You are on page 1of 15

Kabanata XI

Ang mga Makapangyarihan


Buod
Bagamat Don Rafael, ang tawag sa ama ni Ibarra. Hindi siya ang Kinikilalang makapangyarihan kahit na siya ang pinakamayaman. Pero,siya
ay iginagalang at halos lahat ng mga tao ay mayroong pagkakautang sa kanya. Sa kabila ng kabusilakan ng kanyang damdamin, siya ay
kinalaban ng magkaroon ng usapin at ni wala pa ngang kakampi.

Si Kapitan Tiyago man, kahit na masalapi at sinasalubong ng banda ng musiko at hinahainan ng masasarap na pagkain kapag nagpupunta sa
bayan,siya ay nakatalikod, siya ay tinayawag na Sakristan Tiyago.

Ang kapitan sa bayan ay hindi rin kabilang sa mga tinatawag na casique o makapangyarihan. Ang kanyang puwesto ay nabili niya sa
halagang P5,000. Madalas siyang sabunin at kagalitan ng alkalde mayor.

Ang San Diego ay maihahalintulad sa Roma at Italya sa mahigpit na pag-aagawan sa kapangyarihan pamunuan ng bayan. Ang mga ito ay
sina Pare Bemardo Salvi, isang payat at batang pransiskano at siyang pumalit kay Padre Damaso. Payat siya sapagkat mahilig siyang mag-
ayuno. Kung ihahambing siya kay Pari Damaso, siya ay mabait at maingat sa tungkulin. Si Pari Salvi ay ang Alpares at ang kanyang asawa na
si Donya Consolacion, isang Pilipina na mahilig maglagay ng mga kolorete sa mukha. Ang alpares ang puno ng mga guwardiya sibil. Ang
pagkakapangasawa niya ay binubunton niya sa pamamagitan ng paglalasing, pag-uutos sa mga sundalo na magsanay sa init ng araw o dili
kaya ay sinasaktan ang kanyang eposa.

Bagama’t may hidwaan ang alpares at Pari Salvi kapag sila ay nagkikita ay pareho silang nagpaplastikan. Sila ay nagbabatian sa harap ng
maraming tao at para walang anumang namamagitan di pagkakaunawaan. Pero, kapag hindi na magkaharap gumagawa sila ng kani-kanilang
mga paraan para makapaghiganti sa isa’t-isa.

Ang alpares at Pari Salvi ang tunay na makapangyarihan sa San Diego. Ang tawag sa kanila ay mga casique. 

Kabanata XII
Araw ng mga Patay
Buod
Ang sementeryo ng San Diego ay nasa kalagitnaan ng isang malawak na palayan at may bakod na lumang pader at kawayan. Lubhang
napakakipot ng daang patungo rito. Ito ay maalikabok kung tag-araw at nagpuputik naman kung tag-ulan.

Mayroong isang malaking krus na nasa gitna ng libingan. Ito ay mayroong nakatungtong na bato at nakatitik ang INRI sa isang kuping lata na
niluma na ng panahon. Masukal ang kabuuan ng libingan.

Sa ibang bahagi ng libingan, may dalawang tao ang humuhukay ng paglilibingan na malapit sa pader na parang babagsak na. Ang isa ay
dating sepulturero at ang isa naman ay parang bago sapagkat hindi siya mapakali, dura ng dura sa lupa at panay ang hitit ng sigarilyo.

Sinabi ng naninigarilyong lalaki sa sepulturero na lumipat na sila ng ibang lugar sapagkat sariwa at dumudugo pa ang bangkay na kanyang
hinuhukay. Hindi niya matagalan ang gayong tanawin.

Sumagot ang kausap na siya raw ay napakaselan at marahil kung siya ang nasa kanyang kalagayan na ipinahukay ang isang bangkay na may
20 araw pa lang nalilibing sa gitna ng kadiliman ng gabi, kasalukuyang bumubuhos ang malakas na ulan at namatay ang kanyang ilaw ay lalo
siyang mandidiri at kikilabutan ang buong katawan.Ang bangkay anya ay kailangang pasanin at ilibing sa libingan ng mga intsik.

Gayunman, dahil nga sa malakas ang buhos ng ulan at kabigatan ng bangkay, minarapat na lamang na itapon niya ito sa lawa. Ito ay dahil sa
utos ng malaking kura na si Padre Garrote. 

Kabanata XIII
Mga Unang Banta ng Unos
Buod
Dumating si Ibarra sa libangan at hinanap ang puntod ng ama- si Don Rafael. Kasama niya ang isang matandang utusan niya. Sinabi ng
matanda kay Ibarra, na si Kapitan Tiyago ang nagpagawa ng nitso ni Don Rafael. Ito anya ay tinaniman niya ng mga bulaklak ng adelpa at
sampaga at nilagyan ng krus.

Nakita nina Ibarra at matanda ang sepulturero. Sinabi nila ang palatandaan ng libingan ni Don Rafael. Tumango ang tagapaglibing. Pero,
nasindak si Ibarra ng ipagtapat ng sepulturero na kanyang sinunog ang krus at itinapon naman ang bangkay sa lawa dahil sa utos ni Padre
Garrote. Higit umanong mabuti na mapatapon ang bangkay sa lawa kaysa makasama pa ito sa libingan ng mga intsik.

Parang pinagtakluban ng langit at lupa si Ibarra. Nasindak siya ng husto. Ang matanda naman ay napaiyak sa kanyang narinig. Parang baliw
na nilisan ni Ibarra ang kausap hanggang sa makasalubong niya si Pari Salvi na nakabaston na may puluhang garing.

Kaagad na dinaluhong ni Ibarra si Pari Salvi. Bakas sa mukha ni Ibarra ang nagalalatang na poot at galit sa dibdib. Nararamdaman iyon ni
Pari Salvi. Tinanong ni Ibarra si Pari Salvi kung bakit nagawa nila ang malaking kalapastangan sa kanyang ama. Sumagot si Pari Salvi na
hindi siya ang may kagagawan niyon kundi si Padre Damaso na tinawag na Padre Garrote.
Kabanata XIV
Si Pilosopo Tasyo
Buod
Si Pilosopo Tasyo ay dating Don Anastacio. Siya ay laging laman ng lansangan, walang tiyak na direksyon ang kanyang paglalakad. Nang
araw na iyon ay dumalaw din siya sa libingan upang hanapin ang puntod ng nasirang asawa. Ang pagkakilala kay Tasyo ng mga mangmang
ay isang taong may toyo sa ulo o baliw.

Anak siya ng mayaman. Pero, dahil sa katalinuhan niya ay pinahinto sa pag-aaral mula sa dalubhasaan ng San Jose. Natatakot kasi ang
kanyang ina, na dahil sa pagtatamo niya ng higit na mataas na kaalaman, baka makalimutan niya ang Diyos. Isa pa, gusto ng kanyang ina na
siya ay magpare. Pero,hindi niya ito sinunod at sa halip ay nag-asawa na lamang siya. Gayunman, pagkaraan ng isang taon, namatay ang
kanyang asawa. Inukol na lamang ni Tasyo ang sarili sa pagbabasa ng mga aklat hanggang sa mapabayaan niya ang kanyang mga minanang
kayamanan.

Bagamat nang hapong iyon mayroong babala na darating ang unos sapagkat matatalim na kidlat ang gumuguhit sa nagdidilim na langit,
masaya pa rin ang hitsura ni Pilosopo Tasyo. Ito ang ipinagtaka ng mga taong nakakausap niya. Tinanong siya kung bakit, Diretso ang sagot
niya:"Ang pagdating ng bagyo ang tangi kong pag-asa sapagkat’t ito ang magdadala ng mga lintik na siyang papatay sa mga tao at susunog
sa mga kabahayan. Sana magkaroon din ng delubyo sapagkat may sampung taon na ngayon, isinuwestiyon ko sa bawat kapitan ang pagbili
nila ng tagahuli ng kidlat o pararayos ngunit ako’y pinagtawanan lamang ng lahat."

Ayon pa sa kanya, hindi binili ng mga kapitan ang kanyang pinabibili at sa halip ay mga paputok at kuwitis ang kanilang binili at binayaran
ang bawat dupikal ng kampana, gayong sa agham ay mapanganib ang tugtog ng mga batingaw kapag kumukulog. Iniwanan ni Tasyo ang
kausap at nagtuloy ito sa simbahan. Inabutan niya ang dalawang bata sa pagsasabing ipinaghanda sila ng kanilang ina ng hapunang
pangkura. Tumanggi ang mga bata.

Lumabas ng simbahan si Tasyo at nagtuloy sa may kabayanan. Nagtuloy siya sa bahay ng mag-asawang Don Filipo at Aling Doray. Masayang
sinalubong ng mag-asawa at itinanong kung nakita niya si Ibarra na nagtungo sa libingan. Sumagot siya ng oo sa pagsasabing nakita niya
itong bumaba sa karwahe. Naramdaman niya, anya, ang naramdaman ni Ibarra nang hindi makita ang libing ng ama. Ayon kay Tasyo isa siya
sa anim na kataong nakipaglibing kay Don Rafael.

Sa pag-uusap pa rin nila, nabanggit ni Aling Doray ang tungkol sa purgatoryo sapagkat nuon ay undas nga. Sinabi ni Tasyo na hindi siya
naninwala sa purgatoryo. Pero, sinabi niyang iyon ay mabuti, banal at maraming kabutihan ang nagagawa nito sa tao upang mabuhay ng
malinis at dalisay na pamumuhay. Binigyang diin pa niya na ang purgatoryo ay siyang tagapag-ugnay ng namatay sa nabubuhay.

Pagkuwa’y nagpaalam na siya. Palakas ng palakas ang buhos ng ulan. Ito ay sinasalitan ng matatalim na kidlat at kulog. Siyang-siya si
Pilosopo Tasyo sa gayong pangyayari sapagkat nakataas pa ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw habang naglalakad papalayo sa
mag-asawa.

Kabanata XV
Ang mga Sakristan
Buod
Parang plegarya ang tunog ng kampanang binabatak ng magkapatid na sakristan na sina Crispin at Basilio. Sila ang kausap kanina ni Pilosopo
Tasyo at sinabihan ng sila ay hinihintay ng kanilang inang si Sisa para sa isang hapunang pangkura. Sa anyo ng hitsura ng magkapatid
mapagsisino na sila ya hilahod sa hirap.

Sinabi ni Crispin kay Basilio ng kung kasama sila ni Sisa. Disin sana, siya ay hindi mapagbibintangang isang magnanakaw. At kung
malalaman ni ni Sisa na siya ay pinapalo, tiyak hindi papayag ang kanilang ina. Ang anyo ng pangamba sa mukha ni Crispin ay nababakas.
Idinadalangin na sana magkasakit silang lahat. Ang suweldo lang kasi ni ay dalawang piso sa isang buwan. Minultahan pa siya ng tatlong
beses. Pero, hindi pumayag si Basilio sapagkat walang kakainin ang kanilang ina. Isa pa ang katumbas ng dalawang onsa ay P32.00. lubhang
mabigat ito para kay Basilio.

Ipinakiusap ni Crispin na bayaran na lamang ni Basilio ang ibinibintang sa kanya. Pero, kulang pa ang sasahurin ni Basilio kahit magbayad
sila. Dahil dito, nasabi ni Crispin na mabuti pa ngang magnanakaw na siya sapagkat maililitaw niya ito. At kung papatayin man siya sa palo
ng kura at siya’y mamamatay magkakaroon naman ng mga damit si Sisa at ang kapatid na si Basilio. Nasindak ang huili sa binanggit ng
kapatid.

