You are on page 1of 2

Si Tingal ay tahimik na naghihintay sa kugunan. Ang gabi ay madilim.

Walang k
agalaw-galaw ang mga dahon ng kahoy sa gubat. Ang maririnig paminsan-minsan ay
huni ng mga ibon na nagmumula sa malayo. Katulad ng ibang Dumagat, si Tingal ay
kailangang mangaso upang makahuli ng baboy-ramo, usa at matsing.
Natutulog noon si Bandina, ang kanyang maybahay at munting anak sa kanilang kubo
. Naalaala ni tingal kung bakit ang kanyang anak ay umiyak nang umagang iyon.
Wala siyang makain at gutom na gutom. Idilangin ni Tingal sa Bathala na siya y pa
larin sa pangangaso.
Mga oras ang lumipas sa paghihintay subalit walang hayop na dumating hanggang sa
hindi na niya mapaglabanan ang kanyang antok. Kumapal mandin ang talukap ng ka
nyang mga mata at maya-maya pa y napahiga sa lupa at nakatulog.
May lumagutok sa sanga ng kahoy kaya siya y nagulantang sa nalikhang ingay nito.
Kanyang hinagilap agad ang kanyang pana at iniumang. Sa hindi kalayuan, sa kala
pit ng batis ay namataan siyang nanginginaing usa. Ang ipinagtataka niya ay kun
g bakit ito ay puting-puti at naaninag niya na napakaganda ang kanyang mga sunga
y.
Ang gandang usa sumaisip ni Tingal. Masarap itong pagsaluhan ng aking mag-ina,
at tuloy natakam.
Kagyat na humarap ang usa sa pinagtataguan ni Tingal. Muntik nang bininit niya
ang pana upang tudlain ang nagulantang na usa.
Kaibigan, huwag mo akong tudlain, ang sabi ng tinig. Huwag mong patayin ang put
ing usa sa gubat.
Nagtaka si Tingal. Siya y nagpalinga-linga upang tiyakin kung sino ang nagsalita.
Wala siyang makita. Ang gubat ay tahimik. Hindi siya mapalagay dahil sa tini
g. Kanyang pinag-igi ang hawak sa pana upang humanda sa sinumang sasalakay.
Kaibigan, para mo nang awa, ang muling narinig. Wala akong salapi subalit bibig
yan kita kahit ano ang iyong hingin.
Nanluwang ang mga mata ni Tingal. Ang tinig ay nanggaling sa puting usa. Bakit ?
Bakit ? Siya y natigagal.
Hindi maalis ni Tingal ang pagkapako ng kanyang mga mata sa puting usa. Tulad n
g isang nagpapalimos ang usa y lumuhod at nagmakaawang iligtas ang kanyang buhay.
Naalaala ni Tingal ang kanyang asawa t anak sa kubo. Sila y nagugutom. Siya ang hi
nihintay. Hindi ko mapaniwalaan ito. Ako y pinaglalaruan yata ng tikbalang!
Itinaas ni Tingal ang kanyang pana. Kanya itong pinakawalan at presto, tinamaan
ang dibdib ng puting usa.
Wala kang habag. Wala kang puso! ang huling pahimakas ng usa. Nakalaan para sa
iyo ang paghihiganti ng diyosa ng kabundukan! at ang usa ay nalupasay sa lupa.
Itinali ni Tingal ang usa sa tulos ng kawayan at kanya itong pinasan. Ang kaham
bal-hambal na huni sa may dako ng kakahuyan ay gumimbal sa kanyang kaluluwa. Su
mikdo ang kanyang puso at wari bang babalang masamang mangyayari. Marahang-mara
hang ibinaling niya ang kanyang mga paa papunta sa kanilang munting kubo.
Masayang-masaya siyang sinalubong ng kanyang asawa t anak. Si Bandina ay nagpuyos
ng mga siit at gumawa ng apoy. Ang anak nama y tuwang-tuwa pagka t ang magagandang
sungay ng usa ay ipinangako sa kanya upang gawin niyang laruan.
Nag-ihaw sila ng mga pirasong karne at ito y pinasaluhan samantalang ikinukuwento

ni Tingal ang pagsusumamo ng usa bago ito kanyang pinana.


Hindi mapalagay si Bandina dahil sa mga huling katagang habilin ng usa ayon sa k
uwento ni Tingal, subalit ito y ipinag-walang bahala ng lalaki dahil sa siya y busog
na busog. Nang sumunod na araw, ang mangangaso y naratay sa banig. Walang magaw
a ang incantations at wild herbs. Sa buong tribo y walang makagamot at makapagsab
i kung ano ang sakit niya.
Isang gabing kalaliman at kadiliman ang lalaki y tumayo at dinaanan siya ng sumpon
g. Ang puting usa! ang sigaw. Kumarimot ng takbong palabas si Tingal sa hindi
mapigilan. Siya y hinabol ng mag-ina hanggang sa kakahuyan at hanggang makarating
sa lugar na kanyang pinaghulihan sa usa. Lumuhod siya sa lupa at nanalangin, B
athala, patawarin mo ako! at siya y napatdan ng hininga.
Ang hinala ni Bandina y ang puting usa ay alaga ng diwata ng kagubatan.
Si Tingal ay inilibing ng mag-ina sa lugar na kinabuliran ng usa. Siya y pinabaun
an ng asawa t anak ng masaganang luha.
Mula noon ang mga mangangasong Dumagat ay ayaw pumatay ng puting usa.

You might also like