You are on page 1of 4

GORDON’D FUNCTIONAL HEALTH ASSESSMENT

1. Health Perception
S> The patient’s husband verbalized, “Kung titingnan mo misis ko hindi talaga maganda ang
kalagayan niya, nararamdaman ko na hirap talaga siya sa kalagayan niya. Ni hindi niya
magawang magsalita pailan ilan na salita lang nabibigkas niya parang wala na siyang lakas, hindi
na niya kaya yung mga dati niyang ginagawa ayan at nakahiga nalang siya sa kama, simula kasi
nung nadulas siya at nagkahip fracture bedridden na siya kung hindi mo iibahin ang pwesto niya
nakasteady na siya diyan. Pagdumi niya andiyan ang colostomy bag, pagihi andiyan ang diaper
niya, buti nga at inalis na yung kanyang catheter kasi nagka UTI siya dahil doon. Hindi
naninigarilyo ang asawa ko hindi rin umiinom ng alak ang tanging ginagawa lang niya pag nasa
bahay gumawa ng lesson plan niya para sa susunod na araw tapos magluto ng agahan at
hapunan naming maganak. Hindi ko alam kung may bakuna ba siya dahil hindi naman uso yun
nung panahon namin dahil bihira ka makakakita ng doctor hindi kagaya ngayon kahit saan lang.
Maayos naman ang tinitirahan namin, 5 nalang kami sa bahay, may asawa na kasi yung 3 kong
anak tapos nasa piling na ng Panginoon yung isa, may kasambahay din kami dahil hindi ko
naman na kaya ng gawaing bahay. Yung tinitirahan namin malapit sa school, grocery hospital
tsaka hindi hirap kasi malapit sa high-way para sa jeep walking distance din sa LRT station.”
O> The client appears to be neat, hair is black to gray in color, equally distibuted, and head is
normocephalic. Nails are clean and short. Skin is uniformly warm to touch. Has firm skin turgor.
Capillary refill of 3 seconds, nail clubbing test negative. The patient is unresponsive but
cooperative – can follow simple instructions. PERRLA. Pupils are 5mm in diameter constrict at
3mm in diameter upon light induction. Contraptures: NGT on left nostril was intact, bottle #24
D5NSS 1L x 100cc/hr intact on left hand, colostomy bag on right abdomen, elastic bandage on
both lower extremities
A>

2. Nutrition – Metabolic
S> The patient’s husband verbalized, “Sobrang laki ng ipinayat ng asawa ko, 3 beses ba naman
kami pumasok ng ospital sa loob ng 2 buwan lang eh. Malakas kumain ang asawa ko nun, nasa 2-
3 tasa ng kanin tapos mahilig siya sa karne ng baboy at baka,bihira kami maggulay sa bahay
namin karne kasi ang paboritong kainin ng maganak. Tingnan mo siya ngayon hindi maayos ang
pagkain niya pano naka NGT siya, pero pinapakain ko parin siya ng lugaw, sopas dinurog na
patatas, nilagang itlog at madami pa, hindi ko naman din alam kung anu yung laman ng
pinapakain sa asawa ko, parang puro gatas naman hindi ko din alam kung gaano ba kadami yung
binibigay nila. Hindi man makapagsalita asawa ko alam ko na nagugutom siya, nilagyan ng NGT
after nung operasyon niya sa tiyan palagi kasi siyang nasusuka tapos parang mahapdi daw palagi
ang tiyan niya.”
O> Skin is fair in complexion, uniformly warm to touch temperature of 36.4°C, skin turgor is firm,
no lesions or rashes noted, stage 2 bedsores on the sacral area covered with gauze. Mucous
membrane is moist. No presence of dentures noted. Eyes are moist, sclera is whitish, and
conjunctiva is pale. No presence of edema noted. Gag reflex is present. Patient is on 6 scoops of
Peptamen dissolved in 210cc of water every 4 hours. Oral Input: approx. 1500cc/24 hours
(1260cc feeding + 180cc flushing) and Output: 1000g (diaper weight).
A> Impaired skin integrity related to physical immobilization as manifested by grade 2 bedsores
on the sacral area.
Imbalanced nutrition: less than body requirements, related to inability to absorb nutrients as
manifested by colostomy bag on right abdomen.

