You are on page 1of 3

AP LT #2 notes

Pokus natin ngayon ang mga termino, dahil medyo natatakot ako sa
odd man out at kahulugan-kahalagahan. Alam niyo naman iyung
sequence of events and stuff, so madali na iyun.

Mga nagtangkang sumakop sa Asya: Portuges, Ingles, Olandes,


Ruso, Amerikano, atbp. (ayon sa pagsaliksik, kasama na rin dito ang
mga Pranses at Italyano).

Kolonyalismo – paraan ng pananakop nang pisikal at sa pulitikal,


ekonomikal at kultural (pupuwedeng kahalagahan nito – God, Glory,
Gold)

Imperyalismo – pagkontrol sa ibang bansa sa larangan ng pulitika

Merkantilismo – ang ideyang lahat ng yaman ng bansa ay galing sa


pera. Dahil dito, nagkakaroon ng mga tariff at buwis upang mas
mapayaman ang isang bansa.
Animismo – naniniwala na may espiritu ang kalikasan at mga hayop

Prince Henry the Navigator – nagtayo ng mga paaralan para sa


paggawa ng mapa at paglalayag. Hindi nakatapak sa barko kahit
isang beses si Prince Henry.

Mga nakaabot sa Asya – Vasco da Gama at Magallanes

Mga nakaabot sa ibang bahagi ng mundo – Bartholomew Dias (dulo


ng Timog Africa), Cristobal Colon (Caribbean), Juan Ponce de Leon
(Florida, Puerto Rico, “fountain of youth” kuno)

Tratado ng Tordesillas – paghahati ng mundo ng mga Portuges at


Espanyol

Sextant, astrolobe – mga instrumentong ginagamit upang makita


ang posisyon ng araw, buwan at mga bituin. Nakatutulong ang mga
ito lalung-lalo na kung naglalakbay ka sa gabi.

Aurangzeb – malupit na emperador ng dinastiyang Mughal na pinilit


ang mga Indian na maging Muslim

Jizya – buwis na binabayaran lang ng mga Hindu

Nizam – prinsipe

Nawab – gobernador

Goa, Prondicherry, Bombay, Madras – base ng mga Europeo sa


pangangalakal sa India

French East India Company – pribadong kompanyang Pranses na


naglalayong mangalakal sa India
Sirajud-daulah – gobernador ng Bengal na nagtangkang bawasan
ang impluwensiyang Ingles sa India

Mir Jafar – isa pang gobernador ng Bengal

Oudh, Hyderabad, Punjab – mga estado ng India

Jagat Seth – mayamang mangangalakal na kinampihan si Robert


Clive

Warren Hastings – naging gobernador-heneral ng British India

Sati – tradisyon kung saan nagpapakamatay ang biyuda habang


sinusunog ang labi ng kanyang asawa.

Enfield – ripleng ginamit ng mga Ingles at nagkaroon ng alitan ukol


sa bala nito (iyung taba ng baka at baboy)

Sepoy – mga katutubong sundalo ng India


Bahadur Shah – huling emperador ng dinastiyang Mughal

Sequence of events for India:

1) Bumagsak ang Constantinople (Istanbul) sa kamay ng mga


Muslim na Turko ng imperyong Ottoman. Kasama ng mga
taga-Venice at Genoa, sinarili nila ang daan at produkto galing
sa Asya (hindi na makakalakal ang mga Europeo dahil ang
taas ng patong)

2) Nakahanap si Vasco da Gama ng bagong rutang papuntang


India sa tulong ni Prince Henry the Navigator.

3) Nakakuha ng base sa India ang mga Portuges (Goa), Pranses


(Pondicherry), at Ingles (Bombay at Madras).

4) Nakita ni Joseph Dupleix ang kahinaan ng military ng India, at


agad siyang kumilos. Natalo siya ni Robert Clive.

5) Nakuha ng British East India Company ang malaking bahagi


ng India at inabuso nila ang pangongolekta ng buwis.

6) Lantaran nang sinakop ng pamahalaang Ingles ang India.


Nang ipatapon si Bahadur Shah sa Burma, ang pamahalaan na
ng Britanya ang namahala sa India.

Tsina

Kangxi, Qianlong – emperador ng Tsina

Lin Zexu – opisyal ng Tsina na inatasang pigilin ang trapiko sa opyo

Grand Canal – anyong tubig na nagkukunekta ng Beijing sa dagat;


mahalaga ito dahil sa canal na ito nakapasok ang mga Ingles sa
Beijing
Coolie – mga slaves (na binabayaran kuno, napakaliit lang ang
bayad sa mga ito) na binebenta sa mga ibang bansa

Extraterritorial rights – Hindi sakop ng lokal na batas ang mga Ingles

Rebelyong Tonghak – Rebelyon ng mga pesanteng ayaw sa


katiwalian ng gobyerno at impluwensiyang banyaga

Shantung, Port Arthur, Canton, lambak ng Yangtze at Weihaiwei –


mga binuksang daungan ng Japan para sa ibang bansa

Rebelyong Boxer - rebelyong dulot ng galit sa dayuhan, misyonero


at pagkampi ng dinastiyang Ching sa mga dayuhan.

Sequence of events for China:

1) Hindi makapasok ang Ingles dahil sa Cantonment at wala


silang produktong maialok sa mga Tsino. Nakita nila ang opyo
at ‘di naglaon ay lumaganap ang pagtitinda ng opyo. Dahil
dito, sumabog ang Unang Digmaang Opyo. Nanalo ang mga
Ingles.

2) Isinagawa ang Tratado ng Nanjing at itinanggal ang


Cantoment. Isinasagawa na ang Rebelyong Taiping.

3) Sumabog ang Ikalawang Digmaang Opyo dahil sa patuloy na


Cantonment at pang-aabuso ng extraterritorial rights. Nanalo
na naman ang mga Ingles at isinagawa ang Tratado ng
Tianjin, kung saan naging legal ang opyo.

4) Natalo ng mga Ingles ang Rebelyong Tai Ping. Nagsimula ang


Kilusang Pagpapalakas. (maraming nag-ooverlap na mga
pangyayari, tingnan niyo na lang ang mga nakasulat na taon)

5) Sumabog ang Digmaang Sino-Hapones. Natalo na naman ang


mga Tsino. Nagwakas ang Kilusang Pagpapalakas. Isinagawa
ang Tratado ng Shimonoseki, at binuksan ang spheres of
influence at open door policy. Isinasagawa na rin ang 100
Araw ng Reporma, ngunit agad itong nagwakas.

6) Nagsimula ang Rebelyong Boxer ngunit agad itong natalo.

Balitaan:

Relate to India – RH bill (pagpataw ni Aurangzeb ng buwis sa mga


hindi Muslim), 3G (palaging inaabuso ng mga Ingles ang pagkolekta
ng buwis)

Relate to China – Dacer case (Tzu Hsi ay tulad nina Lacson at


Estrada, pinapatay ang mga kumakalaban sa kaniya)

You might also like