You are on page 1of 10

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pag-unlad


Kagawaran ng Kasaysayan
Sta. Mesa, Maynila

TAO AT TUBIG
Isang Pag-aaral ng Mga Ritwal ng Tubig sa Pilipinas

Ang term paper na ito


ay ipinasa kay
Prof. Jun Cruz Reyes

bilang tugon sa asignaturang

Cultural History of the Philippines


(Hist 3083)

Ipinasa ni:
RIEGO, Lawrence Angelo D.

ngayong
ika-3 ng Oktubre, 2014

PANIMULA
Kung susuriing maigi ang lipunang Pilipino, agad na mapapansing napakarami nating mga
ritwal ng tubig. Ang mga pinangyarihan ng ibat-ibang creation myth ng Pilipinas ay madalas sa
tubig; ang pangunahing pagkain ng ating mga ninuno ay galing sa tubig; dahil sa takot sa mga
buwaya, nagtatapon ang mga ninuno natin ng pagkain sa tubig; ang tubig sa mga ilog ang
nagsisilbing paliguan ng mga Pilipino; ang mga babaeng makakaranas ng buwanang-dalaw ay
sumasailalim sa ritwal, pinipiringan at pinapaliguan sa tubig; ang mga bagong-silang na mga
Tagalog ay inilulubog sa tubig; ang mga bagong-silang naman na mga Badjao ay ibinabato sa
tubig; ang mga bagong-tuli na lalaki sa tabing-ilog ay tumatalon sa tubig; upang sumara ang matris
nila, ang mga bagong-panganak na mga Ibanag ay sumasailalim sa ritwal ng tubig; ang
oryentasyon o pagtukoy sa direksyon ng mga sinaunang Pilipino ay hindi nakabase sa araw, bagkus
sa tubig; ang pagpapangalan ng bayan ng mga Subanon ay nakabase sa pinakamalapit na anyo ng
tubig sa madaling salita (liban nalang sa mga pangkat etniko na naninirahan sa kabundukan),
umiikot ang buhay ng mga Pilipino sa tubig at mga ritwal ng tubig. Ngunit, ang pinaka-tanong na
sasagutin sa papel na ito ay: bakit?

AMAN SINAYA
Ayon sa creation myth ng mga Tagalog, bago nalikha ang lupa, naroon na sina Bathala,
ang diyos na Langit; si Amihan, ang diyosa ng Hangin; at si Aman Sinaya, ang diyos ng Dagat.
Sina Aman Sinaya at Bathala ay laging nag-aaway inaatake ni Aman Sinaya si Bathala gamit
ang mga bagyo at gumaganti naman si Bathala gamit ang mga kidlat niya. Nagpalit-anyo si
Amihan, naging ginintuang ibon, at namagitan sa pag-aaway ng dalawa hanggang sa maglapit sina
Bathala (kalangitan) at Aman Sinaya (karagatan). Bilang tanda ng kanilang pagkakaibigan,

.........
.

nagtanim si Bathala ng kawayan sa katubigan at dito na bumunga ang kawayang kinalalagyan ng


unang mga Pilipino, si Malakas at si Maganda.

RITWAL NG PANGINGISDA
Sa ibang mga akda naman ay sinasabi na ang nabanggit na diyos ng tubig na si Aman
Sinaya ay babae.1 Ayon naman sa Vocabulario de la Lengua Tagala, bukod sa pagiging diyosa
ng tubig ay siya rin ang diyosa ng mga mangingisda. 2
tagapagtanggol ng mga mangingisdang lumalayag.

Si Aman Sinaya ang nagsisilbing

Ngunit, may kapalit ang proteksyong

ibinibigay ng diyosa mapoproteksyonan lamang sila kapag sumailalim sila sa isang ritwal kung
saan iaalay nila ang unang huli nila kay Aman Sinaya.
Patungkol naman sa tubig bilang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga Pilipino,
binanggit ni William Henry Scott na ang mga katubigan ng Visayas noong ika-16 na siglo ay
punong-puno ng mga isda.3 Ang pangingisda nila ay madalas ginagawa malapit lang sa baybayin,
at tuwing gabi upang maakit ang mga isda sa tanglaw ng mga mangingisda. Ang mga ilog naman
ay ginagawan ng dam gamit ang corrals o bakod na mahigit sa 200-metro upang mapunta ang
mga isda diretso sa mga lambat. Sa mga creek naman ay gumagamit sila ng rattan na basket o
bobo, pati na rin ang mga harpoon o kalawit. Sa isang tala naman ni Chirino, liban sa mga
isda, ang katubigan ng mga Tagalog ay sagana din sa mga tagak, at bibe.

