You are on page 1of 9

SA MGA TAGA PCSO NGAYON

Sa mga nagpadala sa akin ng mga REKLAMO NINYO sa mga nangyayari sa


PCSO ngayon, nasabi ko na po sa inyo na hindi maganda ang ginagawa sa inyo ng
mga namumuno sa inyo ngayon. I can only empathize with all the sufferings you
are going through. Pero nasasainyong kamay na rin ang solusyon sa mga hinaharap
ninyong problema.
Nasabi ko na po at naipaalam ko na po sa inyong lahat ang nalalaman ko, pero sa
akin pananaw, wala pong malasakit sa inyo ang Chairman ninyo at ang mga
kasamahan niya ngayon sa Board.
Unang-una, hindi po totoo ang sinasabi sa inyo ni Chairman Margie Juico na base
daw sa “findings” and “testing” na ginawa ng PHILIPP'S TECHNICAL
CONSULTANTS CORPORATION na babagsak ang building at kailangan
idemolish ay hindi po totoo at ‘yang pong report na ‘yan ay na-debunk na ng ibang
structural engineers noon 2009. Hindi ko po alam kung papaano napasok ang
Philipp's ng walang bidding. Kakilala po ba kaya ng isang dating kasamahan natin
ang nagdala sa Philipp's para kumita sa PCSO? Hindi po ‘yan ibiniding at it only
underwent a NEGOTIATED PROCUREMENT. What I find highly questionable
and immoral is the fact that the new management you now have is not questioning
PHILIPP's report. They accepted the so-called “findings” hook, line and sinker
and even used it as a basis for the DPWH to condemn the building. Lutong Macao
po ang ginawa sa inyo. Niyari kayo ng DPWH who did not test and simply took
the word of PHILIPP's and on the say so of Margie Juico. Siyempre,
magkakasama ngayon sila sa bagong administration at nagbibigayan sila sa isat isa.
DPWH Secretary was only informed by Margie by telephone. Nagpadala ng
tatlong engineers ng DPWH to do an “ocular inspection” of the building. But to
make a long story short, ‘yon ding findings ng PHILIPP's ang sinuportahan nila at
sinabi na lang kay SECRETARY SINGSON na totoo. This is what we must all
question. Hindi pwedeng sa isang “findings” lang ang dapat pagbasehan, lalo na
na may connection sa loob ng PCSO ang PHILIPP’s na nagtulak na ang ireport ay
to demolish. Ang laki po naman ang ibinayad sa PHILIPP's para sabihin lang na
guguho na ang building. Nasa Spain po ako ng mangyari to. Kaya po ako nagulat
ng pagdating-dating ko at nag-attend ako ng board meeting kung bakit ganyan ang
nangyayari.

Napatunayan na po namin sa board na hindi tunay at hindi makatotohanan ang


nilagay ng PHILIPP's sa report na over 50% daw ang defective sa building. Sa
harap naming lahat sa board, binawi ng head engineer na hindi naman daw guguho,
pero may depekto ang mga 16% ang building. Dahil sa pagsisinungaling niya,
siguradong menos pa sa 16% ang may depekto. Nasa minutes po ng meeting ‘yan
at naka-tape rin ang discussion noon board meeting na ‘yon.
Si DOH Secretary Francisco Duque na official representative ni President Arroyo
sa PCSO Board ang nag-conduct ng questioning sa engineer ng PIHILIPP's na
gumawa ng hindi totoong study or report na kinubra ang PCSO ng 3M pesos.
Sobra naman po ang ibinayad para sa isang report na hindi makatotohanan. Ang
desisyon ni Secretary Duque ay, ayusin ang mga depekto at huwag idemolish.
Tama po ‘yon.
2

