You are on page 1of 2

Joshua J.

Mago

Mr.Santos

BSBA FM 1-1

DEKADA OTSENTA
Si Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos, Sr. (September 11, 1917
September 28, 1989) ang ika-sampung pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang
natatanging pangulo ng Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng
mahigit sa dalawampung taon.

Ika-21 ng Setyembre 1972 idineklara ni Marcos ang Proclamation No.


1081 o ang Batas Militar. Ipinapatupad ang batas militar kung ang estado
ay din na kayang gampanan ang pamamahala gamit ang sibilyan na
kapanyarihan.Sa batas militar ang pinakamataas na opisyal ng military
ang mamumuno. Ayon sa pangulong Marcos, idineklara niya ang
pagpapatupad ng Batas Militar sa dalawang kadahilanan. Una ay upang
iligtas ang Pilipinas sa kamay ng mga kaaway nito. Pangalawa ay upang
magtatag ng isang bagong lipunan na makapagdudulot ng ibayong
kaunlaran, kapayapaan at seguridad sa sambayanang Pilipino.

Ngunit sa gantong pamamahala naging isang diktadoryal ang


bansa.Nagugat ang rebolusyon (EDSA People Power Revolution) sa
mga serye ng mga kilos protesta ng mga tao laban sa diktaturyang
pamumuno ni pangulong Marcos.Lalo na nang napaslang si Ninoy
Aquino . Ang mga tao na laban kay Marcos Corazon Aquino,Juan Ponce
Enrile, at Fidel Ramos , kasama ang mga taong bayan .Sumasalungat
sila sa pamumuno ni marcos, umabot ng 3 araw ay napababa si Marcos
sa kanyang posisyon.Bukod sa pag alis ay nagbayad siya sa pinsala ng
batas militar.

Maraming mga kabataan ang hindi na alam ang mga nangyari na


ito.Ang iba ay di na alam mga hirap ng mga Pilipino para lang makamit
ang kalayaan.Makawala sa panunungkulan sa diktador ni
Marcos.Maraming masalimuot na nangyari sa panunungkulan ni marcos
maraming pinapakuha dahil sa pagsalungat sa kanya.
Sa aking pananaliksik aking nalaman na marami paring tao na ang
mapagmahal sa atin bayan.Handang mamatay para lang sa bayan.Tulad
na lamang ni Ninoy Aquino siya ay pumunta sa Amerika upang humingi
ng tulong para pababain si marcos.Nang umuwi siya sa bansa sa Manila
National Airport pagkababa palamang niya ay binaril na agad siya.Dahil
dito maraming Pilipino ang naghimagsik kay marcos dahil na rin sa
naganap na pandaraya sa snap election .

Marahil si marcos ay naabuso ang kanyang kapangyarihan bilang


presidente.Pero aminin man natin o hindi sa kanyang panunungkulan
naging malago ang ekonomiya ng bansa.Naging mura ang bilihin at at
sinimulang ipatayo ang nuclear power plant.
Sa mga ngayung henerasyon ng kabataan ang alam pag febrero
25 ay walang pasok.Pero ang kasaysayan ng araw na ito ay di nila
alam.Sa tingin ko mahalaga pa rin ibalik o ituro ag kasaysayan sa mga
eskwelahan.Sa asignaturang araling panlipunan dahil mas
maaintindihan natin ang hinaharap kung alam natin ang kasaysayan.

You might also like