You are on page 1of 3

HULING TANGAN

Binuklat ko ang mga naunang pahina, nung bano pa ang probinsyana


sa bagong mundo
Ni hindi ko pa nun alam kung tunay na ba akong nakatingin sa kalulwa
mo
Ni hindi ko namalayang lumipas ang mga gabing kasalo ko kayong
namomroblema
Hanggang sa ngayong pabitaw na kayo, nag-alinlangan akong magsaya
Bakit yung pulang marka pa ang siyang dapat na sati’y magpasya?

Kaya ko pa namang masaktan kasama kayo a! Bakit pa magwawalay?


Hindi ba alam ng tadhanang KAYO! KAYO NA ANG HINAHANAP KO?
Paano mo ko napamahal sa napakaikling kabanatang nakalaan sa atin?
Sino bang napagkakaisahan ngayon o di ko lang talaga kayang
matanggap?
Na lahat ng kabog at pitik ng Segundo ngayon kailangan ko ng malasap

Magpipira-piraso na ang samahan, sabay basag ng mga pangarap


Di ko alam kung makakatayo pa ko kung iiyak ka pa at bibitawan ako
Magtahan ka na at tangan pa kita hanggang di mo sinasabing ako ang
lumayo
Salamat dahil kinailangan kong makilala kayo para makumpleto ang
buhay ko
Wala na kayong magagawa e! Pinangiti niyo na ako! Habang buhay na kayong nakadikdik
sa puso ko!
I. BYAHENG BABAY

Nakahinto, nakabalatay, hawak ang talampunay


Mainit na nagdadamdam habang nakatunganga sa byahe
Nilamukos ang isip, kulot na ang pagtatanto
Narito pa ba ako, kung maiiiwan mo ako
Kakayanin ko bang mapawalay kung mawawala to

Pumapalahaw sa payak na siste na buhay


Talagang minsan may duwag at may malumanay
Nakatangan sa kapit mo, kuntodo pang nakayakap
Sa takot na biglang umalpas
Ang masakit na katotohanan

Mahirap mantakin ang mga huling saglit


Nagkakandili ang luha kahit nagmamadali
Naiisisingit ang yakap, kahit nasasaksak
Ng paandap-andap na pasya
At di mawaring pangungulila,
Kahit nandito pa

Nawawala na ang bisyo,


Na baliwalain ang problema
Unti-unting bumibigat ang matagal ng isang dosena
Pinapapikit ang iyong mga mata
Para mapiga na ang luha
Na matagal ng nagtitiis
Nagtatago sa likod ng paningin

Hapit na!
Wala ng oras para magpaubaya
Kahit anong hingal kailangang makisabay
Kung ayaw na matabunan
Ang alaalang di dapat
Ang mga pagkakataong di dapat binabaon
At dapat ginagasgas

Mais na kung mais


Pero malalim yung mahal kita
Higit pa sa salitang Masaya ako’t kasama ka
Mas mariin pa sa pagpapasyang, di ko kayang wala ka
Kahit anong gasgas,
Di naman naaagnas
Ang minsang napaalpas

Babalikan kita, kahit di pa nagwawalay


Ang tali nati’y dudugtungan
Nang di magkapigtalan
At kahit sino pang matilapid sa magdurugtong sa atin
Hawak pa rin kita
Babalikan kita,
Kahit nandito ka pa

You might also like