Nag-aalala pa si Basilio na kapag nalaman ng kanilang ina napagbintangang nagnakaw si Crispin, tiyak na magagalit ito. Pero, sinabi ni
Crispin na hindi maniniwala ang kanilang ina sapagkat ipikikita niya ang maraming latay na likha ng pagpalo ng kura at ang bulsa niyang
butas-butas na walang laman kundi isang kuwalta na aginaldo pa niya noong paslo, na kinuha pa sa kanya ng hidhid na kura.

Gulo ang isip ni Crispin dahil mahirap na gusot na napasukan nilang magkapatid. Gusto niyang makauwi silang magkapatid upang makakain
ng masarap na hapunan. Magmula ng mapagbintangan siyang nagnakaw, hindi pa siya pinapakain hangga’t hindi niya naisauli ang dalawang
onsa. Maliwanag sa mga pahayag ni Crispin na kaya siya napagbintangang magnanakaw sapagkat ang kanilang ama ay mabisyo, lasenggero
at sabungero.

Habang nag-uusap ang magkapatid, ang sakristan mayor ay walang kilatis na nakapanhik sa palapag na kinaroonan nila. Antimano, puyos ito
sa galit. Sinabi niya kay Basilio na ito ay kanyang minumultahan dahil sa hindi tamang pagtugtog ng kampana. Kapagdaka, si Crispin naman
ang hinarap at sinabing hindi ito makakauwi hanggang hindi niya inilalabas ang dalawang onsa na binibintang sa kanya. Tinangkang
mangatwiran ni Basilio, pero sinanslaa siya ng sakristan mayor sa pagsasabing kahit na siya ay hindi makakauwi hanggang hindi sumasapit
ang eksaktong ika-10 ng gabi. Gimbal si Basilio sapagkat ika-9 pa lamang ng gabi ay wala ng puwedeng maglakad sa lansangan kung gabi.
Makikiusap pa sana si Basilio, pero biglang sinambilat ng sakristan mayor si Crispin sa bisig at kinaladkad na papanaog sa hagdanan
hanggang sa sila ay lamunin sa dilim. Dinig ni Basilio ang pagpapalahaw ng kapatid. Pero, wala siyang magawa, naiwan itong parang tulala.
Ang bawat pagsampal ng sakristan kay Crispin ay sinusundan ng masakit na pagdaing. Nanlaki ang mata at nakuyom ni Basilio ang kanyang
palad sa sinapit ng kapatid. Pumasok sa isip na kung kailan siya maaaring magararo sa bukid habang naririning niya ang paghingi ng saklolo
ni Crispin. Mabilis na pumanhik siya sa ikalawang palapag ng kampanaryo. Mabilis na kinalag niya ang lubid na nakatali sa kampana at
nagpatihulog na padausdos sa bintana ng kampanaryo. Nuon ang langit ay unti-unti ng nagliliwanag sapagkat humihinto na ang ulan.
Kabanata XVI
Si Sisa
Buod
Ang kadiliman ay nakalatag na sa buong santinakpan. Mahimbing na natutulog ang mga taga-San Diego pagkatapos na makapag-ukol ng
dalangin sa kanilang mga yumaong mga kamag-anak. Pero, si Sisa ay gising. Siya ay nakatira sa isang maliit na dampa na sa labas ng
bayan. May isang oras din bago narating ang kanyang tirahan mula sa kabayanan.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-asawa siya ng lalaking iresponsable, walang pakialam sa buhay, sugarol at palaboy sa lansangan. Hindi
niya asikaso ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang kumakalinga kay Basilio at Crispin. Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga natipong hiyas o alahas nito nuong sila siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang pagkamartir at hina ng loob.
Sa madalang na paguwi ng kanyang asawa, nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan. Nananakit ang lalaki. Gayunaman, para kay Sisa ang
lalaki ay ang kanyang bathala at ang kanyang mga anak ay anghel.

Nang gabing iyon, abala siya sa pagdating nina Basilio at Crispin. Mayroong tuyong tawili at namitas ng kamatis sa kanilang bakuran na
siyang ihahain niya kay Crispin. Tapang baboy-damo at isang hita ng patong bundok o dumara na hiningi niya kay Pilosopo Tasyo ang inihain
niya kay Basilio. Higit sa lahat, nagsaing siya ng puting bigas na sadyang inani niya sa bukid. Ang ganitong hapunan ay tunay na pangkura,
na gaya ng sinabi ni Pilosopo Tasyo kina Basilio at Crispin ng puntahan niya ang mga ito sa simbahan. 

Sa kasamaang palad, hindi natikman ng magkapatid ang inihanda ng ina sapagkat dumating ang kanilang ama. Nilantakang lahat ang maga
pagkaing nakasadya sa kanila. Itinanong pa niya kung nasaan ang dalawa niyang anak. Nang mabundat ang asawa ni Sisa ito ay muling
umalis dala ang sasabunging manok at nagbilin pa siya na tirahan siya ng perang sasahudin ng anak.

Windang ang puso ni Sisa. Hindi nito mapigilan na hindi umiyak. Paano na ang kanyang dalawang anghel. Ngayon lamang siya ngluto, tapos
uubusin lamang ng kanyang walang pusong asawa.

Luhaang nagsaing siyang muli at inihaw ang nalalabing daing na tuyo sapagkat naalala niyang darating na gutom ang kanyang mga anak.
Hindi na siya napakali sa paghihintay. Upang maaliw sa sarili, di lang iisang beses siya umawit nang mahina. Saglit na tinigil niya ang
pagaawit ng kunduman at pinukulan niya ng tingin ang kadilimang bumabalot sa kapaligiran. Nagkaroon siya ng malungkot na pangitain.
Kasalukuyan siyang dumadalangin sa Mahal Na Birhen, ng gulantangin siya ng malakas na tawag ni Basilio mula sa labas ng bahay.

Kabanata XVII
Si Basilio
Buod
Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng
kanyang pagkakasugat. Siya ay hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo sapagkat
nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan
siya ng punglo sa ulo. Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sas
ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi
ang parusang natikman ng kapatid sa kamay ng sakristan mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang ma dukhang katulad
lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang
malaman na dumating ang ama. Alam niyang pagdumarating ang ama tumitiking ng bugbog ang ina. Nito. Nabanggit ni Basilio na higit na
magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan
major hangang sa ito ay panawan ng malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pagungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni Sisa kung ano
ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip , kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang
kaniyang balak ay (1) ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan din, (2) hihilingin niya kay
Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3) kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng
kapirasong lupa na masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang
sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio,
si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang ama.

Kabanata XVIII
Mga Kaluluwang Naghihirap
Buod
Napuna ng mga manang na matamlay at tila may-sakit si Pari Salvi ng magmisa kinabukasan. Naruon sa kumbento ang mga manang at
manong upang isangguni sa kura kung sino ang pipiliin niyang magsermon sa kapistahan ng bayan. Si Pari Damaso ba? Pari Martin o ang
coordinator? Sa kanilang paghihintay, naging paksa sa kanilang usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng ‘indulhensiya plenarya,’ na siyang
tanging kailangan ng mga kaluluwang nagdurusa sa purgatoryo upang mahango roon. Ang isang karaniwang indulhensiya sa kanilang
pagkaalam ay katumbas na ng mahigit na 1,000 taong pagdurusa sa purgatoryo. Ang mga manang na nag-uusap ay pinangungunahan ng
isang batang-batang balo, Manang Rufa at Manang Juana. Dahil sa kanilang kaabalahan sa pag-uusap, hindi nila napansin ang pagdating ni
Sisa.

Siya ay mayroong sunong na bakol na puno ng sariwang gulay na pinitas niya sa kanyang halamanan. Mayroon din siyang halamang dagat
na katulad ng pako, na paboritong gawing salad ng kura. Suot niya ang kanyang pinakamagandang damit. Tulog pa si Basilio ng umalis siya
sa kanilang dampa.

Dumiretso si Sisa sa kusina ng kumbento. Inaasahan niya na marinig ang tinig ni Crispin. Ngunit hindi niya ito marinig. Binati niya ang nga
sakristan at kawasi sa kumbento. Hindi siya napansin ng mga ito. Kung kaya’t siya na mismo ang nag-ayos sa mga dala niyang gulay sa
isang hapag.

Nakiusap si Sisa sa tagapagluto kung maari niyang makausap ang pari. Pero, sinabi sa kanyang hindi sapagkat may sakit ito. Tinanong niya
ang tagapagluto, Kung nasaan si Crispin.

Ang sagot sa kanyang tanong ay parang bombang sumabog sa kanyang pandinig: Si Crispin ay nagtanan din pagkatapos na makapagnakaw
ng dalawang onsa at pagkawala ng pagkawala ng makapatid. Naipagbigay alam na ng alila sa utos ng kura ang pangyayari sa kwartel. Ang
mga guwardiya sibil ay maaring nasa dampa na nina Sisa upang hulihin ang magkapatid, pagdiin pa ng alila.

Nangatal si Sisa. Naumid ang labi. Mabilis na tinakpan ang kanyang dalawang tainga nang paratangan siya ng alila na isang inang walang
turong mabuti sa mga anak dahil nagmana ito sa ama.

Tuliro siyang nagtatakbong nilisan ang kumbento. Gulong-gulo ang isip.

Kabanata XIX
Mga Suliranin ng Isang Guro
Buod
Kahit na dumaan ang malakas na bagyo,ang lawa ay hindi gaanong nabagabag. Palibhasa ito ay napapaligiran ng mga bundok. Sa atbi ng
lawa, nag-uusap sina Ibarra at ang binatang guro. Itinuro ng guro kay Ibarra kung saang panig ng lawa itinapon ang labi ni Don Rafael. Sang
–ayon sa kanya, kasama si Tenyente Gueverra nuong itinapon ang bangkay. Wala siyang tanging magawa nuon kundi makipaglibing.

Malaki ang utang na loob kay Don Rafael. Nuong bagong salta ito sa San Diego, ang Don ang tumustos sa kanyang mga pangangailangan sa
pagtuturo. Sinabi ng guro kay Ibarra na ang malaking suliranin niya at ng mga mag-aaral ay ang kakulangan ng magagastos.

Malaki ring problema anya, ang kawalan ng pagtutulungan ng mga magulang at mga taong nasa pamahalaan. Lumilitaw na hindi ang lahat ng
mga pangangailangan ng mga batang nag-aaral na katulad ng mga libro na karaniwang nasusulat sa wikang Kastila at ang pagmememorya
ng mga bata sa mga nilalaman nito. Dahil din sa kakulangan ng mga bahay-paaralan, ang klase ay ginaganap sa silong ng kumbento sa tabi
ng karwahe ng kura. Nasanay ang mga bata na bumasa ng malakas. Ito ay nakakabulabog sa kura, kaya nakakatikim ng sigaw, at mura ang
mga bata at guro.

Nabanggit din ng guro kay Ibarra na dahil sa pagbabagong kanyang ginawa, madaling natutuhan ng mga mag-aaral ang wikang kastila. Pero
siya ay nilait ni Pari Damaso sa pagsasabing ang wikang kastila ay hindi nababagay sa katulad niyang mangmang. Ang kailangan lamang
niyang matutuhan ay tagalog.

Ipinaris pa siya ni Pari Damaso kay Maestro Circuela, isang guro na di marunong bumasa ngunit nagtayo ng eskwela at nagturo ng pagbasa
sa kanyang mga estudyante. Labag man sa kanyang kalooban, wala siyang magawa kundi sumunod kay Pari Damaso. Pero, nag-aral din ang
guro ng wikang kastila oara sa kanyang oansariling interes.

