You are on page 1of 2

KABANATA 13: ANG MGA BABALA NG SIGAW

Kakalabas pa lamang ng matandang lalake sa sementeryo nang sa darating ang isang maalikabok na karwaheng
mukang galing sa isang malayong biyahe.

sa pagbubukas ng kabanata ay halos pinagtagpo ni Rizal si Pilosopo Tasyo at si Ibarra sa may


pintuan ng simenteryo. Ang una ay isang matanda na katutubong intilekwalng bayan at ang
binata na inaasahan na mayroong liberal na kaisipan na mula sa malayo ang pinanggalingan ng
kaalaman

Dahil sa mga alalahaning taglay ay hindi napuna ni Ibarra ang pamamangha ng ilang katao nang siya ay makilala,
mga taong pinigil ang pagdarasal at sinundan siya ng mausisang tingin

Mapapansin na ang mga tao ay namangha sa pagdating ni Ibarra sa simenteryo upang bisitahin
ang libingan ng kaniyang ama. Alam ng mga tao sa San Diego sa kanilang mga palihim na
kuwentuhan ang nangyari sa bangkay ni Don Rafael. Subalit sa malalim nalayer ay nais na
ilarawan ni Rizal na ang pamamangha ng mga karaniwang tao sa istoryang ito ay isang pailalim
na simbolismo sa nagiging reaksyon ng mga ito sa biglaang paglitaw ng liberal na kaisipan sa
kanilang kalagitnaan.

Hindi ba alam ng matandang utusan ni Ibarra ang nangyari sa bangkay ni Don Rafael? Maari ba
naman niyang hindi malaman ang ginawang paglapastangan sa bangkay ni Don Rafael, napakaliit
ng bayan ng San Diego at nagkaroon ng pag-iimbestiga si Tinyente Guevarra, na nagresulta sa
pagkakaalis ni Padre Damaso. Maari rin siyang nagkukunwaring walang alam, dahilan sa
natatakot siyang sabihin ang totoo kay Ibarra at hayaan na lamang na iba ang magsabi sa binata

Bakit Byzantine Cross ang nasa libingan ni Don Rafael?


Pansinin ang pagkakaiba ng paniniwala ng Simbahang Romano sa Simbahang Orthodox
The Orthodox believes that when a person dies his soul is ´temporarily separated from his body.
Though it may linger for a short period on Earth, it is ultimately escorted either to heaven or
hell. The soul’s experience of either of these states is only a ´foretaste until the Final Judgment.
The Orthodox believe that the state of the soul in hell can be changed by the love and prayers of
the righteous up until the last judgment; while roman Catholics maintain that prayers only can
benefit the righteous in purgatory (which the Orthodox do not believe in) and Protestants
generally do not pray for the dead at all..

Mga adelfa, sampaga at pensamiento!


Iyon nga! ang tugong masaya ng alila at dinulutan ng isang
tabako ang kausap.
Makikita sa pananalitang ito ang kahinaan ng empleyado ng kolonyal na pamahalaan sa maliit na
anyo ng suhol, tabako lang, puwede na. Lalo na kung may pamiryenda pa at lihim na bigay na
pera.

“Ang krus ay sinunog ko na”


Sinunog ng sepulturero ang byzantine cross? isang patagong paglalarawan ni Rizal sa
paghihiwalay sa kasaysayan ng Kristiyanismo ng Greek Orthodox Church at Roman Catholic
Church.
Pinahukay ng Padreng Fransiskano ang bangkay ng ama ni Ibarra
Ang paghukay ng bangkay ng isang pinaniniwalaang erehe ay naging kagawian nang mga alagad
ng simbahan sa Kalagitnaang Panahon sa Europa

Ipinapalibing sa libingan ng mga Intsik


Sa kapanahunan ng kolonyalismo ng Espanya ay naging mababa ang pagtingin ng mga Pilipino sa
mga Intsik, lalo na sa mga hindi binyagan. Ang pinakamataas na anyo ng pagmaliit ng mga
Pilipino sa mga Intsik sa nasabing panahon ay ang pagtuturing na isang malaking kasawian para
sa kanila ang mailibing na kasama ng mga ito

Matulin ang lakad ni Ibarra na nakatingin sa malayo; at nakasunod na umiiyak ang matandang utusan.
Paglalarawan ni Rizal sa maaring maging mabilis na pagtakbo ng liberal na kaisipan, na
nagngangalit laban sa kawalan ng katarungan. Ang matandang utusan ay umiiyak na nakasunod
kay Ibarra nararamndaman nito ang pagkahabag sa binata at higit sa lahat ang posibilidad na
siya ay masangkot sa kaguluhan ng kaniyang amo na inaakala ng mga makalumang elemento na
nagtataglay ng isang mapanganib na desposisyon.

Ang araw ay lulubog na…


"Ang araw ay lubog na" simbolismo ni Rizal ukol sa kahinaan ng kolonyal na pamahalaan ng
Espanya sa kaniyang kapanahunan

…ang langit ay natatabingan ng makakapal na kurtina ng ulap sa may dakong Silangan…


paglalarawan ni Rizal ng pagbabanta ng isang pagkilos ng bayan sa hinaharap. Makikita ang
katunayan ng pagpapakahulugan na ito sa kabanata 14

... sa tuyo at malakas na hangin ang pumapaspas na sanga ng mga puno at nag paiyak sa mga punong
kawayan.
Tanda na itinulad ni Rizal ang mga Pilipino sa punong kawayan - Isang simbolikal na
paglalarawan ng kaapihan ng bayan na nagaganap bago dumating ang isang inaasahang unos.

You might also like