Marami na pong bumasa ng naturang report na mga Structural Engineers, pati na


po ang Structural Engineers ng PNCC. Ang pinakamagaling na structural engineer
sa Filipinas na nabasa na rin ay tinawanan ang report ng PHILIPP's. Hindi ko na po
babanggitin ang pangalan at pinakiusapan lang namin ni GM Uriarte bigyan tayo
ng opinion. Libre po. Pati tatlong structural engineers ng hotel ko sa Makati,
dinala ko din po diyan at pinabasa ko ang report ng PHILLIP’s at ininspection
lahat ang buong building. They also debunked the report of Philipp’s.
Ang disadvantage po natin ay hindi na kami humingi ng formal written report at
pag nagpagawa po ng written report, magbabayad po ang PCSO muli. We were
after malaman lamang kung totoo ang report ng PHILIPP's. Hindi daw po totoo.
Isa pa, it is unethical to ask those we consulted to attack the report of PHILIPP's.
Kaya nasa kamay na po ng may-ari ng building to give the final verdict for they
own the building, the PTSI. Nagre-rent lang po ang PCSO.
Tapos na po ‘yang issue na ‘yan noong isang taon pa, pero binuhay po ni Margie
Juico kasi talagang gusto niya gumastos, lumipat, at pahirapan kayong lahat. Ano
pa po ang masasabi ko. Ang ipinakikita niya sa Malacanang ay ang erroneous
report ng PHILIPP’s. Tapos, ginagamit pa niya si Secretary Rogelio Singson ng
DPWH to further give it a semblance of legitimacy yong PHILIPP’s report na
hindi makatotohanan. Si Margie Juico po ang promotor niyan lahat. Magaling po
siya sa ganyang gawain. Kaya ikinalulungkot ko po ang mangyayari sa inyo
ngayon. Nasa kamay na lang ni Presidente Aquino ang inyong pag-asa na
nagsisinungaling ang mga tauhan niya na nilagay niya sa PCSO at mga namumuno
ngayon diyan.
Doon naman sa mga sumulat sa akin na hindi kayo makapagsalita maski sa libreng
oras ninyong 12 to 1 para maipaabot ang inyong hinaing sa free time ninyo, kayo
na rin ang nagsabi sa sulat ninyo na tatanggalin kayo sa trabaho by applying ang
rationalization sa inyo. Grabe po naman ang ginagawa sa inyo. Ngayon lang ako
nakakita sa dami ng dumaan sa PCSO na may nambabraso. Maski naman po noon
panahon ko at sa lahat ng mga sumunod sa akin, pinagbigyan naman po kayo
magsalita at ‘yan ay karapatan ninyo.
The right thing to do in the name of justice and fairness is to have another
independent study done on the building. Hindi dapat gamitin ni Margie Juico ang
hindi tunay na report ng PHILIPP’s. That has been debunked by all the structural
engineers we showed it to. Pero si Chairman Juico ganyan po talaga ang ugali.
Pag may gustong gawin, gagawin niya sino man ang masagasaan.

May isang malaking pagkakamali ang tatlong engineers that the DPWH sent to do
an ocular inspection of the building. Sabi po nong engineers Vallo, Jaime Pedro at
Wilfredo Lopez, hindi daw po pumasa at “no longer in accordance with the
provisions specified by the latest edition of the NATIONAL STRUCTURAL
CODE OF THE PHILIPPINES (NSCP).” Malaki pong pagkakamali ‘yang sinabi
nila for they should know that the NSCP is never applied to old structures but only
to new structures. Pag inapply po ‘yang NSCP sa ating historical structures, wala
pong papasa. Take note, the DPWH is referring to the “latest edition”. That
cannot apply to the QI structures.