Sobra ang pakialam ni Pari Damaso sa guro. Nang huminto ang guro sa paggamit ng pamalo sa pagtuturo. Siya ay ipinatawag ng kura upang
ipabalik sa kanya ang pagagmit ng pamalo saspagkat mabisa ito sa pagtuturo. Tumututol man sa kanyang kalooban, sumunod din siya
saspagkat mismong mga magulang ay napahinuhod ni Pari Damaso na ibalik ang pamalo sa pagtuturo,. Dahil ssa naging sukal sa kalooban
ang pagtuturo, nagkasakit ang guro. Nang ito ay guamling at bumalik sa serbisyo, kakarampot na lamang ang kanyang tinuturuan. Sa
kanyang pagbabalik, nagkaroon ng bagong kura. Hindi na si Pari Damaso. Nabuhayan siay ng pag-asa. Sinikap niyang isalin sa wikang
tagalog ang mga aklat na nasusulat sa wikang kastila.

Bukod dito, dinagdagan niya ang mga aralin sa katesismo,pagsasaka,kagandahang asal na hango sa Urbanidad ni Hustensio at Felisa at sa
Kasasysayan mg Pilipinas. Pero, sa lahat ng mga araling ito dapat unahin ang pagtuturo ng relihiyon , ayon sa mga bagong kura nang
ipatawag niya ang guro. Nagkomit si Ibarra na tutulungan niya ang guro sa pamamgitan ng pulong sa tribunal na kanyang dadaluhan sa
paanyaya ng tinyente mayor.
Kabanata XX
Ang Pulong sa Tribunal
Buod
Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang
duting sina Ibarra at ang guro, nagsissimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang
lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito
ay pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang
nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Felipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa piyesta. 

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at
walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya
ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan ay
nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200. Bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok na paglalaanan ng
P1,000. Binatikos si Don Felipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito. 

Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2)
walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali
at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya
ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tundo. Ito ang gusto ng kura, kaya
sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat.

Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.

Kabanata XXI
Mga Pagdurusa ni Sisa
Buod
Lito ang isip na tumatakbong pauwi si Sisa. Matinding bumabagabag sa kanyang isip ang katotohanang sinabi sa kanya ng kawaksi ng kura.
Para siyang tatakasan ng sariling bait sa pag-iisip kung paano maiililigtas sina Basilio at Crispin sa kamay ng mga sibil. Tumindi ang sikdo ng
kanyang dibdib nang papalapit na siya sa kanyang bahay ay natanaw na niya nag dalawang sibil na papaalis na. Saglit na nawala ang kaba sa
kanyang dibdib. Hindi kasama ng mga sibil ang isa man sa kanyang anak.

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na
tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa
paratang ng kura. Kahit na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan ng mga
sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter.

Muling nagsumamo si Sisa, pero mistulang bingi ang kanyang mga kausap. Ipinakiusap ni Sisa na payagan siyang mauna ng ilang hakbang
sa nga sibil habang sila ay naglalakad patungong kuwartel kapag sila ay nasa kabayabnan na.

Pagdating nila sa bayan, tiyempong katatpos pa lamang ng misa. Halos malusaw sa kahihiyan si Sisa. Kaagad na ipinasok siya sa kwartel.
Nagsumiksik siyang parang daga sa isang sulok. Nanlilimahid at iisa ang kanyang damit. Ang buhok naman ya daig pa ang sinabungkay nag
dayami. Gusot-gusot ito. Ang kanyang isip ay parang ibig ng takasan ng katinuan 

Sa bawat paglipas ng sandali, nadagdagan ang kasiphayuan ni Sisa. Magtatanghali, nabagbag ang damdamin ag Alperes. Iniutos na palayain
na si Sisa. Ngunit hinang hina na siya. May dalawang oras din siyang nakabalndra sa isang sulok.

Painot-inot na naglakad si Sisa hanggang sa muli siyang makarating sa kanyang bahay. Dagling umakyat siya sa kabahayan . Tinawag ang
pangalan ng mga anak. Paulit-ulit, parang sirang plaka. Ngunit hindi niya ito makita, kahit na panhik panaog ang ginawa niya. Tinungo niya
ang gulod ,at sa may gilid ng bangin. Wala ang kanyang hinahanap. Ptakbo siyang bumalik sa bahay.

Natapunan niya ng pansin, ang isang pilas ng damit ni Basilio na may bahid ng dugo. Hawak ang damit, pumanaog siya ng bahay at tiningnan
sa sikat ng araw ang pilas ng damit na nababahioran ng dugo. Nilulukob ng matinding nerbiyos ang buong katawan. Ano na nag nangyari sa
kanyang mga anak. Hindi madulumat ang nararamdaman niyang kasiphayuan.

Naglakad-lakad siya kasabay ng pasaglit-saglit na pasigaw ng malakas. Ang banta ng pagkabaliw ay unti unting lumalamon sa kanyang
buong pagkatao.

Kinabukasan, nagpalaboy-laboy sa lansangan si Sisa. Ang malakas na pag-iyak, hagulgol at pagsigaw ay nagsasalit at kung minsan ay
magkasabay na ipinakita ang kanyang kaanyuan. Lahat ng mga taong nakakasalubong niya ay nahihintakutan sa kanya.
Kabanata XXII
Liwanag at Dilim
Buod
Magkasamang dumating si Maria at ang kanyang Tiya Isabel sa San Diego para sa pistang darating. Naging bukambibig ang pagdating ni
Maria sapagkat matagal na siyang hindi nakakauwi sa bayang sinilangan. Isa pa, minamahal siya ng mga kababayan dahil sa kagandahang
ugali, kayumian at kagandahan. Labis na kinagigiliwan siya. Sa mga taga San Diego, ang isa sa kinapapansinan ng malaking pagbabago sa
kanyang ikinikilos ay si Padre Salvi.

Lalong pinag-usapan si Maria, nang dumating si aIbarra at madalas na dalawin ito. Sinabi ni Ibarra kay Maria na handa na ang lahat para sa
gagawin nilang piknik kinabukasan. Ikinatuwa ito ni Maria sapagkat makakasama na naman niya sa pamamasyal ang kanyang dating
kababata sa bayan.

Ipinakiusap ni Maria sa kasintahan na huwag ng isama ang kura sa lakad nila sapagkat magmula ng dumating siya sa bayan nilulukob siya ng
pagkatakot sa tuwing makakaharap niya ang kura. Malagkit kung tumingin ang kura kay Maria at mayroong ibig ipahiwatig ang mga titig nito.
Kung kaya, tuwirang hihingi ni Maria kay Ibarra na huwag ng isama sa pangingisda si Padre Salvi.

Pero, sinabi ni Ibarra na hindi niya mapagbibigyan ang kahilingan ni Maria sapagkat yaon ay lihis sa kagandahang-asal at kaugalian ng mga
taga- San Diego.

Naputol ang kanilang pag-uusap ng biglang dumating si Padre Salvi. Humingi ng paumanhin si Maria sa dalawa at iniwanan ang mga ito sa
pagsasabing masakit ang kanyang-ulo. 

Inanyayahan ni Ibarra si Padre Salvi na sumama sa kanilang piknik. Inaasahan iyon ng kura, kaya na kaagad na tinanggap niya ang
paanyaya.

Laganap na ang dilim ng magpaalam si Ibarra na uuwi na. Sa daan, nakasalubong niya ang isang lalaki na dalawang araw ng naghahanap sa
kanya. Hiningi ng lalaking nakasalubong ni Ibarra ang tulong nito tungkol sa kanyang problema sa asawa at mga anak.

At sabay na nawala sa pusikit na dilim sina Ibarra at ang lalaki.

Kabanata XXIII
Ang Piknik
Buod
Madilim–dilim pa nagsigayak na ang mga na ang mga kabataan,kadalagahan at ilang matatandang babae na patungo sa dalawang bangkay
nakahinto sa pasigan. Ang mga kawaksing babae ay mayroong sunung-sunong na mga bakol na kinalalagyan ng mga pagkain at pinggan.
Ang mga bangka ay nagagayakan ng mga bulaklak, mga iba,t-ibang kulay na kagaya ng gitara, alpa,akurdiyon at tambuli.

Si Maria Clara ay kaagapay ang mga matatalik nitong kaibigan na sina Iday, Victorina, Sinang at Neneng. Habang naglalakad masaya silang
nagkukuwentuhan at nagbibiruan. Paminsan-minsa ay binabawalan sila ng mga matatandang babae sa pangunguna ni Tiya Isabel. Pero, sige
pa rin ang kanilang kuwentuhan.

Nag-tigisang bangka ang mga dalaga sapagkat lulubog daw ang kanilang sinasakyan. Dahil dito,mabilis na lumipat ang ilang kabinataan sa
bangkang sinasakyan ng mga dalagang kanilang pinipintuho. Si Ibarra ay napatabi kay Marai. Si albino ay kay Victoria. Natameme sa
pagkakagulo ang mga dalaga .

Ang piloto o ang sumasagwan sa dalawang bangkang para umusad sa tubig ay isang binatang may matikas na anyo,matipuno ang
pangangatawan,maitim,mahaba ang buhok at siksik sa laman. Ito ay si Elias.

Habang hinihintay na maluto ang agahan. Si Maria ay umawit ng Kundiman. Balana ay hindi nakaimik. Sinabi ni Andeng na nakahanda na ang
sabaw para sa isisigang na isda.

Ang mga nagpipiknik ay nasa may baklad na ni Kapitan Tiyago. Ang magbibinatang anak ng isang mangingisda ay namandaw sa baklad.
Ngunit,kaliskis man ng isda ay walang nasalok.

Si Leon na katipan ni iday ang kumuha ng panalokm.Isinalok ito. Ngunit,wala ring nahuling isda. Sinabi na ang kawalan ng isda sa
lawa.sSgawan ang mga babae na baka mapahamak ito. Pero, pinayapa sila ng ilang mga kalalakihan sa pagsasabing sanay si Elias na humuli
ng buwaya.

Ilang saglit lang, nahuli na ni Elias ang buwaya. Pero higit na malakas ang buwaya, nagagapi si Elias. Dahil dito, kumuha ng isang punyal si
Ibarra at lumundag din sa lawa. Hindi hinimatay si Maria Clara sapagkat ang mga ‘dalaga noon ay hindi marunong mahimatay.’

Biglang umalimbukay ang pulang tubig. Lumundag pa ang isang anak ng mangingisda na may tangang gulok. Pamayamaya’y lumitaw sin a
Ibarra at ang piloto o si Elias na dahil iniligtas siya ni Ibarra sa tiyak na kapahamakan, utang niya ang kanyang buhay dito.

Natauhan mula sa pagkapatda si Maria ng lumapit sa kanya si Ibarra. Nagpatuloy ang mga magkakaibigan sa pangingisda at nakahuli naman
ng marami. Nagpatuloy sila sa gubat na pag-aari ni Ibarra. Nananghalian sila sa lilim ng mayatabong na punong- kahoy na tumutunghay sa
batisan.
Kabanata XXIV
Sa Kagubatan
Buod
Pagkatapos na makapagmisa ng maaga si Pari Salvi, nagtuloy ito sa kumbento upang kumain ng almusal. May inabot na sulat ang kanyang
kawaksi. Binasa niya ito. Kapagdaka’y nilamutak ang liham at hindi na nag-almusal. Ipihanda niya ang kanyang kaerwahe at nagpahatid sa
piknikan.

