You are on page 1of 15

OMUNIKASYON 101

1. Kahulugan
Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng
simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat.


(Tanawan, et al., 2004)
1. Katangian
1. Ang komunikasyon ay isang proseso

Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang


gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang
inaasahang reaksyon ng tatanggap.

Decoding ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang


reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya ito
tutugunan.
1. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko

Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras, mga


pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.
1. Ang komunikasyon ay komplikado

Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, iniisip


niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng
kanyang kausap sa kanya.
1. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa
komunikasyon

Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.


1. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon

Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo,
hindi man sinasadya ay nakapagpapadala tayo ng mensahe.
1. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon

Relasyunal di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa


kausap

Panlinggwistika pasalita, gamit ang wika


1. Sangkap at Proseso
1. Nagpapadala ng mensahe/sender

Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.


1. Mensahe

Dalawang uri ng mensahe

mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika

mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal


1. Daluyan/Tsanel

Kategorya ng daluyan

daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy,


panlasa at pandama
daluyang institusyunal mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, email, fax, mobile phone.
1. Tagatanggap ng Mensahe

Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang


natanggap.

1. Tugon

Tatlong uri

tuwirang tugon

di-tuwirang tugon

naantalang tugon
1. Mga potensyal na sagabal

Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.

semantikong sagabal

pisikal na sagabal

pisyolohikal

saykolohikal
1. Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal komunikasyong pansarili
2. Interpersonal nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang
mga tao, o sa isang tao at isang maliit na pangkat
3. Pampubliko nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at
maraming tagapakinig
4. Pangmasa o Pangmadla nagaganap sa pagitan ng malawakang
media, tulad ng radio, TV, Internet, pahayagan, atbp.
5. Pang-organisasyon organisado at nakatutok sa isang hangarin o
adhikain.
6. Pangkaunlaran aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinaguusapan sa antas na ito.
7. Pangkaunlaran naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa
1. Modelo ng Komunikasyon

1. Modelo ni Berlo

Pinanggalingan

Mensahe

Tagatanggap
1. Modelo ni Aristotle

Pagtuklas ng kaalamang lohikal, emosyunal o etikal

Pagsasaayos ng mga kaalaman sa parang istratehikal

Pagbibihis ng ideya sa malinaw na salita

Paghahatid ng mensahe mula sa pinanggagalingan tungo sa tagatanggap


1. Komunikasyong Di Berbal

Komunikasyong naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin,


tikas o
tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at kalidad ng
tinig.
Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil:
1.

Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.

2.

Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe

3.
Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at
tagatanggap ng mensahe.
Ibat ibang anyo ng komunikasyong di-berbal
1.
Oras (Chronemics) ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring
kaakibatan ng mensahe.
2.
Espasyo (proxemics) maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay
natin sa pagitan ng ating sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o
public

Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng mga bagay-bagay sa


isang lugar.

3.
Katawan (kinesics) kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at
kaanyuan, tindig at kilos, kumpas ng kamay
4.
Pandama (haptics) paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng
mensahe

Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo

5.

Simbulo (Iconics) mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp

6.

Kulay (Chromatics) maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

7.

Paralanguage paraan ng pagbigkas sa isang salita

8.

Bagay (objectics) paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon


1. Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang isaalang-alang ang
ilang konsiderasyon upang matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon.
Ginamit niya ang akronim na SPEAKING.
1. Setting (saan nag-uusap?) ang lugar ay may malaking
impluwensya sa komunikasyon. Kung hindi ito isaalang-alang ay
maaaring mapagkamalang-bastos o walang pinag-aralan.
1. Participants (Sino ang kausap?) pabagu-bago ang paraan n gating
pakikipag-usap depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang
pansin ang edad, kasarian, katungkulan, propesyon atbp.
1. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?) ibagay ang pananalita sa
layunin gaya ng pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso,
masaya atbp.
1. Act Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) ang
komunikasyon ay dinamiko, samakatuwid ang isang usapan ay
nagbabago. Kasama ditto ang pagbabago ng paksa at paraan ng
pag-uusap.
1. Keys (Formal ba o informal ang usapan?) pagpili ng salitang
gagamitin na babagay sa formalidad ng okasyon.
1. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) tsanel o daluyan
ng komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa
isang mensahe.

