You are on page 1of 2

AJM

MCHS

Stephannie Monique L. Chan 9


II-2

Kinakapanayam: Michelle L. Chan


Edad: 44 taong gulang
Araw ng kapanganakan: Marso 6 1966
Siya ay nanirahan sa ibang bansa at nagtrabaho bilang isang nars.
Siya ay pang-apat sa limang magkakapatid. Siya ay may tatlong anak.

Petsa ng pakikipanayam: Setyembre 25 2010


Oras: 4:00 ng hapon.
Lugar ng pakikipanayam: D-69 K-ville townhomes,sanville subdivision.
Quezon City.

Ako (Kumakapanayam) : Ano po ang suliranin o pagsubok na inyong


naranasan?

Michelle (Kinakapanayam) : Ang suliranin na aking naranasan ay nung


namatay ang aking tatay.

Ako: Paano niyo po ito hinarap?

Michelle: Nung una ako ay umiyak ng umiyak, pero “na-realize” ko na walang


magagawa ng pagiiyak ko. Nagdasal na lang ako sa Diyos na huwag niya
papabayaan ang tatay ko, at inisip ko din na kapiling ng tatay ko ang Diyos at
gagabayan ako ng aking tatay.

Ako: Natanggap niyo po ba agad na pumanaw na ang inyong ama?

Michelle: Noong, araw na namatay ang tatay ko, hindi ako makapaniwala
kasi malakas pa siya nun, at Masaya kaming nag kukuwentuhan. Pero
nagulat ako sa nangyari. Mahirap ito tanggapin na wala na siya, pero
bandang huli kailangan ko tanggapin na wala na talaga siya kasi nasa
panginoon na siya.

Ako: Malaki po ba ang nagging epekto niyo sa inyong buhay?

Michelle: Napakalaking epekto nito sa aking buhay kasi wala na akong tatay
na nag bibigay ng payo. Bukod ditto, kinailangan ko na din mag trabaho
upang matulungan ang aking ina na magisa na lang magtataguyod sa aming
magkakapatid.

Ako: Ano po ang natutunan niyo sa pagsubok na ito?

Michelle: Ang natutunan ko dito ay dapat magtiwala sa Diyos. Mahalin ang


inyong mga mahal sa buhay kasi pag nawala ito kayo ay magsisi na hindi
kayo masyado nakapag-“bonding”. Pero, kailangan natin harapin an gating
mga suliranin kasi ito ang nagbibigay satin ng lakas at ito ay pagsubok na
binigay sa atin ng Diyos upang harapin.

Michelle L. Chan
(Kinakapanayam)

You might also like