Sa may di – kalayuan, pinahinto niya ang karwahe. Pinabalik niya sa kumbento . Namaybay siya sa mga latian hanggang sa maulinigan niya
si Maria na naghahanap ng pugad ng gansa. Naniniwala ang mga dalaga na sinuman ang makakita ng pugad upang masundan niya at makita
parati si Ibarra nang hindi siya makikita nito.

Tuwang-tuwa si Pari Salvi sa panood sa papalayong mga dalaga. Nais niyang sundan ang mga ito. Pero, ipinasya niyang hanapin na lamang
ang mga kasama nito. Nang punahin ng mga kasama nito tungkol sa sa kanyang galos, sinabi niyang siya ay naligaw.

Pagkaraang makapananghali, napag-usapan nina Padre Salvi ang taong tumatampalasan kat Padre Damaso na naging dahilan ng
pagkakasakit nito. Kamala-mala, dumating si Sisa. Nakita siya ni Ibarra, kaya kaagad na iniutos na pakainin ito. Ngunit, mabilis na tumalilis
si Sisa.

Napunta ang usapan sa pagkawala nina Crispin at Basilio, mga sakristan ni Pari Salvi. Naging maigting ang pagtatalo nina Pari Salvi tt Don
Felipo sapagkat sinabi ng Don na higit pang mahalaga sa kura ang paghahanap sa nawawalang onsa kaysa sa kanyang dalawang sakristan.

Namagitan na si Ibarra sapagakt magpapangana na ang dalawa. Sinabi niya sa mga kaharap na siya na ang kukupkup kay Sisa. Kadagdaka’y
nakiumpok na si Ibarra sa mga nagsisipaglarong biinata at dalaga na naglalaro ng Gulong Ng Kapalaran. Nagtanong si Ibarra kung
magtatagumpay siya sa kanyang balak. Inihagis niya ang dais at binasa siya ang sagot na tumama sa: " Ang pangarap ay nanatiling
pangarap lamang." Ipinihayag niyang nagsisinungaling ang aklat ng Gulong ng Kapalaran.

Mula sa kanyang bulsa, inilabaas niya ang isang kapirasong sulat na nagsasaad na pinatibay na ang kanyang balak na magtayo ng bahay-
paaralan. Hinati ni Ibarra ang sulat, ang kalahati ay ibinigay kat Maria at ang natitirang kalahati ay kay Sinang na nagtamo ng
pinakamasamang sagot sa kanilang paglalaro. At iniwanan na ni Ibarra sa pagalalaro ang mga kaibigan.

Dumating si ari Salvi. Walang sabi- sabing hinablot ang aklat at pinagpunit-punit ito. Malaking Kasalanan, anya ang maniwala sa aklat
sapagkat ang mga nilalaman nito’y pawang kasinungalingan. Nabanas si Albino at sinabihan ang Kura na higit na malaking kasalanan ang
pangahasan ang hindi kanya at walang pahintulot sa pagmamay-ari nito. Hindi na tumugon ang kura at sa halip ay biglang tinalikuran ang
magkakaibigan at nagbalik na ito sa kumbento.

Sa darating naman ang apat na sibil at ang sarhento. Hinahanap nila si Elias na siya umanong tumampalasan kay Padre Damaso. Inusig nila
si Ibarra dahil sa pag-aanyaya at pagkupkop sa masamang tao. Pero, tinugon sila ni Ibarra sa pagsasabing walang sinuman ang maaring
makialam sa mga taong kanyang inaanyayahan sa piging kahit na sinuman ang mga taong ito. Ginagulad ng mga sibil at sarhento ang gubat
upang hanapin si Elias na umano’y nagtapon din sa labak sa alperes. Ni bakas ni Elias ay wala silang nakita.

Nagpasyang umalis na sa gubat ang mga dalaga at binat ng unti-unting lumalaganap ang dilim sa paligid. Magtatakipsilim na.

Kabanata XXV
Sa Tahanan ng Pilosopo
Buod
Pagkaraang libutin ni Ibarra, nagsadya ito sa bahay ni Mang Tasyo. Inabutan niya ito ng nagsusulat ng heroglipiko sda wikang Pilipino. Abala
ito, kaya ninais niyang huwag ng gambalain ang matanda. Pero napuna nito ng siya ay papanaog na. Pinigilan si Ibarra, Sinbi ni Mang Tasyo
na ang sinusulat niya ay hindi mauunawaan ngayon. Ngunit, ang mga susunod na salin- lahi ay maiintidahan ito sapagkat ang mga ito ay
higit na matalino at malamang hindi nahihimbing sa panahon ng kanilang mga ninuno.

Ipinalagay ni Ibarra na siya ay dayuhan sa sariling bayan at higit namang kilala si Mang Tasyo ng mga tao.. Kung kaya’t isinangguni niya ang
kanyang balak tungkol sa pagpapatayo ng paaralan. Pero, sinabi ng matanda na huwag siyang sangguniin sapagkat itinuturing siyang baliw ni
Ibarra, at sa halip ay kanyang itunuro sa binata ang Kura, ang kapitan ng bayan at ang lahat ng mayayaman sa bayan. Ayoon pa rin sa
kanya, ang mga taong kanyang tinutukoy ay magbibigay ng masasamang payo subalit ang pagsangguni ay hiindi nangangahulugan ng
pagsunod. Sundin lamang kunwari ang payo at ipakita ni Ibarrang ang kanyang ginagawa ay ayon sa mga pinagsangunian.

Tinugon ni Ibarra si Mang Tasyo na maganda ang kanyang payo peero mahirap gawin sapagkat kinakailangan pa bang bihisan ng
kasinungalingan ang isang katotohanan. Maagap na tumugon din ang matanda na higit pa sa pamahalaan ang kapangyarihan ng isang uldog,
nagtagumpay lamang ang binata kung ito ay tutulungan at kung hindi naman. Ang lahat ng kanyang mga pangarap ay madudurog lamang sa
matitgas na pader ng simbahan. Matindi ang paniniwala ni Ibarra na siya ay tutulungan kapwa ng bayan at pamahalaan.

Nagpatuloy na magkaroon ng tunggalian ng paniniwala sina Mang Tasyo at Ibarra. Ayon pa rin kay Mang Tasyo ang gobyerno ay
kasangkapan lamang ng simbahan. Na ito ay matatag sapagkat nakasandig sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling
iwan ng simbahan.

Sinabi ng binata na kasiyahan na niyang masasabi ang dipagdaing ng bayan. Ito ay hindi naghihrap tulad ng sa isang bansa sapagkat dati –
rati tinatangkilik tayo ng relihiyon at ng pamahalaan. Pero, sinabi naman ni Mang Tasyo na pipi ang bayan kaya hindi dumaraing. Katunayan,
anya darating ang panahong magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping buntunghininga’y magsisiklab. Ang Bayan ay maniningil ng
pautang at sa gayo’y isusulat sa dugo ang kanyang kasaysayan. 

Ipinaliwanag ng binata na ang Pilipinas ay umiibig sa Espanya at alam ng bayan na siya ay tintangkilik. Kaya ang Diyos, ang Gobyerno at ang
relihiyon ay di- papayag na sapitin ang araw na sinabi ni Mang Tasyo. Ikinatwiran naman ng matanda na tunay na mainam ang mga balak sa
itaas ngunit hindi natutupad sa ibaba dahil sa kasakiman sa yaman at sa kamangmangan ng bayan. Sa palagay niya, ang dahilan ay sapat
ang utos ng Hari ay nawawalang silbi sapagakat walang nagpapatupad. Dahil dito, ang aatupagin ng pamahalaan rito kundi ang magpayaman
sa loob lamang ng tatlong taong panunukungkulan. Sa puntong ito, napuna ni Mang Tasyo na lumalayo na sila ni ibarra sa usapan. Inungkat
muli ni Ibarra ang paghingi niya ng payo. Ang payo ng matanda ay kailangang magyuko muna si Ibarra ng ulo sa mga naghari-harian.

Hindi naatim ni Ibarra ang payo ng matanda at sa halip ayy sunod-sunod na tanong ang kanyang pinakawalan.(1)Kailangan bang magyuko at
mapanganyaya? (2)Kailangan bang maapi upang maging mabutiing kriistiyano at parumihin ang budhi upang matupad ang isang layunin?
(3)Bakit ako mangangayupapa kung ako ay nakapagtataas ng ulo?

Direkto sa punto naman ang sagot ni Mang Tasyo na "Sapagakat ang lupang pagatatamanan ninyo ay hawak ng inyong mga kaaway. Kayo ay
mahina upang lumaban. Kailangang humalik muna kayo ng kamay!" Mariing sinalungat naman ni Ibarra ang pahayag na ito ng matanda sa
pagsasabing:"humalik pagkatapos nilang patayin ang aking ama at hukayin sa libingan. Ako’y hindi naghihiganti sapagakat mahal ko ang
aking relihiyon. Ngunit ang ank ay hindi nakaklimot!"

Sa sinabing ito ni Ibarra, Inimungkahi ng matanda na habang buhay sa ala-ala ng binata ang sinapit ng kanyang ama ay limutin muna niya
ang tungkol sa kanyang balak na papapatayo ng paaralan. Kinakailangang gumawa na lamang siya ng ibang paraan na ikagagaling ng
kanyang mga kababayan. Naunawaan ni Ibarra ang payo ng matanda, pero kailangang gawin niya abng naipangakong handog sa
kasintahang si Maria. Humingi pa si Ibarra ng payo kay Mang Tasyo.

Isinama ng matanda ang binata sa may tabi ng bintana. Ang ibinigay nitong payo ay mga halimbawa. Itinuro ni Mang Tasyo kay Ibarra ang
isang rosas na sa deami ng bulaklak ay yumuyuko sa lakas ng hangin. Kung ito ay magpapakatigas ng tayo, ang tangkay niya ay tiyak na
mababali. Ang sinunod niyang itinuro ay matayog na puno ng makopa. Dati-rati, anya, ay isang maliit na puno ang itinanim. Ito ay tinukuran
niya ng mga patpat hanggang sa kumapit ang mga ugat nito sa lupa. Kung ang puno ay itinanim niya ito ng malaki ay hindi mabubuhay
sapagkat ibubuwal ng hangin. Ito ay ipinaparis niya kay Ibarra na parang isang punong inilipat sa isang lupaing mabato mula sa Europa.
Kaya, kailangan nito ang sandalan. Isa pa, hindi kaduwagan ang pagyuko sa dumarating na punlo. Ang masama ay sumalubosdfng sa
punlong iyon, upang hindi na muling makabangon.

Tinanong ng binata kung malilimot ng kura ang ginawa niya. Nag-aalala na baka pakitang –tao lamang ang pagtulong sa kanya dahil sa ang
pagtutujro ay magiging kaagaw ng kumbwento sa kayamanan ng bayan.

Binigyan diin ni Mang Tasyo na hindi man magtatagumpay si Ibarra, ito ay maroon ding mapapala sapagkat tiyak na may lalabas na bagong
pananim mula sa mga itinanim nito. At ang binata ay magsisilbing isang mabuting halimbawa sa iba na natatakot lang magsimula.
Kinamayan ni Ibarra si Mang Tasyo at sinabing kakausapin niya ang kura na marahil ay hindi naman kastulad ng umusig sa jkanyang ama.
Ipakikiusap din niya sa kura na tangkilikin ang kaawa-awang balo at ang mga anak. Ilang saglit pa, tuluyang umalis na si Ibarra.

Kabanata XXVI
Ang Bisperas ng Pista
Buod
Ika-10 ng Nobyembre angn bisperas ng pista sa bayan ng San Diego.Naging masigla sa paghahanda ang kilusan sa lahat ng dako.Ang mga
bintana ng bahay ay napapalamutian ng iba’t-ibang dekorasyon. May nagpapaputok ng kuwitis at may nagtutugtugan ng mga banda ng
musiko.

