You are on page 1of 1

Si Andres Bonifacio ay ipinanganak noong ika-30 ng Nobyembre, 1863.

Ang kanyang mga magulang ay


sina Santiago Bonifacio at Catalina de Castro. Nakatapos siya sa mababang paaralan ni Guillermo
Osmenia ng Cebu at sa gulang na 14, ang kanyang mga magulang ay namatay at napilitan siyang
huminto sa pag-aaral upang alagaan ang mga nakababata niyang kapatid na babae and lalaki. Bilang
hanap-buhay, inatasan niya ang kanyang mga kapatid na tulungan siya sa paggawa ng kahoy na baston
at papel na pamaypay na kanyang itininda sa lansangan.
Dahil siya ay marunong magbasa at sumulat, siya ay naging isang kawani ng Kumpaniyang "Fleeming and
Company", isang kumpaniya na nagtitinda ng rattan at iba pang mga paninda. Dahil siya ay masipag, siya
ay ginawang ahente. Subalit ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat na pang-suporta sa kanyang mga
naulilang kapatid. Lumipat siya sa kumpaniyang "Fressell and Company" bilang ahente. Ipinakita niya
ang bukod tanging determinasiyon at sipag kaya naging matatag siya sa kanyang trabaho
Dinagdagan niya ang kanyang kakulangan sa pag-aaral sa pamagitan ng pagbabasa at sariling pag-aaral.
Kasama sa sa mga kakaunting aklat na kanyang binasa ay ang mga nobela ni Rizal na Noli Me Tangere at
El Filibusterismo, Ang mga buhay ng Pangulo, Ang "Les Miserables" ni Victor Hugo (na isinalin niya sa
Tagalog), Ang pagkasira ng Palmyra at Himagsikang Pranses. Nakapagsulat din siya ng mga artikulo at
mga tula, isa na dito ang pinakasikat na 'Pag-ibig sa Tinubuang Lupa'.
Ang mga nabasa niyang aklat ang nagsiklab sa kanyang kaluluwa ng paggawa ng Himagsikan at pagtatag
ng Katipunan o KKK (Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan). Itinatag niya
ang Katipunan noong ika-7 ng Hulyo, 1892 kasama sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata at Deodato
Arellano. Ang kanyang pangalan ay Maypagasa. Ang kanyang asawa na si Gregoria de Jesus ang siayng
lakambini ng Katipunan. Ang samahang ito ay mabilis na kumalat sa maraming bahagi ng Pilipinas.
Naramdaman niBonifacio na kaya na niyang umpisahan ang himagsikan noong Mayo ng 1896. Subalit,
bago pa man siya mag-umpisa; ang Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila. Mahigit sa 1,000 Katipunero
ang sumama sa kanya sa Pugad Lawin, Caloocan noong ika-23 ng Agosto, 1896. Buhat noon ,ang
Katipunan ay natuklasan ng mga Kastila,kaya hindi sila makatakas sa pang-aaresto ng mga Kastila, at ang
mga tauhan niya na kulang sa armas, pagod at gutom at kakaunti ang tumulong ay nakaranas ng
malabong tagumpay at malubhang pagkatalo.
Ito ang nagkumbinsi sa bahaging Magdiwang na anyayahan si Bonifacio sa Cavite para ayusin ang
kanilang hidwaan at patuloy na magkaisa. Isang Pulong ang ginanap sa Tejeros, Cavite. Si Bonifacio ang
namuno ng pagpupulong upang itatag ang Republika ng Pilipinas. Sa halalan si Aguinaldo ang nahalal na
Pangulo, si Mariano Trias naman ang Pangalawang Pangulo at si Bonifacio ang Taga-Liham. Si Bonifacio
ay nasaktan at ginamit niya ang kanyang karapatan bilang Pinakamataas na Pinuno ng Katipunan, upang
mapawalang bisa ang halalan. SiBonifacio ay lumipat sa Naic, Cavite at nag-umpisa siyang gumawa ng
sarili niyang pamahalaan at puwersa. Samantala, ang mga umaabanteng tropa ng Kastilang Heneral na si
Camilo de Polavia ay nagbabantang sakupin ang Cavite. Inutusan niAguinaldo sila Pio del Pilar at Noriel
na pawang binigyan ng matataas na katungkulan na iwanan si Bonifacio at bumalik sa kanilang gawain.

Si Bonifacio kasama ang kanyang pamilya ay umalis sa Naic papuntang Indang at sa kanyang pagbabalik
sa Montalban, si Aguinaldo ay nagpadala ng tauhan para siya ay arestuhin, subalit si Bonifacio ay
lumaban at nasugatan. Humarap siya sa isang paglilitis dahil sa kanyang gawain na laban sa bagong
pamahalan at binigyan ng sentensiyang bitay ng isang Militar na Hukuman. Ang mga tauhan niAguinaldo
ang bumitay sa kanya sa kabundukan ng Maragondon, Cavite noong ika-10 ng Mayo, 1897.

You might also like