You are on page 1of 3

Praymer tungkol sa Pagpapasuso sa Sanggol (Breastfeeding)

ANG PAGPAPASUSO
Ito ay ang pagpapainom ng gatas ng ina sa sanggol.

KAILAN KO DAPAT SIMULANG MAGPASUSO NG


SANGGOL?
Ang pagpapasuso ay dapat simulan sa loob ng 30 minuto
pagkasilang sa sanggol.

BAKIT KULAY DILAW ANG GATAS NA LUMALABAS


SA MGA UNANG ARAW?
Colostrum ang tawag sa gatas na lamalabas sa suso ng ina sa
loob ng 2 hanggang 3 araw. Maganda itong panlaban sa
impeksiyon at tumutulong din para maiwasan ang paninilaw ng
balat ng sanggol.

ANO ANG MABUTING MAIDUDULOT NG


PAGPAPASUSO SA INA AT SA SANGGOL?

 Pinoprotektahan nito ang sanggol laban sa pagtatae, ubo, sipon, malnutrisyon, at iba pang
pangkaraniwang sakit.
 Hindi na kailangang ihanda pa ang gatas galing sa ina.
 Mas napapalapit ang sanggol sa kanyang ina.
 Mas nakakatipid sa pera dahil hindi ito binibili.
 Sigurado ang ina sa kalinisan nito.

ANG TAMANG POSISYON SA


PAGPAPASUSO

Hikayatin ang sanggol


Kapag nakabukas
na buksan ng malaki
na ng malaki ang
ang kanyang bibig sa
kanyang bibig,
pamamagitan ng
hilahin ang
pagpaparamdam ng
sanggol papunta sa
iyong utong sa kanyang
iyong suso.
bibig.
Ganito ang tamang
posisyon ng bibig
Siguraduhin na ang ng sanggol habang
gilagid ng sanggol ay sumususo. Kapag
nasasakop ang buong tama ang
utong. posisyon, hindi
dapat mananakit
ang suso ng ina.
MGA KATANUNGAN

Gaano ko kadalas dapat pasusuhin ang aking sanggol?


Ang sanggol ay dapat pinapasuso ng 10-14 na beses sa loob ng 24 oras. Pag ikaw ay mas madalas
na magpasuso ay mas maraming gatas ang lumalabas.

Paano ko malalaman kung ang aking anak ay nakakainom ng tamang dami ng gatas?
Kapag ang iyong sanggol ay nakakagamit ng 5-6 na lampin at tumatae ng 3-5 beses sa loob ng
isang araw, at siya ay mas bumibigat at lumalaki, nakakasiguro ka na siya ay nakakainom ng
tamang dami ng gatas.

Bakit pakiramdam ko ay namamaga ang aking mga suso?


Ang pakiramdam ng pamamaga ay dahil sa labis na gatas na ginagawa ng suso. Maaari itong
matanggal sa pamamagitan ng pagmamasahe o di kaya ay paggamit ng ‘pump’ para makuha ang
sobrang gatas.

Bakit masakit ang aking suso habang pinapasuso ko ang aking anak?
Maaaring hindi maayos ang posisyon ng sanggol habang sumususo. Siguraduhin na ang buong
utong ay nakapaloob sa bibig ng sanggol.

Ano ang dapat kong gawin kapag nananakit ang aking utong?
Una, maaari mong punasan ang iyong utong ng tuwalayang binabad sa maligamgam na tubig.
Pagkatapos ay masahiin mo ito.
Pangalawa, pasusuhin ang sanggol sa hindi gaanong masakit na suso.
Pangatlo, pagkatapos magpapasuso, magpahid ng kaunting gatas sa utong at patuyuin ito.
Kapag ikaw ay nilalagnat at may nakitang pamumula sa iyong suso, pumunta ka na sa
pinakamalapit na health center dahil sintomas na ito ng impeksiyon.
MGA DAPAT PANG MALAMAN…

1. Maaaring magpasuso ang inang maysakit malibang ang sakit


niya ay HIV (Human Immunodeficiency Virus.)
2. Ang sanggol na maysakit ay pwede pa ring pasusuhin.
3. Dapat kumain ng masustansiyang pagkain ang inang
nagpapasuso.

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa


Department of Health,Sta. Cruz Manila sa mga numerong 7438301 hanggang 23 o
magtanong sa info@doh.info.ph

You might also like