3. Elimination
S> The patient’s husband verbalized, “Ang alam ko bihira dumumi ang asawa ko kasi palagi siya
nagdadaing noon na hindi pa siya dumudumi, tapos hirap daw siya sa pagdumi. Siguro mga 1-2
beses sa isang linggo lang siya nakakadumi, dahil narin siguro sa mga kinakain namin. Ako din
kasi mga 3 beses lang isang linggo nakakadumi eh. Ngayon hindi na siya hirap dumumi tingnan
mo naman at automatic ng lumalabas ang kanyang dumi sa colostomy bag niya, hindi pa matigas
liquid pa minsan may kulay dilaw, minsan naman kulay green. Kaya nga kami napadpad na
naman dito sa ospital ay dahil may itim itim na lumabas sa bag niya, sabi kasi ng doctor kapag
may lumabas na kulay itim dalhin agad namin sa ospital para matingnan kasi natuyong dugo daw
yun, siyempre takot naman ako diba kaya dinala ko agad dito. Sa ngayon pagiihi siya sa diaper na
kasi hindi na niya kayang tumayo, naka catheter siya dati inalis narin kasi may UTI daw.
Dalawang beses lang ang palit namin ng diaper, mahal kasi masyado kung madalas, isa sa umaga
isa sa gabi pag minsan sa umaga lang tapos kinabukasan naulit ang palit namin.”
O> No massess were palpated in the abdomen, no tenderness noted. Colostomy bag was noted
on right abdomen. Urinary bladder is palpable below the umbilicus. Client is on diaper.
A>

4. Activity – Exercise
S> The patient’s husband verbalized, “Retired public school teacher ang asawa ko, nung
nagtuturo pa siya masipag siyang teacher wala akong masabi tsaka talagang parang anak niya
mga tinuturuan niya, gabi gabi yun gumagawa ng lesson plan pero ang pinaka late niya na tulog
noon 10pm tapos ang gising niya 4 am. Tapos nung nagretiro na siya pag gagantsilyo nalang ang
libangan niya. Kapag hindi siya busy sa pagiging ina o asawa yun ang hawak niya. Pero simula
nung nadulas siya at nagka-hip fracture siya hindi na niya kayang igalaw yung bewang pababa,
pero nakakramdam pa din yun. Dependent na siya sa lahat nag activities kaya kelangan talaga
binabantayan siya, kahit pag gagantsilyo hindi na niya magawa kasi parang ang bilis niya
mapagod kahit itaas taas lang yung kamay niya hindi na niya kaya masyado.”
O> Capillary refill of 3 seconds. Clubbing test is negative. Strong grasp on both hands. Muscle
spasms noted on lower extremities. Muscle strength of 2/5 on both lower extremities. Cannot
perform plantar and dorsiflexion. Patient has limited ROM on both lower extremities.
A> Impaired physical mobility related to musculoskeletal impairment as manifested by muscle
strength of 2/5 on both lower extremities.

5. Sleep – Rest
S> The patient’s husband verbalized, “Noong hindi pa siya na-aaksidente ang tulog namin sa
bahay 10pm tapos gigising siya ng 7am, tapos sa hapon naman umiidlip din kami 1-2 oras pinaka
mahaba na siguro yung 2 oras. Bago siya matulog sa gabi naliligo muna siya para mapreskuhan.
Ngayon maya’t maya na ang tulog niya siguro dahil narin sa wala siyang magawa kaya puro tulog
nalang din siya lalo na hindi naman siya makatayo, palagi nalang siyang nakahiga.
O> 3 pillows are noted on patient’s bed- one placed under her head, one under her left arm and
one under his feet. Patient appears calm upon waking-up, can maintain eye contact and listens
eagerly when talking to. No lid lag was noted on eyes.
A> Readiness for enhance sleep.

