You are on page 1of 2

Ako si Adrian S. Mirabuenos, 22 years old. Nakatira sa Camaro st. Las pinas City.

Ako po ang bunso sa tatlong magkakapatid. Ang mga kuya ko ay sina Kuya Arman
at Kuya Manrico Jr. Ang aking mga magulang po ay sina Manrico sr. At Arlene
Mirabuenos.
Noong ako po ay nag-aaral na ng College, ako po ay nahiwalay sa aking mga
magulang at napunta ako sa pangangalaga ng aking tita Maritess, na siya ng
nagpaaral sa akin hanggang sa makatapos po ako ng kursong HRS.
Noong ako po ay nag-aaral, marami pong pagsubok na dumating sa aking buhay.
Maraming temptations, na kung saan dahil dito ay kamuntik na akong hindi
makatapos sa pag-aaral.
Napabarkada po ako, napabisyo sa pag-iinom at sa pagsusugal. Nang makasama
kop o si Pj ay mas napalalim pa ako sa bisyo. Naging magkasama po kami sa
inuman at sugalan. Lalo po kaming malulong sa masamang bisyo. Kahit po anong
iutos ni PJ noon ay sinusunod ko kahit alam naming na hindi na ito makakabuti sa
amin. Dumating din yung time na makagraduate na ako sa college pero sa bisyo
hindi pa din.
Mula noon ay matagal kaming hindi nagkita ni PJ. Isang araw ay niyaya niya ako
sa bahay nila. May kainan daw nung time na yun. Nagdalawang isip akong
pumunta pero sabi sa akin ni kuya Arman na pumunta ako at baka importante.
Nung nagpunta na ako ay nagulat ako kasi sa kanto pa lang ay sinalubong na ako
ni PJ. Pagdating sa bahay ng biyenan nya ay maraming tao. Yun na pala ang
pagtitipon sa Gawain, ang tinatawag nila na Life Group.
Nung unang beses nay un ay nasabi ko sa aking sarili hindi na ako papangalawa.
Ngunit habang ako ay nakikinig sa pagtuturo ni pastor Dong ay napatutok ako sa
pakikinig sa salita ng Diyos na kanyang shineshare. Ni isang minute ay hindi ako
naboring.
Mula ng time nay un ay nagkaroon na rin ako ng kauhawan sa salita ng Diyos.
Kaya mula noon ay lagi na akong dumadalo sa Life Group at sa Sunday service ng
GCC.

Mula noon ay mas nakilala ko na ngayon si Hesus, ang ating Panginoon at


sinisikap na maisabuhay ang kanyang salita. At nakita ko rin ang liwanag na
sumasakop sa aking buhay. Maraming pagpapala ang dumating sa akin tulad ng
pagkuha ko ng passport na akala ko madelay pero narelease naman agad. At ako
nga po ay nakapasa agad sa interview for abroad at naghihintay na lang ng date ng
aming flight.
Ang lahat ng pagpapalang ito na aking nararanasan ay dahil sa Panginoong Hesus.
Maraming salamat sa Diyos at sa lahat ng mga taong ginagamit Niyang
instrumento sa aking buhay, isa na dun ang ating mga pastor Dong at Pastora May
sa paghahayag nila ng salita ng Diyos.
Dahil sa mga salita ng Diyos na aking narinig at sa kabutihan ni Hesus sa aking
buhay ay handa na ako magpabautismo dahil si Hesus ang muling pagkabuhay at
nasa kanya na ang lahat lahat. Sa aking pagapunta sa Saudi, hindi man hayag ang
mga Kristyano doon ay alam ko na kasama ko ang Diyos. Sabi nga ng Kanyang
salita sa Psalmo 27:1
Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan. Sino pa ang aking katatakutan. Si Yahweh
ang muog ng aking Buhay, sino pa ang aking kasisindakan.
Bilang bahagi ng pamilya ng GCC ay nais ko na maibahagi din ang salita at
kabutihan ng Panginoon sa iba lalo na sa bansa na pagdadalhan ng Diyos sa akin at
ako ay magpapatuloy sa salita ng Diyos para lalo ko pa sya makilala.
Ang lahat ng papuri ay sa Panginoong Hesus lamang! Amen!

You might also like