2
3

Dapat alam nila ‘yan o walang papasa na mga old structures that ARE century old
structures pag ‘yan ang inapply. Pati Malacanang Palace, UST, Post Office, San
Agustin Church, at lahat ng mga century old churches and building declared
historical sites ay hindi papasa. Hindi po ‘yan ginagawa, kundi talagang may
intention mangloko ang magsabi niyan. ‘Yan po ang sabi ng lahat ng structural
engineers na kinunsulta naming ni GM Uriarte.
Dapat po kumilos na ang PTSI at kuwestiyonin ang mga reports na ‘yan at sila ang
mayari. Hindi po ginagawa ‘yan sa buong mundo o walang matitira at mako-
condemn lahat ang palaces and historical sites in Europe and elsewhere in the
world. Isama na pati ang Great Walls of China.
‘Yang binabanggit na nakita sa ocular inspection ng DPWH, nasabi ko na sa aking
pamphlet. At sa awa ng Diyos huwag lang sana bumagsak ‘yang building na ‘yan
kasi po ang dapat bintangan ay ang PHILIPP’s na nagbutas ng nagbutas sa building
na ‘yan, in the guise of conducting tests na hindi naman dapat kasi sa ocular
inspection nakikita na ‘yan ng marunong na structural engineer. Ginawa lang ‘yan
para tumaas ang kinubra sa PCSO na tatlong milyong piso. And to top it all,
without the permission and consent of the owner of the building, the PTSI. ‘Yan
po ang kinagalit nila at dapat nagpaalam muna as stipulated in the contract; at
dapat in the company of their own engineers.
Ang tunay na ikinagagalit ni Chairman Margie Juico sa lugar ninyo ngayon ay it
brings back bad memories of her hatred towards Mita Pardo de Tavera who sued
her for the MILK FEEDING na may kopya po ako at kaya sinampahan siya ng
kaso ni dating Chariman Mita Pardo de Tavera, ang aking predecessor.
Isa pa, pirming sinasabi ni Chairman Margie Juico na dapat daw ang PCSO ang
may-ari ng buong Quezon Institute at nalipat na ang mga titulo sa pangalan ng
PCSO noong panahon ni Mrs. Imelda Marcos. Maganda pakinggan. Pero
nangyari po ‘yan noon at wala tayong kasalanan, pati ang PTSI kaya po nabawi
nila muli ang mga titulo. And you can verify it on your own. Kinuha ni Mrs.
Marcos ang mga titulo ng Quezon Institute para mag-float po ng bond to raise
money for the Lung Center. Ang usapan, ang PCSO ang magbabayad sa loan pag
mature ng bond. Kapareho yan ng Peace Bond nila Dinky Soliman na nagma-
mature sa malapit na panahon. ‘Yan po yong tinatawag na PEACE BOND ng
Code NGO. Hindi ko po alam ang milagrong nangyari diyan. Pero dito sa PCSO,
ang Quezon Institute property ang ginamit pong pang back-up sa pag-float ng bond
with the promise na ang PCSO na lang ang magbabayad sa PTSI. PCSO po ang
nag-float nong bond kaya kinuha ang 19 hectare property ng Quezon Institute pang
back-up. Pero hindi po nagbayad ang PCSO sa PTSI. Ni piso hindi sila binayaran.
Kaya po nadala ‘yan sa Court of Appeals and an amicable settlement was effected.
Isasama ko po dito ang dokumento para makita ninyo ang decision ng Court of
Appeals. Noon pa, sinasabi na sa akin ni Chairman Margie na galit siya sa PTSI,
QI, at pag-aari daw po ng PCSO ang buong compound ng Quezon Institute, all of
the 19 hectares. Galit na galit siya sa Quezon Institute kaya ‘yan ang tunay na
dahilan ng pag-alis ninyo diyan. Personal po ang galit niya, pero kayong lahat ang
mapaparusahan. Hindi niya kasi inalam ang tunay na nangyari diyan kasi po kung
ano ang pumasok sa isip niya, siya ang pirming tama. Kaya wala na po akong
masasabi.