Tupaz, Andrei. Offerings to Aman Sinaya. Alternative Alamat: Stories Inspired by Philippine Mythology.
Chikiamco, Paulo, et al. Flipside Digital Content Company, Inc, 2011
2
Sanlucar, Pedro de, Noceda, Juan Jos de. Vocabulario de la Lengua Tagala: Compuesto por Varios Religiosos
Doctos y Graves, y Coordinado. Ramirez y Giraudier, 1860, p. 11
3
Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth-Century Phiippine Culture and Society. Ateneo de Manila University
Press, 1994, p.45

.........
.

RITWAL SA MGA BUWAYA


Bukod sa mga nabanggit ay marami ding buwaya na palibot-libot sa mga ilog at sinisindak
ang mga mangingisda sa tuwing maulan ang panahon. Kung kayat nirerespeto ng mga Pilipino
ang buwaya o buaya sa kadahilanang takot sila sa maaaring gawin sa kanila nito.4 Kapag
tumatawid ang mga sinaunang Pilipino sa ilog, inaalayan nila ng pagkain ang mga buwaya.
Ginagawa din nila ito kapag sila ay sumasakay ng barko sapagkat gusto nilang manatiling ligtas
ang paglalayag nila.

RITWAL NG KALINISAN
Ang mga Pilipino ay sadyang malinis. Sa Relacion de las Islas Filipinas, pinag-aralan
ni Pedro Chirino ang mga Tagalog at dito niya sinabi ang mga sumusunod:
From the day they are born these islanders are raised in the water, and
so from childhood both men and women swim like fish and have no need of a
bridge to cross rivers. They bathe at all hours indiscriminately, for pleasure
and cleanliness, and not even women who have just delivered avoid bathing or
fail to immerse a newly born infant in the river itself or in the cold springs.
Naghihilod din sila gamit ang batong pumice habang naliligo. Binanggit rin na matapos ang
kanilang pagligo ay pinapahiran nila ang kanilang mga ulo ng langis ng sesame o linga. Ginagawa
nila ito para sa kaginhawaan o kaya naman ay para sa pagpapaganda. 5 Bukod pa rito, naglalagay
rin sila ng banga ng tubig sa paanan ng kanilang mga hagdan sa bungad ng bahay. Ito ay para
mahugasan ang paa ng kahit sinumang papasok sa bahay upang maobserbahan ang kalinisan.

Ibid, p.78
Chirino, Pedro. Relacion de las Islas Filipinas: The Philippines in 1600. Manila, Historical Conservation Society,
1969.
5

.........
.

Kinukuskos nila ang kanilang mga paa pagpasok ng bahay at ang tubig ay tutulo lamang sa sahig
na yari sa bamboo o palma.6
Gaya ng naisaad sa itaas, ang mga Pilipino ay mahilig maligo. At sa kadahilanang ito ay
ninanais nilang manirahan sa tabing-ilog dahil sa paniniwalang kapag mas malapit sila sa tubig ay
mas mainam ito para sa kanila.7 Madalas silang maligo pag-sikat pa lamang ng araw, at pagkatapos
ng kanilang trabaho sa dapit-hapon. Ang mga damit naman ng mga Pilipino ay nilalabhan gamit
ang sitrus di lang dahil sa bias nito sa pagtanggal ng dumi, kung hindi dahil din sa mahalimuyak
na amoy nito.

RITWAL NG PANAHON NG DALAW


Noong panahong pre-kolonyal, ang mga batang babae na unang beses maranasan ang
menstruation o buwanang dalaw ay pinipiringan ang mga mata nang apat na araw at gabi. Ang
mga kamag-anak at kaibigan naman ng babae ay iniimbitahan upang magsalu-salo at mag-inuman.
Pagkatapos nito ay dinadala sa ilog ng catolonan o sinaunang pari ang babae, pinapaliguan,
hinuhugasan ang buhok, at tsaka tatanggalan ng piring.8 Ayon sa mga nakatatanda ay ginagawa
ito para magkaroon ng kapasidad ang babae na magdala ng anak. Ginagawa rin ito upang
makahanap ng asawa ang babae na angkop sa kanyang kagustuhan, at hindi sila iwan.

