You are on page 1of 1

Matatagpuan sa lalawigan ng Albay sa bansang Pilipinas and aktibong Bulkang Mayon.

Ayon sa mga volcanolohigo, isa itong stratovolcano o kompositong bulkan. Ang tila simetriko
niton kona ay nabuo sa pamamagitan ng pagkapatong-patong ng mga daloy ng lahar at lava.
Dahil umaabot ng halos 50 beses na ang mga pagsabog nito sa nakaraang 400 taon, itinuturing
itong pinakaaktibong bulkan sa buong bansa. Matatagpuan ito sa isang convergent plate
boundary sa gitna ng Platong Eurasian at ng Plato ng Plipinas. Ito ay may taas na 2,463 metres
(8,077 feet) at matatagpuan sa Albay, Philippines. Ang Mayon ay may gulang na 40,687 taon at
ang muling pagsabog nito nagsimula noong taong 2006 hanggang sa kasalukuyan. Ang bulkang
Mayon ay may 47 pagsabog sa kasaysayan; ang una ay sa taong 1616, ang pinakahuli ay may
katamtamang pagbuga ng lava nuong June 2001. Ang pinakamalakas na pagsabog ng bulkang
Mayon ay nuong Pebrero 1, 1814. Natabunan ng lava ang bayan ng Cagsawa at may 1,200
taong namatay.

Inihahambing ito sa Bundok Fuji ng bansang Hapon dahil sa tila perpekto nitong hugis.
Matatagpuan ang Lungsod ng Legazpi ilang kilometro sa timog nito.

You might also like