You are on page 1of 2

ANG MGA SAKRISTAN

Narrator: Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio.
Crispin : sandali lamang kuya basilio! Nakita ko po si mang tasyo sa ibaba baka may ipinapasabi sa kanya si ina!
Basilio: Siguro nga! Halika puntahan natin siya!
(lalapit kay pilosopo tasyo)
Basilio: Mang tasyo! Kayo ho pala! Ano po ang inyung pakay dito sa simbahan! May ipinapasabi po ba si ina?
Mang tasyo: Hindi ka nagkakamali sa iyong akala! Ako ay naparito dahil ipinapasabi ng inyong inang si sisa na kayo ay kanyang hinihintay para
sa isang hapunang pangkura!
Crispin: Ganun po ba mang tasyo! Ikinagagalak po namin na marinig iyan! Pakisabi na lang po kay ina kapag napadaan po kayo sa kanya na
asahan nya po ang aming pagdating!
Mang tasyo: huwag kang mag-alala crispin !!! asaga mo rin na makakrating ang inyung mensahe!
Basilio: maraming salamat po!
Mang tasyo: walang anuman iyon!
Sakristan mayor: Crispin ! basilio ! magsilapit nga kayong mga indiyong bata kayo!!
Crispin: ano po iyon!!
Sakristan mayor: Crispin nalaman ko na mayron kang ninakaw na dalawang onsa !! ngayon sabihin mo kung saan mo iyon itinago?
Crispin: ngunit hindi ko po iyon magagawa?
Basilio: Tama po ang kanyang sinabi ang aking kapatid ay………
sacristan mayor: Tigilan nyo na ang pagsisinungaling alam ko na kayo ang nagnakaw dahil kayo lamang ang anak ng lasengero, mabisyo,
sabungero at indio na si Pedro !! wala nang ibang tao sa simbahan na ito ang maaari pang pagbintangan kundi kayo lamang kaya umamin ka
na basilio!!
Crispin: ngunit d kuh po talaga ninakaw iyon!!
sacristan mayor: Ayaw mung umamin cgeh bilang parusa d kayo makakakain at makakauwi hanggat di nyu na babayaran ang inyung utang!!
Crispin: ngunit…..
(aalis ang sakristan mayor)
Basilio: Tama na crispin hindi natin sila kayang kalabanin!!
Crispin: hindi natin ito sasapitin kung hindi lamang isang lasengero, mabisyo at sabungero ang ating ama!!
Basilio: naiintindihan kita basilio! Alam ko din na di rin natin ito sasapitin kung lagi lamang natin kasama ang ating ina!!
Crispin: Alam ko iyon kuya basilio at alam ko din na hindi rin tayo papayagan ni ina na magtrabaho dito kung nalalaman lang ni ina ang pang
aalipusta na ginagawa sa atin!
Basilio: Ngunit paano natin reresolbahan ang problemang ito kung di naman sila naniniwala sa ating mga sinasabi?
Crispin: baka naman maaaring bayaran na lang natin ang dalawang onsa sa aking pinagkakautangan!!
Basilio: Hindi iyon maari sapagkat ang ating suweldo ay dalawampiso kada buwan kaya papaano natin iyon mababayaran lalo na’t
nagkakahalaga ito ng tatlumpu’t dalawang piso!! Kung gagawin din natin iyan kada buwan wala na tayong maaaring kainin nila ina!!
Crispin: Hinihiling ko na sana magkasakit na lang silang lahat dahil sumusobra na ang pagpapahirap nila sa atin!
Basilio: Crispin huwag kang….
Crispin: Mas makabubuti pa siguro kung ninakaw ko na lamang iyon para may mailalabas ako kapag ako ay kanilang tinanong sapagkat kapag
ako ay namatay sa mga palo ng kura natitiyak ko namang may maiiwan akong damit para sa inyo ni ina kuya basilio!
Basilio: Huwag kang padalos dalos crispin sa iyong pananalita crispin! Kahit na tayo ay may ganitong problema ay di mo dapat binibitiwan ang
mga ganyang salita.
Ngunit ipinapangamba ko na baka magalit si ina kapag nalaman nya na ikaw ay may ninakaw?
Crispin: Alam kong di siya maniniwala sa oras na akita niya ang aking katawang na puno ng palo at kapag nakita niya ang aking bulsa na
walang laman kahit na ni isang kusing!!
Basilio: hindi ko na talaga alam ko ano ang marapat nating gawin!
Narrator: Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang
makakain ng masarap na hapunan dahil magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli
ang dalawang onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay
mabisyo, lasenggero at sabungero.
Sakristan mayor: Basilio !!! maraming tao ang nagsabing hindi tama ang pagkakatugtog ng kampana at dahil sa ginawa mong iyon masyado
akong napahiya sa madaming tao!! At dahil ako ang namumuno sa inyo minumultahan ko kayo dahil sa kapalpakan na inyung ginawa!
Crispin: ngunit..
Sakristan mayor: Isa ka pa hindi kah makakuwi hanggat di mo isinasauli ang iyong ninakaw!!
Basilio: Ngunit di po talaga……….
(itutulak)
Sakristan mayor: Wala kang karapatang mangatwiran kaya maski ikaw ngayon ay hindi na makakuwi hanggang hidi pa sumasapit ang
eksaktong ika-10 ng gabi!!
Basilio: Eksaktong ika-10 ng gabi? Ngunit ika-9 pa lamang ng gabi ay di na pinapayagang maglakad ang mga tao sa lansangan!!
(hahatakin si crispin)
Sakristan mayor: susundin mo ang aking sinabi at si crispin ay aking paparusahan dahil sa di niya pag-amin!!!
Crispin: maawa na po kayo sa amin!! Maawa na po kayo………
Narrator: kinaladkad ng sakristan mayor si crispin habang sila ay papanaog sa hagdana at dinig na dinig pa din basilio ang sigaw ng kaniyang
kapatid ngunit wala siyang magawa habang siya ay nakatulala!!
Sakristan mayor: Dapat ay hindi moh ninakaw ang bagay na iyon!!
(sasampalin)
Crispin: kuya basilio……………..
Sakristan mayor: Alam mo ba na malaki ang bagay na iyong ninakaw kaya marapat lamang na ibalik mo iyon!!
(sasampalin)
Basilio: Ang bawat pagsamapal na idinadampi ng sakristan mayor kay crispin ay katumbas ng kirot sa aking dibdib. Bakit di ko kayang
ipagtanggol si crispin! isa akong walang kwentang kapatid dahil wala man lamang akong nagawa.
Narrator: Pagkatapos niyang magmuni muni ay mabilis siyang pumanhik sa ikalawang palapag ng kampanaryo at mabilis na kinalag niya ang
lubid na nakatali sa kampana at nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat
humihinto na ang ulan.
Talasalitaan

Sumasaliw - sumasabay
Nananalasa - sumisira
Inalo - inaruga
Nagpadalus-dalos - nagpatibuwal

You might also like