3
4

Nasa inyo na lamang po ang solusyon sa problema ninyo. O kay President


Aquino, Kongreso, Senado, Ombudsman; o sa OSG o sa DOJ, kung kayo’y
mabibigyan ng katarungan. Sila po ang puwedeng magbigay ng order to have a
second and third opinion to the untruthful report of PHILIPP’s Technical
Consultants Corporation na tatapatin ko na po kayong lahat na wala po nagsabing
ibang engineering firm na dapat gibain ang Quezon Institute at bawal po sa
Historical Commission sirain ‘yan at declared Historical Heritage site po ‘yan.
Inumpisahan na pong ipaayos ang parteng may depekto. Ang PGMC ang
nagbayad ng P9M para maayos ang sahig ng Main Computer Center. Noong June
po natapos.
Nasabi ko na po sa inyo sa pamphlet ko na ang buong right wing ng PCSO kung
saan nandoon ang executive offices, AGM’s, hanggang sa ground floor ay walang
depekto. Inamin po sa amin sa Board ‘yan ng head na engineer ng Philipp’s.
Ang MCC (Main Computer Center) at sa ilalim sa groundfloor kung saan
nandudoon ang Sweepstakes office, naayos na din po.
Doon sa left wing na napasukan ng tubig ng ulan dahil sa baradong down-spouts or
drainage ang dapat na lang ayusin at kaya naman ng epoxy blasting.
‘Yang “retrofitting” na binabanggit nila na mahal daw ay sobra naman siguro ang
binabalak nila. Pang isang libong taon siguro ang gusto nilang gawin para mas
kumita sila ng pera.
Ang mga parte lang na dapat ayusin ang ayusin. Hindi na dapat sila lumampas pa
doon po sa building na ‘yan. Dami na ng earthquakes ang dumaan diyan since
1938. Walang nag-crack man lamang. Solid ang foundation ng Quezon Institute
Complex, built on solid adobe foundation.
Siguro babagsak na muna ang mga bahay ng mga mamumuno diyan ngayon bago
bumagsak ang mga building ng Quezon Institute.
Mahal daw ang gagastusin ng mga boss ninyo magpa-“retrofitting”? Mas mahal
ang gagastusin ng PCSO sa paglipat sa PICC.
Umpisahan na natin sa renta na sinabi ninyo sa akin ay abot ng P6M a month.
Kung nasaan kayo ngayon, P2.3M a month at may 6.9 hectares pa na land area
para sa parking, sariling electric power plant para sa lotto draw in case of brown-
out, at malaki pong disgraya magka brown-out at magka power failure during the
lotto draw at ang dating niyan sa publiko ay nagkadayaan, binago ang resulta at
lahat lahat na ng akusasyon ang aabutin ninyo sa buhay hanggang ikamatay ng
lotto gaming.
May sarili bang generator ang PICC solely dedicated to the lotto draw at sa Main
Computer Center? Isini-switch ‘yang generator na one hour before the actual
draw.
Kaya po bago mag-draw every night, sini-switch na sa sariling power ng PCSO
bago mag-umpisa ang draw. Hindi maaaring asahan ang Meralco at baka nga
magka brownout. Oras maputol ang electric power habang nagdro-draw, uulitin
muli ang buong draw. Pero, magdududa na ang tao sa integridad ng draw sa
gabing ‘yon. Sasabihin nila: Nagkayarian.

4
5

Sana iniisip ng mabuti ng mga namumuno diyan sa PCSO ngayon lahat ng mga
bagay na ito. Kumplikado po ang lotto system na wala namang alam si Chairman
Margie Juico sa mga bagay na iyan subalit man matagal na siya riyan as director.
By and large, wala pong alam talaga ang mga directors sa intricacies ng lotto
gaming at mas abala sila sa policy making body which is the Board kaysa sa actual
operations. Ang mga na-train ng foreign experts natin ang mas may alam diyan.
I’ll give you an example, ibinalita ninyo sa akin na gusto ni GM Roxas per order of
Margie Juico na ang draw mag-umpisa sa PICC sa October 10. Kailangan niya ng
milagro galing kay Santa Catalina upang magawa ninyo ‘yan in such a short time.
Hindi ganyan kadali ilipat ang Main Computer Center (MCC). Sobrang mahal
ilipat, milyones, tapos testing pa muna.
The relocation of the MIS or Management Information System that takes care of
the computerization and telecommunication for voice telephone and data network
will take more than a month and the relocation alone will easily cost from P25M to
P30M. Naka-install na po ‘yan sa QI office ninyo.
Nakakabit na lahat po ‘yan sa QI office ninyo ngayon.
At bakit po ba nagmamadali sina Chairman Margie Juico at kanyang directors
umalis sa QI? May lindol bang parating? Hindi naman high-rise ‘yang building na
‘yan. Madali naman kayong makakalabas diyan kung sakali man, God forbid. Sa
bilis ng paglabas ninyo diyan, bago matapos ang yanig ng lindol ay nakarating na
kayo sa Quiapo!
Eksaherado naman at sobrang pananakot na ang ginagawa sa inyo ng mga bagong
amo ninyo diyan.
Baka naman kaya nagmamadali dahil siguro alam nila na hindi na sila magtatagal
sa puwesto, kaya “make hay while the sun shines”.
Hindo ko pa talaga alam ang mga isasagot sa mga concerns ninyo.
Ang masasabi ko lang, walang matitira sa sweldo ninyo pag lumipat kayo sa PICC.
Sa pamasahe, lugi na kayo. Sa pagkain sa kantina ng PICC, di kakayanin ng
budget ninyo. Pag sinabihan naman kayo na kumain sa labas, magji-jeep kayo
para maghanap ng karinderya. Pag umulan o bumagyo, magutom na lang kayo.
Ang parking ng inyong kotse o sasakyan, P30 per hour. Ang gasolina na
gagastusin ninyo, grabe. Ang bonding time ninyo sa inyong mga anak at pamilya,
mawawala dahil madaling araw na kayo makakauwi sa inyong bahay.
Hindi biro itong sinasabi ko sa inyo. Lalo pa ngayon na pinutulan na kayo ng
bonuses at allowances ninyo.
Sa nakita kong report ng resident COA auditor na mga bonuses at allowances na
hindi pinapayagan, maghihirap po kayo talaga. At kung ako’y nasa lugar ninyo,
aalis na lang ako. Ang problema mahirap naman maghanap ng trabaho sa mga
panahon na ito. Ang malalakas lang sa administration ang mabubuhay sa panahon
na ito.

