Professional Documents
Culture Documents
Sa burol ay parang karnabal uli. Pero mas malala. Di malaman kung sino ang mas may
sakrt, ang mga nakaratay sa tolda, o ang mga nagbabangag sa tabing daan, o ang mga
nakikipaghilahan na customers. Paikut-ikot si Aling Pising, kasingdusing pa rin noon
pero wala nang kargang anak. Nagbebenta uli ng benditadong tubig si Mrs. Alba at ang
Siyete Apostoles. Nagmamando si Baldo sa pila ng mga pasyenteng ayaw makinig.
Hinahampas ng init ng araw lahat ng tao pero walang umaalis. Nakalutang sa hangin ang
mga problema at dasal.
MAYOR: (Lalapit sa Chief of Police.) Chief, hulihin mo ang sinumang magsalita laban
sa Diyos, sa gobyerno, o sa akin.
Tatango ang Chief of Police. May hihintong Mercedes Benz at mapapatingin lahat.
Bababa ang isang lalaking kamukhang-kamukha ni Chua, pinapayungan ng driver,
marami ring alahas sa katawan.
Bababa ng tricycle si Orly. Dala pa rin ang kamera. Makikihalo sa gulo ng mga tao.
Babalikan ni Baldo ang mga pasyenteng nakapila.
BALDO: O, ‘yung mga may sakit, dito lang. O paraanin ‘yan, paraanin! O kayo d’yan,
dito kayo! Lapit!
Sa isang tabi’y magsisiluhuran ang mga tao, magrorosaryo. Kasama sina Lolo Hugo at
Mrs. Gonzales.
Tawanan. Parang walang narinig si Mrs. Gonzales. Gagala si Igmeng Bugaw. May
hinahanap. Mapapangiti at lalapitan ang isang turistang Puti.
Lalapit si Bella. Ngingitian ang turista. Aalis silang tatlo. Magsisigawan uli ang mga tao.
Pinagpapawisan na sila sa init ng araw at kumakalat ang nakakaliyong kabaliwan.
Sa likuran ng entablado sa tabi ng burol ay nagdarasal sina Elsa, Sepa at Aling Saling.
Pinupunasan ni Sepa ng pawis si Elsa. Siya na ang pumallt kay Chayong. Matatapos sila
at walang mga damdamin sa mukhang lalakad papuntang entablado.
Aakyat sl Elsa sa entablado, kasunod si Aling Saling. Lalong magkakagulo ang mga tao,
di na ngayon mapigitan. Magsusuguran ang iba papunta sa unahan, dala-dala ang mga
rosaryo at panyo at istampltang gustong pahawakan kay Elsa, sumisigaw mula sa
kaibuturan ng m\ga kaluluwa nilang desperado. Haharangin sila ng kordon ng mga
pulisat magliliyab ang mga kamera.
ELSA: Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikiing panahon, parang
naranasan natin ang pinaghalong langit at impiyerno.
Nag-aalalang pagmamasdan ni Aling Saling ang mga tao. Taimtim na nakikinig ang mga
ito. Nakatingala kay Elsa sina Mrs. Gonzales, Lolo Hugo at Bino.
ELSA: Maraming sakit ang gumaling, maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng
pananampalataya. Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng
krimen at panloloko.
Patuloy na umiihip ang hangin, idlnuduyan ang buhok at damit ni Elsa, hinahampas ang
malaking imahen ng Birhen. Nakatutok kay Elsa ang tingin ni Aling Saling.
ELSA: Kapag may mabuti namang nangyayari, sinasabi nating ito’y gawa ng langit.
Gawa ng Birhen. Gawa ng himala.
Nakatingin si Sepa.
Bababa ang kamera ni Orly. Titingnan ni Elsa si Aling Saling. Saka haharap uli sa mga
tao.
ELSA: Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao! Nasa puso nating lahat’ Tayo
ang gumagawa ng himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos!
ELSA: Hindi totoong buntis ako dahil sa himala! Hindi totoong nagpakita sa akin ang
Mahal na Birhen! Walang himala! Hindi totoong may himala! Tayo ang gumagawa ng
himala! Tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos! Walang himala!
Sa umpukan ng mga tao’y tataas ang isang kamay na may baril at bago matapos ni Elsa
ang sasabihi’y papailanlang ang isang putok. Pagtama ng bala sa puso ni Elsa’y
awtomatikong mapapataas ang kamay niya, mapapaatras siya, at bago siya matumba’y
magagaya niya ang anyo ng Birheng may sugat na nakita niya noon sa kanyang mga
aparisyon. Masasalo nina Aling Saling at Sepa si Elsa. Kakandungin ni Aling Baling ang
anak.
Isang matinis at nakaiulunos na daing ang aahon mula sa mga tao. Magkakagulo.
Magtatakbuhan lahat papuntang unahan para malaman kung anong nangyayari.
Magkakatapakan, rnagtutulakan. Matutumba ang mga maysakit at magsasamantala ang
mga magnanakaw.
Puprotektahan ni Mrs. Alba ang mga bote niya pero babagsakan siya ng mga ito. Mag-
iiiyak siya. Madadapa si Lolo Hugo at di makakabangon dahil rumaragasa ang mga paa
sa palibot. liwan ng tucistang Puti siBella.
Makiklta ng Mayor ang lalaking may hawak na baril at tatawagin ang Chief of Police.
Pero ayaw magsalita ng lalaki. Panay lang ang tanggap sa mga bugbog na parang patay
na, o kaya’y bangag at wala sa sarili.
Sabay-sabay na hagulhol at tili ang aakyat sa langit. Magsusuguran ang mga tao
papuntang entablado, isinisigaw ang pangalan ni Elsa.
Bubuhatin nina Baldo ang katawan ni Elsa. Parang lumulutang ang katawan ni Elsa sa
dagat ng mga tao habang dinudumog ng mga nagtatangkang makahawak maski man lang
sa laylayan ng damit niya, o manggas niya, humahagulgol na para bang ngayo’y nawala
nang tuluyan lahat nang pag-asa at iayunin sa buhay.
Umiiyak si Mrs. Gonzales, nagpipilit makalapit. Bitbit-bitbit ang isang tsinelas ni Elsa’y
humahagulgol na susunod sa mga tao si Aling Saling.
Magpapatuloy sa paghagulgol ang mga taong naiwan. May mga nakalugmok, may mga
nakaluhod. Pagmamasdan ni Sepa ang lahat, saka itataas niya ang mga kamay.
SEPA: Si Elsa’y isang santa! Namatay siya upang ipaalala sa atin na ang mundo ay
makasalanan! Magbalik tayong lahat sa burol upang ipagdasal ang kanyang kaluluwa!
Kailangang ipagpatuloy natin ang kanyang paniniwala! Itaguyod ang pananampalataya sa
Mahal na BIrhen!
Magsusunuran ang mga tao kay Sepa. Mga paang nagmamadali. Mga pusong umaasa uli.
Sa gitna ng mga nakatumbang kubol, punit na karatula, wasak na mga saklay at umaagos
na dugo’y nakaluhod na aakyat uli sila sa burol, sabay-sabay na nagdarasal.
Patuloy ang sabay-sabay na pagdarasal ng mga tao habang ang screen ay unti-unting
dumidilim.
MGA TAO: Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya … Bukod kang pinagpala sa
babaing lahat…