You are on page 1of 4

Ako po si Ruben A. Curbi Jr., 17 years old at pangalawa sa aming magkakapatid.

Ako ay lumaki sa probinsya ng Abra.


Bata pa lang ako ay nakilala ko na ang Panginoon. Madalas kasi kami ng ate ko
isama ng lola ko sa isang church. Doon ko unang narinig ang pangalan ng
Panginoon , unang nakarinig ng mga worship songs, umawit sa Panginoon at first
time ko noon na manalangin at sumamba sa Pangalan Niya. Ngunit dahil musmos
pa lang ako noon ay hindi ko talaga nauunawaan kung ano nga ba ang mga iyon.
Makalipas ang ilang taon ay nagpakilala ulit sa akin ang Panginoon. May mga
estudyante at pari na dumayo sa aming lugar upang nagturo ng katesismo. Yung
time na yun ay nadagdagan ang kaalaman ko tungkol sa Panginoon dahil itinuro
nila ang tungkol sa buhay ni Hesus. Tinuruan nila ang mga kabataan kung paano
manalangin.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi ko lang nasabi sa amin na mayroong
Diyos kundi na dapat talaga siyang paniwalaan, sambahin, pasalamatan, humingi
ng tawad at sumunod sa Kanya dahil Siya ang Diyos.
Pagkagraduate ko ng elementary,pinag-isipan ng magulang ko kung san nila ako
paaaralin. Dahil sa kahirapan ng aming buhay ay sa public school nila ako pinagaral. Wala naman problema yun kasi konti lang ang bayarin. Ang inaalala lang ng
papa ko ay baka maimpluwesyahan ako ng mga maling Gawain ng mga estudyante
doon. Kaya inilipat ako agad agad ni papa sa private school sa aming probinsya sa
Our Lady of Lourdes High school. Tricycle driver lang ang papa ko kaya nahirapan
siyang pag-aralin ako doon. Pagtungtong ko ng 2nd year 3rd grading ay dumating sa
punto na nawalan na ako ng gana sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay namin.
Sinabi ko bakit kasi pinag-aral pa nila ako dito hindi rin naman pala kaya! yung
time na yun ay nawala na ang tricycle na minamaneho ni papa kaya hindi na ako
nakakapag-exam dahil hindi kami nakakabayad ng tuition fee at ako yung lagging
naiiwan sa room pag recess kasi wala akong baon. Matagal na ganun ang
sitwasyon kaya ako ay umaabsent ng madalas hanggang sa hindi na talaga ako
nakapasok.
Nagalit ang papa ko sa akin at ako ay pinapunta niya sa auntie ko sa Bangued.
Doon ay nagtrabaho ako. Hindi na rin lang daw ako nag-aral magtrabaho na lang.
Lumuwas ako sa sobrang galit ko sa kanila at nagtrabaho ako doon.