5
6

Wala daw pong “Post Facto” approval ng Presidente ang mga bonuses at
allowances ninyo. Di po ba ‘yan din ang ibinagsak sa kamay ko nong maging
PCSO Chairman ako nong panahon ni President Ramos nong 1994?
Namana ko ang walang post facto approval nong panahon ni Presidente Cory at
hindi nga napa-approve ni GM Jun Carascoso at ng kanyang board noon na kasama
na rin si then Director Margie Juico? Pero nagawan ko ng paraan, salamat kay
Presidente Ramos na inapprove lahat ang hiniling ko para sa inyo.
Nang nasabi ninyo sa akin ang inyong problema at may posibilidad na ibawas sa
inyo ang naibigay na sa inyo nong 1986 to 1994, ako po’y naawa sa inyo at
pinagsikapan kong ipa-approve kay Presidente Ramos ang post-facto approval na
hindi naasikaso ng panahon pa ni Presidente Cory.
Napa-approve ko naman po lahat kay Presidente Ramos.
Ngayon, kung walang post-facto approval ‘yang bonuses at allowances na naibigay
sa inyo, sana po magkapuso naman sina Chairman Juico ipa-approve ng post-facto
kay Presidente Noynoy Aquino.
Pero, siguradong malaki ang mababago sa dati ninyong tinatanggap.
Dahil nga po hindi funded ang PCSO ng Kongreso at kinikita sa sarili ang inyong
kita, natatandaan ko ang sinabi ni Presidente Ramos sa akin nong mag-approve ako
ng post-facto para sa inyo. Sabi sa akin: “Manoling, basta galing sa operating
expenses ng PCSO, ang sobra puwede mong ipamigay sa mga empleyado as
bonuses at allowances. Huwag ka lang sosobra sa operating fund.”
Siguro naman, lahat ng naipamigay sa inyo ay galing sa operating fund at napalaki
nga ninyo ang income ng PCSO from P11B/P12B to what is now P26B. Siguro
naman dapat lang kayo mabahagian. That’s fair enough.
‘Yong mga Mandatory Contributions nga na approve ng Congress nabibigyan ng
billion billion (tingnan ninyo ang listahan) kapareho ng SARS, Drugs, Sports,
Higher Education, etc… na wala naman sa mandate ng PCSO, 50% ng Charity
Fund ang nakakaltas ng mga organizations na ‘yan. Dapat na ma-review na ‘yan
muli para maitulong sa mga may sakit at mga kapuspalad.
Sayang at ang mga directors ay hindi na nagbibigay ng financial assistance sa mga
may sakit for their maintenance medicines, burial assistance at pang high blood at
diabetes. Hindi kasi nagbibigay ang FAD,
Imbes na hintayin pa na lumala ang sakit, dapat mabigyan ng tulong. Ang liit
naman lang. P500/P1,000/P1,500 for burial assistance, etc… ‘Yang walk-in ang
marami araw-araw. Pero wala ng natulong sa kanila. Trabaho ‘yan ng mga
directors, GM at Chairman at may pondo para sa ganyang pagtulong.
P200,000 a month bawat isang director. Nabalitaan ko nga na wala daw akong
perang iniwan sa Discretionary Fund ko na P200,000 a month. Inubos ko na daw
hanggang December. Ay ano naman ang gagawin ko, sa aking opisina
nagdadagsaan ang mga may sakit. Lalo na ng malaman na paalis na ako sa
puwesto.

