You are on page 1of 2

MARCELO H.

DEL PILAR
(1850 – 1896)

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896), kilala rin
bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong panahon ng Espanyol. Ang
kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili niya kay Graciano Lopez Jaena ang La
Solidaridad at naging patnugot nito mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang
kanyang pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La Frailocracia
Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapang-abusong
prayle.

Isinilang si del Pilar sa isang nayon sa Kupang, San Nicholas, Bulacan noong Agosto 30,
1850. Siya ang bunso sa sampung magkakapatid ng mayamang pamilya nina Don Julian del
Pilar, isang gobernadorcillo at Doña Blasa Gatmaytan. Hilario ang dating apelyido ng pamilya
niya. Ang apelyido ng pamilya nila'y isina-Kastila bilang pagsunod sa kautusan ng Gobernador-
heneral Narciso Claveria noong 1849. Ang kanyang kapatid na si Padre Toribio H. del Pilar ay
isang pari na ipinatapon ng mga Kastila sa Guam noong 1872.

Si del Pilar ay nagsimulang mag-aral sa kolehiyong paaralan ni Ginoong Jose A. Flores at


lumipat sa Colegio de San Juan de Letran at muling lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas
kung saan huminto siya ng walong taon sa pag-aaral pero natapos din sa kursong abogasya
noong 1880. Noong Hulyo 1, 1882, itinatag niya ang Diariong Tagalog (ayon kay Wenceslao
Retana, isang Kastilang manunulat, ang unang labas ay inilathala noong Hunyo 1, 1882) kung
saan binatikos niya ang pang-aabuso ng mga prayle at kalupitan ng pamahalaan. Humingi siya
ng mga kaukulang pagbabago. Ilan pa sa kanyang mga isinulat ay ang mga sumusunod: Dudas,
Caiingat Cayo, Kadakilaan ng Diyos, Dasalan at Toksohan, Sagot ng Espanya sa Hibik ng
Pilipinas, Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa, La Soberania Monacal en
Filipinas, at La Frailocracia Filipina.nakipag tulungan si marcelo sa kaniyang mga kakampi
upang mapatalsik nila ang mga kalaban.
Noong 1888, sumulat siya ng manipesto na naglalayong patalsikin ang mga prayle sa
Pilipinas, na nilagdaan ng 810 katao sa isang pambayang demonstrasyon at iniharap sa
Gobernador ng Maynila. Ipinagtanggol din niya ang mga sinulat ni José Rizal kagaya ng Noli
Me Tangere laban sa mga prayleng sumasalakay rito. Nang pinag-uusig siya ng mga Kastila at
noong 1888, tumakas siya patungo ng Espanya sanhi ng kanyang panawagang pagpapatapon sa
Dominikanong Arsobispo Pedro P. Payo.

Pagdating sa Espanya, pinanguluhan niya ang pangkat pampulitika ng La Asociacion


Hispano-Filipino (Ang Samahang Kastila-Pilipino) noong Enero 12, 1889, isang samahang
pambayan na binubuo ng mga Pilipinong propagandista at mga kaibigang Kastila sa Madrid
upang manawagan sa pagkakaroon ng pagbabago sa Pilipinas. Pagkatapos, pinalitan niya si
Graciano Lopez Jaena bilang editor ng La Solidaridad noong Disyembre 15, 1889, isang
pahayagang pampulitika na inilathala minsan tuwing ikalawang linggo na siyang nagsilbi bilang
tinig ng Kilusang Propaganda. Naglathala din siya ng mga liberal at progresibong artikulo at
sanaysay na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas.

Labis na naghirap si del Pilar sa pagpapalimbag ng La Solidaridad. May panahong hindi


kumarat at may panahong hindi natutulog ang manunulat. Upang makalimutan ang gutom, may
panahong namumulot siya ng mga nahithit na sigarilyo sa mga daan. Ang pondo para sa pag-
papalimbag ng pahayagan ay paubos na. Malaking suliranin sa kanya ang walang tulong
pinansyal na dumarating mula sa Pilipinadahilan kung bakit huminto ang paglalathala ng
pahayagan noong Nobyembre 15, 1895 sanhi ng kakulangan sa pondo. Kahit gaano ang hirap na
dinadanas niya, nagpatuloy pa rin siya sa pagsusulat para sa ikalalaya ng Pilipinas. Namatay siya
sa sakit na tuberkulosis sa isang maliit na ospital sa Barcelona, Espanya noong Hulyo 4, 1896 sa
gulang na 46.

You might also like