Sa bahay ng mga nakakariwasa,nakaayos ang minatamis na bungang kahoy,may nakahandang pagkain ,alka na binili pa sa Maynila na
katulad ng hamon at ng relyenong pabo,serbesa,tsanpan at iba pang klase ng alak na inangkat pa mula sa Europa.Ang mga pagkain ganito
ay inuukol sa mga banyaga,kaibiganokaaway,at sa mga Pilipino, mahirap man o mayamanupang masiyahan sila sa pista.

Ang mga ilawang globong kristal na minana pa sa kanilang mga kanununuan ay inilalabas dinkabilang na ang kanyong binurdahan ng mga
dalaga,belong

Ginansilyo ,alpombra,bulaklak na gawang kamay, banehang pilak na lalagyan ng tabako, sigarilyo,hitso at nganga.Dahil sa sobrang kintab ng
sahig ay pwewdeng ng makapanalamin.Puno ng kurtinang sutla ang mga pinto at at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din

Ang mga masasayang lugar ng San Diego ay tinayuan ng arkong kawayan. Naglagay naman ng malaking tolda at mayroong tukod sa may
paligid ng patyo ng simbahan. Ang tolda ay mayroong tukod na kawayan upang makadan ang prusisyon. Sa liwasang bayan naman ay itinayo
ang magandang tanghalan siyang pagdarausan ng komedya ng mga taga-Tundo. Madalas na tinutogtug ang kampana kasdunod ang mga
putok ng mgha kuwitis at bomba.

Lahat-lahat ay mayroong limang banda ng musiko at tatlong oirkestra ang inihanda sa para sa pagdiriwang ng pista. Sina Kapitan Tiyago at
Kapitan Juaquin na may dalawang 18,000, ang intsik na si Carlos na siyang naglalagay sa sugal na liam-po at mga mamamayan buhat pa sa
Lipa,Tanauan,Batangas at Sta.Cruz ang inaasahang na darating. Batay sa mga balita Si Padre Damaso ang magsesermon sa umaga at
magiging bangkero naman pasgdating ng gabi. Ang mag magbubukid at taga bundok ay naghahanda ng manok,baboy bungangkahoy at mga
gulay na dadalhin sa mayayamang may-ari na kanilang sinasaka.

Sa isang lugar naman na malapit sa bahay ni Ibarra, tinatapos ng mga trabahador ang katangang semento na siyang pagtatayuan ng bahay
paaralan. Si Nol Juan, ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Habang abala ang mga manggagawa,ipinaliliwanag ni Juan ang kanilang
itatayo ay isang malaking paaralan. Ang isang panig ay para sa mga lalakiat ang ikalawa naman ay para sa mga babae. Ang paaralan ay
magiging kauri ng mga modernong paaralan sa Alemenya. Batay sa planong ginawa ni Ginoong A, na siyang arkitekto ,ang tagiliran ng
eskwela ay tatamnan ng maraming puno at gulay, magkakaroon ng bodega at piitan para sa mga batang tamad na mag-aral.

Sa proyekto ni Ibarra ay naghandog ng tulong ang mga mayayaman samantalang ang kura ay humiling na siya angn gawing padrino at
magbabasbas sa paglalagay ng unang batosa huling araw ng pista. Sa mga pag-alok ng pagtulong ay tumanggi si Ibarra sapagkat hindi
naman simabahan ang kanyang ipinagagawa. Sasagutin niya ang klahat ng gastos.

Dahil dito,siya ay hinangaan ng mga binata at nag-aaral sa Maynila. Ginawa siyang huwaran, ngunit karaniwan, ang atin lamang natutularan
sa kanila ay maliliit na bagay na kanilang ginagawa at ang mga kasiraan ay napupuna tulad ng ayos ng kurbata, tabas ng kuwelyong damit,
bilang ng butones ngtsaleko o amerikana. Nawala sa isipan ni Ibarra ang mga natatakot na hinala ni Mang Tasyo, at ito ay kanyang nasasbi
ngunit tinugon siya nng matanda sa isang aral ni Balagtas na "Kung ang isalubong sa iyong pagdating may masayang mukha’t pakitang gilliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim…siyang isaisip na kakabakahin.

Kabanata XXVII
Sa Pagtakip Salim
Buod
Sa lahat ng may handaan sa pista ng San Diego, isa kay Kapitan Tiyago ang pinakamalaki. Sinadya niyang higtan sa dami ng handa ang mga
taga lalawigan dahil kay Maria at Ibarra na kanyang mamanugangin.Dahil si Ibarra ay pinuri pa ng isang tanyag na diyaryo sa Maynila sa
pagsasabing siya ay bihasa at mayamang kapitalista, Kastilang-Pilipino at iba pa.

Bago pa mang dumating ang talagang pista, ilang araw nang dumarating ang sari-saring inumin at pagkaing galing sa Europa sa tahanan ni
Kapitan Tiyago. Sa pagdating ng Kapitan sa bisperas may pasalubong ito kay Maria na isang agnos na may brilyante at esmeralda at
kapirasong kahoy na mula sa bangka ni San Pedro.

Kalugod-lugod ang pagkikita nina Kapitan Tiyago at Ibarra. May mga ilang kaibigang dalaga si Maria na kinumbidang mamasyal si Ibarra.
Humingi ng pahintulot si Maria sa ama nito at siya ay pinahintulutan naman. Gayunman, nagbilin ang ama na kailangang umuwi bago
maghapunan si Maria sapagkat darating si Padre Damaso. Mahigpit na inanyayahan naman ni Kapitan Tiyago si Ibarra na sa kanilang tahanan
na siya maghapunan. Pero, nagdahilan si Ibarra na mayroon siyang hinihintay na bisita.

Pumanaog na ng bahay si Ibarra kasunod ang mga dalaga. Si Maria ay napagitna kina Iday at Victoria at naglalakad siyang kasunod si Tiya
Isabel. Siyang-siya si Maria sapagkat nakadama siya ng kalayaan sa labas ng kumbento. Ang mga naglalakad ay napatapat sa bahay ni
Simang. Nanaog kaagad ito at sila ay inimbitang pumanhik muna. May bumati kay Ibarra kay at pinuri naman si Maria. Nakita ni Ibarra si
Kapitan Basilio, na naging kaibigan at tagapagtanggol niya na sumama ito sa kanya kinagabihan. Sinabi niyang maglalagay ng isang munting
bangka sa monte si Padre Damaso. Napangiti lamang si Ibarra. Hindi masigurado kung ano ang ipinahihiwatig ng ngiting yaon, kung oo, o
hindi.

Nakarating sila sa liwasang bayan. Nakita nila ang isang ketongin na nakasalakot at umaawit sa saliw ng kanyang gitara. Pinandidirihan at
nilalayuan siya ng mga tao sapagkat natatakot silang mahawa ng sakit nito. Ang ketongin ay pinarusahan ng maraming palo dahil lamang sa
pagliligtas niya sa isang nahulog sa mababaw na kanal.

Pagkakita ni Maria sa ketongin, sinagilahan siya ng pagkahabag. Kinuha ni Maria ang suot na agnos at nilagay sa bakol ng ketongin, sa
pagtataka ng kanyang mga kasama. Kinuha ng ketongin ang agnos sa bakol at ito ay kanyang hinagkan. Sumunod ay lumuhod ito sa sa may
harap ni Maria at isinubsob ang ulo at hinagkan ang mga bakas ng yapak ni Maria. Nagtakip ng mukha si Maria at pinahid ng panyo ang
lubhang namamalisbis sa mukha.

Kamukat- mukat ay biglang lumapit ang baliw na si Sisa at hinawakan sa bisig ang ketongin. Ipinatanaw ni Sisa sa ketongin ang ilaw sa
kampanaryo at sinabing naruroon ang anak niyang si Basilio na bumababa sa lubid. Itinuro rin niya ang ilaw sa kumbento at sinabing
nandoroon naman ang anak niyang si Crispin. Binitiwan ni Sisa ang ketongin at umalis na kumakanta. Umalis na rin ang ketongin na dala ang
bakol.

Sa gayong pangyayari, naibulong na lamang ni Maria na mayroon palang mga taong kulang-palad.

Kabanata XXVIII
Sulatan
Buod
Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista. Ginawa ito upang malaman ng banyaga na interesadong
mabatid ang mga pamamaraan ng pagdaraos ng pista ng mga Pilipino. Nakasaad sa dyaryo na walng makakatulad sa karangyaan ng pista ng
pinangangasiwaaan ng mga paring pransiskano, pagdalo ni Padre Hermando Sybila, mga kakilala at mamamayang Kastila at ginoo ng
gabinete, Batanggas at Maynila.

Kabilang din sa balita ang pagkakaroon ng dalawang banda ng musiko noong bisperas ng pista. Ang pagsundo ng maraming tao at at mga
makapangyarihan sa kura sa kumbento; ang paghahanda ng hapunan ng Hermana Mayor at at ang pagtungo sa tahanan ng madasaling si
Don Santiago De los Santos upang kaunin si Parde Salvi at Padre Damaso Verdolagas.

Nasabi din sa dyaryo ang pag-ganap sa sa dula ng mga balitang artistang sina Ratia Carvajal at Fernandez na kapwa hinahangaan ng lahat
pero dahil sa kastila ang kanilang usapan, ang marurunong lamang ng espanyol ang mga nakakaintindi sa palabas. Higit na nasiyahan ang
mga Pilipino sa komedyang tagalog. Ang hindi pag dalo ni Ibarra naman ay ipinagtaka ng lahat.

Alas once ng umaga, kinabukasan, idinaos ng birhen ang prusisyon ng birhen de la Paz. Dumaan ito sa paligid ng simbahan, na kasama ang
karong pilak nina Santo Domingo at San Diego. Isinunod naman kaagad ang misa kantada sa saliw ng orkestra at awit ng mga artista pag
nagkatapos ng . Siyang-siya ang lahat sa sermon ni Padre Manuel Martin. Nagkaroon din ng sayawan at ang pinakamaringal ay ang pagsayaw
ni Kapitan Tiyago. Ang nakita kay Maria na nakasuot mestisa at nagniningning sa brilyante ay humanga sa ganda.
Isang liham naman ni Kapitan Aristorenas kay Luis Chiquito ang nag-anyaya na ito’y dumalo sa pista upang makipasya at makipag-laro ng
monte sa mga batikan tahur na sina Kapitan Tiyago, Pari damaso, Kapitan Juaquin, Kabesang Manuel at ang konsul. 

Samantala, Tumanggap din ng lihan si Ibarra na dinala ni Andeng. Anang liham:

Crisostomo:

Ilan araw na ng hindi tayo nagkita. Ikaw raw ay may sakit, kaya’t ipinagdasal kita at ipinagtulos ng kandila kahit sinabi ni itay na hindi naman
malubha. Kagabi, pinilit nila akong tumugtog at sumayaw kaya nayamot ako. May ganyan palang mga tao. Kung hindi lang talaga ako
kwinentuhan ni Padre Damaso ay talagang iiwan ko sila.

Ipaabot mo saakin ang kanyang kalagayan at ipapadalaw kita kay Itay.. Ipaubaya mo na kay Andeng ang paglalagay ng iyong tsa, mahusay
siya kaysa sa iyong katulong.

Maria Clara:

Habol:

Ako’y dalawin mo bukas, upang dumalo ako sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. paalam

Kabanata XXIX
Ang Umaga
Buod
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga
paputok.

Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasyo lamang ang hindi
nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga
kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni
Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.

Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang
tumikim ng kanilang inihandang pagkain.

Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi
makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang
nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa
kumbento.

Siya ay pinahiram ng langis sa leeg atdibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na
binati sa alak.

Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa
kapatiran ni San Francisco.
Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na
makikilala ang mayayaman at mahihirap.

Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago
lamang ay si Pari Salve ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Pari Silyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at
tugtuging pangsimbahan.

Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si
Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. SiPadre Salve ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid
na pagkakatayo.

Kabanata XXX
Sa Simbahan
Buod
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng
simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala
ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig
naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan
naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan. 

Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng
limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan
ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Pari Damaso at at Pari Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Pari
Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.

Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.
Kabanata XXXI
Ang Sermon

Buod
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II,
Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong
mabuting espiritu upang silay’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang
pagkauhaw"

Humanga si Pari Sibyla sa pagkabigkas ni Padre Damaso at si Padre Martin ay napalunok ng laway dahil sa alam niyang higit na maagaling
ang pambungad na iyon sa kanyang sariling sermon.

Nagpugay ang ari sa mga nagsimba. Lumingon siya sa likod at itinuro ang pintong malaki. Inakala ng sakristan yaon ay isang pagturo sa
kanya upang isara ang lahat ng mga pintuan. Nagalinlangan anp alperes, iniisip niyang tatayo at aalis na. Ngunit, hindi niya magawa
sapagkat nagsisimula ng magsalita ang predikador.

Sinabi ni pari Damaso na kanyang binitiwan ang mga pananalita ng diyos upang maging kapakikapakinabang na tulad ng isang binhing
umuusbong at lumalaki sa lupain ng banal na si francisco. Hinikayat niya ang mga makasalanan na tularan ang mapagwaging si gideon, ang
matapang na si David, ang mapagtagumpay na si Roldan ng kakkristiyanuhan, ang guwardiya sibil ng langit.

Nakita ni ari Damaso na napakunot – noo ang alperes sa kanyang tinuran. Kung kaya’t sa malakas na tinig, sinabi ni Damaso na "opo,
ginoong Alperes, higit na matapang at makapangyarihan bgamat walang armas kundi isang krus na kahoy lamang. Natatalo nila ang mga
tulisan ng kadiliman at lahat ng kampon ni Lucifer. Ang mga himalang likhang ito ay tulad ng paglikha kay diego de Alcala."

Ang mga bahaging ito ng sermon ay ipinahayag ni Pari damaso sa wikang Kastila, kaya hindi maiintiihan ng mga Indiyo. Ang tanging
naunawaan ng karamihan ay ang salitang guwardiya sibil, tulisan, San Diego at San Francisco. Umasim din ang muha ng alperes, kaya
inakala ng marami na pinagalitan siya ni Pari Damaso dahil sa hindi pagkakahuli nito sa mga tulisan.

Nang mabanggit naman niya ang tungkol sa patente upang tukuyin ang pagwawalang – bahala ng mga tao sa kasalanan, isang lalaki ang
namumutlang tumindig at nagtago sa kumpiskalan. Nagbebenta kasi siya ng alak at madalas na usigin siya ng mga karabinero dahil sa
hinihingan siya ng patente.

Inaantok ang mga nakikinig. Si Kapitan Tiyago ay napahikab. Samantala, si Maria ay hindi nakikinig sa sermon sapagkat abala siya sa
pagtingin sa kinaroroonan ni Ibarra na malapit lamanng sa kanya. Nang simulan na sa tagalog ang misa, ito ay tumagal ng tumagal.
Lumilisya na si Padri Damaso sa sermon niya sapagkat puro panunumbat, sumpa, at pagtutungayaw ang isinasumbulat niya. Dahil dito,pati si
Ibarra ay nabalisa lalo nang turulin ng pari ang tungkol sa makasalanang hindi nangungumpisal na namamatay sa bilangguan na walang
sakramento sa simbahan. Hindi rin nakaligtas sa pag-aglahi ng pari ang mga mistisilyong hambog at mapagmataas, mga binatang salbahe at
pilosopo...ang mga parinig na ito ay nadadama ni Ibarra. Pero, nagsawalang kibo na lamang siya.

Naging kabagot-bagot na ang sermon, kung kaya nagpakuliling na si pari Salvi upang huminto na si Damaso. Pero, sumabak pa rin sa
pagsasalita ng may kalahating oras. Habang isinasagawa ang misa, isang lalaki (ito ay si Elias) ang lumapit kay Ibarra at nagbabala tungkol
sa gagawing pagdiriwang sa paaralan. Kailangang maging maingat, anya si Ibarra sa pagbaba sa hukay at huwag lalapit sa bato sapagkat
maari siyang mamamatay. Nakilala ni Ibarra si Elias na kaagad namang umalis.

Kabanata XXXII
Ang Panghugos
Buod

Ipinakita ng taong madilaw kay Nor Juan kung paano niya mapapagalaw ang pampakilos ng kalong ang kanyang itinayo.
Aito ay mayroong walang metro ang taas , nakabaon sa lupa ang apat na haligi. Sa haligi nakasabit ang malalaking lubid kayaq tila
napakatibay ng pagkayari at napakalaki. Ang bandang itaas naman ay mayroong banderang iba-iba ang kulay.

Tinignang mabuti ni Nor Juan kung paano ittinaas at ibinababa ang batong malaki na siyang ilalapat sa ilalim sa pamamagitan ng pag-aayos
ng kahit isang tao lamang. Hangganghanga si Juan sa taong madilaw. Nagbubulungan sa pagpuri ang mga taong nasa paligid nila.

Sinabi ng taong madilaw kay Nor Juan na natutuhan niya ang paggawa ng makinarya kay Don Saturnino na nuno ni Don Crisistomo. Ito pa
anya ay maraming nalalaman. Hindi marunong mamalo at magbilad sa araw ang kanyang mga tauhan;marunong ding gumising ng mga
natutulog at magpatulog ng gising.

Sa kabilang dako, malakihan ang paghahanda ni Ibarra sa pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay-paaralan. Sa ilalim ng maraming habong
na itinayo ay pawang puno ng pagkain at inumin aalmusalin ng mga panauhing isa-isang sinudo ng mga banda at musiko. Ang mga
naghanda sa almusal ay mga guro at mag-aaral.

Nagsimulang magbasbas si Pari Salvi sa pamamagitan ng pagbibihis ng damit na pang-okasyon. Ang mga mahahalagang kasulatan naman
pati na ang mga medalya, salaping pilak at relikya ay inilulan na sa isang kahang bakal. Ang kahang bakalay ipinasok naman sa bumbong na
yari sa tingga.

Hindi kumukurap si Elias sa pagkakatitig sa taong madilaw na siyang may hawak ng lubid. Ang lubid ay nakatali naman sa isang kalo na
magtataas at magbaba ng batogn na ilalapat sa nakatayong bato sa ibaba. May uka sa gitna ang bato, Sa ukang ito ilalagay ang bumbong na
tingga.

Bago simulan ang pagpapalitada, nagtalumpati muna sa wikang Kastila ang alkalde. Pagdaka’y isa-isa ng bumaba ang kura, mga prayle ,
mga kawani, ilang mayayamang bisita at Kapitan Tiyago para sa pasinaya. Dahil sa biro nio Kapitan Tiyago at amuki ng alkalde, napilitan ding
bumaba si Ibarra. Hustong nasa ibaba ito, nang bigla na lamang humalagpos ang lubid sa kalo. Nagiba ang buong balangkas at umalumbukay
ang makapal na alikabok. Nang mapawi ang usok, si Ibarra ay nakitang nakatayo sa pagitan ng bumagsak na kalo at ng batongbuhay.

Ang taong madilaw ay tinanghal na isang bangkay. Ito’y natabunan ng mga biga na nasa paanan ni Ibarra. Gusto ng alkalde na ipahuli ang
nangasiwa sa pagpapagawa, na walang iba kundi si Nor Juan. Pero, nakiusap si Iabarra na siya na ang bahala sa lahat. Makaraang
ipagtanong niya si Maria, kaagad na umuwi si Ibarra upang magpalit ng damit.

Isa si Pilosopong Tasyo sa nakasaksi sa maganap na pangyayari. Yaon daw ay isang masamang simula.

Kabanata XXXIII
Malayang Kaisipan
Buod
Panauhin ni Ibarra si Elias. Hiningi ni Elias sa binata na ipaglihim nito ang pagbibigay niya ng babala sa kanya. Isapa, si Elias ay nagbabayad
lamang ng utang na loob sa kanya. Ipinaliwanag din niya na dapat pa ring mag-ingat si Ibarra sapaglkat sa lahat ng dako ito ay mayruong
kaaway." Batas ng buhay ang di pagkakasundo. Lahat tayo’y may kalaban, mula sa pinakamaliit na kulisap hanggang sa tao; mula sa
pinakadukha hanggang sa lalong mayaman at makapangyarihan," pagdidiin pa ni Elias.

Ang mga kaaway ni Ibarra ay naglilipana sa halos lahat ng lugar, dahil sa kanyang mga ninuno at ama na nagkaroon don ng mga kagalit,
dahil na rin sa kanyang balak na pagpapatayo ng paaralan. Isa sa mga kaaway ni Ibarra ay ang taong madilaw. Umano’y narinig ni Elias ang
taong madilaw ng sinundang gabi nakikipag-usap sa di kilalang tao at sinabing "hindi kakanin ng isda ang isang ito (Ibarra) tulad ng kanyang
ama, makikita ninyo."

Ang ganitong natuklasan ni Elias ay kanyang ikinabahala sapagkat kahit na ipinagmamalaki ng taong madilaw ang kaalaman sa trabaho.
Hindi ito humingi ng mataas na sahod ng magprisinta kay Nor Juan. Binanggit ni Ibarra na nanghihinayang sa pagkamatay ng taong dilaw
sapagkat marami pa sanang mababatid 'buhat sa kanya. Pero, ikinatwiran ni Elias na maski na mabuhay ang taong madilaw inakala niyang
matatakasan ang pag-uusig ng bulag na hukuman ng tao. Subalit sa kamatayan ng Diyos ang humatol at naging hukom.

Sinikap ni Ibarra na tuklasin ang tunay na pagkatao ni Elias, kung ito ay nakapag-aral o hindi. Ang sagot ni Elias ay: Napilitan akong
maniwalang lubos sa Diyos sapagkat nawalan na ako ng tiwala sa Diyos. Alam ni Elias na marami pa ang mga taong gustong kumausap kay
Ibarra kaya nagpaalam na ito. Pero, nangako siyang anumang oras na kailangan siya ay babalik siya sapagkat mayroon pa siyang tinatanaw
na utang na loob kay Ibarra. 

Kabanata XXXIV
Ang Pananghalian
Buod
Ang mga kilalang tao sa San Diego ay magkaharap na nanananghalian sa isang malaking hapag. Nakaluklok sa magkabilang dulo ng mesa
sina Ibarra at ang alkalde. Nasa bandang kanan ni Ibarra si Maria at nasa kaliwa naman ang eskribano. Sa magkabilang panig naman
nakaluklok sina Kapitan Tiyago, kapitan ng bayan, mga prayle, kawani at kaibigang dalaga ni Maria. Ganadong kumain ang lahat ng
makatanggap ng telegrama sina Kapitan Tiyago, siya’y kaagad na umalis. Darating ang Kapitan Heneral at magiging panauhin ni Kapitan
Tiyago sa kanyang bahay.

