Bills na naman!
Pagdating ng sahod, mawawala kaagad! Ay ano ba klaseng buhay ito! At ano ba
naman ito? Puro nalang advertisements! Eh aksaya ng papel eto ah! Kakainis!"
Reklamo lang sa sarili ang magagawa niya. Ilinagay niya ang bills sa isang
sulok at itatapon na sana ang mga advertisements nang nakuha ng isang sobre
ang kanyang pansin. Ito ay maliit, at kulay asul. Tapos marami ang stamps,
parang galing abroad. Nagtataka, pinunit niya agad ang sobre at sinimulang
basahin ang nasa loob nito.
Mahal kong Elizabeth,

Kumusta ka na? Alam ko na hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang


galit na nararamdaman mo kahit na dalawang taon na ang nakalipas. Kasalanan
ko rin iyon, at tanggap ko kung kailanman ay hindi mo ako mapatawad. Pero
matagal na iyon, at ayaw ko na may natitira pang poot sa puso mo. Sana handa
ka nang kalimutan ang mga nangyari.

Kasal na pala kami ni Jessica, isang taon na ang naglipas. Masaya na


kami, at buntis siya ngayon sa una naming anak. Hindi ko mapigilan na mag-
isip na sana… ikaw ang kasama ko dito ngayon sa US, Liz. Nagagalit ako sa
aking sarili kung bakit hindi ko sinubukang ayusin ang nangyari sa pagitan
natin. Pero ang buhay ay buhay, at ayaw ko na masaktan ka ulit.

Gusto ko lang sabihin na mahal pa rin kita. Masakit sa aking puso


noong iniwan mo ako sa araw na iyon. Napakahirap gawin yun, Liz, ang pag-
iwan sayo. Pero inisip ko, I don’t deserve you. May karapatan kang malaman,
hindi kita pinagpalit kay Jessy noon. Nang iniwan mo ako, si Jessy ang
naging kaibigan ko. Siya ang tumulong sa akin sa mga araw na hindi ako
nakakain o nakatulog dahil sa kakaisip sayo. At doon ko nalaman… na mahal
pala ako ni Jessica, at handa na rin akong ibalik ang pagmamahal niya, dahil
iniwan mo naman ako.

Alam mo, Liz… minsan, maaalala pa rin kita kung ako ay nag-iisa. Alam
mo ba, na ganoon kung bakit lumipat kami dito sa US? Kasi kung hindi ako
aalis ng Pilipinas eh hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong mag-isip
tungkol sa iyo. Alam ko hindi ito tama, may asawa na nga ako at oo, mahal ko
si Jessy. Pero Liz, ikaw talaga yung naging first love ko, at hindi iyan
madaling makalimutan. Mahal na mahal kita, Liz. Hanggang ngayon. At
kailanman.

Lubos na nagmamahal,
John

TAPOS

You might also like