You are on page 1of 1

Patrol base ng sundalo sa SoCot, inatake ng NPA

LAKE SEBU, South Cotabato Inatake ng abot sa 100 na mga armadong indibidual ang
detachement ng militar sa Sitio Lamsuging, Barangay Lamfugon, Lake Sebu, South Cotabato.

Sinabi ni Lake Sebu Mayor Antonio Fungan na hinarass ng hindi pa nalamang grupo ang
detachement na nagbabantay sa gumagawa ng konstrksyon ng Maitum-Gensan Road sa Lake
Sebu.
Nagsilikas naman ang abot sa 100 na mga residente dahil sa takot sa nasabing lugar.

Una rito, hinarass din ng pinaniniwalaang grupo ng NPA ang patrol base ng 27th IB sa Sitio Abocado,
Barangay Takunel, Lake Sebu. Nakatakda namang magsampa ng kaso ang military laban sa 6 na
myembro ng pinaniniwalaang NPA na umatake sa patrol base.

Nabatid na tumagal ng halos 20 minuto ang palitan ng putok. Wala namang nasugatan sa panig ng
military.

Hinarass din ng mga sibilyan ang isa pang detachment ng military sa Aflek, Tboli, South Cotabato.
Sinabi ni Tboli Chief of Police Chief Inspector Jose Marie Simangan na hindi NPA ang responsable
sa insidente. Away naman sa lupa ang tinitingnan ng mga otoridad na angulo sa nangyaring
harassment.

You might also like