You are on page 1of 2

c 

  

     c 

  


Sa dinami- dami ng mga pangyayaring nagaganap sa bawat pag-ikot ng mundo, hindi na nabibigyan ng
tao nang karampatang pagpapahalaga ang mga bagay na higit na importante at nagbibigay ng epekto sa
kanya. Mahirap man paniwalaan ngunit sa pinakamallit na paraan ang mga pangyayaring ito ay may
epekto sa tao, ang iba hindi na kapansin ʹ pansin ngunit totoo, naaapektuhan parin tayo. Sa gawaing ito,
kami ay naatasang maghanap ng mga artikulo o mga pangyayaring naganap sa araw ng pagpapakasal ng
aming mga magulang at sa araw ng aming kapanganakan.

Sa pagsisimula, uunahin kong ibahagi ang araw ng kasal ng aking mga magulang. Sila ay naikasal noong
March 8, 1989 sa huwes. Ang artikulong nahanap ko ay natutungkol sa pagbili ng isang kilalang
koroporasyon sa Florida ng isang mallit na bangko. Nagkataon, ito rin ang taon kung saan nagkaroon ng
pinagsamang account ang aking magulang sa Philippine National Bank dahil nga sa sila ay bagong kasal.
Masasabi konh isang napakahalagang bahagi ng buhay ang pag- iipon ng pera sa ligtas na paraan kung
saan magkakaroon ka pa ng interes. Nang tanungin ko ang aking ina kung bakit sila nagbukas account sa
bangko na nakapangalan sa kanila, simple lang ang kanilang sagot ʹ ang makapag-ipon para sa aming
kinabukasan. Nalaman ko rin na binalak nilang magbukas ng mga account sa aming mga pangalan nang
saganoon kahit bata pa kami matutu kaming magtipid. Ang lahat ng bangko sa mundo ay, sa kahit na
gaano kaliit na paraan , magkaugnya. Umiikot lang naman ang pera sa palibot ng tao eh. Nasa tao na ito
kung paano niya gamitin. Masasabi kong malaki ang naging epekto ng mga pagbuo ng mga bangko sa
buhay ko. Isa ito sa naging dahilan kung bakit mas maayos na naitatago ng aking mga magulang ang pera
na para sa aming kinabukasan. Ngayon, isa na akong mag-aaral, isang kabataang dapat ring matutong
magtipid at mag-ipon. Mayroon na akong sariling account sa bangko na hindi ko makakailang isang
malaking tulong para sa aking pang-araw- araw na gastusin. Walang bangko kung walang pera. Kung
walang pera, hindi ko maisip kung magiging maayos ba ang buhay ng tao o kung magiging mas magulo
dahil sa walang kaayusan. Ang isa pang artikulong nakuha ko ay napatutungkol sa pagiging isa o
pagiging inkorporasyon ng Pepsi Cola sa Pilipinas. Simula pagkabata, nakagisnan ko na ang uminom ng
mga softdrinks . Mapakaarawan, kasal o anibersaryo, hindi nawawala ang mga ganitong inumin. Hindi
maipagkakailang ang mga okasyon ay masasabing kulang kung wala ito. Tingin ko nga, hanggang sa
hinaharap buhay pa rin anng mga softdrinks sa kultura ng tao. Ang aking mga tiyuhin ay nagtatrabaho
ngayon sa mga kumpanyang ito. Kung hindi naging isang Inkorporasyon ang Pepsi Cola, marahil hindi
ganito ka tagumpay ang pagtangkilik sa mga inuming ito. Juice, mga beer, wine o mas malala purong
tubig lang ang pantulak na ininom natin sa tuwing may mga okasyon at maraming handaan.

Tumungo naman tayo sa araw ng aking kapanganakan. Ako ay isinilang noong March 11, 192. Sa araw na
ito nalaman kong malala na ang pagkakalbo ng mga bundok dahil sa iligal na pagpuputol ng mga puno.
Sa artikulong nakuha ko, isang lider ng simbahan ang naglakas loob na ipatigil ang pagpuptol ng mga
puno sa Pilipinas. Masasabi kong may epekto ito sa kung anong klaseng kalikasan o kapaligiran ako
namumuhay ngayon. Kung nagpatuloy ang mga tao sa iligal na pagputol ng mga puno, at kung walang
aksyong ginawa ang simbahan at gobyerno dito, ang pinakamamahal nating inang kalikasan ay patay na.
Hindi ko mararanasan ang magkaroon ng magandang kapaligiran, magkakaroon na ng mga baha dito,
baha doon, gumuguhong mga lupa at mas marami ang mga taong mamamatay. Simula pagkabata,
umaakyat na ako ng mga puno sa aming bukid. Hindi ko lubos maiisip na makakalbo ang mga bukid at
bundok na kinatitirikan ng mga punong ito. Ngayon, sa tulong na rin ng mga organisasyon sa paaralan,
nakakasali ako sa mga pagtatanim ng mga puno sa kapaligiran. Itutuloy ko ang ganitong gawain dahil
nakakabuti rin ito hindi lamang para sa akin, sa lahat na rin ng tao sa mundo. Maiuugnay ko rin ang isa
ko pang nakuhang artikulo na hinggil din sa kapaligiran. Sa parehang araw na ito, nalaman kong may
naganap na pagsasanay ng mga magsasaka sa Cotabato sa pag-aalaga ng kanilang mga saka at lupain.
Ang numero unong produkto ng Pilipinas ay mga pananim ʹ bigas at gulay at mga prutas. Kung hindi
mabuti ang pag-aalaga ng mga pananim na ito, marahil bagsak na ang ekonomiya ng Pilipnas, hindi
makakakain ng maayos ang mga Pilipino, at hindi ko matatamasa ang sarap ng mga pagkaing ito sa
aming hapag kainan.

Ang napili kong araw na ibahagi sa sulating ito ay ang nagdaang Agosto 23, 2010. Ito ang araw kung saan
naganap ang paghohostage ng isang natanggal na opisyal sa isang bus kung saan sakay ang mga banyaga
galing HongKong. Hindi ko alam, pero sukdulan ang inis ko nang napanood ko ito sa telebisyon at nabasa
sa dyaryo. Natigilan ako sa pagawa ng aking mga takdang aralin, sa pageedit n gaming presentasyyon sa
aming kurso at maging sa hapag- kainan ito parin ang bukambibig ko sa aking mga magulang.
Nakakalungkot lang isipin na may mga hostage taking parin na nangyayari at hanggang ngayon, hindi
parin maituturing na maayos ang ating pulisya sa paglutas ng mga anitong kaso. Ang mas masakit pa
nito, marami ang namatay at sumama ang tingin ng mga banyaga sa Pilipinas. Bilang isang Pilipino,
nasasaktan ako. Kaya ngayon, sa simpleng paraan ng pagtulong sa mga banyagang nakakasalubong ko
sa daan, sana ay maiangat ko ang kanilang tingin sa mga Pilipino matapos ng insidenteng iyon. Gustong
ʹ gusto ko pa naman sana ang pumunta sa HongKOgssj

ifh

You might also like