You are on page 1of 5

DIVISION OF CITY SCHOOLS

City of Mandaluyong
JOSE FABELLA MEMORIAL SCHOOL
Welfareville Compound, Mandaluyong City
Grade - III
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Aralin 1
Araw :
Petsa :
I. Layunin:
. Nasasagot ang mga tanong ayon sa napakinggang kuwento
. Naisasagawa nang may kaayusan ang pagpapakilala sa sarili
II. Paksang- Aralin
III. Panlinang ng Gawain
1. Tukoy- Alam
Hayaang ipakilala ng mga bata ang kanilang sarili.
Tumawag ng mga volunteer para sa gawaing ito.
2. Paglalahad
Anong karanasan sa unang araw ng pasukan ang hindi mo malilimutan?
Unang Araw ng Pasukan
Ano kaya ang nangyari sa unang araw ng pasukan?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ano ang nararamdaman ng mga bata sa unang araw ng pasukan?
Bakit masaya ang mga bata?
Bakit kakaiba ang nararamdaman ni Ella?
Bakit siya malungkot?
Ano kaya ang sumunod na nangyari?
Paano mo ipakilala ang iyong sarili?
4. Pagpapayamang Gawain
Gumawa ng malaking bilog , habang tumutugtog ang musika ay ipapasa nila ang bola
sa kanilang
katabi sa kanan. Kung sino ang may hawak ng bola paghinto ng tugtog ang siyang
magpapakilala
ng sarili sa pamamagitan ng pagbuo ng mga pangungusap na nasa tsart. Ulitin ito
hanggang sa
makapagpakilala ang lahat ng bata.
5. Paglalahat
Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng sarili?
Pasagutan sa mga bata ang mga patlang sa ibaba upang higit na maunawaan ang
mga dapat
tandaan sa pagpapakilala ng sarili.
Sa pagpapakilala ng ating sarili ay unang sinasabi ang aking __________.
Sinasabi din ang araw, buwan at taon ng aking __________.
Ang lugar kung saan ako nakatira ay tumutukoy sa aking ___________.
Binabanggit din ang pangalan ng aking mga ____________.
6. Karagdagang Pagsasanay
Tumawag ng ilang bata na magsasabi ng isang pangalan ng kaniyang kaklase at ilang
impormasyon
na natatandaan niya tungkol sa tinukoy na kamag-aral. Ipaturo din sa tinawag na bata
ang
inilalarawang kaklase.
IV. Takdang-Aralin
Ano ang dapat tandaan sa pagpapakilala ng iyong sarili sa kapwa bata?
Paano kung sa matanda ka magpapakilala . Sino ang dapat maunang maipakilala?

DIVISION OF CITY SCHOOLS


City of Mandaluyong
JOSE FABELLA MEMORIAL SCHOOL
Welfareville Compound, Mandaluyong City
Grade - III
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Aralin 1
Day 2
Araw :
Petsa :
I. Layunin:
. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento
. Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasan
II. Paksang- Aralin
Pag-uugnay ng Karanasan sa Binasa
III. Panlinang ng Gawain
1. Tukoy- Alam
Nkadalo na ba kayo sa isang pista ?
Ano-ano ang inyong nakita o naranasan?
Ano ang ibig sabihin ng pista ?
2. Paglalahad
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Sabihin ang kahulugan ng may salungguhit na salita na matatagpuan din sa loob ng
pangungusap.
1. Si Kaka Felimon ang pinakamantanda sa pamilya kaya maraming humihingi ng
kaniyang payo.
2. Ipinagmamalaki ng mga Bikolano ang Bulkang Mayon sa kanilang lugar.
3. Ang pamahalaang local ay nagbigay ng mahalagang anunsiyo tungkol sa padating
na bagyo sa
kanilang lugar.
4. Marami palang malilikhang kapaki-pakinabang na bagay mula sa indigenous.
. Nakapunta ka na ba sa isang pistahan?
. Ano ang nais ninyong malaman sa kuwento?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa Ang Pistang Babalikan Ko sa Alamin Natin. P.2.
. Ano ang pamagat ng kuwento?
. Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?
. Ano ang katapusan ng kuwento?
. Anong okasyon ang inilalarawan sa kuwento?
. Ano-anong kaugaliang Pilipino ang nabanggit sa kuwento?
. Ginagawa pa ba ang ganito sa inyong lugar?
. Dapat pa ba ito ipagpatuloy? Bakit?
. Paano natin mapapahalagahan ang mga kaugaliang sariling atin?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang Linangin Natin. P.3
5. Paglalahat
Pagawain ng kiping ang mga bata. Magpapagupit ng isang dahon mula sa isang
berdeng papel.
( Maaaring ipakita muna sa mga bata kung paano ito isagawa.) Ipasipi at ipakumpleto
sa mga bata
Ang pangungusap batay sa natutuhan niya sa aralin.
. Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Pasagutan ang Pagyamanin Natin. p.4
IV. Takdang-Aralin
Ano- ano ang paghahanda na ginagawa natin bago sumapit ang kapistahan?
Ano-ano ang makikita natin sa araw ng kapistahan?