1. Norms (Ano ang paksa ng usapa?) Mahalagang maisaalang-alang


ang paksa ng usapan.
1. Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid?
Naglalarawan? O nagpapaliwanag?). Mahalagang batid ng isang
tao kung ano ang genre na ginagamit ng kanyang kausap, nang sa
gayoy malaman din niya kung anong genre ang kanyang
gagamitin.
Mga Sanggunian
Arrogante, J. et al. (2007). Sining ng komunikasyon sa akademikong Filipino.
Manila: National Bookstore.
Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa makabagong panahon. Valenzuela
City: Mutya
Publishing House, Inc.
Garcia, L. et al. (2010). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cabanutuan
City: Jimcy
Publishing House.
Pagkalinawan, et al. (2004). Filipinno I: komunikasyon sa akademikong Filipino.
Valenzuela
City: Mutya Publishing House, Inc.
Tanawan, et al. (2004). Sining ng mabisang komunikasyon. Bulacan: Trinitas
Publishing, Inc.

KAHULUGAN NG WIKA
-kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.
WIKA- Kahulugan at Pinagmulan
Katuturan
Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleasonna ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang
arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang
simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang


papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit
sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Teorya ng pinagmulan ng wika
Teorya sa Tore ng Babel
Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa
pagsasalaysay, noong umpisay iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil
sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang
hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito
ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang
tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang
binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo. (Genesis kab.
11:1-8)
Teoryang Bow-wow
Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisay
ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok
ng manok at huni ng ibon.
Teoryang Ding-dong
Maliban sa tunog ng hayop, ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa
kapaligiran ay may sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.
Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga bagay tulad ng kampana, relo, tren,
patak ng ulan at langitngit ng kawayan, at iba pa.
Teoryang Pooh-pooh
Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig,
napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya
at paglalaan ng lakas.
Teoryang Yo-he-ho
Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong
sama-samang nagtatrabaho.
Teoryang Yum-yum
Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng
musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa
kanyang labi.
Teoryang Ta-ta
Mula sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam. Ginagaya ng dila ang
kumpas o galaw ng kamay ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na
okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay ng pababa at pataas tuwing paalam.

Teoryang Sing-song
Ito ay nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may
melodiya at tono ang pag-usal ng mga unang tao.
Hal: paghimno o paghimig.
Teoryang La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao
upang magsalita.
Teoryang Tara-boom-de-ay
Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at
ritwal na kanilang ginagawa. Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kalimitan ay may
mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon ng mga salitang kanilang
pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.
Teoryang To-he-ho
Nalikha dahil sa puwersang ginagamit. Nakakalikha daw ang tao ng mga salita
kapag may ginagawang kahit anong bagay. Halimbawa kapag nanununtok o
simpleng nagbubuhat ng isang bagay.
Wikang Aramean
Believes that all languages originated from their language, Aramean or
Aramaic. Syria. May paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa
daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga sinaunang taong
nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang
wika.
Charles Darwin
Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na On the
Origin of Language, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para
mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng ibat ibang wika. Wika
natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.
Kahariang Ehipto
Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang
nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning
the language.

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:


1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;
2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at
kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.
Katangian ng wika
1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga
makabuluhang tunog (fonema) na kapag pinagsama-samay sa makabuluhang
sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na bumabagay sa iba pang
mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.
1. Ponolohiya o fonoloji pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag
sa makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang
mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa
makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
2. Morpolohiya o morfoloji pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa
pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang
tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.
Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista
Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora
c. Sintaksis pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga
pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri
at posible naman ang kabaligtaran nito. Samantalang sa Ingles laging nauuna
ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring Tall is the tree. o Tall the tree.)
d. Semantiks pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang

pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba


pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Hal. Inakyat niya ang puno.
Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa
pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya
nakaapekto ito sa panghalip ng aktot na datiy [niya] ngayoy [siya] sa. Imbis na
pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang
kahulugan ng dalawang pangungusap.
2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika,
kailangang maipagsama-sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha
ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)
3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga
gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang
tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais tukuyin ang bahay at
[bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.
4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng
palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang
wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa
bawat wika.
Halimbawa
Wikang Swahili atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino Opo, po
Wikang Subanon gmangga (mangga)
Wikang Ingles girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French Francois (pangngalan /fransh-wa/)
Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita
lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang
ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang
paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga
fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang
pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman, isang fonema lamang ang

idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa Tausug naman


ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng
salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
pagbigkas ng mga tunog pangwika.
5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang
wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa
leksikon ng wika.
Halimbawa: BOMBA
Kahulugan
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao
6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema
mula sa ibang wika kayat itoy patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano,
binibigkas na ang ka na hiniram sa Visaya bilang kapalit ng tu at bo. Ang
Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaion].
7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.
8. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon.
9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng
alfabeto. Ang tunog na bi ay sinasagisag ng titik na b. Ang simbolong m ay
sumasagisag sa tunog na em.
10. May level o antas ang wika.