RITWAL NG PANGANGANAK
Ang mga babaeng Ibanag ay sumasailailim sa warming ritual upang sumara ang matris
niya pagkatapos niyang manganak. Ito ay sa pamamagitan ng paglalagay ng bato sa ilalim ng mga
telang hinihigaan upang uminit ang kaniyang katawan. Matapos nito ay nililinisan siya gamit ang

Pelmoka, Juana Jimenez. Pre-Spanish Philippines. Caloocan City: Philippine Graphic Arts, Inc., 1996, p.150
Collin, Fr. Francisco. Labor Evangelico, Ministerios Apostolicos de los Obreros de Compania de Jesus en Islas
Filipinas. Madrid, 1663, p.62
8
Plasencia, Fr. Juan. Los Costumbres de los Indios Tagalogs de Filipinas. The Philippine Islands 1493-1898 vol. 7.
Blair & Robertson. The Arthur H. Clark Company, 1903, p.192
7

.........
.

pinakuluang bayabas.9 Ayon naman sa pag-aaral ni Dr. Ruhiba Cauda Sarabi na Perinatal Beliefs
and Practices Among Badjaos In Jolo, Sulu, sumasailalim ang mga bagong-silang na mga Badjao
sa ritwal kung saan ay ibinabato sila sa tubig at agarang sinasagip ng isang kamag-anak. Ito daw
ay isang pasinaya sa realidad ng buhay ng isang Badjao, na sanay sa pamumuhay, at halos buong
buhay ay nakatira, sa dagat. Ito raw ay naka-base sa relasyon ng mga Badjao sa karagatan. Ang
mga bagong-silang na Tagalog noong panahong pre-kolonyal naman ay inilulubog sa tubig
hanggang sa leeg habang hawak-hawak ng mga nanay sa posisyong nakaupo. Pinapalguan ang
mga sanggol sa ilog o kaya naman ay sa bukal na may malamig na tubig.10

RITWAL NG PAG-TULI
Ang pagtutuli ay laganap sa Visayas noong panahong pre-kolonyal. Ito ay isang rite of
passage na nangangahulugang isa itong ritwal. Apat sa limang Pilipino ay Katoliko, at hindi utos
sa relihiyong ito ang pagtutuli, ngunit ginagawa pa rin ng mga Pilipino. Marahil ay nanggaling ito
sa impluwensyang Islam na dumating sa Pilipinas 200 taon bago ang Kristiyanismo noong ika-16
na siglo. Ngunit, ayon naman kay Scott, tinanggi ng mga taga-Visayas na sa Muslim nanggaling
ang kaalaman nila sa pag-tuli, bagkus ito ay natutunan nila sa kanilang sarili. Sa isang pag-aaral,
binanggit na kapag walang ilog na tatalunan, yelo ang ginagamit sa ari ng lalaki upang maging
manhid ang ari.11 Ibig sabihin kung may ilog na maaarig gamitin, ito ang siyang nagsisilbing
pampamanhid ng sinaunang Pilipino bago pa man maimbento ang anesthesia. Sa artikulo sa
Yahoo! Philippines ni Homer Teodoro, binanggit na ang pagtalon sa ilog ay ginagawa upang
agarang pigilan ang dugo at malinis ang ari ng lalaki.12

Ibanag Family. Ibanag and Filipino Childbirth Rituals


Scott, p.116
11
Zafra, Reynele Bren Glorioso. Tuli Sa Pukpok: Kulturang Pilipino, Tradisyong Pagbilawin. Manila: Alinaya,
Official Newsletter of the Filipino Department of the De La Salle University, 2010
12
Teodoro, Homer. Summers Rite of Passage. Yahoo! News Philippines, April 27, 2012
10

.........
.

EH ANO?
Hindi lingid sa kaalaman natin na ang Pilipinas ay isang kapuluan o archipelagic country,
kung kayat agarang masasabi na tubig ang pangunahing bumubuo sa ating kaligiran. Ang
oryentasyon o paraan ng pagtukoy ng direksyon dati ay nakabase hindi sa lokasyon ng araw,
bagkus sa lokasyon ng dagat ilawod kung downstream o pababa ang agos, at iraya naman kung
pasalungat ang agos.13 Sa A Voice from Many Rivers ay binanggit naman ni Felicia Brichoux
na para sa mga Subanon, ang salitang river ay kapareho ng salitang home at ang isang bayan
ay pinapangalanan base sa pinakamalapit na ilog dito.14
Ayon sa Geographic Determinism Theory na binanggit sa libro na A Geographical
Introduction to History ni Lucien Febvre, ang pisikal na kapaligiran (mga anyong-lupa at anyongtubig, at klima) ang nagtatakda sa pamumuhay ng tao sa kanyang lipunan.15 Nililimitahan na agad
nito ang pwedeng itanim o anihin sa isang lugar, ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay,
ang mga hayop na kanilang makakasalamuha at sasambahin, at kasama na dito ang kanilang mga
ritwal.
Kung susuriing maigi ang datos, mapapansin na ang pagiging kapuluan mismo ng Pilipinas
ang naging dahilan kung bakit marami tayong mga ritwal ng tubig katubigan ang nasa kaligiran
natin, kayat ito rin ang gagamitin natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Kung kayat masasabi
na mataas ang tingin ng mga Tagalog kay Aman Sinaya dati dahil siya ang diyos ng tubig, ang
dahilan ng pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino. Sa praktikal na kaisipan, ang tubig
ang nagbibigay-kalinisan sa atin sa pagligo man, panganganak, buwanang-dalaw, o sa pag-tuli.