Hindi nasasabi sa kable, kung ilang araw na mananatili ang Kapitan Heneral sapagkat ito umano ay mahilig sa bagay-bagay na kataka-taka.
Kung saan napasuot ang usapan ng mga kumakain. Ang hindi pag-imik ni Pari Salvi, ang hindi pagdating ni Padre Damaso, kawalan ng
kaalaman ng mga magbubukid ng kobyertos at kung anong kurso ang ipapakuha nila sa kanilang mga anak.

Patapos na ang tanghalian nang dumating si Padre Damaso. Lahat bumati sa kanya, maliban kay Ibarra. Umiinit na ang usapan noon
sapagkat nagsisimula ng ilagay ang mga tsampan sa kopa. Nahalata ng alkalde na panay ang pasaring ni Pari Damaso kay Ibarra. Sinikap na
ibahin nito ang usapan, pero patuloy ang pari sa pagsasaring. Walang kibo na lamang si Ibarra. Pero, nang ungkatin ni Pari Damaso ang
tungklol sa pagkamatay ng ama ni Ibarrang may kasamang pag-aglahi. Sumulak ang dugo ni Ibarra. Biglang dinaluhong niya si Pari Damaso
at sasaksakin nito sa dibdib. Pero, pinigilan siya ni Maria. Gulo ang isip ni Ibarra na umalis at iniwan ang mga kasalo sa pananghalian. 

Kabanata XXXV
Mga Usap-usapan
Buod
Ang mga pangyayaring namagitan kina Ibarra at Padre Damaso ay madaling kumalat sa buong San Diego. Sa mga usapan, hindi matukoy
kung sino ang may katwiran sa dalawa. Nagkakaisa ang lahat na kung naging matinpi si Ibarra, hindi sana nangyari ang gayon. Pero,
ikinatwiran ni Kapitan Martin na walang makapigil kay Ibarra sapagkat wala itong kinatatakutang awtoridad. Handa ang binata na dungisan
ang kamay nito sa sinumang lumapastanganan sa kanyang ama. Dahil sa maagap na pagsansala ng kanyang itinanggi at minamahal na si
Maria. Kaya, hindi niya itiniloy ang balak na kitlan hininga si Padre Damaso.

Ipinapalagay naman ni Don Filipo na hinihintay daw ni Ibarra na tulungan siya sa taumbayan bilang pagtanaw ng utang na loob sa kabutihang
nagawa niya at ng kanyang ama. Nanindigan naman ang kapitan ng bayan na wala silang magagawa sapagkat laging nasa katwiran ang mga
prayle. Ang ganito, anang Don Filipo ay nangyayari sapagkat hindi nagkakaisa at watak-watak ang mga taumbayan samantalang ang mga
prayle at mayayaman ay nagkakabuklod-buklod.

Sa kabilang dako, karamihan naman sa mga babae ay takot na mawalay sa grasya ng simbahan. Tanging si Kapitana Maria lamang at pumili
kay Ibarra at sinabing karangalan niya ang magkaroon ng anak na magtatangol at mangangalaga sa sagradong alaala ng yumaong ama.
Sakmal naman ng matinding pagkatakot ang mga magsasaka na hindi matuloy ang pagpapatayo ng paaralan sapagkat bawa’t isa sa kanila
ay naghahangad ng anak na makatapos ng pag-aaral. May nagsabing hindi na matutuloy ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat tinawag na
pilibustero ng prayle si Ibarra. Hindi naman maintindihan ng mga magsasaka ang kahulugan ng Pilibustero. 

Kabanata XXXVI
Ang Unang Suliranin
Buod
Isang malaking gulo ang nangyayari sa bahay ni Tiyago dahil sa hindi inaasahang pagdating ng Kapitan-Heneral. Si Maria ay panay ang
pagtangis at hindi pinakikinggan ang payo ng kanyang ale at ni Andeng. Paano nga, pinagbawalan si Maria ng kanyang ama na makipag-usap
kay Ibarra habang hindi pa inaalis ang eskomonyon sa binata.

Saglit na umalis si Kapitan Tiyago sapagkat pinapupunta ito sa kumbento. Pinatuloy na inaalo naman ni Tiya Isabel si Maria sa pagsasabing
susulat sila sa Papa at magbibigay ng malaking limos. Madali namang mapapatawad si Ibarra sapagkat nawalan lamang ng ulirat si Padre
Damaso. Si Andeng ay nagboluntaryong gagawa ng paraan para magkausap ang magkasintahan.

Nasa gayon silang pag-uusap nang bumalik si Kapitan Tiyago. Sinabi nito na inutusan siya ng pari na sirain ang kasunduan ng pag-iisang
dibdib ng magkasintahan. Si Pari Sibyla ay nagsabi naman na huwag tanggapin si Ibarra sa kanyang tahanan at ang utang ni Kapitan Tiyago
na P50,000 sa binata ay huwag ng pabayaran kundi mawawala ang kanyan buhay at kaluluwa.

Inalo ni Kapitan Tiyago si Maria sa pagsasabing ang ina raw nito ay nakita lamang niyang umiyak nang ito’y naglilihi. Isa pa, anito, may
kamag-anak si Padre Damaso sa nakatakdang dumating mula sa Europa at siyang inilalaan ng maging panibagong katipan ni Maria. Sindak
ang mga kausap ni Kapitanlalo na si Maria na napailing lamang, umiiyak at tinakpan ang mga taynga. Pati si Isabel ay nagalit at sinabihan
ang Kapitan na ang pagpapalit ng katipan ay hindi parang nagpapalit lamang ng baro.

Dahil kaibigan ni Kapitan Tiyago ang Arsobispo. Iminungkahi ni Tiya Isabel na sulatan ito. Pero, sinabi ng Kapitan na mawawalang kabuluhan
lamang sapagkat ang arsobispo ay isang prayle rin at walang ibang paunlakan kundi ang mga kapwa prayle. Pagkarrang pagsabihan ng
Kapitan si Maria na tumigil na ito sa kangangalngal at baka mamugto ang mga mata. Hinarap na niya ang paghahanda sa bahay.

Pamaya-maya dumating na nga ang Kapitan-Heneral. Ang buong kabahayan ni Kapitan Tiyago ay nagsimula ng mapuno ng mga tao. Si Maria
naman ay tumakbo sa silid at nagdasal sa Mahal na Birhen. Nasa ganito siyang kalagayan ng pumasok ang kanyang Tiya Isabel at sinabing
gusto siyang makausap ng Kapitan-Heneral. Mabigat man sa loob ay unti-unti na siyang nag-ayos ng katawan. 

Kabanata XXXVII
Ang Kapitan-Heneral
Buod
Pagkadating ng Kapitan-Heneral, ipinahanap niya kaagad si Ibarra. Samantala, kinausap muna niya ang binatang Taga-Maynila na
nagkamaling lumabas habang nagsesermon sa misa si Padre Damaso. Ang paglabas ng binata sa simbahan ay ikinagalit ni Damaso.
Namumutla at nginig ang buong katawan ng binata ng pumasok siyang kausapin ng Heneral. Ngunit, ng lumabas na ito, nakangiti na siya. Ito
ay tanda ng mabuting ugali ng Kapitan-Heneral;. Mayroon siyang panahon basta sa katarungan.

Pagkalabas ng binata, ipinapasok na ng kagawad ang mga reverencia na sina Pari Sibyla,Pari Martin,Pari Salvi at iba pang mga prayle.
Yumuko ang mga ito at nagbigay galang sa Heneral…Dahil hindi kasama si Padre Damaso, hinanap siya ng heneral. Sinabi nina Pari Sybila at
Pari Salvi na may sakit ang hinahanap. Ang sumunod na nagbigay galang sa heneral ay sina kapitan tiyago at Maria.

Pinapurihan ng Heneral si Maria dahil sa ginawa nito sa pananghalian. Kung hindi dahil sa kanya , maaring nautas na si Ibarra si Padre
Damaso. Sinabi ng Heneral na kailangang tumanggap ng gantimpala si Maria na kagyat namang tumutol.

Smantala, ipinahayag ng kagawad na dumating na si Ibarra at nakahanda na siyang humarap sa Heneral. Napansin ng Heneral na medyo
nabalisa si Maria, Kaya sinabi niyang nais itong makaharap bago umaalis patungong Espanya. Sinabi naman niya sa alkalde na samahan siya
nito sa paglilibot.

Hindi matiis ni Pari Salvi na ipaalala sa Heneral na si Ibarra ay excomulgado. Pero,hindi siya pinapansin nito at sa halip sinabi ng Heneral na
ipaabot kay Padre Damaso ang pangangamusata na gumaling ito kaagad. Napamaang ang mga reverencia at sabay sabay na nagpaalam.
Nakasalubong nila ang pagpanaog ni Ibarra. Ngunit hindi sila nagkakibuan. Mata lamang ang nag-usap.

Pagkakita ng Henaral kay Ibarra mabilis niya itong kinamayan at sinabing tama lang ang kanyang ginawa lalo na ang ginawang pagtatanggol
sa ala-ala ng ama. Tiniyak niya na kakausapin ang arsobispo tungkol sa pagkakaexcumulgado ni Ibarra.

Sa pagkukuwento, lumitaw na nagkapalad si Ibarra na makatagpo ang pamilya ng kapitan Heneral noong siya nagpunta sa Madrid. Tinanong
ng Heneral kung wala man lang liham na tagubiling dala si Ibarra para sa kanya. Hindi na kailangan ito, ani Ibarra sapagkat lahat daw ng
mga Pilipino ay tinagubilin sa Heneral. Sa pagpapahayag ni Ibarra ng kanyang sariling pananaw sa buhay, nagpamuni ng Heneral na matalino
ang binata. Inamuki niya itong ipagbili ang lahat lahat na ari-arian at sumama na sa kanya sa Espanya sapagkat hindi nababagay ang
kanyang kaisipan sa Pilipinas. Pero,sinasabi ni Ibarra na higit na matamis ang mamuhay sa bayang sinilangan at pinamuhayan din ng mga
magulang nito.

Pinahalagahan ng Heneral ang paninindigan ni Ibarrasapagkat inaakala niyang higit nga niyang kilala ang Pilipinas kaysa sa kanya. Nang
maalala niya si Maria, sinabi ng Heneral kay Ibarra na puntahan na niya ang kanyang kasintahan at itagubilinang paparoonin sa kanya si
kapitan tiyago.Ipinagugunita niya kay Ibarra na samahan siya sa pamamasyal. Tumango si Ibarr at umalis na. Kapagdaka,tinawag ng Heneral
ang mga kagawad at sumunod ang alkalde. Sinabihan ng Heneral ang alkalde na hindi na kailangang maulit pa ang naganap na pananghalian
at ibigay ang lahat ng kaluwagan kay Ibarra sa pagsasakatuparan ng kanyang mga mabubuting layunin. Huwag ding pakialaman si Ibarra,
mariing pautos pa ng Heneral.

Tumango ang Alkalde sa tinuran ng Heneral. Nangako siyang pangangalagaan din ang kaligtasan ni Ibarra. Nang dumating si tiyago kaagad
na binati siya ng Heneral dahil sa pagkakaroon ng kapuri-puring anak at marangal na manunungangin.Nagprisinta pa ang Heneral na maging
ninong sa kasal. 

Samantala, kaagad na hinanap ni Ibarra sa Maria. Kumatok siya sa silid ni Maria sapagkat naririnig niya ang boses nito. Pero, hindi binuksan
ang pinto at sa halip ay si Sinang ang sumilip. Sinabi ni Sinang na isulat na lamang ni Ibarra ang sasabihin sapagkat papunta sila sa dulaan.
Nagtaka si Ibarra.