DIVISION OF CITY SCHOOLS


City of Mandaluyong
JOSE FABELLA MEMORIAL SCHOOL
Welfareville Compound, Mandaluyong City
Grade - III
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Aralin 1
Araw :
Petsa :
I. Layunin:
. Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, at
bagay sa paligid
II. Paksang- Aralin
Paggamit ng Pangngalan sa Pagsasalaysay
III. Panlinang ng Gawain
1. Tukoy- Alam
Mga bata magmasid nga sa paligid.
Ano-ano ang nakikita ninyo sa paligid?
Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa pngungusap
2. Paglalahad
Ano ang ginagawa mo kung malapit na ang pista sa inyong bayan?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang Pista sa Aming Bayan sa Alamin Natin, p.9 LM.
Ano ang magaganap sa bayan?
Ano-ano ang ginagawang paghahanda ng mga tao?
Ganito rin ba ang ginagawa sa inyong pamayanan tuwing sasapit ang kapistahan?
Anong kaugalian ng mga tao ang ipinakita sa talata?
Ano ang katangian ng mga tao na binanggit sa talata?
Dapat ba silang tularan? Paano mo sila tutularan?
Paano ka makatutulong kapag may okasyon sa inyong bahay?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, sa LM. p.9
5. Paglalahat
Kumpletuhin ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin, LM. p.10
Ano ang pangngalan?
( Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook/lugar.o pangyayari.)
6. Karagdagang Pagsasanay
Pumili ng isa o dalawang salita mula sa listahan. Gamitin ang mga ito sa sa
sariling pangungusap na magsasabi ng iyong karanasan.
bagyo
bulaklak
palengke
pusa
IV. Takdang-Aralin
Sino-sino ang kasapi ng inyong pamilya?
Ano ang tungkulin ng bawat isa?

DIVISION OF CITY SCHOOLS


City of Mandaluyong
JOSE FABELLA MEMORIAL SCHOOL
Welfareville Compound, Mandaluyong City
Grade - III
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Aralin 1
Araw :
Petsa :
I. Layunin:
. Nahuhulaan ang nilalaman/ paksa ng aklat sa pamamagitan ng pamagat
. Nasisipi nang maayos at wasto ang mga salita
II. Paksang- Aralin
Pagsipi ng mga Salita
III. Panlinang ng Gawain
1. Tukoy- Alam
Magpaskil ng ilang salita sa paligid ng silid -aralan.
Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na makapag-ikot sa loob ng silid-aralan.
Ipasipi sa kanila ang limang salita na kanilang nababasa at nauunawaan ang
kahulugan.
Ipabasa sa mga bata ang kanilang ginawa.
2. Paglalahad
Magpakita ng isang alkansiya.
Pag-usapan ito sa klase.
Sabihin ang pamagat ng kuwento.
. Ano kaya ang nangyari sa kuwento?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa sa mga bata Ang aking Alkansiya na nasa Alamin Natin, p.6 LM.
Balikan ang mga hula ng mga bata sa simula tungkol sa mga mangyayari sa kuwento.
Itanong:
Tama ba ang hula mo?
Tungkol saan ang kuwento?
Ilarawan ang batang nagkukuwento.
Dapat ba siyang tularan? Bakit?
Ano-anong ginagawa niya na ginagawa mo rin?
Basahin muli ang kuwento.
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, sa LM. p.6
5. Paglalahat
Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng ngalan ng tao? Bagay? Lugar? Hayop?
Kumpletuhin ang pangungusap na makikita sa Tandaan Natin. p. 11
6. Karagdagang Pagsasanay
Basahin mong muli ang kuwentong Ang Alkansiya. Sipiin at ipangkat ayon sa
kategorya ang mga pangngalanna ginamit dito.
IV. Takdang-Aralin
Makagawa o makasulat ng sariling name tag.

DIVISION OF CITY SCHOOLS

City of Mandaluyong
JOSE FABELLA MEMORIAL SCHOOL
Welfareville Compound, Mandaluyong City
Grade - III
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO
Aralin 1
Araw :
Petsa :
Panlingguhang Pagtataya
I. Layunin:
. Nakagagawa ng sariling name tag
. Naipapakilala nang maayos ang sarili sa mga bagong kaklase
. Na sisipi ang pangalan ng limang bagong kaklase
II. Paksang- Aralin
Paggawa ng Sariling Name Tag
Pagpapakilala nang maayos ang Sarili sa mga Bagong Kaklase
III. Panlinang ng Gawain
1. Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng sariling name tag sa loob ng 10 minuto.
2. Gamit ang name tag, ipapakilala ang sarili sa mga kakalase.Matapos ipakilala ang
sarili, isusulat ang
nakalap na limang pangalan ng bagong kakalase at isasagawa ito sa loob ng limang
minuto.
3. Paupuin nang pabilog ang mga bata. Ihagis sa isang bata ang bolang hawak na
magsasabi ng pangalan ng
Kaniyang kaklase. Matapos ang gawain, siya naman ang maghahagis ng bola
upang sumunod sa kaniyang
ginawa.
Ang mga mag-aaral ay magpapakilala ng sarili at magkakaroon ng bagong mga kakilala.
Ito ay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na pamantayan.
IV. Ebalwasyon / Pagtataya
Panuto: Naipakilala ang sarili sa limang bagong kamag-aaral.
Pamantayan sa Pagsasagawa
Rubric
4
Malinaw at wasto ang pagkakasulat ng pangalan
Malinaw at maayos ang pagpapakilala ng sarili sa ibang
bata.
Nasipi nang may wastong baybay ang pangalan ng limang
kaklase.
Natapos ang Gawain sa itinakdang oras.

You might also like