You are on page 1of 3

Madugô (sangrieto, bloody) ang nai-larawang sandalî nuóng Unang Panahón.

Isáng kalansáy
(skeleton) ang nahukay na may tulis ng palasó (flecha, arrow) sa matá (ojo, eye socket), at mas
malaking tulis sa leég (cuello, neck).

Pagkaraán ng 1,000 taón ng Panahón ng Bakal, lumawak ang ugnayan at kalakal mulâ sa iba-ibáng
lupaín, Borneo, Indonesia, Malaysia, Taiwan at Vietnam. May mga natuklásan pang mga manik
na galing sa timog India o baká sa Sri Lanka (dating Ceylon). Higít sa lahát, nagíng magana ang
ugnayan sa China, at higít sa lahát ng kalakal ang porcelana. May nahukay na bangkáng pandagat
(ship) na lumubóg nuóng panahón ng kaharián ng Sung sa China, bandáng 1,000 taón sa nakaraán.
May dalá ang bangkâ na mga pinggán (platos, dinner plates) na porcelana. Malawak at magana ang
industria ng pagpa-paso (ceramics) sa Pilipinas nuóng Unang Panahón, ang ibáng mga productos,
tulad ng palayók (cooking pots), bangà (jars) at pasô (planters), ay ginagawâ at ginagamit pa
hanggáng ngayón subalit pahiwatig ang bangkâ ng simulâ ng imported sa Pilipinas, ang Panahón
ng Porcelana.

Mga kagamitan sa panahon ng Bakal


Mga kagamitan sa panahon ng Lumang Bato
Mga kagamitan sa panahon ng Bagong Bato

You might also like