Antas ng wika

1. formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa kaedad samantalang formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o
nakatatanda

2. lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas


ang Filipino ang lingua franca ng mga tao
3. kolokyal o lalawiganin wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng
Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa
4. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at
may kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla
halimbawa ang mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.
5. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at
pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang okasyong profesyunal

1.

KAPANGYARIHAN NG WIKA

a.

ANG WIKA AY MAAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG KAHULUGAN

-anumang pahayag ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng ibang


kahulugan o interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.
b. ANG WIKA AY HUMUHUBOG NG SALOOBIN
-sa pamamagitan ng wika,nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga
negatibong paniniwala na sa kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng
mabuti sa kanyang kapwa.
c. ANG WIKA AY NAGDUDUDLOT NG POLARISASYON
-ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.Halimbawa
nito ay masama at mabuti,mataas at mababa,pangit at maganda at iba pa.
d. ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA YA SIYA RING KAPANGYARIHAN NG
KULTURANG NAKAPALOOB DITO
-kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura.
2.

GAMPANIN NG WIKA
a. IMPORMATIB

-ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng


impormasyon tungo sa tagatanggap nito.
Hal: Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng
Bundok Everest na pinakamataas sa buong mundo.
b.

EKSPRESIB

-nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng


emosyon.
Hal: Napakasaya ko ngayon
c.

DIREKTIB

-nagiging direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napakikilos ang
isang tao upang isagawa ang isang bagay.
Hal: Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.
d.

PERPORMATIB

-ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo ng


komunikasyon.Ito ay kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang
pahayag.
Hal: Kapag ang isang tao ay nagsabi ng paalam,kaakibat nito ang pagkaway
ng kanyang kamay sa direksyon ng taong kinakausap.
e.

PERSWEYSIB

-persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa


isang paniniwala.
Hal: Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mall na nanghihikayat na
bilhin ang kanilang produkto.
3.

TUNGKULIN NG WIKA

a.INSTRUMENTAL
-nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang maisagawa o
maisakatuparan ang anumang naisin.
Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.
Jenifer: Ganun ba?Sige,walang problema.
b.REGULATORI
-nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga
pangyayari sa kanyang paligid.
Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500.

George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito.


c.

REPRESENTASYONAL

-ang wika ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt,makapagbahagi ng mga


pangyayari,makapagpahayag ng detalye,gayundin,makapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa iba.
Hal: Dominic: Alam mo ba na ang salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na
God be with ye?
Jaja: A,talaga?
d.

INTERAKSYONAL

-ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang


relasyon ng tao sa kanyang kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw na
pagbati at pagbibiruan.
Hal: Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll.
Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko.
e.

PERSONAL

-nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang


indibidwal ayon sa sarili niyang kaparaanan.
Hal: Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo
Nelo: Balato naman diyan.
f.

HEURISTIC

-ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng ibat ibang
kaalaman.Ilan sa mga ito ang pagsagot sa mga tanong,pagtanaw sa mga
argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong kaalaman at pagtuklas sa
mga bagay-bagay sa paligid.
Hal: Gicko:Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika,at hindi
basta wika,ito ay isang halimbawa ng patay na wika o frozen language.
Nixan: A,oo.Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa
pagbabago.Bawat wika sa mundo ay kinakailangang makaangkop sa pagbabago
ng panahon,upang patuloy itong mabuhay at umunlad.Ang wikang Latin ay isa
rin sa halimbawa ng patay na wika.
g.

IMAHINATIBO

-isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan ang


isang tao na mapalawak ang kanyang imahinasyon na tumutulong sa knya
upang siya ay maging artistic.
Hal: Shimy: Rex,kung sakaling may makilala kang genie,ano ang hihilingin mu sa
kanya?
Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako
sa paraang gusto ko at Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang kalayaang
magawa ang gusto ko tulad ng isang ibon.

CREATE A FREE WEBSITE


POWERED BY

START YOUR OWN F

You might also like