You are on page 1of 3

Calaunan, Ian Paul O.

ika-16 ng Agosto, 2010

BIT 12 Dr. Marcial R. Verocel

Karaniwang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa elementarya, sekundarya at

kolehiyo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng palatuntunan, mga patimpalak sa

paggawa ng tula, pagbigkas ng tula, pag-awit, pagsusulat ng maikling kwento at

sanaysay, pagpupulong, at talakayan gamit ang wikang Filipino. Upang mapahalagahan

ang sariling wika, nagkakaroon din ng mga patimpalak sa pagsusulat ng slogan,

paggawa ng poster at marami pang aktibidad mula sa iba’t ibang munisipalidad.

Pagkatapos ng Himagsikan sa EDSA noong 1986, inilabas ni

Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Blg. 19 noong ika-12 ng Agosto 1988,

upang pagtibayin ang pagdedeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula ika-13

hanggang ika-19 ng Agosto kada taon. Upang higit pang pagtibayin ang mga naunang

proklamasyon hinggil sa Linggo ng Wika, idineklara naman ni Pangulong Fidel V.

Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Pambansang Buwan ng Wika sa

pamamagitan ng Proklamasyon Blg. 1041 noong ika-15 ng Enero, 1997.

Ang pamantasan ng De la salle – Dasmariñas ay nagdaos ng kanilang

palatuntunang tinatawag na “Gabi ng Pinoy” na may temang “Sa Pangangalaga ng

Wika at Kalikasan Wagas Na Pagmamahal Talagang Kailangan”. Kinabibilangan ng

mga mag-aaral na nangaling iba’t-ibang kurso upang makalikom ng salapi para sa mga

iskolar. Bawat klase ng iba’t-ibang departamento ay nagpamalas ng kanilang galing sa

pagkanta, pagsayaw, pagtugtog ng mga instrumento at hindi rin nagpatalo ang grupo

ng mga guro na marunong kumanta. Nagpakita rin ng kanilang galing ang mga mag-
aaral na banyaga, kung saan kumanta sila ng mga kantang hango sa sarili nilang wika.

Minsan pa, nag-isip ako kung matatawag pa ba itong gabi ng pinoy kung mayroong

banyagang kumakanta at sumasayaw? Ngunit sa aking pagbubulay-bulay, napagtanto

ko na maaring sila ay naghandog ng kanilang talento para sa mga pinoy dahil gabi iyon

ng pinoy!

Iba’t-iba ang tema ng bawat presentasyon. Mayroong nasyonalistong

pagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa bansa sa pamamagitan ng pagkanta at

pagsayaw o pag-arte. Tulad ng pagkanta ng kanta ni Francis Magalona na tinaguriang

“Kaleidoscope World”. Kamangha-mangha naman ang mga grupo na gumamit ng

“Black Light” na sa pamamagitan ng kanilang mga kamay na may suot na guwantes ay

may naipapakita sila ng iba’t-ibang anyo at hugis na nais nilang iparating sa mga

manunuod kasabay ang musikang tumutugma sa kanilang presentasyon. Mayroon ding

mga presentasyon na patungkol sa katapangan ng mga Pilipino noon kung pano nila

ipinaglaban ang kalayaan ng Pilipinas sa kamay ng mga mananakop. Inilarawan din sa

ibang mga presentasyon ang mga magagandang pook sa Pilipinas, gamit ang kantang

“Biyahe Tayo”. Ipinamalas ng mga guro ang kanilang galing sa pagkanta sa

pamamagitan ng pagkanta ng mga magagandang kanta sa Pilipinas, bawat isang guro

ay may kanya-kanyang kanta na ipinamalas na siyang nagpaindak sa mga manunuod.

Pinakita din ng mga iba’t-ibang organisasyon sa pamantasan ang mga larangan kung

saan sila bihasa, tulad “Pointes n’ Flexes” na nagpakita ng galing sa pag sasayaw, ang

“Filipiniana Dance Group” naman ay nagpakita ng isang bilang kung saan masasalamin

ang kulturang Pilipino sa pamamagitan ng pagsayaw ng isang katutubong sayaw,

naroon din ang “Lasallian Pop Band”.


Tunay ngang naipakita ang tema ng nasabing pagtitipon na pangalagaan ang

wika, kasabay ang pangangalaga sa kalikasan na may kasamang pagmamahal dahil sa

mga ipinakitang mga presentasyon, madami ang nagpakita ng epekto ng hindi pag-

alaga sa kalikasan. Tulad ng pagkasira nito mula sa pagpabaya ng mga tao. Ang

pagmamahal sa bansa ay ipinakita ng mga mag-aaral at ang sinig ng Pilipino na walang

katulad sa mundo ay ipinamalas.

Nais ko lamang isuhestyon ang pagkakaroon ng dulaan sa susunod na Gabi ng

Pinoy. Upang madagdagan ang sining na ipinapakita sa tanghalan. Sa pag-arte,

maaring ipakita ang mga katangi-tanging mga istorya na maaring pulutan ng aral ng

mga estudyante. Hindi lamang sa pagsayaw o pagkanta maipapakita ang talento ng

mga estudyante ngunit sa pag-arte din. Sa susunod, nais ko lamang ipabatid na hindi

maayos ang tunog o “sound system” na aming nadinig sa gabing iyon, sana’y sa

susunod ay makahanap kayo ng maayos na mag”mix” sa “sound mixer”.

Sa lahat-lahat, naging matagumpay ang palabas at natupad ang naisin ng mga

nag-organisa ng konsyertong ito. Nawa’y sa mga susunod na taon ng Gabi ng Pinoy,

mas maging ka-aya-aya ito sa mga manunuod at mapanatili ang atensyon ng mga

manunuod.

You might also like