You are on page 1of 1

Explosion-type Earthquakes natuklasan ng Phivolcs sa Bulkang Kanlaon

Ilang mga pagyanig na may kasamang pagsabog ang natuklasan ng Philippine


Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Bulkan ng Kanlaon sa isla ng Negros,
ika-19 ng Hunyo, Linggo.
Ayon sa Phivolcs, tinatayang walong volcanic earthquake ang naitala sa loob ng 24
oras kasama na rito ang ilang sinasabing explosion-type earthquake.
Sinabi rin ng nabanggit na ahensya na narinig ang mga pagsabog hanggang sa Sitio
Guintubdan, Barangay Ara-al sa siyudad ng La Carlota.
Nagkaroon rin ng bahagyang pag-ulan ng abo sa kanlurang bahagi ng bulkan
partikular na ang mga barangay ng Ara-al, San Miguel at Yubo sa siyudad ng La Carlota;
barangay Sag-ang sa siyudad ng La Castellana; at barangay Ilijan sa siyudad ng Bago.
Nagbigay rin ng babala ang Phivolcs sa mga residente malapit sa nasabing bulkan,
The local government units and the public are reminded that entry into the 4-kilometer
radius Permanent Danger Zone (PDZ) is strictly prohibited due to the further possibilities of
sudden and hazardous steam-driven or phreatic eruptions."

You might also like