You are on page 1of 3

REACTION PAPER

SUBMITTED BY: JAMES CORVIN POTATO


Grade- IV

SUBMITTED TO: SANDRO RIVA


Adviser
Hinatid ni Pangulong Aquino ang kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address sa Batasang
Pambansa noong Julyo 27, 2015 .

"My bosses, this is the story of our journey along the Straight Path," ito ang kanyang
pangunahing sinabi sa kanyang SONA. Maraming Pilipino ang tumutok sa kung anu-ano ang ibabalita ng
Pangulo sa kanyang mga Boss. Maraming Pilipino ang nag-abang kung anu-ano nga ba ang nagawa ng
namumuno sa ating bansa. Marami ring mga kritiko ang nanuod at nakinig upang malaman kung ano ang mga
ibibida at ipapaalam ni Pangulong Aquino sa kanyang mga Boss. At tulad kong isang mag-aaral sa
elementarya, nag-abang, nanuod at nakinig din ako upangng sagayon ay may alam din ako sa mga bagay na
nagawa o napaunlad ng Pangulo sa ating bansa.
Bago pa man magsimulaang SONA ng Pangulo, marami nang mga aktibistang nag-ingay, nagsisigaw
at nag labas ng kanilang hinaing sa anim na taong panunungkulan ni Pangulo Noynoy Aquino. Maraming mga
effigy ang inilabas at sinunog bilang simbolo ng kanilang galit sa administrasyong Aquino. Pero sigurado
akong marami sa mga nagwelga ang bumuto para maupo ang Pangulong nanunungkulan sa kasalukuyan.
Pero nung nakaupo na yung kanilang binoto, bakit ngayon nakikiisa na sila sa mga gusting magpa-alis sa
pwesto? Bakit parang lahat na lang atang namuno sa ating bansa ay napakalaking pagkakamali, tila walang
mga taong napala sa ilalim nito?
Samantala, eksaktong alas-kwatro ng hapon nagsimula ang SONA ng pangulo, sa umpisa pa lang
humingi nang tawad ang Pangulo dahil sa hindi niya nagawang lapitan ang mga kongresista at kamayan. Sa
aking pananaw bilang isang mag-aaral sa kung anong naganap noong SONA, maraming bagay na pinakita at
ipinagmalaki ng Pangulo ang ikinamangha at ikinatuwa ko, pero may mga bagay din akong hinanap at
inasahang bagay na hindi niya nabanggit sa mga nakaraang SONA.
Natuwa ako sa pagbaba ng krimen sa ating bansa, malaki ang nagging tulong ng ating kapulisan para
mangyari ang bagay na ito, sabagay, ipinagmalaki din naman ng pangulo ang mga bagay nabinigay ng
pamahalaan para sa Philippine National Police tulad ng mga bagong jeep, baril at kagamitan. Pero nag-abang
ako kung ano masasabi ng pangulo sa kalagayan sa illegal na droga na isa rin sa dahilan kung bakit
nagkakaroon ng krimen sa bansa. Inabangan ko kung ano ang mga nagawa o balak gawin upang mapababa o
mapuksa ang pagdami ng mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.
Binanggit ng Pangulo na ito na ang panahon upang ipasa ang Anti-Dynasty Bill, marami ang
naghiyawang kongresista at tila nagpaparinig ang tono ng ating pangulo ng banggitin niya ito. Nagulat ako
nang sinabi niya ito, dahil may mga kamag-anak na kaupo sa mga posisyon ng gobyerno. Sa kabilang
pagsuporta niya sa Bill naito, inabangan ko pa rin na banggitin niyaang Freedom of Information Bill na nung
una niyang speech bilang pangulo ay bukang bibig niya ang suportasa Bill naito. Pero patapos na ang
kanyang termino pero parang wala na mang pag-usad sa bill na ito. Dahil naniniwala akong sa pamamagitan
nito, maraming mga butas at alegasyong nagawa ng mga nasa gobyerno ang nagawa o ginagawa ng mga
nasa gobyerno.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon magbigay ng grado sa naganap na State of the Nation Address,
magbibigay ako ng markang 8, dahil sa nakikita kong ginagawang Pangulo at ng kanyang gabinete ang lahat
ng kanilang makakaya para mapaunlad ang ekonomiya at maibigay ang mga pangangailangan ng
mamamayang Pilipino.
Sa aking palagay, maraming nagawa ang administrasyon ni Pangulong Aquino sa ekonomiya ng bansa,
mapaganda at mapataas ang kalidad ng sector ng edukasyon at kalusugan at maging ang pagpapalakas ng
pambansang depensa sa ating kapulisan at military. Sigurado akong, mas marami pa rin ang nagpapasalamat
sa mga nagawa ni Pangulong Noynoy lalo na sa pagpuksa at pagbawas ng korapsyon. Saludo ako sa tatag ng
loob ng ating pangulo. Salamat po Pangulong Benigno Simeon Aquino III!

You might also like