You are on page 1of 1

Sa Huli

Ang ating mundo ay mayroon ring katapusan.


Mawawala rin ang lahat ng kanyang yaman.
Ang kalagayan ngayon ng Inang Kalikasan,
Ay napakasama at sasama pa sa kinabukasan.

Mga plastik na nasusunog


Gumagawa ng butas sa atmospera
Mga kabundukan nawawalan ng puno
Kaya lupa sa bukid ay naguguho.

Mga ilog nawawalan ng tubig.


Pati hangin ay puno na ng polusyon.
Alikabok ay umiihip,
Mga tao ay nagkakasakit.

Ating mga lupa parang nalulubog.


Sapagkat lebel ng tubig, patuloy sa pagtaas.
Lahat ng problemang ito’y hindi mainam.
Sino kaya’y may kasalanan?

Walang iba kundi tayo lahat


Ang ibinigay sa atin, dapat inalagaan
Ngunit ating ginawa’y inabuso ito,
Pero tandaan natin na sa pinakahuli,
Tayo pa rin ang magiging apektado.

You might also like