You are on page 1of 3

Filipino 7

Adrian Goh Agosto 7


HS1-I Gng. Nieto

Panitikan
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na
babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may
anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid,
may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang
isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan,
pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. [2] Ito ang isang dahilan kung bakit
pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang
isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang
Aeneid ni Vergil.[1]

Etimolohiya
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang
unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang
literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang
salitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik". [2]

Mga uri ng panitikan


Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan: ang mga kathang-isip
(Ingles: fiction) at ang mga hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at
babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat
ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga
tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang
mga prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.[1]

Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na


balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa.
Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi
gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang-
isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]

Anyo ng Panitikan
May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:

1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na pagsasama-sama ng mga salita


sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
o pagpapahayag.
2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbuo ng pangungusap sa pamamagitan
ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.

Mga akdang pampanitikan


 Mga akdang tuluyan
o Alamat
o Anekdota
o Nobela
o Pabula
o Parabula
o Maikling kwento
o Dula
o Sanaysay
o Talambuhay
o Talumpati
o Balita
o Kwentong bayan
o Salawikain
o Kasabihan
 Mga akdang patula
o Mga tulang pasalaysay - pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o
pangyayari sa buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
 Awit at Korido
 Epiko
 Balada
 Sawikain
 Salawikain
 Bugtong
 Kantahin
 Tanaga
 Tula

Kaugnayan sa kalinangan
Nag-uugat ang lahat ng likhaing pampanitikan mula sa buhay, at naglalarawan ng
kalinangang pinagmulan nito.[1]

Kaugnayan sa kasaysayan
Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil dito natin makikita kung ano
ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o
talumpati nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may-akda sa kanilang paligid
at sa kanilang mga buhay.
Ang panitikan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari sa nakaraan. Tulad ng
mga sulatin ni Jose Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino
noong panahon ng kastila.

Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ang mga


tekstong pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at
puwersang pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa,
pagsulat, paghubog, at pag-unlad ng panitikan.

You might also like