You are on page 1of 2

Peptic Ulcer

It ay isang kundisyon kung saan ang sikmura o unang bahagi ng bituka ay nagagasgas
dahil sa likido na inilalabas ng sikmura. Ang sakit na ito ay tinatawag na PEPTIC ULCER.

Sintomas:

Maaaring wala kang maramdamang sintomas kahit ikaw ay may ulcer, kadalasan ito ay
may kaugnayan sa impatso o di pagkatunaw ng pagkain, sakit sa sikmura o sa ibabang bahagi ng
dibdib. Mas madalas itong sumakit bago o pagkatapos kumain at kadalasang nagiging sanhi ng
pagkagising sa madaling araw. Ang sakit ay maari din maramdaman sa likod o sa ibang parte ng
katawan.

Mga posibleng dahilan ng pagkakaulcer

1. namamanang sakit sa pamilya

2. paninigarilyo ng labis

3. malakas na pag-inom ng alak

4. paginom ng aspirin o ibang gamot na pampatangal pamamaga

5. mikrobyo na tinatawag na Helicobacter pylori

Komplikasyon mula sa sakit na Ulcer

1. Pagkabutas ng bituka na kinakailangang operahan

2. Pamamaga ng lamang tiyan

3. Kanser

4. Shock

Ayon sa pag-aaral ang naooperahan sa Peptic Ulcer sa Pilipinas ay umaabot sa 6.8


porsyento. Ang dami ng kanser sa bituka sa Pilipinas kaugnay sa sakit na ulcer ay umaabot sa
7.1 porsyento. Ang kanser na nagmumula sa pagkabutas ng bituka ay umaabot sa 18.5
porsyento.

Sa Ospital ng Maynila, tinatayang 15 hanggang 20 katao kada taon ang naooperahan


dahilan sa pagkabutas ng bituka.
Mga maaaring paraan ng pag-iwas sa sakit na Ulcer

1. Tigilan ang paninigarilyo

2. Tumigil sa paginom, o bawasan ito

3. Kumain ng konti pero madalas

4. Iwasan ang anumang pagkain na nagiging sanhi ng pagkasakit ng sikmura

You might also like