6. Cognitive – Perceptual
S> “Retired public school teacher siya, English ang subject na tinuturo niya. Nagsasalamin din
siya, reading glasses lang, normal naman yun sa mga teacher na may edad na diba? Hindi ko lang
maalala kung anong grado ng mata niya. Maayos pa ang pandinig ng misis ko, naririnig ka niya
pero hindi ka niya kayang sagutin kasi ang nabibigkas nalang niya kaunting syllables pero may
facial expressions parin naman siya. Ganyan na siya simula nung na stroke siya.
O> Patient is unresponsive but can follow instructions, listen eagerly when talking to. Pupils are
with 5mm in diameter constricts at 3mm on light induction, head is normocephalic, sclera is
white and moist, pale palpibral conjunctiva, no lid lag, no corneal lesion. Iris is round and brown
to black in color.
A> disturbed sensory perception (speech)

7. Sexuality – Reproductive
S> The patient’s husband verbalized, “Meron kaming anim na anak, 3 babae 3 din lalaki. Sa
kasamaang palad namatay yung isa namin anak na babae – car accident ang kinamatay niya.
Yung 1 babae at isang lalaki nalang naiwan sa bahay naming, yung 3 (2 lalaki, 1 babae) kasi may
asawa na. Hindi ko alam kung kelan siya unang nagkaroon ng period niya, pero wala kaming
ginamit na contraceptive, hindi naman uso yun nung panahon namin. Mga 3 o 4 years na ata
siyang menopause.”
O> Patient’s labia is equal in size and free from lesion.
A>

8. Role – Relationship
S> The patient’s relative verbalized, “Mabuting asawa, at ina ang misis ko, wala kang masasabing
masama. Mahal na mahal niya kami gigising siya ng maaga para pagsilbihan kaming pamilya
niya, kahit nga nung nagtuturo pa siya mahal na mahal din niya mag estudyante niya sinisiguro
talaga niya na lahat may natutunan sa kanya. Sa pagdedesisyon tulong kaming dalawa palagi,
meron ding mga bagay na humihingi siya ng payo sa mga anak niya. Sa ngayon umaasa kaming 2
sa pensiyon namin, dun sa 2 anak ko na nasa bahay namin, tsaka sa mga kapatid niya. Pang apat
kasi siya sa anim na magkakapatid tinutulungan nila kami ngayon sa gastusin.”
O> No dysfunctional family interaction observed during the interview. Frequent close
interaction and open communication between family is observed. Patient cannot speak but was
able to follow simple instructions and can maintain eye contact when talking to.
A> Impaired verbal communication related to previous stroke as manifested by difficulty in __.

9. Coping – Stress Tolerance


S> The patient’s husband verbalized, “Hindi marunong magtanim ng sama ng loob ang misis ko,
kapag may problema siya sinasabi niya kaagad para hindi na lumaki. Siya kapag alam mong
stress na ititipon niya ang pamilay magluluto siya ng masarap parang reunion, sa ganoong
paraan naiibsan yung mga problema niya. Kaya din niya tinitipon isa isa para makapag seek siya
ng advice sa mag anak niya. Pero ngayon na hindi na siya makapgasalita hindi na namin
malaman kung anng problema niya. Minsan kapag may gusto siya tatawag siya ng ‘pa’ lalapit na
ako tapos aalamin ko na kung anong kelangan niya itataas nalang niya yung kilay niya kapag oo.”
O> No overt signs of stress are noted.
A> Ineffective coping related to altered speech pattern as manifested by inability to express
needs.

10. Value – Belief


S> The patient’s husband verbalized, “Katoliko kami, noon sama sama kaming nagsisimba ng
pamilya, dumadayo pa kami sa Quiapo church or sa St. Jude. Pero simula nung nagka-hip
fracture siya sa TV nalang kami nagmimisa mag-asawa. Ang paniniwala talaga niya, kapag daw
may takot ka sa Diyos siguradong pagpapalain ka. Simula nung nastroke siya hindi na nawala
yung rosary sa braso niya, lalong tumibay ang pananampalataya namin sa Panginoon. At hindi
nga niya kami pinabayaan, andiyan ang lahat ng anak namin pati na ang mga kapatid niya
sinusuportahan kami, naniniwala din kami na hindi kami pinapabayaan ng anak naming kapiling
na ng ating Panginoon.
O> Patient has rosary on right arm and prayer book on bed side.
A> Readiness for enhanced spiritual well being.

You might also like