6
7

Sa kanila napunta ang Discretionary Fund ko. Hindi naman sa akin. Bakit?
Makakapaghintay ba ang may mga sakit? Anong sasabihin ko sa kanila, antayin
na lang ang mga bagong directors? Ay kung hindi sila bigyan kapareho ng
nangyayari ngayon, saan pa sila tutungo? Sa FAD? Hindi naman nagbibigay
maski kaunting amount pambili ng Lipitor pang high blood, pang diabetes at burial
assistance na P1,500 lang naman.
Malaki ang discretionary fund ng Chairman at General Manager. Doon na lang
humingi ang mga bagong director ngayon. May intelligence fund pa ang dalawa –
Chairman at GM. So, what’s the problem?
Kaya naman naubos ang discretionary fund ko before I stepped down from office
ay kasalanan ng Accounting Department. May Board Resolution na bayaran muna
namin ang mga wheelchairs and Nebulizers at buwanan umaabot pag dumaan sa
FAD. Ang ibig kong sabihin, may desisyon ang Board na i-advance ng mga
director muna ang pagbili ng wheelchairs para mabilis ang pagbigay sa
nangangailangan, tapos to be realigned to the Charity Fund and returned back ang
amount to the discretionary fund of the director.
Hindi po ‘yan ginawa ng Accounting. Kaya walang natira sa discretionary fund ko
para sa papalit na bagong director sa akin. Kasalanan ko po ba ang pagkakamali
ng Accounting Department?
Ipinaalam ko po ito sa resident COA Auditor.
May isang bagay lang po akong napuna. Ang sulat na “To all the Employees” na
pirmado ni Chairman Margie Juico ay hindi galing sa puso niya. Galing at iba ang
sumulat. Maunawain pos a inyo ang dating ng sulat that knowing Margie for such
a long, long time, hindi po tunay na damdamin niya ang sulat na ‘yan. Halos po
maiyak at baka kayo tamaan ng lindol – just to justify the transfer to the PICC, not
because she is worried for all of you, with her heart bleeding for you kung anong
mangyari sa inyo.
Ikakalat daw po kayong lahat sa ibat-ibang lugar. May ilan sa PICC (about 200
lang daw po ang kasya out of the 1,500); may sa lumang building sa San Marcelino
na nasunog two years ago at ‘yon ay wooden structure lamang. Bakit hindi ipa-
testing muna sa Philipp’s? Diyan marahil mamamatay kayo sa fire or lindol.
Ang Manila City Hall nga matanda pa sa QI, hindi naman bumagsak sa lindol.
Mas matibay pa ang QI. Ang Letran sa Intramuros, pag ipina-testing sa Philipp’s,
siguradong ipagigiba din hanggang sa pier, pati na ang mga pader ng Intramuros.
The Old Central Bank Building, nakatindig pa sa Intramuros. Mga pader na natira
ng bomba sa Fort Santiago, hindi din bumabagsak sa lindol.
Tandaan ninyo, ang gumawa ng QI Complex ay ang pamoso at ama ng architecture
sa Filipinas, at National Artist, Juan Nakpil.
Lahat ng mga building na ginawa niya lahat nakatindig – U.P. Administration
Bldg., U.P. Library, San Carlos Seminary, Capitol Theater sa Escolta, Rizal
Theater in Makati at marami pang iba.

7
8

Graduate ng Fontainebleau School of Architecture sa Paris, at Harvard University.


