You are on page 1of 1

Umahon sa Pagkakautang

Naabutan mo ba ang panahon na kung saan pinagmamalaki ang bawat pag-


aari na naipupundar ng isang pamilya. Di baga’t buong pagmamalaki pa ngang
ikinikwento kung paano nila matiyagang pinag-ipunan ang nasabing ari-arian mapa
lupa, bahay, sasakyan o kasangkapan. Noon ang pagkakaroon ng mga ari-ariang
nabanggit ay nakakamit lamang sa pamamagitan ng masinop na pamamalakad sa
kaban ng pamilya.

Ngayon madali na makuha ang mga nabanggit na ari-arian dahil sa pagdating


ng credit card o iba’t ibang institusyon na maaaring pagkautangan. Nawala na ang
panahon na kung saan hinihintay muna natin na magbunga ang ating mga
pinaghirapan o delayed gratification. Namulat na tayo sa instant kung saan gusto na
nating makuha ang mga bagay na di pa natin pinaghihirapan o napaglalaan ng
katumbas na kabayaran. Ang di mapigiling pagnanais na mapunan ang ating
kagustuhan o “wants” ang nagiging dahilan upang tayo ay mangutang, at dahil ang
ating kagustuhan o “wants” ay walang hangganan o limitasyon kaya tayo ay nababaon
sa utang.

Isa rin dahilan kung bakit tayo ay nalulubog sa utang ay dahil sa kawalan natin
ng kaalamang pinansyal. Madalang sa ating ang may budget, savings o statement of
assets and liabilities (talaan ng ari arian at utang). Karamihan sa atin ay walang
muwang sa estadong pinansyal ng ating pamilya. Marahil sasabihin nyo na alam
nyong kayo ay kinukulang sa pera, at marahil sasang-ayon din kayo na bagamat alam
ninyong kulang hindi nyo naman alam kung magkano ang nabanggit na kakulangan.

You might also like