Kabanata XXXVIII
Ang Prusisyon
Buod
Ang nakakatulig na paputok at sunod-sunod na pagdupikal ng mga batingaw ay nagbabadyang inilabas na ang prusisyon. Ang mga binata na
halos lahat ay mayroong dalang sinding parol. Kasamang naglalakad ni Kapitan Heneral ang mga kagawad, si Kapitan Tiyago, ang alkalde,
ang alperes at si Ibarra at patungo sa bahay ng kapitan. Nagpatayo ang kapitan ng isang kubol sa harap ng kanyang bahay upang pagdausan
ng pagbigas ng tulang papuri o loa sa pintakasi ng bayan. Kung hindi lamang sa imbitasyon ng Kapitan Heneral, mas gusto ni Ibarra na
manatili na lamang sa tahanan ni Kapitan Tiyago upang makasama niya si Maria.

Nangunguna sa prusisyon ang taltong sakristan na may hawak na mga seryales na pilak. Kasunod nila ang mga guro, mag-aaral at mga
batang may dala-dalang parol na papel. Ang mga agwasil at tinitini naman ay may dalang mga pamalo upang gamitin sa sinumang maniksik
o humiwalay sa hanay. Mayroon din silang kasama na namimigay ng libreng kandila para gamiting pang-ilaw sa prusisyon.

Ang mga santong pinuprusisyon ay pinangungunahan ni San Juan Bautista. Sumunod si San Francisco, Santa Maria Magdalena, San Diego De
Alcala at ang pinakahuli ay ang Mahal na Birhen. Ang karo ni San Diego ay hinihila ng anim na Hermano Tercero.

Inihinto ang mga karo at andas ng mga santo sa tapat ng kubol sa pagdadarausan ng loa. Mula sa tabing may isang batang lalaking may
pakpak, nakabotang pangabayo, nakabanda at may bigkis ang lumabas. Pagkatapos na bumigkas ng papuri ang bata sa wikang Latin, Kastila
at Tagalog ay pinagpatuloy ang prusisyon hanggang sa mapatapat sa bahay ni Kapitan Tiyago. Ang lahat ay natigilan sa magandang pag-awit
ni Maria Claria ng Ave Maria ni Gounod sa saliw ng kanyang sariling piyano. Kung napatigil si Padre Salvi sa ganda ng tinig ni Maria Clara.
Higit na nakadama ng kalungkutan si Ibarra. Nadarama niya ang mensahe ng tinig ng kasiphayuan ng kasintahan. Saglot na naputol ang
pagmuni-muni ni Ibarra nang palalahanan siya ng kaptian Heneral tungkol sa imbitasyon nitong makasalo sa pagkain upang pag-usapan ang
pagkawala nina Basilio at Crispin.

Kabanata XXXIX
Si Donya Consolacion
Buod
Kahit na napatapat ang prusisyon sa bhay ni Donya Consolacion ay pinid na pinid. Nang umagang iyon, ang asawa na alperes at paraluman
ng mga guwardiya sibil ay hindi nakapagsimba. Paano hindi siya pinayagang lumabas ng kanyang asawa. Ikinahihiya ng alperes ang katawa-
tawang pagdadamit nito. Ang kanya namang amoy katulad ng kalaguyo ng mga guwardiya sibil. Pero, para sa sarili ni Donya Consolacion siya
ay higit pa ngang maganda kaysa kay Maria Clara.’

Ang ipinagpuputok pa ng damdamin ng Donya bukod sa siya ay hindi pinayagang lumabas ng bahay ay ang pangyayaring sobra kung
alipustain at murahin siya ng alperes. Suklam na suklam ang Donya at iniisip kung paano makapaghiganti. Ang pagdili-dili niya ay
nakapagbigay sa kanyang ng ibayong ngitngit.

Nang araw ngang iyon, bago dumaan ang prusisyon, ipinasara niya sa bantay ang lahat ng mga bintana at nagpasindi pa ng ilaw. Inutusan
din nitong huwag magpapasok maski sinuman. Pinakandado niyang mabuti pati pintuan. Habang nag-iisip ang Donya narinig niyang umaawit
si Sisa na dalawang araw ng nakukulong sa kwartel. Pinapaakyat ng Donya si Sisa upang pakantahin. Palibhasa, sa wikang kastila ang utos
ng Donya, hindi ito maunawaan ni Sisa. Isa pa hindi matino ang isip, isa na siyang baliw.

Kinuha ng Donya ang latigo ng alperes at muling inutos na kumanta si Sisa. Pero, hindi sumunod si Sisa. Dahil dito, inutusan ng Donya ang
sundalo na sabihin kay Sisa ang gusto nitong mangyari. Kumanta si Sisa ng Kundiman ng Gabi. Ang awit ay tumalab sa damdamin ng Donya
at nakapagsalita ng Tagalog. Napamaang ang sundalo, hindi niya sukat akalain na marunong ng Tagalog ang Donya. Napansin ng Donya ang
pagkamaang ng kawal, kaya galit na pinaalis ito. Binalingan ng Donya si Sisa at sa pilipit na pangangastila ay inutusan itong magbaile o
sumayaw.

Nang hindi sumunod si Sisa, pinalo niya ito sa binti at paa. Nabuwal si Sisa at nagisi ang manipis nitong damit kasabay ng paglabas ng dugo
mula sa nabakbak na sugat. Nasisiyahan ang Donya sa gayong tanawin. Ang kanyang galit ay naibunton niya kay Sisa.

Hindi napansin ng Donya ang pagdating ng alperes na pasikad na binuksan ang nakasarang pintuan. Pagkakita ng alperes kay Sisa,
sinagilahan ito ng pangangatal ng katawan sa galit at namutla. Bumalasik ang kanyang mukha. Ngunit, parang walang anuman ito sa Donya.
Tinanong pa niya ang alperes kung bakit hindi man lang daw bumati ito sa kanya. Hindi sumagot ang alperes. Inutusan niya ang bantay na
bigyan ng damit at pagkain si Sisa. Kailangang gamutin din ang mga sugat nito, bigyan ng magandang higaan at huwag lalapastanganin. Ang
dahilan si Sisa ay nakatakdang ihatid sa tahanan ni Ibarra kinabukasan din.

Sa kabilang dako, kung magkaroon man ng kagaspangan ng ugali si Donya Consolacion yaon ay bunga ng kanyang kawalan ng sapat na
edukasyon. Siya ay dating labandera lamang ng mga sundalo na mapangasawa niya ang alperes na nuon ay isa lamang kabo. Ito ang dahilan
kung may plastik na pag-uugali. Pilit siyang nag-aastang may pinag-aralan, marunong ng kastila at may ugaling Europeo.

Kabanata XL
Ang Karapatan at Lakas
Buod
Mag-iikasampu na ng gabi ng paisa-isang sindihan ang mga kuwitis. Ang huling pailaw ay parang bulkan habang ang daan ay naliliwanagan
ng ‘luces de Bengala’ na siyang nagsisilbing ilaw sa mga taong naglalakad patungo sa liwasang bayan.

Malaki ang entabladong pagdarausan ng dula. Ang nangasiwa sa palabas ay ang Tinienti Mayor na si Don Filipo sapagkat ang Kapitan ay nasa
sugalan. Kausap ng Tiniente si Pilosopong Tasyo at nakasentro ang kanilang pag-uusap na nagbibitaw na ang Don sa kanyang tungkulin.
Danga’t nalamang hindi tinanggap ng alkalde ang pagbibitiw nito. Saglit naputol ang pag-uusap ng dalawa ng dumating si Maria Clara kasama
ang mga kaibigan. Kasunod nilang dumating ang kura at ilang kastila. Isa-isa silang inihatid sa upuan ng tiniente.

Nagsimula na ang palabas sa pamamagitan ng tambalang tinig nina Chananay at Marianito ng ‘Crispino dela Comare’. Ang pansin ng lahat ay
nasa entablado maliban kay Pari Salvi na walang kurap na nakatitig kay Maria Clara.

Taposna na ang unang bahagi ng dula nang pumasok si Ibarra. Umugong ang bulungan, pero hindi ito pinansin ni Ibarra. Malugod na binati
niya ang kasintahan at ang mga kasama nito. Tumindig si Pari Salvi o ang Kura at hiniling kay Don Filipo na paalisin si Ibarra. Ngunit, hindi
sumunod ang Don at sinabing hindi niya magagawa ang gayon sapagkat nag-abuloy ng malaki si Ibarra. Isa pa, anang Don hindi siya
natatakot sa gagawin ng kura sapagkat maghapong kau-kausap ng Kapitan Heneralat ng Alkalde ng lalawigan si Ibarra. Kaya, wala itong
dapat ipangamba. Napilitan umalis ang Kura at ang mga kasama nito. May ilang tao na lumapit kay Ibarra at sinabing huwag pansinin ang
paglisan ng kura, sapagkat ang mga ito ang nagsasabing si Ibarra ay eskumulgaldo. Dahil dito, naitanong ni Ibarra na sila ay nasa panahon
pa ng edad Media.

Nilapitan ni Ibarra ang mga dalaga at nagpaalam na ilang sandali siyang mawawala sapagkat mayroong nalimutang tipanan. Pinigilan siya ni
Sinang subalit nangako si Ibarra na babakik na lamang siya. Papalabas na si Yeyeng upang sumayaw, nang lumapit ang dalawang sibil kay
Don Filipo at ipinatitigil ang palabas dahil hindi raw makatulog sa ingay ang alperes at si Donya Consolacion. Pero, hindi pinagbigyan ang
kahilingan ng mga sibil at natapos na ang dula. Pero, bigla na lang nagkagulo.

May dalawang sibil na hinagad ang mga musikero upang pigilin ang palabas pero ang mga ito ay nahuli ng mga kuwadrilyero na katulong ni
Don Filipo. Tiyempo namang nakabalik na si Ibarra. Kaagad na hinanap niya si Maria. Kumapit na sa bisig ni Ibarra ang mga nasindakna
dalaga. Walang tigil naman sa kauusal ng letania sa latin si Tiya Isabel. Ang mga sibil na inihatid ng mga kuwaddrilyero sa tribunal ay
pinagbabato ng mga tao. May mga pulutong ng mga kalalakihan na nagbabalak ng masama sa mga sibil. Pero, pinakiusapan sila ni Don Filipo
na huwag ng palalain pa ang pangyayari. Ngunit, hindi siya pinansin. Kaya kay Ibarra siys nakiusap. Sinabi ng binata na wala siyang
magagawa. Pinakiusap ni Ibarra si Elias na puntahan ang mga kalalakihang nagbabalak ng masama. Napahinuhod naman ng piloto ang mga
lalaki na huwag ng ituloy ang kanilang mga binabalak. Isa-isa ng nagsialisan ang mga tao.

Mula naman sa kinaroroonan ni Pari Salvi, nakita niya ang buong pangyayari sa liwasan. Dumating din ang kanyang utusan na nagbalita rin
tungkol sa nangyaring kaguluhan.

Bigla na lamang nakita ni Pari Salvi sa kanyang pangitain na si Mari Clara ay walang malay-tao, pangko ni Ibarra at nawala sila sa kadiliman.
Halos nagkandahulog siyang bumaba sa kumbento at nagtuloy sa liwasan. Ngunit, wala ng tao. Binubulyawan siya ng mga kastila, pero hindi
niya alumana. Mabilis na tinungo niya ang bahay ni Kapitan Tiyago. Sa nakapinid na durungawan nabanaagan niya ang mga anino nina Maria
Clara at Tiya Isabel. Ang pagkabahala sa dibdib ng pari ay unti-unting nawala. Ligtas sa kapahamakan si Maria. Bumalik na sa kumbento si
Pari Salvi.

You might also like