Dean of Philippine Architecture.
Laki namang insulto sa isang Outstanding Filipino sa pipintasan lang ng isang
Philipp’s, ng isang Margie Juico, ni DPWH Rogelio Singson at kung sino pa mang
tau-tauhan nila na hindi alam ang ginagawa.
Pag bumagsak ‘yang QI building, asahan ninyo, wala ni isang gusali sa Ayala
Avenue na nakatindig. At pag bumagsak ‘yang PCSO wing na ‘yan, huwag ninyo
akong sisihin at ang Philipp’s ang nagsabotahe sa drilling na ginawa nila,
pagbubutas sa halos lahat ng poste imbes na sa isa lamang, kung cement testing
lang ang habol nila.
Ganoon pa man, matibay pa ‘yan sa Malacanang Palace, sa Post Office, sa PICC at
Film Center, sa San Agustin Church, sa simbahan ng Carcar sa Cebu at sa mga
century old structure sa Filipinas. Ang QI, balanseng-balanse ang structure.
Uulitin ko ang nasabi ko na sa inyo sa unang pamphlet na ipinadala ko sa inyo
tungkol sa controversy diyan sa QI building. Ito ang sabi ng mga tunay na expert
structural engineers. I am addressing this to Chairman Margie Juico, DPWH
Secretary Rogelio Singson, Members of the PCSO Board of Directors, at sa lahat
ng nag-connived to vacate and “demolish” (for heaven’s sake) ang QI offices ng
PCSO ngayon:
1. Old buildings are not condemnable. They are even more durable than the
newly constructed structures, for some reason or another. Answer, please:
True or false?

2. Peeling off of mortars is due to temperature cracks remedied by epoxy


injection. Major cracks, structural cracks, in old buildings can be remedied
by epoxy. Answer, please: True or false.

3. Best examples are the European structures which are centuries old, in
Germany, Italy, China, Spain, France, United Kingdom and in all of Europe
and elsewhere.

4. Powdering of concretes is mostly superficial. Answer, please: True or false?

5. Rust in steel bars is remedied by injecting epoxy. It is normal in all old


structures. Answer, please: True or false?

6. Powdering of cement is nothing. It’s just the emission of florescence, ‘yong


lumalabas na maputi. Answer, please: True or false?

7. All old structures in the Philippines, including century old churches, are well
done, stronger than new ones.

8. Big cracks measuring ¼ “or 6mm wide are only signs of structural failure.
What is alarming are cracks that are through and through (tagusan). But
again, epoxy can remedy all these. And it is easy to apply. Answer, please:
True or false?

8
9

9. QI buildings have been tested by earthquakes, the strongest of which was of


60-second duration and again 48 seconds in 1990 which toppled the Hyatt
Hotel in Baguio and new buildings in Central Luzon.

10. In Kobe, Japan, the earthquake lasted for only 25 seconds but leveled new
structures to the ground, including the elevated railway system.

11. Ruby Towers in 1968 was destroyed by only a 30-second earthquake.


Again, a new structure while the old structures in Binondo survived
including the QI, Malacanang Palace, San Agustin Church, Sto. Tomas
University, the Post Office Building and the old church in Binondo of the
Sto. Niño.

Wala na po ako talaga masasabi pa sa inyong malaking problemang hinaharap.


Ngayon lang po ako nakakita ng ganyang sitwasyon totally devoid of logic and
reason.
Instead of the new presidential appointees hitting the ground running in helping the
poor, the sick and the disadvantaged among our people, they wasted their time
beautifying their offices just to leave them soon after.
Nagtatapon po ba sila ng pera ng bayan?
Kayo po ang mas may alam kung babagsak ‘yang building at kayo ang mas
matagal tumira diyan.
Kung kayo’y hindi natatakot, bakit ang mga bagong presidential appointees ay
natatakot daw. Ako’y never natakot sa building na ‘yan. Pati na rin ang mga
Chairmen na sumunod sa akin – Chairman Palma, Lopez at Honey Girl de Leon.
Siguro dapat ninyong pag-isipan ng mabuti bago kayo lumipat. Mag-retreat na
muna kayong lahat at magdasal. Ask God for help.

Manuel L. Morató

You might also like