You are on page 1of 1

Sheena T.

Fernandez AP III
III-Mapagkawanggawa Agosto 22,2010

God vs Satan

Ang dokumentaryong ito ay tungkol sa mga relihiyong pinaniniwalaan ng iba’t ibang


tao sa mundo, kabilang na ang Judaism at Kristiyanismo. Tumatalakay ito sa ugat ng kasamaan,
pagtutunggali ng Panginoon at ng demonyo sa damdamin ng tao, at ang mga nakasulat sa huling
libro sa Bibliya, ang Rebelasyon.

Ayon dito, si Satanas ay patuloy na sinusubok ang mga tapat na naniniwala sa Panginoon.
Kabilang na rito sina Adan, Eba, at Job. Ang demonyo ang siyang nanghihikayat sa tao, ngunit
ang Diyos ay wala nang karapatan upang makialam sa mga pagpapasya ng tao. Ang tao ang
siyang magpapasya kung siya’y gagawa ng masama. Tayo ay may kalayaang magpasya sa mga
bagay at pagsubok na maaaring dumating sa atin, at nasa atin na kung patuloy tayong
magtitiwala sa Diyos, o papanig sa masama Isa pang punto na ipinahihiwatig sa dokumentaryo
ay tungkol sa katapusan ng mundo. Di umano, magkakaroon ng mga matitinding delubyo. Gaya
ng matinding pagbaha, paglindol, pagbagyo, at marami pang iba. Sa katapusan, mahahati ang
mga tao sa mabuti at masama. Ang mabibilang sa mga mabubuti ay mapupunta sa langit kasama
ng Panginoon at magkakaroon ng magandang buhay. Habang ang mapapabilang naman sa
masama ay mapupunta sa impyerno at makakasama ng iba pang mga demonyo.

Sa aking mga napupuna sa mga pangyayari sa ating kapaligiran, tila nalalapit na ang
katapusan ng mundo. Tila malapit na sa sukdulan ang mundo, grabe na ang pagkasira nito.
Nararamdaman natin palagi ang mga signos. Ang sobrang init ng panahon, malalakas at biglaang
ulan, mga lindol, baha, lahat ng ito ay nagpapahiwatig ng isang malakihang delubyo na yayanig
sa mundo balang araw. Ngunit sa kabila ng mga ito, ang tao ay patuloy pa rin sa paggawa ng
masama. Tila lagi tayong nakapanig sa masasamang uri. Nanghihingi lamang tayo ng tulong sa
Panginoon kung kailan tayo ang pinakamatinding naaapektuhan.

Sa mundong ating ginagalawan, ang lahat ng nilalang ay malaya. Tayong lahat ay may
kalayaang gumawa ng masama, o ng mabuti. Sa pang-aakit ng demonyo upang gumawa ng
masama, tayong mga inosenteng nilalang ay labis na naguguluhan. Paminsan-minsan, ayaw natin
ang makaranas ng kahit katiting na hirap, kaya’t agad-agad na pinipili ang mas madali, mas
mabilis. Ngunit sa mga oras na natatanto na natin ang ating kamalian, bumabalik agad tayo sa
Panginoon upang humingi ng tulong. Kahit na ilang beses nating naitakwil ang Panginoon sa
ating mga puso, paulit-ulit niya tayong tinatanggap, dahil sa kanyang wagas na pagmamahal para
sa atin. Kaya sa pagtutunggali ng Panginoon at ni Satanas, ang Panginoon ang siyang nagwawagi
sa huli.

You might also like