13

Scott, p.125
Brichoux, Felicia. A Voice from Many Rivers (Su Gesalan nu nga Subaanen di Melaun Tinubigan): Central
Subanen Oral and and Written Literature. Ateneo de Manila University Press, 2003, p.417
15
Febvre, Lucien Paul Victor, Bataillon, Lionel. A Geographical Introduction to History. Barnes & Noble, 1966
14

.........
.

Ang tubig rin ang pinanggagalingan ng makakain natin sa araw-araw. Ito rin ang nagbibibgay ng
hanapbuhay sa atin. Ang tubig ay mahalaga. Kung kayat masasabi na umiikot ang buhay ng
mga Pilipino sa tubig at mga ritwal ng tubig dahil napapalibutan tayo nito at ito ang dahilan ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

.........
.

SANGGUNIAN
Brichoux, Felicia. A Voice from Many Rivers (Su Gesalan nu nga Subaanen di Melaun Tinubigan):
Central Subanen Oral and and Written Literature. Ateneo de Manila University Press, 2003
Chirino, Pedro. Relacion de las Islas Filipinas: The Philippines in 1600. Manila, Historical
Conservation Society, 1969.
Collin, Fr. Francisco. Labor Evangelico, Ministerios Apostolicos de los Obreros de Compania de
Jesus en Islas Filipinas. Madrid, 1663
Febvre, Lucien Paul Victor, Bataillon, Lionel. A Geographical Introduction to History. Barnes &
Noble, 1966
Sarabi, Ruhida Cauba. Perinatal Beliefs And Practices Among Badjaos In Jolo, Sulu. Research:
Ateneo de Zamboanga University, April 2007
Pelmoka, Juana Jimenez. Pre-Spanish Philippines. Caloocan City: Philippine Graphic Arts, Inc.,
1996
Plasencia, Fr. Juan. Los Costumbres de los Indios Tagalogs de Filipinas. The Philippine Islands
1493-1898 vol. 7. Blair & Robertson. The Arthur H. Clark Company, 1903
Sanlucar, Pedro de, Noceda, Juan Jos de. Vocabulario de la Lengua Tagala: Compuesto por
Varios Religiosos Doctos y Graves, y Coordinado. Ramirez y Giraudier, 1860
Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth-Century Phiippine Culture and Society. Ateneo de
Manila University Press, 1994
---. Boat Building and Seamanship in Classic Philippine Society. National Museum, 1981.
Tupaz, Andrei. Offerings to Aman Sinaya. Alternative Alamat: Stories Inspired by Philippine
Mythology. Chikiamco, Paulo, et al. Flipside Digital Content Company, Inc, 2011

.........
.

Zafra, Reynele Bren Glorioso. Tuli Sa Pukpok: Kulturang Pilipino, Tradisyong Pagbilawin.
Manila: Alinaya, Official Newsletter of the Filipino Department of the De La Salle
University, 2010
MGA SALIK GALING SA INTERNET
Cupin, Bea. Tuli a rite of passage for Filipino Boys. GMA News Online, May 6 2011
http://www.gmanetwork.com/news/story/219779/news/nation/tuli-a-rite-of-passage-forfilipino-boys
De Guzman, Lawrence, Philippines still top Christian country in Asia, 5th in world. Inquirer.net,
December 21, 2011. http://globalnation.inquirer.net/21233/philippines-still-top-christiancountry-in-asia-5th-in-world
Briney, Amanda. Environmental Determinism: The Controversal Topic, Later Replaced by
Environmental

Possibilism.

Geography,

About.com.

http://geography.about.com/od/culturalgeography/a/envdeterminism.htm
Ibanag Family. Ibanag and Filipino Childbirth Rituals
http://ibanagfamily.blogspot.com/2007/11/childbirth-rituals.html
Real

Legends

and

Myths,

Philippine

Creation.

http://www.read-legends-and-

myths.com/philippines-creation.html
Teodoro, Homer. Summers Rite of Passage. Yahoo! News Philippines, April 27, 2012
https://ph.news.yahoo.com/blogs/the-inbox/summer-rite-passage-143051858.html

.........
.

10

You might also like