Makalipas ang ilang araw, tawag daw ng tawag sa papa ko ang adviser naming at
pinababalik ako sa school naming dahil isa daw ako sa sasayaw sa pista. Wag ko na
daw problemahin ang costume dahil sagot na daw ng adviser ko. Pinababalik ako
ng adviser ko pero nahiya akong bumalik. Hanggang sa ang principal na namin na
si sis. Cri sang tumawag sa akin at tinanong ako kung gusto ko pa makatapos ng
high school. Pumunta kami ng papa ko sa school at doon sinabi sa akin na tapusin
ko na daw ang school year dahil saying naman at matataas pa naman ang grades
ko. Sagot na daw ng school ang tuition. At bago daw ako mag 3rd year ay ipapasok
niya ako sa kumbento para magworking student. Kaya nakapagtuloy ako sa pagaaral habang nagtatrabaho sa kumbento. Ang tawag nila sa akin ay convent boy at
kami ang namamahala sa mga altar boy sa pagsesrve sa misa, araw-araw akong
naglilinis sa simbahan ay kumbento kapalit ng pag-aaral ko. Nagpapasalamat ako
sa Panginoon dahil sa oportunidad na makapag-aral, makapagsilibi sa simbahan.
Marami akong natutunan dito pero ang pinakamasaklap na natutunan ko ay ang
bisyo. Pag-iinom ng alak na hindi ko inaasahan, na hanggang sa pagtatapos ko ng
high school ay nadala ko. Pagkagraduate ko ay tapos na din ang responsibilidad ko
sa kumbento.
Pagkagraduate ko ay inaaya ako ng bestfriend ko na magtrabaho sa baguio dahil
alam niyang hindi pa ako makakapagcollege. May isa din nag-aalok sa akin
trabaho sa paranaque. Hindi ko alam kung bakit mas pinili ko magtrabaho dito sa
Paranaque kaysa sumama sa bestfriend ko. Kaya lumuwas ako sa Manila para
magtrabaho, makapag-ipon at makatulong na din sa pamiulya ko kasi ako na lang
ang inaasahan ng papa ko makatulong sa kanila dahil nag-asawa ng maaga ang ate
ko.
Nagpapasalamat talaga ako sa Panginoon dahil sa kabutihan niya. Kaya pala niya
ako binigyan ng oras para maging bata ay upang ngayon ay gugulan ko naman ng
oras ang aking mga magulang na sila ay irespeto at sundin sa anumang bagay.
Kaya pala pinaranas Niya sa akin na magtrabaho sa kumbento habang nag-aaral ay
para matuto ng responsibilidad sa buhay. At kaya pala dito Niya ako dinala sa
Paranaque hindi lang pala para magtrabaho kundi mas makilala ko pa si Hesus ng
lubusan.
God is good po talaga dahil nakilala ko ang Panginonn sa pamamagitan ng Pabrua
family. Sila auntie Ely, uncle Cesar, Kuya Noe,l Ate Mich, Kuya Pj at ate gene.

Sila ang nakapag-akay sa akin na dumalo sa GCC. Noong una pinipilit lang nila
ako kasi ayaw ko. Nakatatak kasi sa isip ko na ibang relihiyon yan Pero noong
nagkaroon ng life group sa las pinas doon ko naiintindihan na its not about
religion but about our relationship with God. Matinding experience yun sa akin
dahil sa narinig ko ay may sumabog sa pagkatao ko na ang akala ko ay tama pero
mali pala.
Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil ang dating Ben na masungit ngayon ay
hindi na. Dating tamad ngayon ay hindi na, dating suwail ngayon masunurin na at
dating malakas uminom ngayon ay hindi na.
Kaya po kung lagi nyo na akong nakikita dito sa GCC every Sunday at tumutugtog
sa LG sa fellizar residence pag Thursday, ito ay hindi dahil napipilitan ako kundi
dahil sumusunod ako sa kalooban ng Diyos. Dito ko po talaga nakilala ng husto
ang Panginoon nagpapasalamat ako dahil ipinadadama niya sa akin na mahal niya
ako para marealize ko na kaya ako nandito ngayon yun ay dahil may panawagan
ang Panginoon sa buhay ko na dapat kong lakaran.
Sabi nga po sa Jeremiah 29:13 Kung hahnapin mo ako, akoy iyong matatagpuan,
kung buong puso ninyo akong hahanapin.
Ang verse na ito ay nagtatak sa aking isip na kailangan ko talagang hanapin at
makilala ang Diyos dahil Siya ang kailangan ko, sa kanya ang buhay ko, Siya nag
lumikha sa akin.
Ngayon magpapabautismo na ako dahil handa na ako. Dahil bilang anak ng Diyos
ito ay tanda ng pagsunod ko sa Kanya. Hindi dahil sa pagplit ng relihiyon dahil
wala naman talagang ibang relihiyon kundi Christianity, ang relasyon natin sa
Panginoon. Magpapabautismo ako dahil ito ay ayon sa salita ng Diyos. Bilang
Kristyano ay handa na akong ilubog ang aking lumang buhay at maranasang
mabuhay muli sa bagong buhay kasama si Kristo.
Bilang GCC member, Magpapatuloy po ako sa pagtugtog sa aming life group at sa
paglago sa salita ng Diyos.

To God be the Glory!

You might also like