You are on page 1of 3

Kabanata I

Isang Handaan

Buod

Isang marangyang salu-salo ang ipinag-anyaya ni Don Santiago de los Santos na higit na
popular sa taguring kapitan Tiago. Ang handaan ay gagawin sa kanyang bahay na nasa daang
Anloague na karating ng Ilog-Binundok.

Ang paayaya ay madaling kumalat sa lahat ng sulok ng Maynila. Bawat isa ay gustong dumalo
sapagkat ang mayamang Kapitan ay kilala bilang isang mabuting tao, mapagbigay at laging
bukas ang palad sa mga nangangailangan. Dahil dito, ang iba ay nababalino kung ano ang
isusuot at sasabihin sa mismong araw ng handaan.

Nang gabing iyon dagsa ang mga panauhin na gaya ng dapat asahan. Puno ang bulwagan.
Ang nag-iistima sa mgta bisita ay si Tiya Isabel, isang matandang babae na pinsan ng may-
bahay. Kabilang sa mga bisita sina tinyente ng guardia civil, Pari Sibyla, ang kura paroko ng
Binundok, si pari Damaso na madaldal at mahahayap ang mga salita at dalawang paisano.
Ang isa ay kararating lamang sa Pilipinas.

Ang kararating na dayuhan ay nagtatanong tungkol sa mga asal ng mga katutubong Pilipino.
Ipinaliwanag niya na ang pagpunta niya sa bansa ay sarili niyang gastos. Ang pakay ng
kanyang paglalakbay ay upang magkaroon ng kabatiran tungkol sa lupain ng mga Indiyo.

Nagkaroon ng mainitang balitaktakan ng mabanggit ng dayuhan ang tungkol sa monopolyo ng


tabako. Nailabas ni Pari Damaso ang kanyang mapanlait na ugali. Nilibak niya ang mga Indiyo.
Ang tingin niya sa mga ito ay hamak at mababa. Lumitaw din sa usapan ang panlalait ng mga
Espanyol tungkol sa mga Pilipino noong mga nakalipas na araw. Mapanlibak si Pari Damaso.
Kung kaya't iniba ni Pari Sibyla ang usapan.

Napadako ang usapan tungkol sa pagkakalipat sa ibang bayan ni Padre Damaso pagkatapos
ng makapagsilbi sa loob ng 20 taon bilang kura paroko ng San Diego. Sinabi niya kahit na ang
hari ay hindi dapat manghimasok sa pagpaparusa ng simbahan sa mga erehe.

Pero, ito ay tinutulan ng Tinyente ng Guardia Civil sa pagsasabing may karapatan ang Kapitan
Heneral sapagkat ito ang kinatawan ng hari ng bansa.

Ipinaliwanag pa ng tinyente ang dahilan ng pagkakalipat ni Pari Damaso. Ito, umano ang nag-
utos na hukayin at ilipat ang bangkay ng isang marangal na lalaki na napagbintangang isang
erehe ng pari dahil lamang sa hindi pangungumpisal.

Ang ginawa ay itinuturing sa isang kabuktutan ng Kapitan Heneral. Kung kaya inutos nito ang
paglilipat sa ibang parokya ang paring Pransiskano bilang parusa. Nagpupuyos sa galit ang
pari kapag naaalala niya ang mga kasulatang nawaglit.

Iniwanan na ni Tinyente ang umpukan, pagkatapos nitong makapagpaliwanag. Sinikap ni Pari


Sibyla na pakalmahin ang loob ni Pari Damaso. Lumawig muli ang talayan. Dumating ang ilan
pang mga bagong panauhin. Ilan sa mga ito ay ang mag-asawang sina Dr. de Espadaña at
Donya Victorina.
Tanong

Sino si Pari Damaso? Bakit niya tinawag na Indiyo ang mga Pilipino?

Sagot

Siya yung Paring may magaspang na pag-uugali na nanirahan sa San Diego ng halos 20 taon.
Dahil sa kasamaan ng ugali niya, ang mga tao ay hindi naibigan ang paring ito, kaya sila
tinawag na Indiyo.

Kabanata 2

Dumating si Kapitan Tiyago at si Ibarra na luksang-luksa ang kasuotan. Binating lahat ni


kapitan ang mga panauhin at humalik sa kamay ng mga pari na nakalimot na siya ay
bendisyunan dahil sa pagkabigla. Si Pari Damaso ay namutla ng makilala si Ibarra.Ipinakilala
ni Kapitan Tiyago si Ibarra sa pagsasabing ito ay anak ng kanyang kaibigang namatay at
kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-aaral sa Europa. Malusog ang
pangangatawan ni Ibarra, sa kanyang masayang mukha mababakas ang kagandahan ng ugali.
Bagamat siya ay kayumanggi, mahahalata rin sa pisikal na kaanyuan nito ang pagiging
dugong Espanyol.

Tinangkang kamayan ni Ibarra si Pari Damaso sapagkat alam niyang ito ay kaibigang matalik
ng kanyang yumaong ama. Ngunit, ito ay hindi inamin ng pari. Totoo, siya ang kura sa bayan.
Pero, ikinaila niyang kaibigan niya ang ama ni Ibarra.

Napahiya si Ibarra at iniatras ang kamay. Dagling tinalikuran niya ang pari at napaharap sa
tinyenteng kanina pa namamasid sa kanila. Masayang nag-usap sina tinyente at Ibarra.
Nagpapasalamat ang tinyente sapagkat dumating ang binata ng walang anumang masamang
nangyari. Basag ang tinig ng tinyente ng sabihin niya sa binata na nasa ito ay higit na maging
mapalad sa kanyang ama. Ayon sa tinyente ang ama ni Ibarra ay isang taong mabait. Ang
ganitong papuri ay pumawi sa masamang hinala ni Ibarra tungkol sa kahabag-habag na
sinapit ng kanyang ama.

Ang pasulyap ni Padre Damaso sa tinyente ay sapat na upang layuan niya ang binata.
Naiwang mag-isa si Ibarra sa bulwagan ng walang kakilala.

Tulad ng kaugaliang Aleman na natutuhan ni Ibarra buhat sa kanyang pag-aaral sa Europa,


ipinakilala niya ang kanyang sarili sa mga nanduruong kamukha niyang panauhin. Ang mga
babae ay hindi umimik sa kanya. Ang mga lalaki lamang ang nagpapakilala rin sa kanya.
Nakilala niya ang isang binata rin na tumigil sa pagsusulat.Malapit ng tawagin ang mga
panauhin para maghapunan, nang lumapit si Kapitan Tinong kay Ibarra para kumbidahin sa
isang pananghalian kinabukasan. Tumanggi sa anyaya ang binata sapagkat nakatakda siyang
magtungo sa San Diego sa araw na naturan.

Tanong

Bakit biglang nabugnot at nagbago ng pakiramdam si Pari Damaso nang makitang


magkasama sina Kapitan Tiyago at Crisostomo Ibarra?

Sagot

Nainis si Pari Damaso dahil ayaw niyang makita si Ibarra sapul nang mamatay ang ama nito.
May alam kasi siya sa naging kamatayan ng ama ni Ibarra.

You might also like